Dahil kumpleto na ang lahat nag simula na ang party sa bahay ni Maki. May kanya kanyang gimik ang bawat isa sa kanila may kumakanta, may sumasayaw at may natutulog alam nyo na siguro kung sino yun hehehe. Tuwang tuwa sila Maki at Fujima dahil karamihan sa kanila isip bata maliban kay Kogure Akagi at Uozumi. Sobrang saya ng party ni Maki hindi lang pala kay Maki kundi sa mga grumaduate na katulad ni Fujima, Mitsui, Akagi, Kogure, Uozumi, Hanagata at Ikegami.
"Grabe Sendoh kahit sayaw wala kang pag asa." pang aasar ni Kiyota.
"Gisingin nyo yang si Rukawa bawal matulog magdamag tayong mag pa-party." ngiting sabi ni Sendoh habang sumasayaw.
"Sarap uminom sa wakas graduate na ako." sigaw ni Mitsui.
"Congrats Mitsui." bati ng mga kaibigan ni Sasaki.
"Salamat." sagot nito sabay kindat kay Erica.
"Haruko sayaw tayo." pag aaya ni Sakuragi.
"Ayoko Sakuragi." nahihiyang sabi ni Haruko.
"Sumayaw kana." utos ng kuya nya.
"Pero kuya..
Walang nagawa si Haruko ng hatakin sya ni Sendoh at ibigay kay Sakuragi. Ang sayang tignan ni Haruko at Sakuragi pero mas bagay talaga sila ni Rukawa.
"Kuya...
Ginising ni Sasaki si Rukawa at nagulat ito ng makita si Haruko at Sakuragi na nag sasayaw. Nakahawak pa ang kamay ni Sakuragi sa bewang ni Haruko hindi tuloy alam ni Rukawa kung ano gagawin nagulat ako ng matulog sya ulit naku naman wala talaga syang pakialam hahaha...
"Kuya ano ba...
"Bakit? Inaantok ako." sagot ni Rukawa.
"Mag hapon kana nga natulog sa bahay pati ba naman dito matutulog ka." inis na sabi ni Sasaki sa kuya nya saka ito iniwan.
"Daila hindi mo kasama si Daisy?" tanong ni Kiyota.
"Pupunta sya." ngiting sabi ni Daila.
"Talaga buti naman." natutuwang sabi ni Kiyota.
"Ang sarap maging high school mamimiss ko kayong lahat cheers." sigaw ni Fujima saka nakipag cheers sa lahat habang hawak ang baso na may wine.
"Mamimiss ko din kayo." ngiting sabe ni Ikegami.
"Group hug." sigaw ni Sendoh..
"Teka wala si Rukawa." sabi ni Maki.
Binuhat ni Sendoh at Kiyota si Rukawa kaya inis na inis ito dahil naudlot ang tulog nya wala naman nagawa si Rukawa kundi gawin na lang ang gusto ni Sendoh. Nag group hug kaming lahat kasama ang mga kaibigan ni Daila kaibigan ni Sasaki kasama sila Haydee at Max pati ang buong team.
"I love you guys." sigaw ni Sendoh..
"I love you guys." sigaw ng buong team.
"Teka nasasakal ako." reklamong sabi ni Rukawa.
"Dito ka lang lalayas ka nanaman eh." sabi ni Sendoh habang hawak hawak ang ulo ni Rukawa.
"Hindi naman group hug tong ginagawa natin sinasakal mo na ako eh." naiinis na sabi ni Rukawa.
"Hindi naman kita sinasakal mamimiss kasi kita Rukawa." malambing na sabi ni Sendoh..
"Mamimiss ko kayong lahat." pasigaw na sabe ni Uozumi..
"Ako rin mamimiss ko kayong lahat." sang ayon ni Ikegami.
Hindi na napigilan ni Kiyota na umiyak pinagtatawanan tuloy sya ni Sakuragi at Sendoh dahil napaka babaw ng luha ni Kiyota. Masaya ako dahil nakasama ko sila ulit siguradong pagkatapos nito maghihiwalay hiwalay na ang iba sa kanila at hindi na nila magagawa ang katulad ng ganito. Dahil si Ikegami aalis na papuntang ibang bansa para mag aral dun ganun din si Maki. Si Uozumi naman mag aaral sa sikat na school at tutulong sa negosyo nila. Hindi naman nag retiro si Mitsui sa Shohoku kahit graduate na ito. Mag aaral naman si Fujima at Hanagata sa sikat na school magkasama parin silang dalawa at hindi nila iiwan ang Shoyo katulad ng pangako ni Fujima kay Sasaki.
"Wag kana umiyak Kiyota hindi bagay sayo." nang aasar na sabi ni Sakuragi.
"Mamimiss ko kayong lahat." umiiyak na sabi ni Kiyota.
"Yakapin nyo na ang gusto nyong yakapin. Lalaki lang wag babae sasapakin ko kayo." utos ni Maki.
Niyakap ni Kiyota si Ikegami, Uozumi, Akagi, Mitsui, Fujima at Hanagata habang umiiyak kitang kita kay Kiyota na hindi sya masaya dahil hiwa hiwalay na sila. Niyakap naman ni Mitsui si Maki, Fujima, Ikegami, Uozumi, Hanagata at Akagi. Sobrang ganda nilang pag masdan.
"Anong ginagawa mo?" seryosong tanong ni Rukawa.
"Yakapin daw ang gustong yakapin." sabi ni Sendoh na trip asarin si Rukawa.
