"May sasabihin pala ako sayo Hon...
"Ano yun." tanong ko..
"Aalis ako magtatake ako ng exam sa ibang bansa. Mahihintay mo ba ako?" seryosong tanong ni Maki.
Hindi pa mandin sya nakakaalis nalulungkot na ako. Ayoko magkahiwalay kami ni Maki baka hindi ko kayanin.
"Akala ko ba walang iwanan? Bakit aalis ka? kaya kitang hintayin kahit gaano katagal Maki pero ayokong magkalayo tayo." nalulungkot kong sabi..
"Gusto kong maging better pa ako para sayo Hon. Hindi ko to ginagawa para sa akin kundi para sayo at sa future nating dalawa. Mahal na mahal kita Satomi alam mo yan gusto kong tuparin ang pangarap ko na ikaw ang kasama." naiiyak na sabi ni Maki..
"Bakit sa ibang bansa ka pa magta-take ng exam hindi ba pwedeng dito na lang Maki. Ayoko magkalayo tayo please." umiiyak kong sabi habang naka yakap sa kanya.
"Tumingin ka sakin Hon wag kang umiyak mabilis lang ang araw at panahon. Pangako babalik ako dito tapos magpapakasal na tayo. Wag kanang umiyak pangako ko sayo magiging loyal ako magkalayo man tayong dalawa....
"Maki ayoko. Ayoko talaga di ko kaya." umiiyak kong sabi..
"Hon kailangan kong gawin yun apat na taon lang pagkatapos nun babalik na ako dito. Kailangan kong mag aral at mag take ng exam dun sayang ang opportunity. Satomi gagawin ko to para sayo para maging proud ka sakin ayokong ng hanggang ganito lang ako." umiiyak ring sabi ni Maki.
"Sige basta babalik ka dito. Maghihintay ako sayo Maki ikaw lang ang lalaking mamahalin ko..
"Salamat Hon ikaw lang din ang babaeng mamahalin ko. Salamat dahil naintindihan mo ko pangako pag balik ko pakakasal na tayo ipinapangako ko yan sayo I love you mahal kong asawa." sabe ni Maki.
Hinalikan nya ako sa labi napaka lalim nun. Mamimiss ko si Maki hindi pa man sya nakaka-alis namimiss ko na sya yung apat na taon pa kaya? parang di ko kakayanin..
"I love you Satomi." bulong ni Maki.
"Halikan mo lang ako please." utos ko.
Ginawa naman ni Maki ang gusto ko hinalikan nya ako ng sobra sobra. Ayoko ng matapos dahil ayoko na syang lumayo pa sakin di ko talaga kaya. Hinalikan nya ako sa labi sa tenga sa mukha ganun din sa leeg. Hindi na ako tumutol sa ginagawa nya dahil wala na akong pakialam kung ano gusto nya gawin sa akin. Mahal na mahal ko si Maki.
"Maki...
"Sshhh hayaan mo kong paligayahin ka Hon..
Napakasarap pakinggan ng mga sinabi ni Maki. Hindi ko alam kung ano gusto nya pero ayoko ng mag tanong pa hinayaan ko na lang sya. Gusto ko syang makasama bago sya umalis hindi ko alam kung kakayanin ko bang mag isa ng wala sya ng apat na taon...
"Bakit napaka ganda mo Satomi." seryosong sabi ni Maki..
"Binobola mo naman ako." nakasimangot kong sabi..
"Hindi kita binobola. Gusto kong pagmasdan ka mula ulo hanggang paa, gusto kong maging akin ka Satomi. Selfish nga siguro talaga ako dahil pinagdadamot kita sa lahat ganito kita kamahal Satomi gagawin ko lahat para sayo para di ka mawala sakin. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito at ayoko ng magmahal kundi lang din ikaw tandaan mo yan." seryosong sabi ni Maki habang nakatitig sa akin..
"Mahal na mahal din kita Maki ayos lang kung ipagdamot mo ko dahil sayong sayo lang ako. Hinding hindi ko pinagsisihan na minahal kita ikaw lang din ang lalaking minahal ko ng ganito Maki. Hindi ko alam kung kaya ko pang maging masaya habang wala ka dahil nasanay ako na ikaw lage ang kasama ko ikaw lang Maki ikaw lang." umiiyak kong sabi.
"Ang sarap naman pakinggan nun Hon. Alam mo ba una pa lang kita makita ginising mo na ang natutulog kong puso ang corny ba Hon hehehe
Pagkatapos sabihin ni Maki yun hinalikan nya ulit ako. Napaka sarap nya talagang humalik bakit ganito lahat mamimiss ko sa kanya. Ayoko na talaga magkahiwalay kami parang di ko talaga kaya. Dapat masaya ako dahil kasama ko si Maki pero di mawala sa isip ko ang sinabi nya na aalis sya at iiwan ako pero ayokong maging hadlang sa mga pangarap ni Maki kaya iintindihin ko sya at susuportahan sa lahat kahit masakit para sa akin.
