Maaga kaming nagising ng buong team dahil ngayon ang alis ni Maki papuntang america. Hindi pa man nakakaalis si Maki umiiyak na si Kiyota. Tinulungan kong mag impake si Maki at lahat sila hindi masaya na aalis na si Maki ganun din ang tatlong coach dahil siguradong mamimiss nila si Maki.
"Mag iingat ka dun anak hah." nalulungkot na sabi ng Mama ni Maki saka ito niyakap.
"Wag kayo mag alala Ma sisiguraduhin kong pag balik ko dito may medalya at diploma na akong dala dala. Mag ingat kayo dito Mama mahal na mahal ko kayo ni Papa." sabi ni Maki saka hinalikan sa pisngi ang Mama nya at Papa nya.
"Parang di ko to kaya." maiyak iyak na sabi ni Kiyota.
"Edi wag ka sumama." seryosong sabi ni Rukawa.
"Ang aga aga mong mambara Rukawa." tumatawang sabi ni Sendoh.
Hapon pa naman ang flight ni Maki pero maaga kaming nagising lahat para sa kanya. Nagluto si Uozumi para kay Maki nagbigay naman ng T-shirt si Sasaki na may burda na pangalan ni Maki at nag bigay naman si Sakuragi ng mug na may pangalang lolo Maki. Nakaka touch lahat ng ginawa nila para kay Maki hindi rin nagpaawat si Fujima at Hanagata binigyan nila si Maki ng bola na may naka design na pangalan ko at pangalan ni Maki..
"Maki anak mag ingat ka." malungkot ding sabi ng Mama ko.
"Salamat po Ma masaya po ako na kayo ang naging magulang ni Satomi pinalaki nyo po syang may takot sa diyos at salamat din po sa pag tanggap nyo sa akin sa pamilya nyo. Mahal na mahal ko po kayo ni Satomi." maiyak iyak na sabi ni Maki saka niyakap si Mama ng mahigpit.
"Basta umuwi ka agad anak kapag nakapag tapos kana hah mamimiss ka naming lahat." sabi ni Mama.
Napamahal na si Mama kay Maki dahil pinakita at pinatunayan ni Maki kay Mama kung gaano nya ako kamahal. Masaya ako dahil ni minsan hindi tumutol ang magulang ko at ang magulang ni Maki sa relasyon namin kahit na nagkaroon ng problema dati kaso ang lungkot lang talaga dahil aalis na si Maki. Hindi ko tuloy alam paano ako magiging masaya kung di ko na sya makikita.
"Maki captain salamat sa lahat ng itinuro mo sa akin nung nag sisimula pa lang ako. Marami akong natutunan sayo napaka down to earth mong tao kahit na mayaman at magaling ka hindi mo minaliit ang kakayahan ko. Mamimiss kita captain ikaw lang ang nag iisang captain namin kahit na wala kana sa team." umiiyak na sabi ni Jin..
"Salamat Jin lage mo tatandaan yung sinabi ko sayo na lage lang ako nandito kapag kailangan mo tahan na." sabi ni Maki at ngumiti kay Jin.
Sumunod si Kiyota hindi pa man sya nagsasalita umiiyak na sya hindi na tuloy alam ni Maki kung paano patatahanin si Kiyota dahil napaka lakas nitong umiyak parang bata.
"Captain alam mo naman di ba na mahal na mahal kita sa lahat ng oras tayo lage magkasama. Salamat captain sa lahat ng ginawa mo para sa akin tinuruan mo ko kung paano maging magaling na manlalaro. Nung una akala ko ayaw mo sakin lage mo kasi ako pinapagalitan sa practice o kaya sa laro natin lalo na kapag late ako pero nagkamali ako captain. Ginagawa mo lang pala yun para gumaling at matuto ako marami akong natutunan sayo captain alam kong di pa ako matured mag isip pero lage kang nandyan para itama ang mga pagkakamali ko. salamat at sorry sa lahat captain mahal na mahal kita." umiiyak na sabi ni Kiyota.
"Ang haba naman ng message." bulong ni Fukuda.
"Sana sinulat mo na lang." nang aasar na sabi ni Sendoh kay Kiyota.
