Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 76 - CHAPTER 76

Chapter 76 - CHAPTER 76

Pagdating namin sa bahay nila Maki nandun lahat ng team maging sila Sendoh at Nissa nagtataka naman ako dahil ang bilis nilang nakarating parang kanina lang magkasama kami.

"Hi Satomi." ngiting bati ni Sasaki..

"Ano bang meron." tanong ko..

"Secret." sabi ni Mitsui sabay ngiti sakin.

Hindi na ako nag tanong dahil alam ko naman di nila sasabihin yun. Umalis si Maki para pumunta sa kwarto nya naiwan ako kasama ang team. Ano kayang meron? Ang alam ko kasi bukas pa dapat sila nandito dahil bukas pa lang ang graduation ni Maki..

Pag labas ni Maki may dala itong malaking kahon para saan kaya yun? baka siguro yun yung ipapakita nya sa akin bakit napaka laki naman ng kahon..

"Satomi Hon...

"Ano yun Maki?

"Alam kong maaga pa para gawin to hindi parin official to pero gusto ko na mapasakin ka bago ako umalis para wala kanang kawala. Itong hawak kong kahon wedding gown mo to nalaman ko ang sukat mo sa Mama mo hindi ko sinabi sayo dahil baka mabigla ka pero ngayon pwede kana mabigla hehehe. Mahal kita Satomi gusto kong pakasalan mo ko ng kaharap silang lahat bago ako umalis at pag uwi ko magpapakasal tayo sa simbahan pero ngayon dito na lang muna sa bahay. Will you marry me Hon?" tanong ni Maki.

Hindi ako makapag salita dahil napaka bilis ni Maki. Kahit naman siguro ilang beses syang mag propose pakakasalan ko parin sya pero di naman agad agad.

"Mahal kita Maki at OO magpapakasal ako sayo kahit saan mo gusto hindi ko lang expected na ngayon agad." ngiti kong sabi saka ko sya hinalikan sa labi.

"Ano ikakasal ko na ba kayong dalawa." natatawang sabi ni Sendoh.

"Kung ikaw ang pari hindi ako magpapakasal." sabi ni Mitsui naman ni Mitsui habang pinagtatawanan si Sendoh.

"Tama." sang ayon ni Rukawa.

"Ang gwapo ko kayang pari ang bait pa hehehe." saad ni Sendoh na hindi rin maitago ang saya samin ni Maki.

"Mabait lang walang gwapo." pagcorrect ni Ryota.

"Magbihis kana Satomi." utos ni Fujima.

"Sige." sagot ko na lang.

"Yung mas excited pa si Sendoh dun sa ikakasal." napapangiting sabi nalang ni Nissa.

"Gusto na rin kasi mag asawa nyan." bulong ni Kiyota.

"Naririnig ko kaya kayo hah. Gusto ko pag ako kinasal sa kwarto para diretso honeymoon." malokong sabi ni Sendoh.

"Nissa." tawag ni Rukawa.

"Ano yun Rukawa..

"Wag mo pakasalan to ha sa kama ka nya dadalin." seryosong sabi ni Rukawa.

"Sobra ka naman Rukawa di pa man kami sinisiraan mo na ako hehehe di ba magkaibigan na tayo." sabi ni Sendoh habang nakatingin kay Nissa.

"Sino nagsabi na magkaibigan tayo." saad ni Rukawa na seryoso ang mukha.

"Aw. Wala ka pala Sendoh eh." sabat ni Mitsui.

"Sige mula ngayon di na tayo magkakilala sinasaktan mo ang puso ko Rukawa wala ka talagang puso." nag da-dramang sabi ni Sendoh.

"May puso ka ba?" tanong ni Rukawa.

Imbes mainis si Sendoh kay Rukawa tumawa lang ito at ang team dahil alam naman nilang biro lang ni Rukawa yun. Sanay na sanay na si Sendoh kay Rukawa lalo na kapag trip nitong asarin si Rukawa!

paglabas ko gulat na gulat sila pati si Maki. Alam kong hindi ito totoong kasal pero grabe naman kung ayusan nila ako akala mo totoo. Lahat sila napa wow sa akin dahil sa suot kong wedding gown.

