Bukas na ang graduation ni Maki at iiwan na nya ang team. Marami man ang malulungkot sa pag alis nya pero mas maraming natutuwa dahil matutupad na ang pangarap ni Maki na makapag laro sa ibang bansa. Hindi nya pinabayaan ang pag aaral nya kahit na naglalaro pa ito ng basketball.
"Maki bukas graduate kana." sabi ni coach Takato.
"Opo coach malapit ko na matupad ang pangarap ko at ang pangarap ko para kay Satomi." masayang sabe ni Maki.
"Captain wag mo kami kalimuta hah." nalulungkot na saad naman ni Kiyota.
"Oo naman pag uwi ko maglalaro parin tayo at kasali parin ako sa team." sabe ni Maki at ginulo ang buhok ni Kiyota.
"Ayos lang ba kay Satomi captain na umalis ka?" tanong ni Jin.
"Naintindihan naman nya ako. Ayokong umalis na makita syang malungkot baka di pa ako maka alis." natatawang sabi ni Maki.
"Captain mamimiss kita. Wala ng magtuturo sakin kapag may assignment ako, wala na rin magagalit sakin kapag late ako at wala na rin magpapayo kapag may problema ako." maiyak iyak na sabi ni Kiyota.
"Babalik naman ako Kiyota. Wag kang malungkot kapag bumalik ako hindi na ako aalis makakapag laro na ulit tayo. Sa ngayon kailangan natin maghiwa-hiwalay nandyan naman si coach di kayo pababayaan at nandyan si Jin, Miyamaso at Takasago." seryosong sabe ni Maki.
"Ayoko parin captain iba parin kapag nandito ka." parang batang sabe ni Kiyota.
"Para kang di lalaki Kiyota wag kang umiyak ayoko ng iniiyakan ako. Tumingin ka nga sakin ikaw ang matanda kay Jin pero kung mag isip ka para kang bata. Babalik ako at kasali parin ako sa team wag kana umiyak baka di pa ako makaalis." ngiting sabi ni Maki.
"Mamimiss kita captain...
Niyakap ni Kiyota si Maki dahil sa lahat ng kaibigan ni Kiyota si Maki ang tinuring nyang kuya dahil kay Maki lang ito nakikinig. Mahal ni Kiyota si Maki bilang kapatid at captain kaya hindi nito matanggap na aalis na si Maki sa team. Nag group hug silang lahat kasama si coach Takato kahit si coach mamimiss nya si Maki dahil si Maki ang pinaka magaling na manlalaro ng KANAGAWA.
RYONAN HIGH
Bukas na rin ga-graduate sila Uozumi at Ikegami kaya busy lahat ng teacher. Bukas na rin magtatapos sila Fujima Hanagata at Maki nakakalungkot man isipin na aalis na si Maki pero kailangan ko yun tanggapin.
"Hoy." untag ni Sendoh sakin.
"Hoy ka din." sagot ko kay Sendoh..
"Bakit malungkot ka nanaman?" tanong nya.
"Bukas na kasi graduation nila Uozumi at Ikegami iiwan na nila ang Ryonan at iiwan na rin nila ang team. Hindi ba nakakalungkot yun..
"Baka naman kay Maki ka nalulungkot dahil aalis na sya. Alam mo Satomi umalis man sila sa team mananatili parin sila sa puso, sa isip sa salita, at sa gawa." tumatawang sabe ni Sendoh.
"Ang lakas ng tama mo Sendoh bahala kana nga dyan nasisiraan ka nanaman ng bait..
"Teka sandali. Niyaya ko si Nissa kumain sa labas sama ka." ngiting sabi ni Sendoh.
"Ano gagawin ko dun?" tanong ko
"Kumanta ka kung gusto mo malamang samahan mo ko nahihiya ako eh hahaha..
"Para kang di lalaki isasama mo pa ako sa date nyong dalawa kaya mo na yan." sabi ko habang natatawa sa kanya.
"Hindi ko nga alam sasabihin ko sa kanya eh...
"Bahala ka dyan Sendoh uuwi na ako...
Iniwan ko si Sendoh dahil ayoko sumama sa kanila ni Nissa. Ewan ko ba malakas naman ang loob ni Sendoh pero dinadaga sya kapag si Nissa na ang kaharap at kausap nya. Pumunta ako sa school nila Maki para makita at batiin na rin sya dahil graduation na nya bukas kasabay nila Ikegami at Uozumi. Masaya ako dahil matutupad na ang pangarap ni Maki lalo na kapag nakapasa sya sa exam siguradong tuloy tuloy na syang makikilala at sisikat hindi lang dito sa Japan kundi maging sa ibang bansa.
"Satomi." tawag ng buong team.
Natuwa naman ako dahil welcome na welcome ako sa kanila kahit nasa Ryonan ako nag aaral di nila ako tinuring na iba..
"Si Maki ba hinahanap mo? Nagbibihis lang sya." sabi ni Kiyota.
"Bakit namamaga yang mata mo Kiyota?" tanong ko.
