MAKALIPAS ANG TATLONG TAON
Maraming nagbago mula ng umalis si Maki. Nakakamiss ang team pati sila Haruko, Sasaki at Ayako dahil hindi na kasi naulit pa ang party tulad noon. Kumuha ako ng kursong nursing mula ng makapasa ako sa entrance exam nag tuloy tuloy na kumuha naman ng kursong engineer si Sendoh pinagpatuloy parin nya ang paglalaro ng basketball at ngayon sikat sikat na sya sa buong Japan. Maraming kumukuha sa kanya pero mas pinili nyang mag stay dito kesa pumunta sa ibang bansa. Ang hirap pag sabayin ang pag aaral sobrang hectic ng schedule kaya minsan wala na akong time para sa sarili ko kasi naka focus na ako sa pag aaral parang tulad parin ng dati. Hindi ko parin nakakalimutan si Maki kahit na hindi na sya sumusulat sa akin alam ko naman kasing busy na rin sya katulad ko kaya naiintindihan ko sya. Madalang na kami magkita ni Sendoh kung magkita man kami hindi na tulad ng dati.
"Anak papasok ka na ba?" tanong ni Mama..
"Opo Ma. Hindi na ako kakain kasi malalate na ako." ngiti kong sabi saka humalik sa pisngi ni Mama.
Nagpaalam na ako kay Mama para pumasok. Tulad parin ako ng dati kahit late na naglalakad parin. Naalala ko tuloy si Maki dahil lage syang sumasabay sakin sa daan tapos aasarin at kukulitin nya ako. Isang taon na lang naman at babalik na sya gustong gusto ko na sya makita at makasama. Pag dating ko sa school late na ako kaya galit na galit si Prof sa akin.
"Sorry sir...
"Lage ka na lang late Satomi kundi ka lang nag eexcel sa klase ko matagal na kitang pinagalitan maupo kana...
Natutuwa ako sa Prof kong lalaki kasi may pagka mataray ito pero di naman nya ako masigawan at mapagalitan ng sobra kasi nga naman magaling ako sa klase nya para syang si Maki kaso ang prof ko gwapo at maputi si Maki kasi gwapo na maitim hehehe. Masaya ako sa napili kong kurso at sa school na pinasukan ko kasi hindi mahirap magkaroon ng kaibigan kahit na mga sosyal ang classmate ko.
"Ang gwapo ni Prof hindi ba Satomi." namumulang sabi ni Yuji.
"Gwapo sya kapag nagagalit." natatawang sabe ko na lang.
"Bruha ka wag mong sabihin crush mo yan may Maki kana." sabi ni Faye.
"Gaga hindi ko yan crush hindi ko pagpapalit si Maki kahit na maitim yun." ngiting sabe ko.
Ang dami kong kalokohan nung high school ako pero ngayong college parang hindi parin ako nagmatured dahil may mga kalokohan parin ako ewan ko ba.
"Saan tayo kakain Satomi?" tanong ni Faye..
"Uuwi na ako kailangan ko pa kasi alagaan si Mama alam mo na ulirang anak...
Nagpaalam na ako kay Faye at Yuji para umuwi na. Matanda na ang Mama ko kaya hindi na sya pwedeng mag isa tulad ng dati hindi na rin sya pwedeng mag trabaho ng mabibigat. Mabuti na lang at may maintenance na sya mahal ko ang mama ko dahil dalawa na lang kami sa buhay ayokong pati sya mawala sa akin.
"Koshino." tawag ko...
Nagulat naman si Koshino ng makita ako. Ibang ibang Koshino ang nakikita ko lalo syang pumuti at napaka gwapo rin nya.
"Satomi ikaw pala yan." natutuwang sabi ni Koshino ng makita ako.
"Hindi kita nakilala. Anong course ang kinuha mo?" tanong ko.
"Business administration Ikaw ba?" tanong pabalik ni Koshino..
"Nursing kaya naman pala nakapang office attire ka hehehe...
