GRADUATION DAY
Late na akong nagising dahil hindi ako nakapag alarm siguradong magagalit sa akin si Maki dahil alam nya pupunta ako sa graduation nya. Nagmamadali akong kumilos hindi na ako kumain at nagpaalam na ako kay Mama. Gusto ko makita si Maki na sasabitan ng medal gusto ko sya makita na aakyat sa stage kaso mukhang malabo na yun dahil late na late na ako.
"Sakay na...
"Haydee?..
"Ako nga hehehe nagmamadali ka di ba? sumakay kana para maabutan mo pa ang graduation ni Maki." ngiting sabi ni Haydee.
Nagmadali na kami ni Haydee para maabutan pa ang graduation ni Maki. Sana di sya magalit sa akin patay ako nito nakakainis naman kasi bakit nakalimutan kong mag alarm.
"Ayos ka lang ba Satomi?" tanong ni Haydee..
"Haydee magagalit sakin si Maki lalo na kapag wala tayo naabutan. Ayoko masira ang graduation nya dahil sakin." sabi ko.
"Ano ka ba may maaabutan pa tayo wag kang mag panic hindi magagalit sayo si Maki okay." saad ni Haydee.
Buti na lang talaga dumating si Haydee dahil kung hindi baka hanggang ngayon nag aabang parin ako ng tren o kaya bus. Ang bait talaga ni lord sakin dahil naging magkaibigan na talaga kami ni Haydee wala ng halong ka plastikan sabagay masaya na rin sya sa lovelife nya dahil sila na ng pinsan kong si Max.
Pag dating namin hindi pa nagsisimula ang ceremony kaya nagpasalamat ako kay Haydee mabuti na lang talaga nandyan sya kung hindi wala na akong naabutan. Hindi ko naman agad nakita si Maki dahil ang daming tao pumunta rin sila Kiyota at ang team para makita si Maki.
"Satomi dito ka." tawag ni Jin
"Hi Jin salamat akala ko wala akong uupuan...
"Hindi pa naman nagsisimula Satomi." excited naman si Kiyota para makita si Maki.
Tinawag na ang pangalan ni Maki at nagtilian ang mga babae. Napaka gwapo ni Maki sa suot nyang toga.
"Ang gwapo ni captain." ngiting sabi ni Kiyota.
Gusto kong lapitan si Maki para yakapin sya kaso nakakahiya ang hot kasi nya sobra lalo na nung tinanggal nya yung toga nya. Tinawag si Maki para mag speech sa harapan. Isa si Maki sa pinaka magaling sa basketball at isa rin syang nangunguna sa school kaya hindi maikakaila na marami syang taga hanga mapa babae o lalaki dahil sa talino at husay nito.
"Bago ako mag speech gusto kong tawagin ang asawa ko Misis Satomi Takara Maki pwede ka bang umakyat dito..
Hindi tuloy ako makatanggi dahil nakatingin sila lahat sa akin nahihiya akong umakyat sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao sa sinabi ni Maki.
"Good afternoon family, friends, faculty and fellow graduates. Ladies and gentlemen it is a great privilege for me to be standing here in front of you, on behalf of the batch to express the happiness that we feel in our hearts today. We do not need an award or medals just to prove that we have something special within us. All of us are blessed with talents. I have so many memories here, it is very hard to say goodbye for 4 years have passed so quickly and I have grown so much in every way. I love this school and it will always be a part of me. So I want to say thank you, thank you to the principal for giving us a good place to learn, thank you to my teachers for teaching me so well and thank you to all my friends for sharing all of the good times. and before I forgot thank you to my coach. Coach Takato you are a good example to the students because you showed them that you should not give up fulfilling all your dreams as long as you work hard again congrats to all graduating I love you all....
"Congrats Maki." sigaw ng mga estudyante.
"Ang ganda ng speech ni Maki." sabi ni Jin.
"Hindi ko nga masyado naintindihan english kasi." ngiting sabi naman ni Kiyota.
"Bago ko makalimutan pinapakilala ko sa inyong lahat ang pinaka maganda at pinaka matalino kong asawa." proud na sabi ni Maki
"Wow Maki ang ganda ng asawa mo." sigawan nila.
