Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 74 - CHAPTER 74

Chapter 74 - CHAPTER 74

"Tara magligpit na tayo...

Niligpit ni Mitsui ang mga pinggan at dinala sa lababo. Nagwalis naman si Jin at nagpunas si Hanagata. Akalain mong ang sisipag pala nila. Ayaw pagawain ng mga lalaki ang mga babae at kasama na ako dun. Si Maki ang naghugas si Fujima naman ang nag ayos ng lamesa kung iisipin para silang magkakapatid lahat sila kumilos. Natutuwa naman si Mama dahil kahit nasa ibang bahay sila tinulungan parin nila kami ni Mama at infairness hindi sila maarte dahil kahit maliit ang bahay namin hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanila.

"Tita uuwi na po ako gagabihin po kasi ako." pagpapaalam ni Giezel.

"Hatid na kita Giezel." sabi ni Jin na nahihiya kay Giezel.

Hinayaan na lang ni Rukawa na ihatid ni Jin si Giezel dahil mas mukha naman gusto ni Giezel kasama si Jin kesa sa kanya. Nagpaalam na ang dalawa samantalang di pa rin natatapos ang kwentuhan nila Mitsui, Sendoh at Fujima.

"Napaka sisipag nyong mga bata." sabi ni Mama sa kanila.

"Salamat po tita." ngiting sabi ni Mitsui.

"Ikaw ba si Mitsui ka gwapo mong bata para kang artista." pagpuri ni Mama kay Mitsui.

"Tita talaga sige bibigyan ko kayo ng autograph mamaya." birong sabe ni Mitsui at tumawa naman si Mama.

"Tita paano ako? Akala ko ba ako ang love mo." nagtatampong sabi ni Sendoh.

"Gwapo ka rin Sendoh." sabe naman ni Mama.

"Mas gwapo ako di ba Mama." singit ni Maki.

"Aba oo naman anak mas gwapo ka." sabi ni Mama kay Maki.

"Ako po?" tanong ni Rukawa.

"Pinaka gwapo." ngiting sabe ni Mama.

Akalain mong sinakyan rin ni Rukawa ang joke ni Mama.

"Salamat po tita masaya po akong nakilala ko kayo." seryosong sabi ni Rukawa.

"Aba ang bait." bulong ni Mitsui.

"Namimiss mo si Mama? tanong ni Sasaki sa kuya nya.

"Oo." sagot ni Rukawa.

Nagpaalam na si Mitsui Sendoh Aika Hanagata Fujima at Sasaki. Naiwan naman si Haruko Rukawa at Maki. Ano naman kaya gagawin ni Rukawa dito o baka dahil nandito pa si Haruko...

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Rukawa kay Haruko.

"Maya maya." nahihiyang sabi ni Haruko.

"Hatid kita?" sabe ni Rukawa.

"Ayos lang ba sayo? ..

"Oo naman." sagot ni Rukawa

Ang tipid mag usap ng dalawa kasi kung kami ni Maki to siguro nag away na kaming dalawa. Ibang iba talaga si Haruko sa ugali ko mabait si Haruko at mahinhin samantalang ako maingay makulit at laitera.

"Bagay kayo." ngiting sabi ni Maki.

"Bagay din kayo." seryosong sabi ni Rukawa.

"Maiba ako Rukawa aalis ka ba? sa ibang bansa ka rin ba mag aaral?" tanong ni Maki.

"Hindi ko pa alam." sagot ni Rukawa.

"Ikaw Haruko?" tanong ko.

"Pag nagtapos na ako sa Shohoku aalis na din ako kasi kinuha ako ng tita ko sa singapore para dun mag aral ng college." nakayukong sabe ni Haruko.

"Aalis ka?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Matagal pa naman yun kaya habang nandito pa ako binibigay ko lahat para sa team. Ayoko kasi madissapoint sakin si coach Anzai." ngiting sabi ni Haruko.

Hindi na kumibo si Rukawa at lumabas ito. Naisip ko na baka nalungkot sya dahil aalis din si Haruko para sa ibang bansa mag aral.

"Haruko kung pipigilan ka ba ni Rukawa aalis ka pa rin?" tanong ko.

"Hindi naman nya gagawin yun Satomi dahil kilala ko si Rukawa basketball lang ang mahalaga sa kanya. Masaya na ako kung bibigyan nya ako ng atensyon pero kung hindi man ayos lang sakin." saad ni Haruko.

"Mahal mo sya di ba?" tanong ni Maki.

"Kahit naman sabihin kong OO di nya yun mapapansin. Ayos lang naman sakin kahit makita ko lang sya o makasama kahit na di na sya mag salita masaya na ako dun." sabe ni Haruko at ngumiti samin ni Maki.

