'Think before you click' ang madalas sabihin sa atin ng mga nakakatanda. Paano kung click lang tayo ng click hindi man lang iniisip ang magiging resulta. Paano sa simple nating pagclick ay siyang magpapabago sa ating buhay.
Ako si Laline De Guzman, dalawamput limang taong gulang, maitim ang buhok, kayumangging mga mata, mahiyain, katamtaman lang ang laki ng katawan, pero isang masunuring anak, magalang, nakapagtapos ng pag-aaral na walang nobyo at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya bilang isang Auditor. Kasi naman sa tuwing kaarawan ko ay palagi nilang hiling na hindi ako magkakaroon ng kasintahan hangga't hindi nakakapagtapos ng pag-aaral maski ngayon na nagtatrabaho ako yun pa din hiling ng Lolo ko. Minsan, napapaisip ako na mukhang gusto ata nila na maging matandang dalaga ng lang ako. Sinunod ko naman ang kagustuhan nila, nakapagtapos ako ng walang sabit pero hindi nila alam na may lihim akong tinatago.
Nakaupo ako sa sala ng inuupahan kong boarding house, wala kasi akong pasok kasi day off at nanood lang ng videos pampawala ng inip. May dalawa akong kasama sa kwarto. Si Julie matalik kong kaibigan, kasama ko siya sa limang taon, nagtatrabaho bilang assistant ng isang Psychologist. At si Faith na mag-iisang taon na naming kasama, isang bank teller. Pareho ang dalawa na may Jowa, kaya kapag may gala ang dawala lagi akong third wheel.
Habang nakaupo ako sa sofa, nilagay ko ang aking kapi sa katabi kong mesa. Nang biglang may nagchat sa akin na isang banyaga. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan basta ang alam ko lang dati nung nasa high school pa lang ako add lang ako ng add ng kahit sino.
"Hi. How are you?"
"Hello." maikli kong sagot sa kanya, at nakita ko sa chatbox namin na palagi pala siyang nagsesend ng mga messages sa akin pero hindi ko lang pinapansin. At isang taon na din kami magkaibigan sa app na yun. Dahil sa wala akong magawa at wala akong makausap kaya nireplyan ko na.
Naging mahaba ang pag-uusap namin ng araw na iyon. Hindi ko nga namalayan ang takbo ng oras, na gabi na pala at nagsisidatingan na ang iba kong kasamahan.
"Ang ganda ng ngiti natin ah! Anong meron?" pabirong tanong ni Julie, habang nilalapag ang gamit niya sa kanyang higaan. "Sino yang kausap mo?" mausisang dagdag na tanong nito.
"Wala! Magbihis ka na dun." pagsisinungaling kong sagot sa kanya. Saka, tumayo ako para maghanda ng hapunan.
Manu's Point of View
Isang malawak na opisina na kulay puti ang dingding at may maliwanag na ilaw. Ito ang araw-araw kong nakikita, paminsan-minsan may katrabaho na pumapasok pero madalas ako lang mag-isa. Tanging ang tunog ng aircon, pagta-type sa keyboard at pagpakli sa papel ang maririnig mo sa loob. Tatlong taon na rin akong nagtatrabaho dito bilang isang Chief Technical Officer kaya sanay na sanay na ako sa ganito. Sabado, wala masyadong trabaho, at sa araw na iyon tumawag ang aking nobya na sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lang nakipaghiwalay sa akin. Nakiusap ako na ayusin namin at mag-usap ng harap-harapan kaso ayaw niya. Ang paulit-ulit na lang sabi na hindi niya na daw ako mahal, pagod at may iba na daw siya. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman ng araw na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at para bang may tumutusok na kung ano sa aking dibdib. Napahagulhol na lang ako sa sobrang sakit, tinatanong ang sarili kung saan ba ako nagkulang o ano ang naging pagkakamali ko. Buti na lang talaga ay walang pumasok na katrabaho ko nung mga oras na iyon.
Kaya pinangako ko sa sarili ko na simula ngayon, hindi ko na seryosohin ang magiging jowa kung iiwan na lang pala ako sa iri. At tradisyon sa amin ang arrange marriage kaya habang hinihintay ko ang panahon iyon lahat ng babae na dadaan sa buhay ko ay pagraraluan ko lang. Tatlong araw din akong hindi pumasok sa opisina, maging ang magulang ko ay nagtataka pero hindi ko sinabi sa kanila kung bakit. Panay tawag naman ang kasamahan ko sa opisina kaya napilitan akong pumasok. Nang matapos ang aking ginagawa naglog-in ako sa app pampawala antok at bagot. Pagkabukas ko ay nagpop-out ang isang reply na nagmula kay Laline. Plano ko pa naman sana na e unfriend kasi madami na akong beses na nagpadala ng message hindi man lang sineen at nireply. Ano kaya nakain nito at nagreply.
"Hello." maikling sagot niya sa akin.
"Somehow, a miracle occurred that prompted you to respond to me." pabirong kong chat sa kanya.
Napuno sa tawanan ang pag-uusap namin ng araw na iyon. Minsan naantala ang pag-uusap namin kapag may biglang pumasok na ka trabaho ko. Pero ayos lang kasi nawala yung antok ko. Pero bigla itong nagpaalam dahil daw maghahanda ng hapunan. Nauna kasi ng dawala't kalahating oras ang sa kanila. At sakto rin na nagpatawag ng emergency meeting ang head namin. Kaya inayos ko ang mga gamit sa lamesa at pumunta sa conference room.
"Anong chika?" sambat ni Faith, sabay kuha sa plato niya para makikain ng hapunan.
"Isa kasi diyan, may nagpapangiti na!" masiglang sagot ni Julie.
"Anong pinagsasabi mo diyan, wala kaya!" pagtatanggi ko sa kanila. "Kung ako sa inyo kumain na lang kayo o gusto niyong hindi ko na lang kayo bibigyan ng pagkain." dagdag na sabi ko sa kanila.
"Sabi mo eh" sabay nilang tugon sa akin at nagbigay ng mapang-inis na tawa.
Pagkatapos naming kumain at niligpit ang pinagkainan, sandali kaming nagkwentuhan tatlo at hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila na aakyat na ako sa taas. Dali-dali ko namang binuksan ang cellphone ko baka may chat sa akin si Manu, kaso wala hanggang sa nakatulog ako kakaintay.