"Ako na lang yayakap sayo Sendoh." natatawang yumakap si Mitsui kay Sendoh
"Mitsui wag masyadong mahigpit nakatingin si Nissa." bulong ni Sendoh at natawa naman si Mitsui.
Niyakap naman ni Hanagata si Rukawa at pumayag naman si Rukawa.
"Mabuhay ang SHOYO, RYONAN, SHOHOKU at KAINAN. sigaw ni Maki.
"Mabuhay." sigaw ng buong team..
"Mananatili kayo sa puso ko guys salamat sa magandang memories na pinabaon nyo sa akin." ngiting sabi ni Ikegami.
"Mabuhay si Ikegami." sigaw ni Sendoh..
"Group hug." sigaw ni Kiyota..
Nag group hug sila pero di na kami kasama kundi ang buong team na lang. Natatawa ako dahil mukhang di na masaya si Rukawa sa ginagawa ni Sendoh.
"Siguro naman pagbibigyan nyo na kami manalo." sabi ni Ryota kay Maki.
"Hindi pwede yan." sagot ni Maki.
"Akala ko ba magkakaibigan na tayo." ngiting sabi naman ni Mitsui.
"Magkakaibigan tayo pero sa laro hindi." sagot ni Fujima sabay tawa.
Kumain kami ng sabay sabay at ng dumating naman si Daisy hindi na tuloy alam ni Kiyota kung kakain ba sya o lalapitan si Daisy para rin syang si Sendoh hindi na mapakali kapag nakikita ang crush.
"Daisy pasok ka." ngiting sabi ni Fujima.
"Dito kana Daisy." pag aalok ni Kiyota ng upuan nya.
"Wag na ayos lang naman akong nakatayo." sagot ni Daisy.
"Doon kana bawal maarte dito." sabi ni Rukawa at masama syang tinignan ni Daisy.
"Hindi naman ako maarte." pag tataray ni Daisy..
"Talaga? edi maupo ka dun." masungit naman na sabe ni Rukawa.
Hindi ko alam ganito pala ugali ni Rukawa parang pinaglalapit nya si Kiyota at Daisy. Wala naman nagawa si Daisy dahil gusto nya patunayan kay Rukawa na hindi sya maarte. Natuwa naman si Kiyota sa ginawa ni Rukawa dahil naupo si Daisy sa tabi ni Kiyota...
"Ikaw Rukawa saan ka uupo?" tanong ni Haruko..
"Sa kandungan mo daw." nang aasar na sabi ni Sendoh habang tumatawa.
"Hindi pwede ako lang ang nasa kandungan ni Haruko." sabat naman ni Sakuragi.
"Yan nanaman. Mag aaway nanaman kayo pwede ba tumigil kayong dalawa." naiinis na sabi ni Ayako.
"Nananahimik ako dito yan ang patahimikin mo." bulong ni Rukawa saka pumunta sa sala para dun kumain.
Di ko alam bakit sila nag aaway sa napaka babaw na dahilan dahil ba kay Haruko?
"Bukas kana pala aalis Maki." seryosong sabi ni Fujima.
"Oo hapon pa naman ang flight ko." sagot ni Maki..
"Hatid ka namin." ngiting sabi ni Sendoh..
"Wala ka bang ginagawa sa inyo Sendoh?" nagtatakang tanong ni Nissa.
"Meron naman taga saing." sagot ni Sendoh..
"Yun lang?" tanong naman ni Sasaki.
"Yun lang alam ko eh." natatawang sabi ni Sendoh..
"Ayos lang yun meron nga dito magaling lang kumain at umutang di naman marunong magbayad." pagpaparinig ni Kiyota kay Sakuragi..
"Para ka naman dika kaibigan sabi ko kalimutan mo na yun eh." ngiting sabi ni Sakuragi at inakbayan si Kiyota.
"Sige na nga." sagot ni Kiyota.
"Hatid ka namin bukas captain." sabi ni Jin na hindi maiwasan malungkot.
"Sige ba hatid mo rin ako Hon." sabi ni Maki sakin sabay kiss sa pisngi ko..
"Ang sweet naman talaga ohh." natutuwang sabi ni Sendoh.
"Oo naman Hon hahatid kita bukas." sagot ko
Pagkatapos namin kumain nagpasya si Maki na wag na silang pauwiin dahil malaki naman ang bahay nila. Hindi pa natapos ang party dahil kumanta pa si Sendoh sumayaw naman sila Mitsui Kiyota Sakuragi at Fukuda. Wala naman ginawa si Rukawa kundi manood sa kalokohan nila tawa naman ng tawa sila Jin, Ryota, Koshino, Uozumi, Hanagata Fujima, Kogure at Akagi.
"Alam mo Hon mamimiss ko ang buong team pati ikaw." nakayukong sabi ni Maki.
"Bakit malungkot ka? Akala ko ba ayaw mo malungkot ako dahil aalis kana. Dapat wag ka rin malungkot sigurado naman ako mamimiss ka rin nila syempre pati ako." ngiti kong sabi..
"Salamat Hon lage kang nandyan para sakin basta pangako pagkatapos ko babalik ako dito at magpapakasal na tayo." seryosong sabe ni Maki saka ako niyakap.
Alam kong malungkot sya dahil iiwan na nya ang team kahit naman ako at ang buong team malungkot dahil aalis na bukas si Maki. Napaka bilis ng panahon dati lang ayoko sa kanya hanggang sa nakilala at nagustuhan ko sya ngayon boyfriend ko na si Maki at mapapangasawa pa. Sobrang thankful ako dahil dumating si Maki sa buhay ko.