"May defense kasi kami at good news nakapasa ako." masayang sabi ni Koshino.
"Talaga congrats Koshino eh saan mo naman ako ililibre." birong sabe ko.
"Saan mo ba gusto? lalo kang gumanda Satomi sigurado pag uwi ni Maki hindi kana makikilala nun...
"Binobola mo naman ako Koshino hehehe..
Mature na matured na si Koshino lalo na kung mag salita ito. Kumain kami sa restaurant nila Uozumi pero dahil nasa school pa si Uozumi hindi namin ito nakita.
"Mag kwento ka naman Satomi." sabi ni Koshino habang kumakain kami.
"Alam mo namiss kita Koshino pati ang buong team. Ang dami nag bago mula ng umalis si Maki at mula ng grumaduate tayo.
"Tama ka dyan Satomi busy na nga rin si Fukuda balita ko kumuha sya ng kursong architect pero di pa rin sya tumigil sa paglalaro ng basketball." kwento ni Koshino.
"Talaga wow naman. Kamusta kaya sila Sasaki at Haruko? Si Ayako kasi alam ko nasa ibang bansa na eh magkikita kita pa kaya tayo.
"Wag kana malungkot Satomi balang araw magkikita kita rin tayo malay mo pag uwi ni Maki mag party ulit tayo sa bahay nila hehehe...
Sana nga tama si Koshino na pag uwi ni Maki magkita kita ulit ang buong team. Hindi ko akalain na mag seseryoso sila lahat ibang iba talaga ang high school sa college dahil mas mahirap na path ang tatahakin mo kapag college kana. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na si Koshino dahil may gagawin pa itong project.
Nakaramdam nanaman tuloy ako ng lungkot dahil namimiss ko ang team lalo na si Maki bakit ba lahat sila busy ni wala man lang ako mapuntahan o makausap hindi tulad dati na lageng nandyan si Sendoh para sa akin.
Pagdating ko sa bahay natutulog si Mama. Nagtataka naman ako bakit bukas ang pinto ng gate hindi naman siguro nakalimutan ni Mama isara yun baka mamaya pasukin kami.
"Satomi...
Nagulat ako ng makita si Sendoh at Daila.
"Hindi ko kayo nakilala Ikaw si Daila di ba? yung kapatid ni Fujima?" tanong ko.
"Ako nga Satomi." ngiting sabi ni Daila.
"Kamusta kana? Nga pala kumuha rin ng engineer si Daila pareho kami ng school na pinapasukan ngayon." ngiting sabi ni Sendoh.
"Talaga? pero bakit nga pala nandito kayo?" takang tanong ko.
"Hindi mo alam." sabe ni Sendoh.
"Ang ano?" nagtataka kong tanong dahil wala talaga akong maalala kung anong meron.
"Birthday nya Satomi." sagot ni Daila.
Oo nga pala birthday ni Sendoh ngayon bakit ko ba nakalimutan. Sigurado magtatampo to sakin di pa mandin ako naka bili ng regalo nya. Ang dami ko kasi gingawa this past few days kaya nakalimutan ko.
"Sorry Sendoh nakalimutan ko babawi ako sayo." hinging paumanhin ko.
"Ayos lang Satomi invited ka sa birthday ko hindi ako sure kung lahat makakasama pero sana makapunta ka." ngiting sabi ni Sendoh.
"Daila kayo na ba?" tanong ko..
Hindi sumagot si Daila at tumawa lang si Sendoh. Nahihiwagaan tuloy ako dahil ang alam ko si Nissa ang gusto ni Sendoh pero ngayon si Daila ang kasama nya. Hindi na ako nag tanong pa dahil mukha naman wala silang balak sabihin sakin kung sila na ba o hindi pa..
"Sige pupunta ako mamaya." sagot ko nalang.
"Sige salamat Satomi asahan ko yan alis na kami pupuntahan ko pa kasi sila Mitsui." sabi ni Sendoh saka nagpaalam.
"Anak aalis ka ba?