"Wag kana malungkot Haruko malay mo di ba pareho pala kayo ng nararamdaman ni Rukawa....

Hindi nag salita si Maki pero naka tingin lang sya kay Haruko. Ayoko makita si Haruko na masaktan dahil kaibigan ko rin sya at si Sasaki ganun din si Ayako kaso si Rukawa parin naman ang magpapasya nun dahil hindi hawak ni Haruko ang puso ni Rukawa. Minsan naaawa ako kay Haruko pero wala naman kaming magawa dahil kahit ano nga naman ang gawin nya kung di sya gusto ni Rukawa wala rin...

Lumabas si Maki at kinausap si Rukawa. Hindi ko alam kung ano pinag uusapan ng dalawa dahil napaka seryoso nila pareho. Kinausap ko na lang si Haruko dahil dalawa na lang kami nasa loob nasa kwarto na si Mama at tulog na kaya kami na lang ni Haruko...

"Alam mo Haruko bagay kayo ni Rukawa." ngiti kong sabi.

"Salamat Satomi pero kung di man nya ako magustuhan ayos lang sakin. Isa pa masaya na ako na nakilala nya ako kahit na imposible na mahalin nya ako....

"Ano ka ba naman Haruko walang imposible wag ka mag isip ng ganun. Marunong magmahal si Rukawa at kitang kita yun sa kanya hindi nga lang natin alam kung sino ang gusto nya diba pero hanggat wala syang girlfriend wag kang sumuko." seryosong sabe ko.

"Oo Satomi hindi ako susuko pero hindi naman natin alam ang future natin malay mo di ba hindi pala sya yung naka tadhana para sakin...

"Bakit sino ba naka tadhana sayo?" bungad ni Rukawa.

Nagulat kami ni Haruko dahil narinig lahat ni Rukawa at Maki ang pinag usapan namin.

"Ha wala naman Rukawa." nahihiyang sabi ni Haruko.

"Magpapaalam na ako Satomi pakisabi sa mama mo marameng salamat." seryosong sabi ni Rukawa.

"Ikaw Haruko di ka pa ba uuwi?" tanong ni Maki.

"Uuwi na sya." sagot ni Rukawa.

Hindi ko alam kung bakit ganun ugali ni Rukawa wala tuloy magawa si Haruko kundi sumunod na lang kay Rukawa. Nagpaalam na si Haruko at Rukawa at naiwan naman si Maki.

"Ikaw di kapa uuwi?" tanong ko.

"Dito ako matutulog." ngiting sabi ni Maki.

"Hay naman alam ko nanaman yang tumatakbo sa utak mo....

"Alam mo pala eh tara na hahaha...

"Ayoko." sagot ko.

Nagulat ako ng buhatin ako ni Maki at dalin sa kwarto. Hindi na tuloy ako makatakas dahil napaka lakas nya basta talaga gusto nya ginagawa nya.

"Matulog na tayo." seryosong sabi ni Maki.

"Hindi ako inaantok matulog ka kung gusto mo..

"Mamimiss mo ko kapag umalis na ako sige ka sinusulit ko lang na kasama kita dahil ang tagal bago tayo magkikita ulit." sabe ni Maki saka tumalikod.

Sabagay tama si Maki matagal ulit bago kami magkikita at magkakasama. Napaka dumi kasi lage ng iniisip ko sa kanya baka nagalit o nag tampo na sya sakin dahil tumalikod na ito.

"Maki Hon..

"Ummmmppp..

"Humarap ka nga dito at tska sabi ko ayoko ng umuungol ka..

"Lahat na lang bawal sayo. Ikaw naman lage nasusunod ano paba gusto mo?

"Galit ka ba?

"Hindi..

"Sorry na Hon bati na tayo halika na lalambingin na kita..

"Talaga Hon." ngiting sabi ni Maki.

Lumapit si Maki sa akin at hinalikan ako..

"Maki I love you...

"I love you too...

Hinalikan ako ni Maki pero di naman yun ganun kalalim tulad ng dati. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at bumaba ang halik nya sa leeg ko tapos bumalik ulit sa labi hindi pa sya natapos bumalik ang halik nya sa leeg sa balikat sa mukha walang sawang hinalikan ako ni Maki pero di naman nya hinubad ang damit ko.

"Bakit ang sarap mong halikan." bulong ni Maki.

"Hindi ko rin alam." natatawa kong sabe sa kanya.

"I love you ang ganda mo talaga Mrs. Maki hehehe..

"Salamat Mr. Maki hehehe...

Nahiga na kami ni Maki ng magkayakap....