"Wag kana umiyak hindi naman ako mawawala Kiyota ako parin si Shinichi Maki ang kuya mo at lageng nag tatanggol sayo. Babalik ako pangako yan pagbutihan mo pag aaral mo at ang paglalaro mo para ikaw ang pumalit sa akin okay ba yun." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si Kiyota.
Sumunod naman si Miyamaso na malungkot din. Alam kong dinadaan na lang ng iba sa tawa para hindi mahalata na nalulungkot sila.
"Captain Maki salamat hindi ko na pahahabain pa to mag ingat ka sa america. Captain alam ko naman di ko na kailangan sabihin na galingan mo dahil alam ko naman na magaling kana salamat sa lahat captain." seryosong sabi ni Miyamaso.
"Salamat Miyamaso wag mo mamaliitin ang sarili mo dahil kahit mahina ang tingin nila sayo sa akin hindi dahil para sakin magaling ka." saad ni Maki sabay yakap kay Miyamaso.
"Captain alam kong marami akong pagkakamali na nagawa noon lalo na sa mga laban natin pasensya kana alam ko mataas ang expectations mo sa akin kaso lage ko yun nababali sorry captain at salamat sa lahat ng tinuro mo sa akin para lalo ako maging mas magaling pa." naiiyak ding sabi ni Takasago.
"Oo malaki expectations ko sayo pero ginawa mo lahat Takasago at nakita ko yun ikaw ang taong di marunong sumuko. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa team natin." ngiting sabe ni Maki at niyakap din si Takasago.
Sumunod naman ang Ryonan at hindi ko alam kung paano sila mag message kay Maki.
"Maki sa konting oras na nakasama kita nakilala ko kung paano ka maging captain, maging anak at maging boyfriend kay Satomi. Napaka bait ng puso mo tama si Jin napaka down to earth mong tao dahil kahit hindi kami member ng KAINAN hindi mo kami tinuring na iba pinatulog at pinakain mo pa nga kami sa bahay mo. Salamat at ka hanga hanga ka bilang captain isa kang good example ng buong team." sabi ni Sendoh na itinatago ang lungkot.
"Salamat Sendoh pangako iingatan ko si Satomi para sayo hinding hindi ko na sya sasaktan pa tulad ng dati." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si Sendoh.
"Wala naman akong masasabi sayo Maki dahil alam ko naman kung gaano ka kaswerte siguro message ko sayo mag ingat ka sa america umuwi ka lang ng maayos masaya na kaming lahat." ngiting sabi naman ni Koshino.
"Salamat Koshino wala kana ba talagang galit dahil naging girlfriend at asawa ko si Satomi?" tanong ni Maki.
"Wala na akong galit makita ko lang masaya ka at si Satomi masaya na din ako. Isa pa may nagugustuhan na ako." ngiting sabi ni Koshino sabay tingin kay Ashley.
"Ano ba imemessage ko sayo ahhm hindi naman kasi ako nainform na may ganito pala salamat Maki sa pagtanggap sa Ryonan tama sila hindi mo kami tinuring na iba para tuloy kaming taga Kainan ingat ka sa america." anya ni Fukuda.
"Salamat Fukuda wala yun basta lahat kayo welcome sa bahay." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si Fukuda.
"Wala man akong pabaon sayo siguro ito na lang luto ko Maki. Salamat sa lahat at pasensya kana sa kakulitan ng mga teammate ko." sabi ni Uozumi saka inabot kay Maki ang baon nito na luto nya.
"Salamat dito Uozumi makaka asa kang kakainin ko to." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si Uozumi.
Sumunod naman ang Shohoku pero walang lumalapit kay Maki kanya kanyang turuan kung sino unang mag sasalita natatawa tuloy ako sa kanila.
"Hoy kayo na." seryosong sabi ni Kiyota.
"Tae first time ko mag memessage sa lalaki pa. Maki alam mo naman di ba nagkakasundo tayo sa lahat ng bagay dahil ayaw natin ng patumpik tumpik gusto natin yung mabilis. Salamat sa lahat ng memories na ibinigay mo sa amin hinding hindi namin makakalimutan ang high school dahil sayo ingat ka sa america." ngiting sabi ni Mitsui.
"Salamat Mitsui. Tama ka mabilis tayo pareho kaya paspasan mo na si Erica." natatawang sabi ni Maki kay Mitsui saka ito niyakap.