"Si Satomi ba yan ang ganda." bulong ni Koshino.

"Akin na sya Koshino." sabe ni Maki habang naka tingin sa akin.

"Ang ganda nga ni Satomi parang hindi sya." seryosong sabi ni Mitsui.

"Nagmukhang tao." bulong ni Rukawa.

"Ang ganda ni Satomi bagay na bagay sa kanya yung wedding gown." puring sabi naman ni Haruko.

"Balang araw Haruko magsusuot ka din nyan." nakangiting sabe ni Sakuragi.

"Talaga Sakuragi kaso wala naman akong asawa." sagot ni Haruko.

"Kaya nga nandito ako eh." namumulang sabi ni Sakuragi.

"Tumigil ka basketball nga di mo magawa ng maayos asawa pa." pag singit ni Rukawa.

"Sige mag away nanaman kayo." sabi ni Ryota na hindi maiwasan mainis sa dalawa.

Hinawakan ni Maki ang kamay ko. Hindi talaga ako makapaniwala na ikakasal ako ngayon para talagang totoo. Ang saya dahil nandito lahat ng friends ko at ang buong team pati ang parents ni Maki at ang Mama ko.

"Nasaan na yung pari?" tanong ni Haydee.

"Ayun oh nauna ng kumain." turo ni Nissa habang nakatingin kay Sendoh na kumakain.

"Paano yan walang pari." sabe ni Sasaki habang nakatingin din kay Sendoh.

"Ako na lang." pagpi-prisinta ni Rukawa.

Di ko alam kung anong pumasok sa utak ni Rukawa at nag prisinta syang maging pari sa kasal namin ni Maki...

"Pari mag salita." utos ni Mitsui habang tumatawa.

"Mag kiss na kayo tutal oo naman ang sagot nyong dalawa." sabi ni Rukawa sa amin kaya hindi ko maiwasan matawa.

"Tanungin mo naman Rukawa." napapakamot na sabe ni Kiyota.

"Mahal mo ba to? sagot?" tanong ni Rukawa sa akin.

"Pakakasalan nya ba yan kundi nya mahal kuya. Hindi naman ganyan yung pari." sabi ni Sasaki habang nakatingin sa kuya nya.

"Oo mahal ko sya." sagot ko habang pinipigilan tumawa.

"Ikaw Maki mahal mo ba to?" tanong ulit ni Rukawa.

"Opo father." ngiting sabi ni Maki.

"Ano bang klaseng pari yan." bulong ni Jin habang tumatawa.

"Wala akong masabi." natatawa nalang si Fujima habang nakatingin kay Rukawa.

"Sige mag kiss na kayo pero bago yan tumalikod tayong lahat." utos ni Rukawa.

Natatawa ako kay Rukawa hindi ko alam kung ano bang trip nito seryoso pa sya sa pagsasalita ni hindi manlang sya tumatawa pero kaming lahat natatawa na sa kanya. Hinalikan ako ni Maki at nakapikit naman si Rukawa pero naka bukas ang isang mata naka talikod naman ang team dahil yun ang gusto ni Rukawa..

Pagkatapos ng kasal kumain na kaming lahat dahil gutom na ang iba sa kanila. Masaya ako dahil kahit hindi totoo ang kasal namin ni Maki pumunta silang lahat para makita at masaksihan ang pag iisang dibdib namin. Ano daw pag iisang dibdib hahaha. Ayoko na rin naman mahiwalay pa kay Maki kaya hinding hindi ko pagsisisihan na pinakasalan ko si Maki.

"Congrats Satomi and Maki." bati ng team.

"Congrats din Rukawa ang galing mong pari." bati rin ni Mitsui kay Rukawa.

"Maliit na bagay." sagot ni Rukawa.

"Salamat sa inyo masaya ako dahil pumunta kayo at masaya ako dahil asawa ko na ngayon si Satomi ang pinaka mamahal kong misis." ngiting sabi ni Maki.