"Hon walang laman." natatawang sabi ni Maki.
"Bwesit ka bakit sinabi ko bang hawakan mo? Ang bastos mo talaga..
"I love you Satomi napahawak lang eh hahaha...
"I love you too Maki..
"Basta pangako mo tayong dalawa lang. Akin ka lang dahil kapag nalaman ko may iba ka masasaktan ako ng sobra baka ikamatay ko pa yun..
"Hinding hindi kita ipagpapalit Maki dahil mahal na mahal kita. Dapat ikaw rin loyal sakin dahil kapag nalaman kong niloloko mo ako puputulin ko talaga yang kaligayahan mo...
"Hindi ko yun magagawa sayo. Ikaw nga lage nasa isip, utak at puso ko para na akong mababaliw kapag di kita nakikita." sabe ni Maki habang nakatitig sakin.
"Wee talaga siguraduhin mo lang Mr. Maki...
"Yes Mrs Maki sisiguraduhin ko yan I love you..
Nahiga kami ni Maki ng magkayakap. Hinalikan nya ako sa noo ko habang hawak ang kamay ko. Akala ko di na ako magmamahal dahil aral lang naman at si Mama ang importante sa akin pero ngayon kasama na dun si Maki at ang buong team lahat sila mahalaga sa akin.
Tinignan ko sya at mahimbing na nga syang natutulog napaka amo at napaka bait ng mukha nya pag tulog. Niyakap ko sya at hinalikan sa labi nagulat pa ako dahil gising pa pala sya.
"Ikaw hah...
"Hoy mali ang iniisip mo sakin..
"Bakit ano ba tingin mong iniisip ko sayo?" ngiting tanong ni Maki.
"Wala." sagot ko saka tumalikod.
Niyakap ako ni Maki ng nakatalikod at hinalikan nya ako sa balikat. Hawak hawak nya ang kamay ko kaya di ako makapalag sa ginagawa nya bwesit bakit ba ang sarap nyang humalik..
"Maki matulog kana..
"Ayoko gusto kong halikan ka adik ako sayo Hon..
"Maki naman..
"Hindi ako tulad ng iniisip mo please gusto lang talaga kitang halikan..
"I love you di ako magsasawang sabihin sayo yan Hon..
"I love you too Maki..
Nahiga na kami pareho habang yakap nya ako. Masaya ako dahil sa kanya. Alam kong gusto ni Maki pero di nya ginawa nirespeto talaga nya kung ano yung ayaw ko.
KAINAN HIGH
"Pagka graduate ni captain aalis na pala sya." malungkot na sabi ni Kiyota.
"Dapat maging masaya tayo para kay captain Kiyota." sabe ni Jin.
"Nakakamiss lang si Maki. Kapag nakapasa sya sa exam dun na sya mag aaral sa ibang bansa." sabe naman ni Takasago.
"Mamimiss ko si captain." naiiyak na sabi ni Kiyota.
"4th year na kasi si Maki tapos graduating pa." malungkot ding sabi ni Miyamaso.
"Wag na kayo malungkot karangalan yun dahil kinuha si Maki sa ibang bansa para mag aral at maglaro. Wala akong duda sa batang yun dahil napaka galing talaga ni Maki." bungad ni coach Takato.
"Tama si coach." sang ayon ni Jin.
Kitang kita sa team ng KAINAN ang lungkot dahil aalis na ang captain nilang si Maki. Bumalik na sila sa practice pero di sila makapag focus sa laro dahil kay Maki.
Maki Residence..
Maaga akong nagising at napangiti ako dahil hawak hawak ni Maki ang kamay ko. Napaka cute at napaka gwapo nya ang sarap tuloy pag masdan.
"Satomi..
Ngumiti na lang ako dahil alam kong niloloko nanaman nya ako. Tumayo na ako pero hawak hawak ni Maki ang kamay ko pinipilit kong tanggalin pero ayaw nya.
"Maki tumayo kana gising ka naman na eh...
"Ayoko." sagot nya.
"May pasok tayo...
"Ayokong pumasok." sagot nya habang naka pikit.
"Bakit masama ba pakiramdam mo?" tanong ko.
"Hindi." sagot nya.
"Yun naman pala Mak....
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan ako ni Maki kahit nakapikit ito. Ang sarap parin ng halik nya kahit di sya nag toothbrush hindi rin sya amoy bad breath badtrip bakit ganito kasarap ang halik nya.
"Maki please...
"Anong please ayoko dito ka lang...
Wala na akong nagawa basta ginusto talaga nya gagawin nya. Paano kaya ako makakapasok nito kung ganito namang ayaw nya akong pakawalan kagabi pa to halik ng halik di na nagsawa sabagay ako rin naman di nagsasawa sa halik nya. Napahiga na tuloy ako ng wala sa oras hindi nanaman ako makakapasok. Ano nanaman kaya idadahilan ko nito.