Chereads / Pixels of the Heart / Chapter 2 - Chapter 2. Loading

Chapter 2 - Chapter 2. Loading

Pagkatapos ng araw na iyon isang linggo ko rin hindi siya nireplayan dahil naging sobrang abala ako sa trabaho dahil may hinahabol akong deadline. Ang dalawa ko namang kasama sa kwarto panay tanong kung kumusta na daw kami. Ang tanging sagot ko sa kanila, araw-araw naman siyang nagchachat pero hindi ko pa nireplayan baka isipin nun na easy to get akong pagkatao.

"Paano ka magkakajowa niyan kung puro trabaho lang ang inaatupag mo. Galaw-galaw din madi baka mapag-iwan kana diyan." pilosopong sabi ni Julie, habang tinutupi ang mga damit nito.

"Kapagod kaya. Tas ano naman sasabihin ko dun? Kung gusto niya ko, mag-intay siya. Hindi yung atat." inis kong sagot sa kanya habang nakahiga at nagscroscroll sa news feed. "Oh, siya magrereply napo!" dagdag ko sa kanya sabay takip ng kumot sa paa ko.

"Hey, good evening! Sorry I haven't been in touch lately—I've just been super busy with work." paunang chat ko sa kanya.

"I missed you!" ang sagot naman nito.

"Ay, wow! Palabiro pala to' kung makamiss akala mo jowa ako" ang sabi ko sa sarili ko.

"You're so funny" reply ko naman sa kanya at pinatong ko kaliwang paa ko sa kanan. Nagpaalam naman ang kasama ko na si Julie na bababa daw siya upang magluto ng hapunan. 

"Maya-maya, sunod ako sayo." lumingon ako sa kanya tas balik harap sa hawak kong cellphone. Bigla akong napabangon ng tumawag ito sa akin. Nagbilang ako ng limang segundo bago ko sinagot ang tawag niya. 

"Yes?"

"I just want to hear your voice." ang sagot niya, habang ako hindi mapakali kasi hindi naman ako masyadong magaling magsalita ng English. Kung magsulat ayos lang pero kapag magsalita na ay ibang usapan na iyon.

"Wow. I never expected you to have such high humor." pabiro kong sagot, habang inayos ko ang kumot na nakatakip sa aking mga paa.

"I've been waiting for you this whole time. I do miss you." malumanay nitong sabi niya sa akin, at ako naman ay nakaramdam ng kaunting kilig. Ganito pala no yung pakiramdam na may nag-iintay sayo. "Well, as I said I was busy at work." pormal ko sagot sa kanya at hindi pinapahalata na kinikilig. Kung may nakakakita lang sa akin, malamang mahahalata agad, kasi mabilis mamula ng pisngi ko. "And umm… I.. umm.. Miss you too!" pautal-utal kong sagot sa kanya dahil sa sobrang kaba. 

"What did you say?" tanong niya. Para akong nabunutan ng tinik na hindi pala niya ito narinig kasi may biglang pumasok at may itinanong sa kanya. "I said, how's…" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang naputol ang tawag. Nakaramdam ako ng kaunting inis dahil sa ginawa niya at buti na lang nagchat siya at sabi may emergency daw sa trabaho. Tumayo ako at inayos ang aking higaan upang bumaba na para maghapunan. Sakto naman pagkabukas ko ng pinto ay pagdating ni Faith. "Saktong-sakto, maghahapunan na tayo Faith. Mamaya kana magbihis." "Ganun ba? Sige." sagot niya at nilapag ang dala niyang bag sa higaan at nagpalit ng tsinelas.

Tuwing gabi lang kaming tatlo magkasabay kumain, may iba din umuupa na sumasabay din sa amin kumain. Ang tagapamahala na tinitirhan namin, ay ang tiyahin ko, may isa siyang anak na lalaki na mas bata sa akin ng tatlong taon. Ang tiyohin ko naman tuwing ika-15 hanggang 30 lang nandito kada buwan dahil yun ang schedule niya na day off. Nung nasa kolehiyo pa lang ako, dahil sa kapuspalad pinili ko maging working student para makatipid sa renta. Tandang-tanda ko pa, kung gaano ako ka sobrang tahimik at palagi kong kasama ay ang dalawang aso ng tiyahin ko. Kaya naman ganun na lamang ang tuwa nila nung naging madaldal ako.

