Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 73 - CHAPTER 73

Chapter 73 - CHAPTER 73

Nagsiuwian na ang ibang kaibigan ni Sasaki pati sila Haydee at Max naiwan naman si Mitsui, Erica, Hanagata, Aika, Fujima, Sasaki, Sendoh, Daila, Nissa, Jin, Giezel, Rukawa at Haruko. Nahihiya si Aika na lapitan si Hanagata ganun din si Sendoh kay Nissa. Sweet na sweet naman sila Fujima Sasaki Mitsui at Erica maging kami ni Maki.

"Haruko never ka pa ba nagkaroon ng boyfriend?" tanong ni Mitsui.

"Oo." tipid na sagot ni Haruko.

"Nissa ikaw nagkaroon ka ba ng boyfriend?" tanong ni Hanagata.

"Wala rin." sagot ni Nissa.

"Ang bait nyo naman." sabi ni Jin sa dalawa.

"Ano bang type mo Haruko sa isang lalaki katulad ba ni Sakuragi na maingay o katulad ni Rukawa na tahimik." tanong ni Sendoh at hindi naman maiwasan ni Haruko na mahiya dahil pakiramdam nya nasa hot seat sya.

"Gusto ko sa isang lalaki magaling mag basketball." sagot ni Haruko.

"Paano ba yan lahat kami magaling mag basketball." mayabang na sabi ni Mitsui.

"What if ligawan ka ni Sakuragi may pag asa ba?" tanong ni Sendoh.

"Wala kasi kaibigan ko lang si Sakuragi." sagot ni Haruko.

"Paano kung si Rukawa manligaw?" tanong naman ni Fujima.

Hindi na sumagot si Haruko dahil nahihiya na sya. Nakatingin naman si Rukawa kay Haruko kung ano ang isasagot nito. Ayaw ni Haruko pag usapan sila kaya mas minabuti na lang nyang manahimik kesa mag salita. Bagay na bagay si Haruko at Rukawa pero sa tingin ko masasaktan sya kay Rukawa dahil mukhang ayaw ni Rukawa sa love tulad ng sabi nya. Hindi tulad ni Sakuragi kahit di pa sila pinaparamdam nya kay Haruko na mahal nya ito.

"Sana lang hindi masaktan si Haruko." malungkot na sabi ni Sasaki.

"Bakit naman sya masasaktan." seryosong tanong ni Rukawa.

"Eh kasi kung ikaw ang pipiliin nya kuya masasaktan sya dahil ayaw mo sa love di ba? Paano kung pinili ka nya. Anong gagawin mo?" tanong ni Sasaki.

Yumuko si Rukawa at di na nagsalita pa. Nahihiwagaan talaga ako sa pagkatao ni Rukawa hindi kasi nya pinapakita yung tunay nyang nararamdaman hindi katulad ni Sendoh. Alam kong naniniwala sya sa love siguro sinasabi nya lang yun na ayaw nya sa love pero alam kung marunong sya magmahal o dahil natatakot syang masaktan tulad nila Mitsui at Sakuragi na puro basted ang nangyari.

"Alam nyo dati takot din ako sa love masakit nga naman mareject lalo na kung gustong gusto mo sya pero walang mangyayari kung lage kang matatakot. Tama si Maki at Fujima masarap magmahal lalo na kapag natagpuan mo yung babaeng para sayo kasi kahit ilang beses kang masaktan worth it lahat ng sakit kapag nahanap mo ang para sayo." paliwanag ni Mitsui..

"Naks naman Mitsui." ngiting sabi ni Sendoh.

"Kaya wag ka matakot Rukawa subukan mo magmahal malay mo mahal ka rin ng taong gusto mo." sabi ni Mitsui.

"Paano kung hindi? Paano kung mas pinili kong magmahal kahit alam kong may masasaktan? Ayoko pumasok sa isang relasyon kung alam kong may masasagasaan ako." seryosong sabe ni Rukawa na ang tinutukoy ay si Sakuragi.

