Dumating na ang SHOHOKU at SHOYO kasama sila Sendoh para tuloy may party sa bahay namin dahil may dalang wine at cake sila Sendoh at Mitsui. Nandoon din si Sasaki at Haruko lahat sila nandun pati ang kapatid ni Fujima at mga kaibigan ni Sasaki. Hindi tuloy magkanda ugaga si Mama dahil sa dami ng bisita dahil hindi naman malaki ang bahay namin kaya yung iba sa kanila naka tayo na lang...
"Inuman na." sigaw ni Mitsui.
"Kumain ka muna." sabi ni Erica.
"Wow pinapagalitan na sya ngayon." sabi ni Sendoh na hindi maiwasan kiligin sa dalawa.
"Sige baby sinabi mo eh." ngiting sabi ni Mitsui kay Erica sabay kindat nito.
"Kayo na ba?" tanong ni Maki.
"Hindi pa assuming lang talaga to." sagot agad ni Erica.
"Aray ko naman baby sinasaktan mo ang puso ko." nag da-dramang sabi ni Mitsui.
"Si Maki Hon ang tawag si Fujima babe si Mitsui baby ikaw Ryota ano tawag mo kay Ayako?" tanong ni Sendoh..
"Mine ang tawag ko kay Ayako dahil akin lang sya at sa kanya lang ako." sagot ni Ryota.
"Wow mine kakaiba yun." sabe ni Kiyota.
"Nasaan si Rukawa?" tanong ni Sendoh.
"Susunod dahil may kasama daw sya." sagot ni Sasaki
"Sino kasama nya?" tanong ni Mitsui.
"Kaibigan daw nya." anya ni Sasaki.
Sama sama kaming kumain habang hinihintay sila Rukawa at Haydee kasama ni Haydee ang pinsan kong si Max. Mula ng makita ni Haydee si Max na maglaro hindi na nya nilubayan ang pinsan ko masaya naman si Max dahil nandyan si Haydee para sa kanya.
"Tita napaka sarap nyong mag luto ang ganda nyo pa." pambobola ni Mitsui kay Mama.
"Fukuda bakit wala ka kanina?" tanong ni Tetsuki.
"Wala naman akong award. Ano gagawin ko dun." pamimilosopong sagot ni Fukuda.
"Dapat nagpunta ka parin." inis na sabi ni Tetsuki.
"Miss mo lang ata ako eh." ngiting sabi ni Fukuda.
"Kapal mo." pagtataray ni Tetsuki.
"Aba si Fukulot marunong din pala mainlove whahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.
"Unggoy nga marunong mainlove sya pa kaya." sabat ni Koshino.
"Sinong unggoy yan Koshino?" inis na tanong ni Kiyota.
"Alam na alam." nang aasar na sabi ni Sakuragi kay Kiyota
"Late na ba?" bungad ni Rukawa na may kasamang babae.
"Wow ang ganda sino yan?" tanong ni Hasegawa.
"Siya si Geizel." pagpapakilala ni Rukawa.
"Nice meeting you Giezel." ngiting sabi ni Jin.
"Nice meeting you rin." sagot ni Giezel.
Napaka ganda ng kasama ni Rukawa kaya nawalan ng gana si Haruko dahil may kasamang ibang babae si Rukawa. Tumabi si Jin kay Giezel at nakipag kwentuhan ito kitang kita kay Jin ang saya habang kausap ang kaibigan ni Rukawa. Pumunta si Rukawa kanila Sendoh at kumuha ng pagkain.
"Haruko ayos ka lang?" tanong ni Sasaki.
"Gusto ko na umuwi." bulong ni Haruko.
"Gusto na daw umuwi ni Haruko." sigaw kong sabi
"Hala ka Rukawa." sabe ni Sendoh habang nakatingin kay Haruko.
"Kaibigan ko lang yun." seryosong sabi ni Rukawa sabay tingin kay Haruko.
"Wala naman nag tatanong bakit nagpapaliwanag ka." nahahalatang sabe ni Mitsui kay Rukawa.
"Kaibigan lang pala eh." sabi naman ni Sendoh kay Haruko.
Hindi ko alam kung matatawa ako dahil kitang kita kasi kay Haruko at Rukawa ang pamumula. Hindi naman na out of place si Giezel dahil kausap nito si Jin at si Kiyota parang mas gusto pa ni Giezel kausap si Jin kesa kay Rukawa.
