Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 71 - CHAPTER 71

Chapter 71 - CHAPTER 71

Tinanghali akong pumasok dahil ayaw ako pakawalan ni Maki pero sa huli pumayag din sya sa gusto ko. Pareho kaming pumasok dahil graduating na si Maki ako naman hindi pamatagal pa bago ako ga-graduate. Mula ng magpaalam sa akin si Maki na aalis sya sobrang nalungkot ako pero mas naintindihan ko na sya ngayon.

"Good morning mommy Satomi." nang aasar na sabi ni Sendoh..

"Kadire ka anong mommy sinasabi mo dyan.,..

"Asawa at Hon tawag sayo ni Maki kami mommy yung mommy na multo hahaha...

"Bwesit ka talaga ang aga aga mo kong inisin..

"Balita ko nagpaalam na si Maki sa team." nalungkot na sabi ni Sendoh.

"Oo sinabi nya sakin. Sa ibang bansa sya mag aaral kapag nakapasa sya sa exam sayang di naman kasi yung opportunity kundi nya yun tatanggapin.

"Ayos lang sayo umalis si Maki?" tanong ni Sendoh..

"Ayokong maging hadlang sa pangarap nya Sendoh. Isa pa kaya ko naman hintayin sya dahil ang nagmamahal naghihintay hehehe..

"Dami mong alam umibig ka lang naging OA kana...

Sabay kaming pumasok sa loob pero nagulat kami dahil ang daming tao. Ngayon ko naalala na recognition day nga pala ngayon bwesit naka uniform ako. Wala si Mama at hindi ko nasabi na bigayan pala ng award ngayon badtrip..

"Patay nawala sa sarili ko recognition day pala ngayon." kakamot kamot sa ulo ni Sendoh.

"Ako rin nakalimutan ko...

Iniisip ko wala akong nanay kapag umakyat ako sa stage. Bakit ba kasi nakalimutan ko na ngayon pala ang recognition day nawawala ako sa sarili kapag kasama ko si Maki yari ako kay Mam nito buti sana kung wala akong award ayos lang kaso meron ako dahil top student ako.

"Hon...

Nagulat ako dahil nakita ko si Maki na kasama ang parents nya at si Mama. Grabe bakit sya alam nya bakit ako hindi hahaha..

"Alam mo?" tanong ko..

"Oo hindi ko naman nakalimutan yung sinabi mo kaya sinama ko si Mama mo kaya ko kasama parents ko dahil recognition din sa school namin." ngiting sabi ni Maki.

"Thanks Hon..

"You always welcome Hon magbihis kana nag dala ako ng damit mo kasi alam ko naka uniform ka. Gusto mo bihisan kita hahaha..

"Wag na Maki kaya ko na ingat kayo ni Mama mo I love you..

"I love you too kiss muna hahaha..

Wala talaga sya pakialam nakatingin tuloy si Mama pati ibang classmate ko. Nagbihis na ako dahil late na late na ako sinamahan ako ni Mama at umalis na rin si Maki kasama ang parents nya dahil may award din ito katulad ko..

Nagkaroon ng award si Sendoh bilang Most Valuable Player (MVP) at tinagurian syang Ace player best in Science at best in Math. Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ng award si Sendoh talagang best in science at math pa talaga. Naging top 2 naman si Daila ang kapatid ni Fujima at naging best in English naman si Koshino dahil graduating na si Ikegami naging top student din ito sa 4th year dalawa sila ni Uozumi nagkaron ng award sa academic at sa basketball. Naging top 1 naman ako sa buong klase at marami din akong award na nakuha. Hindi ko na nga alam bakit may award pa ako kasi naging tamad din ako this pas few days at naging pala absent..

"Congrats Satomi." ngiting bati ni Tetsuki.

"Congrats din Tetsuki." ngiting bati ko rin.

Naging top 2 sa klase si Tetsuki pareho kaming magaling sa academic. Sayang lang dahil hindi na namin kasama si Shacha ang isa pa namin kaibigan. Tuwang tuwa si Mama at ang mga kaibigan ko dahil sa award na nakuha ko hindi naman importante sakin yun dahil mas importante na sakin ngayon si Maki. Pag baba ni Sendoh ang daming babae ang kumausap sa kanya hiyang hiya si Sendoh dahil napapaligiran sya ng mga babae na may gusto sa kanya.

"Ang gwapo na ni Sendoh ang talino pa." ngiting sabi ni Nami.

"Gwapo rin ni Koshino akalain mong matalino pala yan." sabi naman ni Sam

"Si Fukuda nga walang award kaya pala diko sya nakita dito." nakasimangot na sabi ni Tetsuki.

"Bakit namimiss mo?" tanong ko.

"Hindi ha sabay sabay kasi tayong ga-graduate ni Fukuda kaya di ko yun mamimiss." sagot ni Tetsuki

Bigla ko tuloy naisip si Maki. Malapit na syang umalis dahil ilang araw na lang graduation na nya. Ayokong ipakita sa kanya na malungkot ako pag umalis sya gusto ko masaya lang kami.

"Satomi...

"Hoy baliw hahaha..

"Bakit ba Sendoh?" inis kong sabi..

"Congrats. Ang dami mong award baka naman pwedeng manlibre ka hehehe...

"Wala akong pera." sagot ko habang tumatawa.

"Lage ka naman walang pera. Alam mo mamimiss ko sila Ikegami at Uozumi kapag umalis na sila dito. Nagbabalak na si Ikegami na mag ibang bansa si Uozumi naman mag aaral sa sikat na school tapos palalaguin nya pa ang negosyo nila. Mabuti pa sila noh ang ganda ng path na nilalakaran nila." sabi ni Sendoh na hindi maiwasan malungkot.