Hindi ko alam kung ano pinag dadaanan ni Rukawa pero napaka seryoso ng mukha nya. May mahal nga sya pero ayaw nya may masagasaan sino kayang tinutukoy nya? Napaka bait pala nyang tao mas pipiliin nyang mag paraya kesa may masaktan sya. Ngayon ko lang talaga sya nakikilala ng lubusan.

"Ibang klase ka Rukawa kaya mo magparaya para wala kang masagasaan? Paano kung ikaw ang mahal nya at hindi yun igigive up mo ba sya?" tanong ni Fujima.

"Hindi ko alam." naka yukong sabi ni Rukawa.

"Kung ako siguro nasa sitwasyon mo hindi ako magpaparaya lalo na kung mahal nya ako. Isipin mo ipaparaya mo yung babaeng mahal mo edi pareho lang kayong nasaktan di ba? Alam mo mas maiintindihan yun ng isa dahil kayo yung nagmamahalan eh. What if nag give way ka pero nakikita mo naman na hindi masaya yung taong mahal mo dun sa lalaki na pinili nya." seryosong sabi ni Mitsui at sumang ayon naman kaming lahat.

"Kung natatakot ka dahil may masasagasaan ka wag mo isipin yun matakot ka pag sya nawala sayo." singit  ni Maki sa usapan.

"Tama." sang ayon ni Sendoh.

Grabe sila magpayo kay Rukawa pero lahat ng sinabi nila tama. Kakaiba rin pala magmahal tong si Rukawa macucurious ka talaga. Hindi ko akalain na kaya nyang mag give way sa taong mahal nya mas inisip nya ang iba kesa sa sarili nya ang bait pala nya. Hindi ko alam kung si Haruko ba ang tinutukoy nya at ang lalaking sinasabi nya ay si Sakuragi.

"Never pa nangyari sakin yan." sagot ni Aika.

"Sa akin din." sagot naman ni Giezel na katabi ni Jin.

"Mahal mo nga siguro sya kuya. Kung ano naman ang definition mo sa love wag ka matakot nandito naman kami." ngiting sabi ni Sasaki.

"Ikaw Sendoh paano kung dalawang babae may gusto sayo what if lang example natin si Nissa at Daila anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Mitsui.

"Isa lang naman ang puso ko. Hindi ko kayang manakit ng babae siguro kung pareho sila may gusto sakin titimbangin ko kung kanino ba talaga ako mas masaya. Ayoko rin pumasok sa isang relasyon kundi ako handa dahil natatakot din akong mareject pero kung mangyari man yun di ko yun pagsisisihan." ngiting sabi ni Sendoh habang nakatingin kay Nissa.

"Ikaw Nissa kung sakali ba na ligawan ka ng isang Akira Sendoh may pag asa ba?" diretsahang tanong ni Fujima.

"Hindi ko alam mas priority ko kasi ang paglalaro ng volleyball pero dahil sa injured ko di na yun mangyayari. Ayokong magmahal kung di pa ako handa mas gusto ko sya kilalanin muna bago ko sabihin na may pag asa sya." sagot ni Nissa.

"Ikaw Hanagata naniniwala ka ba sa love?" tanong ni Sendoh.

"Oo naman nagkaroon ako ng girlfriend pero iniwan nya ako. Nasa langit na sya kaya nga natatakot ako magmahal baka maiwan nanaman ako. Hindi ko alam kung ano plano ni God sakin pero thankful ako dahil nakilala ko kayo." malungkot na sabi ni Hanagata.

"Anyare sa girlfriend mo? Bakit namatay." tanong ni Mitsui.

"May sakit sya. Minsan naisip ko sana wag na lang ibigay ni God kung babawiin din nya sa akin." wika ni Hanagata habang nakatingin kay Aika.

"Hindi naman lahat iiwan ka." seryosong sabi ni Aika.

"Tama." pag sang ayon ni Sendoh sa sinabe ni Aika.