"Ano nga palang nakuha nyong award?" tanong ni Koshino sa team.
"Award wala ako nun wahahaha." proud na proud pang sabi ni Sakuragi habang tumatawa.
"Wala rin akong award galit sakin mga teacher." sagot ni Mitsui.
"May award ako best in recess." natatawang sabi naman ni Ryota.
"Si Haruko may award hindi ba top student ka din." sabe ni Sasaki.
"Wow maganda na matalino pa. Hindi ba Rukawa." nang aasar na sabi ni Sendoh kay Rukawa.
"Alam ko yun matagal na." sagot ni Rukawa.
"Alam nyo di na importante kung may award basta sama sama. Ang sarap maging high school." sigaw ni Mitsui habang nainom ng wine.
"Tama ka dyan masarap maging high school." sang ayon ni Ryota at uminom rin ng wine.
"Masaya ang maging high school kung kayo ang kasama." ngiting sabi naman ni Sendoh.
"Hindi naman masaya kung ikaw ang kasama." masungit na sabe ni Rukawa at tumawa naman ang team.
Kanya kanya ng topic ang bawat isa sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung sino kakausapin ko. Napaka iingay nila mapa lalaki o babae lahat madaldal...
"Kuya pwede ba ako uminom?" tanong ni Sasaki kay Rukawa.
"Hindi." sagot ni Rukawa.
"Pero sya pwede kakainis." nakasimangot na sabe ni Sasaki saka nagsumbong kay Fujima.
Hindi rin ako pinayagan ni Maki uminom ganun din si Haruko. Akalain mong sa kanila lang pala yung wine bawal pala uminom ang babae ang buong akala nila di kami marunong uminom minamaliit kami ng mga to...
"Satomi hindi ba darating si Max?" tanong ni Mama.
"Nandito na ako tita." bungad ni Max.
Napatingin ako dahil magka holding hands na si Haydee at si Max so ibig sabihin silang dalawa na. Ang bilis ni Max o mabilis din si Haydee kahit di nila sabihin halata naman na sila na.
"Tita Satomi at sa inyong lahat girlfriend ko." ngiting pakilala ni Max.
"Wow naman congrats." natutuwang bati ni Mitsui at Ryota.
"Congrats Max and Haydee." ngiting bati naman ni Sasaki.
Binati sila ng lahat at niyakap ko naman si Haydee. Masaya ako dahil may girlfriend na rin sa wakas ang pinsan ko. Ayaw din kasi nya magmahal pa dahil nag aaral pa sya pero di ko akalain na magiging sila ni Haydee ng ganun kabilis. Halatang mahal ni Haydee si Max ganun din si Max kay Haydee.
"Ikaw Hanagata kailan ka?" tanong ni Sendoh.
"Ayoko ng girlfriend gusto ko asawa." sagot ni Hanagata habang naka tingin kay Aika.
"Hanep ang bilis mo rin." sabi ni Ryota na hindi makapaniwala sa sinabe ni Hanagata.
"Ikaw Sendoh kailan ka?" tanong ni Daila.
"Bakit ako saka na ako sila Rukawa muna." sagot ni Sendoh.
"Ayoko ng love." seryosong sabi ni Rukawa.
"Yun lang." bulong ni Fukuda.
"Masarap kaya mainlove di ba Hon." ngiting sabi ni Maki.
"Oo sobrang sarap." saad ko
"Gaano kasarap?" tanong ni Sendoh.
"Kasing sarap ng kili kili ni Maki." natatawa kong sabi.
"Yuck." nandidiring sabi ni Sendoh.
"Masarap ba kili kili ko Hon?" tanong naman ni Maki.
"Joke lang yun." ngiti kong sabi.
"So hindi masarap?" tanong ni Maki.
"Hindi ko naman kinain yang kili kili mo kaya di ko alam kung masarap niloloko ko lang si Sendoh..
Ang lakas din ng tama ni Maki sineryoso yung sinabi ko. Hindi ko naman talaga kinain kili kili nya ano naman mapapala ko dun mamaya mamatay pa ako ng wala sa oras hehehe biro lang dahil alam ko naman mabango ang kili kili ni Maki pero wala akong balak kainin yun.
"Anong course pala kukunin mo Maki?" tanong ni Sasaki.
"Gusto ko maging isang architect pero pinag iisipan ko pa kung Engineer pero sasali parin ako sa basketball." sagot ni Maki.