"Umiyak dahil aalis na si Maki." sagot ni Jin.
"Bakit hindi ba kayo malungkot na aalis na si captain?" nakasimangot na sabi ni Kiyota.
"Malungkot pero di kami iyakin tulad mo." ngiting sabi ni Takasago..
"Wag kana malungkot Kiyota babalik naman si Maki. Ako rin naman malungkot nung una nga di ko matanggap na aalis sya at iiwan ako pero mas naintindihan ko na sya dahil para rin naman sa kanya yun at samin." seryosong sabi ko..
"Tama sya." bungad ni Maki.
"Ayokong magiging pabigat kayo kay coach ayoko rin malalaman na natalo ang KAINAN baka mapabalik ako ng wala sa oras." birong sabi ni Maki.
"Opo captain gagalingan namin para sayo." wika ni Miyamaso.
Nagpaalam na kami sa team para kumain ni Maki. Halata sa mukha ni Maki ang excitement dahil graduation nya na bukas...
"Aattend ka ba?" tanong ni Maki.
"Saan?"..
"Sa graduation ko...
"Oo naman nandun ako ikaw paba hehehe..
"Salamat Hon." ngiting sabi ni Maki.
Susuportahan ko sya sa lahat ng bagay makita ko lang masaya si Maki masaya na rin ako. Hindi ko akalain na maiinlove ako sa katulad ni Maki ang lalaking walang ginawa kundi pakiligin ang puso ko.
"Alam mo Hon unti unti ng natutupad ang pangarap ko at gusto ko matupad pa lalo yun ng kasama kita. Hindi ko naman hinangad maging sikat ang gusto ko lang maging proud ka pa lalo sakin...
"Proud na proud ako sayo Maki. I love you Hon..
"I love you too Hon your my past, present and future you're my everything Hon..
"Ang sweet naman mahal na mahal kita Maki. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo sakin hindi ko man yun kayang higitan tulad ng pagmamahal mo pangako hinding hindi kita iiwan kahit anong mangyari.
"Salamat Hon hinding hindi rin kita iiwan. Sabi ko nga sayo di ba ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan wala ng iba. Mahal na mahal kita Satomi ko.
Hinawakan ni Maki ang kamay ko at sabay kami naglakad. Pumunta kami sa restaurant para kumain at nagulat ako dahil dun din kumakain sila Nissa at Sendoh.
"Sendoh." tawag ni Maki.
Nagulat pa si Sendoh at nahiya naman si Nissa ng makita kami. Hindi ko akalain na totoo pala ang sinabi ni Sendoh kanina na niyaya nya si Nissa na kumain sa labas...
"Kayo pala." sabi ni Sendoh.
"Hi Nissa." ngiti kong bati.
"Hi sa inyo sabay sabay na tayo kumain." aya ni Nissa samin ni Maki.
Kinuha ni Maki ang dalawang upuan para tumabi kanila Sendoh at Nissa.
"Congrats nga pala Maki." bati ni Sendoh.
"Graduate kana din ba Maki?" tanong ni Nissa.
"Oo kasabayan ko sila Fujima, Uozumi at Ikegami pati sila Akagi at Mitsui." sagot ni Maki.
"Saan tayo bukas Maki." tanong ni Sendoh.
"Mahiya ka nga kasama mo si Nissa." bulong ko kay Sendoh.
"Mag cecelebrate lang sila Mama at Papa kung gusto nyo pumunta sa bahay punta lang kayo nandun lahat ng team bukas." sabi ni Maki.
"Sige punta ako bukas yayain ko na rin si Rukawa...
"Bakit si Rukawa ang niyaya mo hindi si Nissa?" takang tanong ni Maki kay Sendoh.
"Isasama ko si Nissa pero yayain ko rin si Rukawa para kasi akong may kasamang multo kapag kasama ko yun." nang aasar na sabi ni Sendoh.
"Grabe ka din kay Rukawa eh sumbong kaya kita dun." sabe ko at tumawa lang ang mokong.
Hindi ko alam bakit gustong gusto ni Sendoh asarin si Rukawa mabuti na lang talaga hindi pikon yun kung hindi nasapak na nya si Sendoh sa sobrang kulit. Naalala ko nanaman si Haruko sasama kaya sya kapag niyaya ni Sendoh si Rukawa for sure lahat ng team nandun sana pati sila Haruko at Sasaki nandun din para masaya.
Pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami kanila Nissa at Sendoh. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Maki dahil sabi nya mamaya na daw nya ako ihahatid sa amin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa bahay namin may ipapakita ako sayo." seryosong sabi ni Maki.
"Anong ipapakita mo?" tanong ko.
"Ang dami mong tanong sumama kana lang sakin Hon pwede...
"Baka mamaya kasi iba yung ipakita mo sakin eh para naman handa ako..
"Bakit ano bang iniisip mong ipapakita ko sayo? Napaka rumi talaga ng utak mo kaya love kita eh hehehe...
Hindi na lang ako kumibo at sumama na lang ako sa kanya alam ko naman na wala syang gagawing masama sakin.