"Masaya kami para sa inyo anak. Sana pag uwi mo apo naman." seryosong sabi ng Mama ni Maki.

"Narinig mo yun Hon apo daw." bulong ni Maki sa tenga ko.

"Tumigil ka nag aaral pa tayo." sabe ko at kinurot sya sa tagiliran.

"Fujima graduate kana din bukas di ba?" tanong ni Ashley.

"Oo sabay kami ni Hanagata." sagot ni Fujima.

"Ibig sabihin di na kayo kasali sa team?" malungkot na sabi ni Aika.

"Kasali parin." anya ni Hanagata.

"Yung isa nga dito graduate na din pero ayaw pang mag retiro sino kaya yun wahaha." natatawang sabi ni Sakuragi habang nakatingin kay Mitsui.

"Sino ba?" tanong ni Mitsui.

"Ikaw yun gung gung." sabe ni Rukawa at nainis naman si Mitsui.

"Ikaw Sakuragi sumusobra kana wala kang galang sa vice captain mo." naiinis na sabi ni Mitsui.

"Tama naman sya Mitsui dapat wala kana sa Shohoku ang tanda mo na eh." pang gagatong naman ni Miyagi.

"Talaga matanda kana?" tanong ni Erica.

"Wag ka maniwala dyan baby." wika ni Mitsui na masama ang tingin kay Miyagi.

"Bakit nga pala wala ang kuya mo Haruko?" tanong ni Maki.

"Busy kasi sya dahil graduation din nya bukas dalawa sila ni Kogure." sagot ni Haruko.

"Wala nga rin sila Uozumi at Ikegami kasi bukas din ang graduation nila." singit ni Sendoh.

"Hindi na ba maglalaro si Uozumi at Ikegami?" seryosong tanong naman ni Fujima kay Sendoh.

"Si Uozumi hindi na iiwan na nya ang team. Si Ikegami naman sa ibang bansa mag aaral pero mag lalaro parin sya kaso sa ibang bansa." paliwanag ni Koshino.

"Sayang naman di na pala maglalaro si Uozumi." nalungkot na sabi ni Hasegawa.

"Ikaw Maki babalik ka parin ba sa team tapos mo mag college?" tanong ni Mitsui.

"Oo kasali parin ako sa team baka kasi umiyak si Kiyota." nang aasar na sabi ni Maki.

"Ikaw Rukawa balak mo ba maglaro sa ibang bansa kapag graduate kana sa high school?" tanong ni Fujima.

"Oo." tipid na sagot ni Rukawa..

"Iiwan mo pala si Haruko kay Hanamichi." sabi ni Sendoh habang tumatawa.

"Kawawa si Haruko dyan kay Hanamichi." sabe ni Ryota na inaasar si Sakuragi.

"Grabe naman kayo kay Sakuragi mapagmahal naman sya." pag tatanggol ni Sasaki.

"Yan ang gusto ko sayo Sasaki boto ka talaga sakin kesa sa kuya mo." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Hay." buntong hininga nalang ni Rukawa.

"Hindi ba aalis ka rin Haruko?" tanong ko.

"Oo." sagot ni Haruko..

"Ikaw pala Hanamichi ang kawawa dahil iiwan." nang aasar na sabi ni Ryota.

"Aalis ka Haruko my love iiwan mo ko dito?" maiyak iyak na sabi ni Sakuragi.

"Matagal pa naman yun Sakuragi." nakayukong sabe ni Haruko.

"Wag mong sabihin magkasama kayo ni Rukawa sa ibang bansa di ako papayag." inis na sabi ni Sakuragi at masamang tinignan si Rukawa.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanila kitang kita kasi kay Sakuragi at Rukawa na may pag tingin sila kay Haruko. Hindi man mag salita si Rukawa kitang kita sa kanya ang lungkot ng malaman na itutuloy ni Haruko ang pag aaral sa ibang bansa. Ano man ang mangyari susuportahan ko silang tatlo lalo na si Haruko dahil gusto ko sila maging masaya.