CHANDREA'S POV
Mabigat ang loob ko habang iniimpake ang aking mga gamit dahil napamahal na ako sa kubo kubo naming bahay, isa na akong ulila dahil namatay na ang nag iisang tao na kakampi ko sa buhay, ang aking lola.
"hayst lola eto na ang panibagong yugto ng buhay ko pero nakakalungkot lang dahil hindi na kita kasama" pagkausap ko sa litrato ng aking lola na nakasabit sa ding ding ng aming kubo
pagkatapos kong ma impake lahat ay dahan dahan kung binababa ang bintana ng aming bahay na gawa lamang sa pawid at kawayan, naiiyak siyang lumabas ng bahay at paglabas niya ay nakita niya ang kanyang kaibigan na si marky at leandra
agad agad akong lumapit sa kanilang dalawa para yakapin sila na mas lalong ngpaiyak kay leandra, ayaw ko man lang silang iwanan pero wala akong magagawa dahil para lang din naman sakin ito
"mamimiss kita chandrea" hindi ko na talaga napigilan ang luha ko at tuloy tuloy ang buhos nito
"wag nga kayong umiyak ampapanget niyong dalawa" napasimangot kami ni leandra dahil sa sinabing yun ni marky
"ready kana ba chandrea?" napatingin kaming tatlo sa likod namin ng marinig namin na doon nanggaling ang boses, nakita namin ang isang magandang babae at hula ko ay nasa 30+ taon na siya
"sino po kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"naalala mo yung nakausap mo sa telepono? si victoria?" dahan dahan akong napatango nung maalala ko yun, hula ko ay siya na ang magiging amo ko
Tumingin ako sa dalawa kung kaibigan at tumango silang dalawa na ang ibig sabihin nun ay 'kaya mo yan'
dahan dahan akong lumapit sa babae at tinitigan ang kanyang mukha pababa hanggang sa
'wow ang laki, bat wala ako nun?' nagtatakang tanong ko habang pinipisil pisil ang dibdib ko
"u-uhmm may problema ba chandrea?" nagtatakang tanong niya
"totoo po ba yan?" tanong ko sabay nguso sa kanyang dibdib
napatikhim naman siya at hindi ko mawari ang kanyang reaksyon kung siya ba ay nahihiya o naiilang
"lets go maam?" tanong ng matanda na hindi na namin napansin na lumabas na pala sa kotse, kinuha ng matandang yun ang aking gamit kaya dali dali akong nagpanic
"t-teka teka wag mong kunin yang bag ko gamit ko yan, ahhhh magnanakaw may magnanakaw na matanda tulongan niyo ako" natigil ako sa pagsigaw ng tinapik ako ni madam victoria sa aking balikat
"maam yung gamit ko po tulungan mo ako madam" natatawa ang matanda at si madam victoria habang nakatingin sa akin kaya nagtataka ako akong tumingin sa kanilang dalawa
"magpakilala ka butler lee" napatingin ako kay madam
"b-butler? ano yun maam?" nagtataka kong tanong
"baliw yun yung pamalit sa mantika yun yung gamit ng mga mayayaman sa pagluluto"
"ay oo nga no, ang galing mo talaga marky"
napatingin ako sa matanda na si butler lee at kay madam victoria at nakita ko silang parang nagtataka at tila natatawa
"so pano ba yan guys mauuna na kami, kukunin ko muna si drea sa inyo ha" agad agad na akong tumalikod at pumasok sa kotse dahil ayaw kong makita ang mga kaibigan ko na umiiyak dahil mas lalo lamang sasakit ang aking dibdib
eto na ang bagong yugto ng buhay ko, goodbye probinsiya hello maynila.