"Ano Rukawa magaling ba si Max?" tanong ni Sendoh habang naka akbay ito.
"Ayos lang." tipid na sagot ni Rukawa.
"Saan pala tayo kakain?" tanong ni Fujima.
"Mauuna na kami ni Satomi di na kami sasama sa inyo." sabe ni Maki at nagtaka naman ako.
"Bakit di tayo sasama sa kanila?" tanong ko.
"May pupuntahan tayo." seryosong sabi ni Maki.
Nagpaalam na kami sa team dahil may pupuntahan pa daw kami ni Maki. Minsan talaga hindi ko alam kung ano ba nasa utak nya.
Seryoso si Maki habang nag da-drive napapaisip tuloy ako kung ano problema lalo na kapag tahimik at seryoso sya. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta ayoko ng syang tanungin dahil mukha nanaman mainit ang ulo. Bakit kaya? wala naman akong ginawa sa kanya kanina masaya din naman kami bago nagpaalam sa team.
"Hay di ko na alam kung ano problema." pasigaw kong sabe..
"Ha? Ayos ka lang ba?" tanong ni Maki..
"Ikaw ayos ka lang ba? Bakit ba ang seryoso mo nanaman Maki may problema ka nanaman ba?" tanong ko
"Kapag maingay ako ayaw mo kapag tahimik ako ayaw mo parin ano ba talaga gusto mo Hon." ngiting sabi ni Maki.
"Ikaw ang gusto ko hahaha..
"Naks marunong kana bumanat hah. I love you misis..
"I love you too matanong ko lang saan tayo pupunta?
"Sa langit." natatawang sagot ni Maki..
"Di nga? Ayoko sa langit di ako pwede dun...
"Nakausap ko si God pwede kana daw dun hahaha..
"Maki buang kana talaga...
"Buang sayo ang ganda mo kasi Satomi..
"Matagal ko ng alam yan..
Nakarating kami sa sementeryo hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ni Maki dito kaya pala bumili sya ng bulaklak kanina..
"Satomi kapatid ko." malungkot na sabi ni Maki..
Oo nga pala patay na ang kapatid nya naalala ko tuloy bigla ang sinabi ng Mama ni Maki na hindi daw makausap si Maki at wala rin kaibigan mula ng mamatay ang kapatid nito. Nakita ko sa mukha ni Maki ang lungkot at alam kong masakit parin sa kanya ang pagka matay ng kapatid nya.
"Ang daya mo iniwan mo ko. Hindi mo tuloy makikita ang kasal ko siya si Satomi Takara ang babaeng pakakasalan ko. Kung nakikita mo ako at si Satomi sana bantayan mo kami at sana sabihin mo kay God na wag na kami maghiwalay ni Satomi. Bawat laban ko iniisip kita hinding hindi kita makakalimutan kapatid ko mahal na mahal kita...
Nakita kong umiiyak si Maki at nararamdaman ko kung ano pinag dadaanan nya. Masakit talaga mawalan ng mahal sa buhay kahit siguro sakin mangyari to baka masiraan pa ako ng bait.
"Hello sayo wag kang mag alala hinding hindi ko sasaktan si Maki at aalagaan ko sya sayang lang hindi tayo nagkakilala at di kita nakita pero thankful ako dahil pinakilala mo sakin ang isang katulad ni Maki salamat." malungkot kong sabi..
"Maki ayos ka lang ba?" tanong ko..
"Ayos lang ako Hon wag ka mag alala namiss ko lang talaga kapatid ko. Alam mo ba kaya ako sumali ng basketball dahil sa kanya kasi gusto nya ako mapanood maglaro kapag di nya ako napapanood umiiyak at nag tatampo sya. Wala akong ibang kaibigan o kasama maliban sa kanya dahil para sakin sapat na ang kapatid ko. Kaya lang nung nagkasakit sya gumuho lahat yun dahil wala na yung taong gusto kong pag alayan ng pagka panalo ko at yun yung kapatid ko." kwento ni Maki..
"Alam mo kung buhay pa siguro kapatid mo proud na proud yun sayo. Hindi ka lang kasi magaling Maki masipag kapa sa totoo lang napaka baba ng tingin ko sayo dati pero nung nakilala kita maling mali ako. Kung ako rin siguro kapatid mo mas gugustuhin ko pang tayong dalawa na lang atleast walang iwanan." ngiting sabe ko.
Umalis na kami ni Maki pero hindi ko sya makausap siguro dahil namimiss talaga nya ang kapatid nya. Gusto ko syang damayan kaso hindi ko alam paano? Ayoko makita si Maki na malungkot o nasasaktan dahil nasasaktan din ako gusto ko lage lang sya naka ngiti tulad ng dati.
"Saan mo gusto kumain?" tanong ni Maki.
"Busog pa naman ako ayos ka lang ba Hon?" nag aalala kong tanong.
"Ayos lang ako Hon uwi kita sa amin ipagluluto kita." ngiting sabi ni Maki.
Alam kong masakit parin sa kanya pero ayaw na lang nyang pag usapan. Masarap magmahal si Maki dahil pinapahalagahan nya talaga ang mga taong mahal nya. Napaka swerte ko sa kanya dahil mahal na mahal nya ako.,
Pagdating namin sa kanila wala ang Mama at Papa ni Maki. Dumiretso si Maki sa kwarto nya para magbihis hinintay ko sya sa sala. Nagulat ako ng makita ang picture nya nung elementary sya napaka cute nya sobra at ang puti nya anyare ngayon? bakit kaya ang itim nya laitera talaga ako minsan hahaha..