"Maganda rin naman yung path na nilalakaran mo Sendoh. Alam mo kahit anong gawin mo o natin talagang maghihiwalay hiwalay tayo pero isa lang ang di magbabago yung moments natin sa high school." ngiti kong sabi.

"Si Fujima, Maki, Hanagata at Mitsui graduating nadin. Ang lungkot lang kasi ang tagal mo silang nakasama sabagay kailangan mong maging better person para sa future sana ako maganda rin ang tahakin kapag naka graduate na ako kaso matagal pa yun...

"Marunong ka rin pala mag drama Sendoh. Alam kong sisikat ka hindi kapa nga graduating ang dami na kumukuha sayo eh.

"Alam mo Satomi ayoko sa ibang bansa. Gusto kong maging sikat dito sa Japan at ipagmalaki ang bansa natin. Gusto ko makilala ako kahit na wala ako sa ibang bansa dahil para sakin nandito ang kaligayahan ko wala sa ibang bansa." paliwanag ni Sendoh.

"Bestfriend parin tayo wag mo ko kakalimutan kapag sikat kana hah." sabi ko at ngumiti kay Sendoh.

"Hindi naman ako ganung tao di ako marunong makalimot. Sumikat man ako o hindi bestfriend kita gusto mo tatay pa eh hahaha...

"I love you Sendoh hehehe..

"Yuck kinikilabutan ako wag mo ko sasabihan ng ganyan baka kumaripas ako ng takbo." sabe ni Sendoh na masama ang tingin sakin..

"I love you, I love you I love you." nang aasar kong sabi..

"Dyan kana Satomi buang kana isusumbong kita kay Maki." naiinis na sabi ni Sendoh..

Ang sarap talaga asarin ni Sendoh pero ang sarap din nya maging kaibigan dahil totoo syang tao. Isa rin si Sendoh sa taong di ko makakalimutan dahil sya ang nagpasaya sa akin nung time na wala pa si Maki lage syang nandyan para sa akin. Salamat Sendoh sa lahat..

Pagkatapos ng program umuwi na kami ni Mama. Ayoko na kasing mag tagal pa dun dahil naiinitan na ako sa suot ko. Masaya ako dahil nakita ko ang saya sa mukha ng Mama ko alam kong proud sya sa mga achievements ko sayang lang wala si Papa hindi nya tuloy nakita kung gaano kagaling ang pinaka maganda nyang anak hehehe.

"Anak saan mo gusto kumain?" tanong ni Mama.

"Sa bahay na lang Mama." sagot ko.

"Nagtitipid ka nanaman. Wag kang mag alala anak treat ko. Natutuwa ako sayo anak dahil nag mature kana talaga simula ng makilala mo si Maki at masaya akong kahit na may boyfriend ka di mo parin binigo si Mama di mo pinabayaan ang pag aaral mo." ngiting sabi ni Mama.

"Salamat Mama ginagawa ko talaga lahat para sayo dahil gusto ko mabigyan kita ng magandang buhay di man tayo mayaman masaya naman tayo. Hindi ko naman kailangan na materyal na bagay Mama basta nandyan ka si Maki at ang mga kaibigan ko masaya na ako dun. I love you Mama...

"I love you too anak napaka sweet mo talaga. Sige ipagluluto kita ng paborito mong pagkain..

Napaka bait ng Mama ko kaya siguro Mahal na mahal sya ni Papa. Lumaki akong walang tatay pero hindi naging mahirap sakin yun dahil inalagaan ako ni Mama sya ang tumayo na tatay at nanay sa akin Mahal ko ang Mama ko. Hinding hindi ko sya iiwan kahit na mag asawa pa ako.

Pagkauwi namin nakita ko si Maki at ang buong team na naghihintay sa gate.

"Maki..

"Hi Satomi celebrate tayo sa bahay nyo." ngiting sabi ni Kiyota.

"Parating na rin ang SHOHOKU at SHOYO nasabihan narin namin sila Sendoh at pupunta sila maya maya dahil mag bibihis lang daw sila." paliwanag ni Jin.

"Flowers for you Hon napaka ganda mo talaga sarap mong halikan." ngiting sabi ni Maki sabay kindat sakin.

"Salamat pasok kayo...

"Hi Tita ako po si Kiyota." pagpapakilala ni Kiyota.

"Hello po tita ako naman po si Jin siya po si Takasago at sya naman po si Miyamaso." pakilala namam ni Jin sa team nya.

"Puro KAINAN ba kayong lahat? Ke ga-gwapo nyo pala talaga." puring sabe ni Mama.

"Si tita nambobola pa." natatawang sabi ni Kiyota.

Ngayon lang ako naging masaya ng ganito dahil nakilala ko silang lahat sobrang mamimiss ko sila kapag nag college na ang iba sa kanila. Hindi naman kasi pwede na forever high school.

"Ayos ka lang ba Hon?" tanong ni Maki.

"Mamimiss ko kayo pati ikaw Maki lahat kayo...

"Satomi wag mo naman ako paiyakin para naman magpapaalam kana din samin. Iiwan na nga kami ni captain pati ba naman ikaw." malungkot na sabi ni Kiyota.

"Babalik naman ako dito. Wag na kayo malungkot dapat nagsasaya tayo." ngiting sabi ni Maki saka ako niyakap.

"I miss you Hon." bulong ko.

"I miss you too asawa ko." sagot ni Maki..