Napatingin ako ng makitang gising na pala si mama. "Opo ma birthday po kasi ni Sendoh ngayon invited ako. Alam mo ma napaka gwapo lalo ni Sendoh dati wala syang abs at muscle ngayon mapapatulala ka sa ganda ng katawan nya...
Binatukan ako ni Mama sa sinabi ko hindi ko naman alam kung bakit nya ako binatukan eh totoo naman sinasabi ko maganda ang katawan ni Sendoh hindi katulad ng high school kami patpatin pa sya.
"Ikaw may boyfriend kanang bata ka tumitingin ka pa sa katawan ng kaibigan mo." panenermon ni mama sakin.
"Mama naman si Maki parin ang mahal ko at nag iisa sa puso ko. Ang laki lang talaga ng pinagbago ni Sendoh ngayon." paliwanag ko.
"Sige na magbihis kana at ibigay mo ito kay Sendoh pakisabi happy birthday." seryosong sabi ni Mama saka inabot sakin ang kahon.
Hindi ko binuksan ang kahon na binigay ni mama para kay Sendoh pero curious ako kung ano yun. Excited akong lumabas para pumunta na sa bahay nila Sendoh.
Pagdating ko sa bahay nila nakita ko ang team ng Shoyo nandun si Aika at Hanagata, Fujima at Sasaki.
"Satomi." tawag ni Sasaki.
"Bakit parang malungkot ka? wag kana malungkot Satomi isang taon na lang babalik na si Maki mo." ngiting sabi ni Fujima.
"Gusto ko kasi makita lahat ng team kaso malabo yun dahil nasa ibang bansa na si Ikegami at Maki ganun din si Ayako. Sa Shohoku naman hindi ko pa alam kung pupunta sila dahil sabi ni Sendoh hindi daw sure yung iba kung makakarating dahil busy." sabe ko na hindi maitago ang lungkot.
"Ganun talaga Satomi kailangan nilang mag aral ng mabuti hindi na kasi tulad ng high school ang college." sagot ni Hanagata.
"Tama sya Satomi." sang ayon ni Aika.
Dumating ang team ng KAINAN kumpleto sila wala nga lang si Maki. Sumunod na dumating naman sila Sendoh kasama si Koshino at Fukuda hindi ko agad nakilala si Fukuda dahil long hair na ito bunot pa nga kung tawagin ko sya dati ngayon napaka gwapo nya.
"Happy birthday Sendoh." bati ni Fujima.
"Happy birthday Sendoh." bati ng buong team ng KAINAN sabay abot ng regalo kay Sendoh.
"Salamat sa inyo." natutuwang sabi naman ni Sendoh.
"Happy birthday Sendoh." bati ko
"Saan regalo ko?" tanong nya.
"Pwede utang muna hehehe." ngiting sabe ko
"Hindi ka pa rin nagbabago ang dami mo ng utang sakin hehehe salamat Satomi." sabi ni Sendoh at niyakap ako.
"Tama na baka magalit si Maki." sabi ni Kiyota saka kami pinag hiwalay ni Sendoh.
"Mga alagad ni Maki nandito pala." natatawang sabi ni Sendoh.
Dumating naman ang Shohoku at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Long hair na din ang buhok ni Mitsui at ang gwapo nya si Rukawa naman lumaki rin ang katawan nito si Ryota lang ata ang hindi na lumaki pero ang laki din ng katawan nya.
"Nasaan si Sakuragi?" tanong ni Kiyota.
"Nagpa rehab hindi na sya makakapag laro babalik sya kapag gumaling na injury nya." saad ni Ryota.
"Ibang iba kana Mitsui para kang babae." nang aasar na sabi ni Kiyota.
"Magandang babae ba hehehe." ngiting sabi naman ni Mitsui na hindi napikon sa sinabe ni Kiyota.
Kulang man kami pero masaya parin dahil kahit hindi na namin kasama ang iba sa kanila mananatili parin sila sa puso namin.