"Nga pala Line at Jul, wala ako dito sa weekends uuwi ako ng probinsya. Sa Lunes pa balik ko." sabi ni Faith sabay kuha ng kanin.

"Bukas, may pasok ako, sa linggo wala. Kaya ikaw maglinis ka sa kwarto bukas para may mapaglilibang ka diyan." sambat naman ni Julie.

"Ayoko nga! Buong araw ako maghihilata!" pabiro kong sagot sabay tawa. Isang oras din kami nasa hapagkainan bago tumayo para maghugas ng pinggan. Kasi kapag magkasama kami magkakaibigan halos hindi maubusan ng kwento. Nauna na umakyat si Julie at naiwan kaming dalawa ni Faith upang manghugas ng pinagkainan. Pagkatapos namin manghugasm nagboluntaryo si Faith na siya na lang daw maglagay sa mga plato sa lalagyan kaya naman nagsipilyo na ako at umakyat na rin.

Inayos ko muna ang aking unan saka ako humiga at sabay kuha sa cellphone. Pagkaopen ko ng chatbox nakita ko message ni Manu, nagpaalam na hindi daw siya makakaonline dahil may pupuntahan na lakad. Nagreply naman ako ng good night. Maya-maya pa ay nakatulog na rin ako.

Pagkagising ko kinaumagahan, wala na si Julie at Faith sa kanilang higaan, siguro naghahanda ito sa kanya-kanya nilang lakad. Ako naman ay napilitang bumangon kasi ihing-ihi na ako. Dali-dali ako bumaba at pumunta ng CR. Bumalik din naman ako kaagad, tinakpan ko ng kumot ang sarili at natulog ulit. Bandang alas otso na nung nagising ako, inayos ko aking higaan, nag-amulsal at umakyat ulit sa kwarto upang kunin ang cellphone ko.

Unang bumungad sa akin ang isang message na mula kay Manu na ang sabi ay 'Good Morning', ni replayan ko naman ito. Pareho kaming walang pasok sa araw na iyon. Ilang oras din kami magkausap sa cellphone. "Will you be my Girlfriend?" nagulat ako sa tanong niya sa akin. "Are you kidding me?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa aking higaan. "I'm not." maikli niyang sagot sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko tas isa pa bago lang kami nagkakilala, ang bilis naman ata niya akong mahalin. Sa tingin ko pinaglalaruan lang niya ako, akala niya siguro maluluko niya ako. Kaya sasabayan kita sa laro mo. Ito ang mga naging pahayag ko sa akin sarili.

"Sure" taas noo kong sagot sa kanya.

"Really?" paninigurong tanong niya

"Yes" hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero sinagot ko siya. Wala namang mawawala sa akin, online lang naman tsaka hindi naman to totohanan. Pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Tuwang-tuwa naman ito sa naging sagot ko sa tanong niya. Para bang nanalo siya sa lotto. Samantalang, hindi ako mapakali kung tama ba yung ginawa ko o hindi ba. Nagpaalam siya sa akin na mag-oout daw kasi may pupuntahan sa mall. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya na uuwi ako sa amin, kasi pinapauwi ako ni mama kasi birthday ng isa kong pinsan. Kaya ayun nagbihis ako, bumili ng cake at sumakay ng bus pauwi. Kinabukasan hindi ako nakapag-online dahil walang signal sa amin. Mas mainam na siguro na hindi ko makausap si Manu, nahihiya ako sa kanya. Nilihim ko mona sa dalawa kong kaibigan at pamilya ko ang tungkol sa kanya kasi alam ko naman na hindi totoo ang relasyon namin. Kaya minabuti ko na lang na walang makakaalam.