"Talaga di mo ba ako iiwan tulad ng ex ko?" tanong ni Hanagata.

"Oo Hanagata manhid ka wala kang pakialam sa nararamdaman ko kahit na nasasaktan mo na ako. Nung sinabi mo na hindi kita pwedeng mahalin nasaktan ako dahil bakit hindi pwede? Hindi ba ako kamahal mahal? Ano bang ayaw mo sakin? Ang sakit marinig yun mula sayo. Nagmumukha na akong tanga para lang sayo pero di mo yun makita." umiiyak na sabi ni Aika habang naka yuko.

"Bakit ganun ka naman Hanagata. Hindi mo dapat pinapaiyak si Aika baka mamaya magmahal yan ng iba ikaw ang kawawa." sabi ni Mitsui.

"Sorry nasabi ko yun dahil hindi mo pa ako kilala kung sino ba talaga ako. Hindi ako mabait na tao Aika tulad ng iniisip mo sakin. kaya mo bang tanggapin ang ugali ko, kaya mo bang mag stay sa buhay ko ng di kana aalis, kaya mo bang mahalin ako kung sino ako? Mamahalin mo parin ba ako kahit na ganito lang ako?" sunod sunod na tanong ni Hanagata kay Aika.

"Oo Hanagata lahat mamahalin ko sayo dahil minahal kita kung sino ka at ano ka." sagot ni Aika.

Grabe nakakaiyak tong dalawa akalain mong nagtapat sila ng pag ibig kahit ang dami namin dito. Napaka sweet ni Aika kay Hanagata at alam kong gusto ni Hanagata si Aika. Ganito pala sila kaseryoso kapag nag usap usap may iyakan, asaran at tawanan.

"Isang tanong lang naman yan gusto mo ba si Aika hah Hanagata?" tanong ni Jin.

"Oo matagal na." sagot ni Hanagata habang nakatitig kay Aika.

"Wow naman narinig mo ba yun Aika." ngiting sabi ni Sasaki sa kaibigan.

"Ang dami mong sinabing masasakit sakin gusto mo naman pala ako." inis na sabi ni Aika habang umiiyak.

"Lapitan mo na." bulong ni Fujima kay Hanagata.

Nilapitan ni Hanagata si Aika at pinunasan nito ang luha ni Aika. Ang sweet ng dalawa hinatak pa ni Hanagata si Aika para sa labas mag usap.

"Mabalik tayo sa topic Ikaw ba Jin wala kang crush or girlfriend?" tanong ni Mitsui.

"Crush wala eh hehehe wala rin akong girlfriend. Mula kasi ng mapasok ako sa KAINAN wala na akong ginawa kundi mag practice at mag sanay ng shooting di kasi ako ganun kagaling dati." paliwanag ni Jin.

"Ang bait mo naman Jin." ngiting sabi ni Sasaki.

"Hindi naman wala lang talaga sa isip ko ang mag girlfriend bata pa ako eh." nahihiyang sabi ni Jin.

"Ikaw Giezel saan ka nag aaral?" tanong ni Fujima.

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Rukawa." tanong ni Mitsui.

"Galing ako sa Tomigaoka kung saan nag aral dati si Rukawa. Bestfriend kami pero magkaiba na kami ng school dahil mas pinili ni Rukawa mag aral sa Shohoku dahil mas malapit sa kanila at ako naman sa Takezono." sagot ni Giezel.

"Hindi mo ba naging crush si Rukawa." tanong ni Sendoh.

"Hindi eh." sagot ni Giezel.

Parehong bata pa si Jin at Giezel sa mga sagot pa lang nila halatang wala silang naging ka relasyon o nagustuhan. Ang gwapo ni Jin lalo na kapag naka ngiti ang ganda naman ni Giezel lalo na kapag namumula bagay na bagay sila ni Jin. Gusto kong makita sila na may kanya kanya ng girlfriend at boyfriend. Akala ko noon ang mga basketbolista mga manloloko hindi pala dahil totoo sila kung magmahal.