Chereads / ✅ THE LEGENDARY SHINICHI MAKI / Chapter 68 - CHAPTER 68

Chapter 68 - CHAPTER 68

Maaga kaming nagising ni Maki tulad ng dati naka yakap lang sya sa akin. Wala naman nangyari sa amin dahil alam nyang ayoko pa at alam kong nirerespeto nya ako kaso minsan mapapaisip ka talaga dahil napaka bilis nya..

"Good morning Ma." bati kong sabi at ngumiti kay Mama.

"Good morning Mama lalo kang gumaganda para kang si Satomi araw araw paganda ng paganda." pambobola ni Maki sa Mama ko.

"Bolero." mahinang sabe ko at narinig naman yun ni Mama...

"Kayo talagang dalawa kumain na kayo dyan..

"Sige po Ma." sagot ni Maki.

Iniwan kami ni Mama sa kusina para kumain..

"Bakit di mo ginagalaw yang pagkain mo?" tanong ni Maki..

"Ha kakain na..

"Gusto mo ba subuan kita?

"Hindi na kaya ko naman." sagot ko..

Hindi nakinig si Maki at sinubuan nga talaga nya ako. Bakit ba sobrang sweet nito kaya ang hirap kalimutan nito eh.

"Bakit tumatawa ka?" tanong ni Maki..

"Wala naman masaya lang ako para kasing baby ang tingin mo sakin eh hehehe..

"Asawa hindi baby pero pwede ding baby dahil aalagaan ko kayo ni baby hahaha..

"Anong baby sinasabi mo Maki umayos ka..

"Ikaw tong nag isip ng topic tapos magagalit ka. Alam mo pag nagka anak ka baby na natin yun hehehe..

"Hindi pa ako mag aanak Maki tumigil ka..

"Malapit na akong maka graduate Hon 4th year na ako remember baka naman pwede na tayo magpakasal..

"2nd year pa lang ako remember baka naman pwede kang maghintay...

"Sabi ko nga maghihintay ako." kakamot kamot sa ulo na sabi ni Maki.

Pagkatapos namin kumain pumunta ang buong team sa court kasama si Max. Tulad ng pangako ni Maki kay Max maglalaro sila bago ito pumuntang london. Mabilis naka sundo ni Maki si Max dahil mabait naman ito.

"Sorry natagalan kami." ngiting sabi ni Maki.

"Rukawa sya yun." bulong ni Mitsui sabay turo kay Max.

"Ilan ba tayo dito?" tanong ni Sendoh.

"Wala si Sakuragi ang nandito ako, Maki, Hanagata, Mitsui, Ryota, Jin, Sendoh, Koshino, Fukuda, Hasegawa, Max, Rukawa wala rin si Kiyota." sabe ni Fujima.

"Kung 12 tayo sino ang starting 5?" tanong ni Jin.

"Koshino okay lang ba sayo maging referee?" tanong ni Maki.

"Ayos lang." sagot ni Koshino.

"Okay ang starting 5 pangalanan natin team mapagbigay Sendoh, Max, Hasegawa, Mitsui at Ryota." wika ni Maki.

"Ano naman satin?" tanong ni Fukuda.

"Tayo team pogi. Ang starting 5 Rukawa, Jin, Fujima, Fukuda at Hanagata hindi na ako sasali dahil gusto ko mapanood maglaro si Max.

"Bakit samin team mapagbigay parang lugi naman tapos sa inyo pogi." reklamong sabi ni Mitsui.

"Ano laro na team mapagbigay." sabe ni Fujima..

"Sige team pogi." sagot ni Sendoh..

"Mga baliw." bulong ni Rukawa.

"Max ikaw ang mag bantay kay Rukawa Mitsui ikaw kay Jin Ryota ikaw kay Fujima Hasegawa ikaw kay Fukuda ako na bahala kay Hanagata." paliwanag ni Sendoh..

"Okay." sagot ng team mapagbigay.

"Laban na." sigaw ni Mitsui.

"Teka lang sino pala ang tatalon?" tanong ni Ryota.

"Si Hasegawa at Hanagata ang mag jujump ball." utos ni Maki.

"Bakit ako?" takang tanong ni Hasegawa..

"Kesa naman ako." natatawang sabi ni Ryota.

Walang nagawa si Hasegawa kundi sumunod kay Maki dahil center talaga ang posisyon ni Hanagata nakuha nila ang bola.

"Ang galing ni Hanagata di ba Aika." ngiting sabi ni Sasaki.

"Ayos lang." sagot ni Aika.

"Sayang di maglalaro si Koshino." saad ni Ashley.

"Ang gwapo ni Mitsui." sabe ni Erica habang nakatingin kay Mitsui.

"Crush mo?" tanong ni Haydee.

"Ha oo." sagot ni Erica.

Nagsimula na ang laro at na kanila Fujima ang bola hindi nila pinag bigyan ang bawat isa. Nakuha ni Max ang bola kay Fujima kaya gulat na gulat si Maki dahil napaka bilis ni Max kumilos. Hindi pinasa ni Max ang bola at bigla nitong tinira ang bola pati sila Mitsui at Rukawa nagulat dahil hindi ito basta basta kung maglaro.

"Ang galing." bulong ni Mitsui.

"Kaya pala naging Ace player." sabeni Ryota.

"Nice." ngiting sabi ni Sendoh.

"Magaling sya." sabi ni Maki na seryosong nakatingin kay Max.

"Kung dito pala sya nag aral magiging ka teammate sya ni Sendoh." sabi ni Sasaki.

"Pag dito sya nag aral sisiguraduhin kong sa KAINAN sya papasok." sabat ni Maki.