"Wag mo na titigan yang picture ko." bungad ni Maki.
Sinamahan ko sya sa kusina para mag luto. Napaka seryoso nyang maghiwa at ang suot nya sando lang kitang kita tuloy ang muscle nya. Ewan ko ba minsan nadedemonyo rin ako gusto ko halikan si Maki kaso ayoko gawin kasi baka mayari ako mabilis pa naman si Maki lalo na kapag ikaw nagbigay ng motibo.
"Makakain ko ba yang luto mo." nang aasar kong tanong..
"Pag di mo nakain ako kainin mo." sagot ni Maki sabay kindat..
"Maki dun lang ako sa sala ang init dito." sabe ko at bigla nya akong hinawakan..
"Ayoko dito ka lang...
Hinawakan ni Maki ang kamay ko at titig na titig sya sa mukha ko. Grabe nakakatakot sya para ganito sya nung nasa bahay namin sya. Wag naman sana baka bumigay ako ng wala sa oras. Pumikit ako dahil alam kong hahalikan nya ako..
"Magluluto lang ako." bulong ni Maki sa tenga ko
"Maki bwesit ka..
"Hahaha bakit nanaman..
"Ewan ko sayo magluto ka mag isa mo pabitin ka." inis kong sabi.
Nagpunta na lang ako sa sala at nanood ng tv bwesit na yun akala ko hahalikan ako nagoyo ako.
"Hon." tawag ni Maki..
"Walang Hon mo dito." pasigaw kong sabe..
Lumapit si Maki sa akin at ngumiti. Hindi ko alam kung nang aasar ba to nakakainis sya. Pag ginusto nya gagawin nya pag ako may gusto ayaw nya lugi talaga ako sa kanya.
"Galit ka ba?" ngiting tanong ni Maki.
"Hindi hah." sagot ko habang nakatingin sa tv.
Hinawakan ni Maki ang kamay ko saka inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano gagawin nya nagulat ako ng may ibigay syang bulalak galing sa likod nya.
"I love you di kana ba galit sakin?" tanong ni Maki.
"Hehehe I love you too di naman ako galit sayo eh." sagot ko saka tinanggap ang bulalak at chocolate.
"Mamaya kita hahalikan masusunog kasi yung niluluto ko." paliwanag ni Maki.
Napaka sweet talaga ni Maki at napaka bait nya. Parang ayoko na tuloy umuwi sa amin. Si Maki lang ang taong nagpaligaya sa akin ng ganito pinakita nya at pinaramdam nya sa akin na mahalaga ako at importante ako.
Napaka sarap magluto ni Maki tinalo pa ako. Pagkatapos namin kumain tinulungan ko syang mag ligpit gusto ko ako mag alaga sa kanya pero parang baligtad sya lage nag aalaga sa akin..
"Bakit ka nag huhugas?" tanong ni Maki..
"Konti lang naman to huhugasan ko na. Hindi naman kailangan iasa pa to sa katulong." sabe ko.
Hindi na sumagot si Maki at niyakap nya ako mula sa likod ko. Ewan ko ba para akong nakakaramdam ng kuryente pag dumidikit sya sa akin.
"Hon I love you." bulong ni Maki habang inaamoy ang buhok ko..
"I love you too Hon pwede bang lumayo ka kasi nag huhugas ako....
"Ayoko gusto ko maglambing sayo Satomi...
"Maki mamaya na kasi nag huhugas ako mababasa ka....
"Ayos lang...
Hinawakan ni Maki ang kamay ko at sabay kaming naghugas. Hindi ko alam kung anong trip nya hehehe inaamoy nya ako habang hawak ang kamay ko ramdam na ramdam ko ang hininga nya.
"Hon...
"Ano yun." tanong ko.
"Ummmmpp Hon gusto na kita makasama pwede bang wag mo na ako iwan..
Nagulat ako dahil umiiyak na si Maki. Hinarap ko sya at di nga ako nagkamali.
"Bakit ka umiiyak Hon?" tanong ko.
"Masaya lang ako kasi kasama kita. Natatakot akong mawala ka sakin, natatakot ako na iwan mo ko. Mahal na mahal kita Satomi ayoko na mawala ka sakin di ko na kayang mabuhay pa." umiiyak na sabi ni Maki.
"Maki hindi kita iiwan pwede bang wag kana umiyak ayoko kasing nakikita kang umiiyak. Mahal na mahal din kita Hon at kahit kailan lage lang akong nasa tabi mo tandaan mo yan." seryosong sabe ko.
Ako na ang humalik sa labi ni Maki wala na akong pakialam kung makita pa kami ng maid nila. Ipaparamdam ko kay Maki na hinding hindi ako mawawala sa tabi nya. Mahal ko sya mahal na mahal.
"Hon I love you." bulong ni Maki.
"I love you too..
Dinala ako ni Maki sa kwarto habang naghahalikan kami hindi ko na alam nawawala na ako sa sarili ko. Ayoko ng mag isip pa basta gusto ko syang makasama ngayon.
Hinalikan ako ni Maki sa labi at kinagat nya yun hindi masakit ang ginawa nya. Napaka sarap nyang humalik.
"Wag ka mag alala di ko gagawin ang iniisip mo Hon." bulong ni Maki.
"Salamat." mahinang sabe ko
Hindi na ako tumutol sa ginagawa ni Maki dahil may tiwala ako sa kanya at sa kanya ko lang ipagkakaloob ang sarili ko wala ng iba.