"Nakakahiya Maki." bulong ko.
"Hindi kita ikakahiya sa lahat dahil mahal kita I love you Satomi graduate na po ako...
Niyakap ako ni Maki at hinalikan ako sa maraming tao. Sobrang proud ako kay Maki dahil di lang sya magaling sa basketball matalino pa sya ang swerte ko talaga.
"Congrats Hon." ngiting bati ko
"Thank you Hon para sayo to....
Kinikilig ako sa kanya ang sweet ni Maki at napaka bait pa. Hindi ko man nakasama si Papa pero may isang Maki naman syang binigay sakin na makakasama ko habang buhay..
Pagbaba namin ng stage sinalubong ng team ng yakap si Maki. Tuwang tuwa sila dahil graduate na si Maki naiyak naman si coach Takato sa speech ni Maki at niyakap nya ito. Mahal na mahal ni Maki ang team at alam kong malulungkot sya kapag iniwan nya na ito.
"Grabe ka Maki pinaiyak mo si coach." sabi ni Kiyota at natawa naman kami ni Maki.
"Salamat anak napaka ganda ng speech mo." maiyak iyak na sabi ni coach Takato.
Tinuring ng anak ni coach Takato si Maki dahil isa rin sa pinagkakatiwalaan ni Maki si coach Takato kasama ang buong team.
"Salamat po coach ang dami kong natutunan sa inyo at dadalin ko yun sa pag alis ko." ngiting sabi ni Maki saka niyakap si coach Takato.
Sobrang saya ng graduation ni Maki. Kanya kanya silang yakap kay Maki upang batiin ito mapa babae at lalaki. Hindi naman ako nag seselos dahil mga classmate ni Maki yun. Gusto ko tuloy maiyak dahil hindi ko lubos maisip na iiwan na ako ni Maki at aalis na sya bukas hindi talaga ako sanay na aalis sya at di sya makita.
"Anak mauuna na kami ng Mama ni Satomi." pagpapaalam ng Mama ni Maki.
"Bakit Ma?" tanong ni Maki.
"Magluluto ako hindi ba? pupunta sa bahay ang friends mo at ang ibang team." sabi ng Mama ni Maki.
"Sige Mama ingat po kayo. I love you sa dalawa kong Mama." ngiting sabi ni Maki.
"Invited ba ang SHOHOKU?" tanong ni Kiyota.
"Oo nandun din ang Ryonan at Shoyo." sagot ni Maki.
Hinatak ako ni Maki at lumayo kami sa mga tao at sa team tinitigan lang ako ni Maki at siniil ako ng halik. Tulad ng dati napaka sarap parin nyang humalik di nakakasawa.
"Maki sandali...
"Shhh. Ayoko ng sandali...
Wala akong magawa dahil hawak ni Maki ang dalawa kong kamay. Iniisip ko baka may makakita sa amin dalawa nakakahiya basta talaga gusto nya gagawin nya.
"I love you Satomi miss agad kita..
"I love you too Maki miss din agad kita...
Hinalikan ako ni Maki sa labi napaka lalim ng halik nya at hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nag hahalikan basta ang alam ko lang masaya ako kay Maki at wala akong balak ihinto ang ginagawa nya. Ang saya ng puso ko ng dahil kay Maki si Maki lang ang taong nagparamdam sa akin ng ganito..
"Kaya pala nawala." bulong ni Takasago.
"Kiyota pikit." sabi ni Miyamaso habang masayang nakatingin samin.
Natatawa kaming naghiwalay ni Maki dahil naka tingin na pala sa amin ang team maging si coach Takato. Imbes na mahiya si Maki proud pa itong sinabi sa team na masarap akong halikan hanep talaga..
Nagpaalam na kami dahil tapos na rin naman ang ceremony. Ayaw na ni Maki mag picture taking dahil gusto na daw nya umuwi para masolo ako. Sabay sabay kami ng team umalis kasama si coach.