"Rukawa ikaw na." bulong ni Sendoh..
"Hay ano ba sasabihin ko pwede bang text nalang?" tanong ni Rukawa.
"Hindi pwede kuya mag message ka dyan." sabi ni Sasaki at tinulak si Rukawa.
"Ingat ka sa america hindi ko kailangan mag message sayo dahil mas pinapakita ko yun sa gawa kesa sa salita." seryosong sabi ni Rukawa saka umalis.
"Salamat Rukawa." ngiting sabi ni Maki.
"Haba ng message ni Rukawa parang nobela." nang aasar na sabi ni Sendoh..
"Maki para sayo gawa namin yan ni Ayako. Pasensya kana kung yan lang nakayanan maraming salamat din pala sa pagiging totoong kaibigan masaya ang high school ko dahil nakilala ko kayo at isa kana dun." ngiting sabi ni Ryota saka binigay kay Maki ang sando na may mukha ni Maki.
"Napaka ganda naman nito salamat Ayako at Ryota. Ngayon lang din ako nagkaroon ng mga totoong kaibigan na maituturing kong pamilya na. Masaya rin ang high school ko dahil sa inyo salamat ulit Ryota." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si Miyagi.
"Para sayo Maki bigay namin ni Kogure hindi ko na kailangan mag message sayo dahil alam kong magiging successful ka balang araw. Ang gusto ko lang matupad mo lahat ng pangarap mo na kasama mo si Satomi ingat ka and thank you." nahihiyang sabi ni Akagi.
"Salamat Akagi at Kogure napaka saya ko dahil nakilala ko kayo. Matagal na kitang kilala Akagi at hinahangaan kita sa galing at husay mong maglaro salamat dito." sabi ni Maki saka niyakap si Akagi.
"Salamat Maki hindi na rin ako mag memessage sayo dahil kita ko naman kung gaano ka ka-lucky ingat ka sa america at salamat sa lahat." nahihiyang sabi ni Kogure.
"Salamat Kogure wala akong masabi sa kabaitan mo." ngiting sabi ni Maki.
"Lolo para sayo wahahaha hindi talaga ako sanay mag message pero dahil aalis kana gagawin ko na lang. Ayokong magpasalamat sayo kasi inagawan mo ko dapat ako ang ang naghahari sa distrito ng KANAGAWA at hindi ikaw pero salamat lolo dahil napakabuti ng puso mo. Mag iingat ka sa america umuwe ka kagad hah kung hindi pasasabugin ko ang america." birong sabe ni Sakuragi at niyakap ng mahigpit si Maki.
"Salamat Sakuragi basta ba gagalingan mo." sabe ni Maki.
Sumunod naman ang SHOYO...
"Wala naman akong masabi sayo Maki dahil simulat sapul tayo na talaga ang magka tunggali. Mag iingat ka nalang sa america at salamat sa memories hinding hindi ko makakalimutan ang high school ko na kayo ang kasama." ngiting sabi ni Fujima.
"Salamat Fujima hayaan mo pag dating ko magka tunggali parin tayo." tumatawang sabe ni Maki saka niyakap si Fujima.
Pagkatapos nilang mag message lahat niyakap nila si Maki. Nakaka touch ang ginawa nila para kay Maki hindi ko tuloy mapigilan na hindi umiyak dahil sa kanila.
Sabay sabay na kaming naghatid kay Maki papuntang airport.
"Paano ba yan dito na lang ako." sabi ni Maki sa team.
"Ingat ka Maki." sigaw nila.
Lumapit si Maki sa akin at hinalikan ako. Mamimiss ko ang halik nya sa akin gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya.
"Mag ingat ka dun Hon promise mo babalik ka hah pangako mag hihintay ako sayo mahal na mahal kita Maki." naiiyak kong sabi.
"Pangako babalik ako mahal na mahal din kita Satomi ko I love you so much Hon." sagot ni Maki saka ako hinalikan ulit.
Nagpaalam na kaming lahat kay Maki at ang ilan sa kanila hindi na napigilan umiyak kasama na dun sila coach. Mamimiss namin lahat si Maki hindi ko na sya makikitang maglaro ulit, hindi ko na rin mapapatikim sa kanya ang sunog kong luto, wala na rin mangungulit sa akin sa daan...