"Ang dami na nga magaling sa inyo gusto mo sa Kainan pa sya pumasok." naka nguso kong sabi.

"Bakit ka naka nguso? halikan kita dyan eh." birong sabi ni Maki.

"Bastos mo talaga wala kang kasawa sawa sa halik." naiinis kong sabe sa kanya.

"Kung di nga lang sila naglalaro baka nahalikan na kita dito." sabe ni Maki sabay tawa.

"Ano team papogi." sigaw ni Mitsui.

"Team mapag damot ano na." sigaw ding sabi ni Rukawa.

"Aba loko to ha." inis na sabi ni Mitsui.

Hindi hinayaan ni Max at Sendoh mapunta sa kalaban ang bola kaya dali daling pinasa ni Max ang bola kay Mitsui at hindi na napigilan ni Jin kaya naipasok ni Mitsui ang bola. Imbes na mapikon si Fujima at Hanagata mas ginanahan silang maglaro dahil magaling si Max. Magaling itong pumasa at pasahan ng bola magaling din syang mag 3 points katulad ni Mitsui.

"Bakit lahat ng gwapo magaling." seryosong sabi ni Haydee.

"Sino ba dyan tinutukoy mo Haydee." tanong ni Sasaki.

"Yung pinsan ni Satomi gwapo na magaling pa maglaro." namumulang sabi ni Haydee.

"Ayieh." kantyaw ni Sasaki.

Lamang ang team nila Sendoh sa team ni Rukawa. Hindi pumayag si Rukawa na matalo ang team nila kaya gumawa ito ng paraan. Pinasa ni Fujima ang bola kay Rukawa at binantayan ni Max at Sendoh ito laking gulat nila ng ipasa nito kay Jin ang bola at nag 3 points ng walang kahirap hirap si Jin.

"Hindi ako naglaro para matalo." seryosong sabi ni Rukawa.

"Sino sya?" tanong ni Max kay Sendoh.

"Sya Si Kaede Rukawa ang Ace player ng Shohoku." ngiting sabi ni Sendoh.

"Galing ng pasa mo Rukawa." sabi Jin saka nakipag apir kay Rukawa.

"Hanep sa teamwork." natutuwang sabi naman ni Ryota.

"Galingan mo babe." sigaw ni Sasaki kay Fujima.

"Galingan mo Mitsui." sigaw din ni Erica.

Ngumiti lang si Fujima kay Sasaki at kumindat naman si Mitsui kay Erica. Hindi ko alam pero natatawa ako sa kanila kung titignan kasi parang si Erica at Mitsui na. Nahihiwagaan naman si Max kay Rukawa dahil nagagalingan sya maglaro dito.

"Balik na wag natin sila hayaan makatira." sabe ni Fujima sa team nya.

"Mitsui si Jin." utos ni Sendoh.

"Alam ko wag mo ko turuan." inis na sabi ni Mitsui.

"Mamaya yan mag aaway na yan." natatawang sabi ni Ryota habang nakatingin kay Mitsui at Sendoh.

"Hindi naman to totoong laro." bulong ni Hasegawa.

Napapangiti na lang si Maki dahil napakagaling ng dalawang team naka foul naman si Fukuda kaya kanila Sendoh ang bola. Hindi ko akalain na seseryosohin ni Max ang laro dahil kahit sya ayaw magpatalo kitang kita sa kanya kung gaano nya kagustong manalo.

"Max galingan mo." sigaw ni Haydee.

Napatingin tuloy kami ni Maki kay Haydee dahil may taga suporta na ang pinsan ko. Hindi ko alam kung sino ba gusto nya si Mitsui ba o si Max ang hilig nya sa M sabagay si Maki nga M din hahaha.

Malapit na maubos ang oras at lamang sila Sendoh ng anim na puntos. Para kay Maki kapag nanalo sila Sendoh ibig sabihin magaling talaga si Max dahil kahit si Rukawa at Fujima na nag babantay sa kanya binabalewala lang nya.

"Ang galing mo Max." namamanghang sabi ni Ryota.

"Salamat." ngiting sabi ni Max.

"Hanagata double team nyo ni Rukawa si Max." utos ni Fujima.

"Okay." sagot ni Hanagata.

Nagulat si Max dahil dalawa ang nag bantay sa kanya. Hindi alam ni Max kung kanino ipapasa ang bola kay Mitsui ba o kay Sendoh pero hindi mabasa ni Rukawa at Hanagata ang gagawin ni Max kaya nag fake ito at pinasa kay Ryota. Tumakbo si Max papuntang ring saka pinasa ni Ryota kay Max ang bola binantayan naman ni Jin ito pero walang nagawa si Jin dahil naishoot nanaman ni Max ang bola.

"Hanep ang galing." sabe ni Fukuda.

"Marami syang alam na technique." natutuwang sabi ni Fujima.

Ubos na ang oras at nanalo ang team nila Sendoh. Masayang masaya sila Mitsui at sila Sendoh sa pagka panalo. Hindi naman makapaniwala si Rukawa dahil kahit sya bumilib sa husay at galing ni Max.

"Nice game Max." sabi ni Maki.

"Salamat." sagot ni Max.

Lumapit si Max kay Rukawa upang makipag kamay.

"Magaling ka." ngiting sabi ni Max.

"Same to you." sagot ni Rukawa.

"Sana makalaro kita ulit." seryosong sabi ni Max.

Hindi nag salita si Rukawa pero alam nyang magiging magaling pa lalo si Max. Kahit sila Fujima, Mitsui, Hanagata, Ryota at Hasegawa bumilib sa galing ni Max akala mong makina ang nagpapa gana sa kanya dahil sa bilis nitong kumilos.