Pagdating namin nandun na ang Ryonan at Shohoku maliban kay Ikegami at Uozumi wala rin si Mitsui Akagi at Kogure siguro dahil hindi pa tapos ang ceremony nila. Wala parin ang Shoyo at ang mga classmate ni Sasaki.
"Darating ba sila?" tanong ni Sendoh.
"Tawagan mo." utos ni Koshino.
"Wala akong load ." sagot ni Sendoh sabay tawa.
"Anong number?" tanong ni Rukawa.
Nag dial si Rukawa pero hindi sya kumausap kundi si Sendoh. Nakakapag taka lang dahil wala rin si Sasaki at Ryota sabagay graduation din nga pala ni Fujima baka nandun si Sasaki eh bakit kaya wala si Ryota?..
"Nandito na kami." ngiting bungad ni Max at Haydee.
Magka holding hands ang dalawa at kitang kita sa kanila ang saya lalo na kay Haydee. Sunod na dumating sila Hanagata na kasama si Aika..
"Nasaan si Fujima?" tanong ni Sendoh kay Hanagata.
"Sinundo pa yung kapatid nya sa bahay pinauna na kami." sagot ni Hanagata.
"Sana pala nag sabay na kami ni Daila." seryosong sabi ni Sendoh.
"Bakit nga pala wala si Ryota hindi naman grumaduate yun hah." takang tanong ni Kiyota..
"May pupuntahan daw sya." sagot ni Sakuragi.
"Tawagan mo nga Rukawa kung darating sya." utos ni Sendoh.
"Wala na akong load tinawagan mo puro smart globe ako." nagsusungit na sabi ni Rukawa.
"Ay globe ka ba." natatawang sabe nalang ni Sendoh.
"Hintayin na lang natin sila sana lahat sila makarating." sabi ni Maki dahil gusto nya makasama ang team bago sya umalis.
Dumating si Haruko kasama si Akagi at Kogure pero wala si Mitsui. Sumunod naman dumating sila Uozumi at Ikegami marami pang hinihintay kaya di pa kami makapag saya dahil gusto ni Maki sabay sabay lahat.
"Attendance muna tayo guys." sabi ni Sendoh..
"Kaede Rukawa." tawag ni Sendoh..
"Present." sagot ni Rukawa.
"Takenori Akagi..
"Present." sagot ni Akagi at sinakyan nalang ang kalokohan ni Sendoh.
"Shinichi Maki?
"Bahay ko to di ba? bakit kasama ko." napapakamot sa ulo na sabi ni Maki
"Present o absent." natatawang tanong ni Sendoh..
"Present." sigaw ni Maki.
"Hanamichi Sakuragi?
"Present." sagot ni Sakuragi.
"Uozumi?..
"Present." sagot ni Uozumi.
"Koshino...
"Present. Bakit yung sa Ryonan hindi buo ang name." reklamong sabi ni Koshino.
"Nobunaga Kiyota?..
"Present." sagot ni Kiyota.
Hindi ko alam kung anong trip ni Sendoh mga baliw naman silang lahat sinakyan din ang trip ni Sendoh.
"Ikegami..
"Present." sagot ni Ikegami.
"Toru Hanagata..
"Present." sagot ni Hanagata.
"Kogure..
"Present." sagot ni Kogure.
"Jin...
"Present." sagot ni Jin
"Napagod na ako." natatawang sabi ni Sendoh..
"Ginusto mo yan eh." bulong ni Fukuda.
"Ikaw na mag tuloy Rukawa." utos ni Sendoh.
Tumayo si Rukawa at lahat sila ginawang absent. Hindi ko tuloy maiwasan matawa. Halos lahat sila nag rereklamo sa ginawa ni Rukawa.
"Ayoko mag salita at mag tanong kaya lahat kayo absent." sabi ni Rukawa saka nahiga upang matulog.
"Ayos ka talaga." bulong ni Kiyota.
Dumating sila Fujima kasama ang kapatid nitong si Daila at Sasaki sumunod si Mitsui kasama nito si Erica nagulat kami ng dumating si Ryota at kasama si Ayako. Tuwang tuwa sila ng makita ulit si Ayako dahil ang tagal nyang di nagpakita sa amin.