"Ikaw Fujima ano kukunin mo?" tanong ko.
"Engineer din pero di ko pa yun sure." sagot ni Fujima.
"Ikaw Mitsui anong course kukunin mo?" tanong ni Erica.
"Hindi ko pa alam ayokong isipin pa yun." sagot naman ni Mitsui.
Dumating sila Uozumi at Akagai na kasama si Nissa gulat na gulat si Sendoh dahil nakita nya ang babaeng gustong gusto nya. Hindi nanaman mapakali si Sendoh dahil napaka ganda ni Nissa lalo na kapag hindi naka uniform.
"Ang ganda naman nun." bulong ni Takano.
"Ang ganda nga." sang ayon naman ni Hasegawa.
"Sya ba si Nissa?" tanong ni Fujima.
"Oo sya si Nissa." ngiting sabi ni Ryota.
Hindi na makapag salita si Sendoh dahil nahihiya na ito. Kanina ang lakas mang asar pero ngayon halos di mo na makausap Iba talaga nagagawa ng pag ibig.
"Magandang gabi po." ngiting bati ni Uozumi at Akagi.
"Magandang gabi rin po. Ako po pala si Nissa." nahihiyang sabi ni Nissa kay Mama.
"Napaka ganda mo namang bata at kayong dalawa napaka tangkad nyo. Maupo na kayo at ipaghahain ko kayong tatlo." wika ni Mama kanila Uozumi.
"Salamat po." sagot ni Akagi
"Satomi." tawag ni Sendoh
"Bahala ka dyan....
"Nandito si Nissa kausapin mo dali na." bulong ni Sendoh.
"Ano ba ang likot mo." reklamong sabi ni Rukawa.
Katabi ni Sendoh si Rukawa kaya maririnig nito ang sasabihin ni Sendoh. Hindi maka alis si Sendoh dahil nahihiya syang lapitan si Nissa.
"Satomi ano ba parang di ka naman kaibigan." bulong ni Sendoh na naiinis na sakin.
"Ano ba yun." natatawa kong sabi.
"Bakit ba bumubulong ka? sa tenga ko pa talaga." inis na sabi ni Rukawa.
"Tumabi ka kasi." sabe ni Sendoh at lalong dumikit si Rukawa.
"Ayoko nga." nang iinis na sabi ni Rukawa.
"Rukawa nakikita mo ba yung babaeng yun?" turo ni Sendoh kay Nissa.
"Oo hindi naman ako bulag." sagot ni Rukawa.
"Crush ko sya." ngiting sabi ni Sendoh.
"Ano naman ngayon sakin." seryoso nitong sabi.
"Ganyan talaga reaction mo? Hindi kaba masaya para sakin?" tanong ni Sendoh.
"Masaya na ako nito." sagot ni Rukawa.
"Sarap mo kausap dyan kana nga." sabi ni Sendoh saka iniwan si Rukawa.
Hindi ko alam kung ayaw ba ni Rukawa kay Sendoh pero kasi pinapatulan din nya si Sendoh abnormal. Lumapit si Sendoh kay Uozumi kunwari kakausapin nya ito pero ang totoo nagpapa-pansin lang sya kay Nissa.
"Uozumi kamusta kana." ngiting tanong ni Sendoh habang nakatingin kay Nissa.
"Nagkita lang tayo kanina di ba." sabe ni Uozumi kay Sendoh.
"Hah oo nga noh hehehe...
Hindi ko alam kung matatawa ako kay Sendoh halatang halata kasi sya. Tahimik naman si Nissa habang nakain hindi nya magawang kausapin si Nissa dahil nahihiya talaga sya. Nagulat ako ng tumayo si Rukawa at lapitan si Nissa.
"Ikaw ba si Nissa?" tanong ni Rukawa.
"Ako nga bakit?" tanong ni Nissa.
"Crush ka ni Sendoh." diretsang sabi ni Rukawa.
Hindi na tuloy alam ni Sendoh ang gagawin dahil nakatingin na sa kanya lahat maging si Nissa. Ibang klase pala si Rukawa..
"Totoo?" seryosong tanong ni Nissa kay Sendoh.
"Nissa wag ka maniwala dito lasing lang to." nahihiyang sabi ni Sendoh.
"Ikaw ata ang lasing hindi ako." sabe ni Rukawa na masama ang tingin kay Sendoh.
Natatawa ako sa dalawa dahil hatak hatak ni Sendoh si Rukawa....