Chapter 78 - Chapter 78

Matapos maibigay ang huli niyang utos sa grupo ni Kael, dali-dali na siyang pumasok sa palasyo. Naabutan niyang kausap ni Vladimir si Alastai at Luvan nang mga sandaling pumasok siya sa bulwagan ng trono. Agad na nagtama ang kanilang mga mata at tumango sila sa isa't-isa.

Mabilis na lumapit si Elysia sa binata at bumulong rito.

"Kakatanggap ko lang din ng balita, sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" tanong ni Vladimir. Bakas sa mga mata nito ang labis na pag-aalala sa dalaga.

"Kakayanin, at isa pa, hindi naman ako nag-iisa. Kailangan ko lang ng tiwala mo Vlad, babalik ako ng ligtas. Hindi ka maaaring umalis ng palasyo dahil mas kailangan ka rito." Tugon ni Elysia. Napakunot ang noo ni Vladimir at hinaplos ang pisngi ng dalaga. Sumenyas naman si Vladimir kay Alastair at Luvan na lumabas muna ng bulwagan upang mapag-isa silang dalawa.

Nang makalabas na ang mga ito, ibinigay naman ni Vlad sa dalaga ang isang emblem ng patunay ng kaniyang katayuan sa palasyo.

"Wala pa ang koronasyon, Vlad." 

"Kahit walang koronasyon, ikaw pa rin naman ang aking magiging reyna. Mas makakagalaw ka ng maayos kapag hawak mo iyan. Nasa digmaan tayo at lahat ng pormalidad ay isasantabi muna natin. Ang nais ko lang, mag-ingat ka, bumalik ka sa akin ng buhay." Pinagdikit ni Vladimir ang mga noo nila habang hawak niya sa magkabilang kamay ang mga pisngi ng dalaga.

"Mag-iingat at babalik ako," tugon ni Elysia at tumango naman si Vlad. Pinagtagpo ni Vladimir ang kanilang mga labi sa isang banayad na halik. Marahan lamang ito at walang halong pagmamadali, tila ba ng mga sandaling iyon ay sinusulit nila ang maikling pagkakataon na muling mahagkan ang isa't isa. Maikli, subalit punong-puno ng damdamin ang halik na iyon, animo'y nangusap maging ang mga puso nila at ang halik na iyon ang siyang naging selyo ng pangako nila sa isa't isa.

"Mahal na prinsesa, ayos ka lang ba? Bakit parang namumula naman yata ng husto ang mukha niyo?" Nagtatakang tanong ni Vera habang tumatakbo ang kanilang mga kabayo.

"Ha— ah, ayos lang ako," kaila niya habang hawak ng isang kamay niya ang pisngi. Hanggang ngayon kasi ay bakas pa rin ang epekto ng halik ni Vladimir sa kaniya. Hanggang sa mga oras na iyon, sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso niya. Marahas niyang ipinilig ang kaniyang ulo at puwersahang inialis ang binata sa kaniyang isipan. Kailangan niyang mag-focus dahil laban ang kaniyang pupuntahan at hindi picnic. Marahas siyang bumuga ng hangin at itinuon ang pansin sa daang tinatahak nila. 

Mahigit sa tatlumpung minuto ang ginugol nila bago narating ang Bayan ng Targus. Nasa bukana pa lamang ay nakita na nila ang makakapal na usok na nagmumula sa mga kabahayang sinalanta ng mga Chiroptera. Dali-daling pinatakbo ni Elysia ang kaniyang kabayo, nanlumo siya sa kaniyang nakikita. Sira-sira ang karamihan sa mga bahay, may mga taong nag-iiyakan sa labas nito, hawak ang kani-kanilang mga kamag-anak na wala nang buhay.

Naroroon na rin ang mga tauhan ni Tandang Gwirem para kumbinsihin ang mga tao na lumikas, ngunit nagmamatigas ang mga ito, sa kadahilanang, bayan nila iyon, bakit sila aalis? 

"Prinsesa, nagluluksa ang karamihan sa kanila at ayaw nilang lisanin ang lugar na ito," saad ng binatang Yuri.

"Palipasin muna natin ang pagdadalamhati nila. Respetuhin natin ang kanilang desisyon," tugon ni Elysia at lumapit sa kumpulan ng mga tao at nilalang na namat*yan.

"Naiintindihan ko ang pagdadalamhati niyo sa pagkakataong ito. Dahil diyan, handa akong maghintay at samahan kayo sa pagdadalamhati, ngunit, pagkatapo ng tatlong araw, pakiusap, ako naman sana ang pakinggan niyo. Lilisanin natin pansamantala ang bayang ito, upang maging ligtas kayo. Hindi gugustuhin ng namayapa niyong pamilya na maging kayo ay mapahamak sa kamay ng mag chiroptera. Ang pag-atake ng mga halimaw na iyon ay biglaan kaya hindi natin alam kung kailan ulit sila magugutom at lulusob pabalik rito," panimula ni Elysia. Sabay-sabay na napatingin sa kaniya ang mga naroroon at umugong at bulong-bulongan. Hindi naman iyon pinansin ni Elysia at nagpatuloy lang sa pagsasalita.

"Alam kong masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, subalit hindi iyan rason para maging ang buhay niyo ay pabayaan niyo na lang. Hindi hihinto ang mundo para lang sa mga buhay na nawala. Wala na tayong magagawa sa kanila, kun'di ang ipagdasal sila at bigyan ng hustisya ang nangyari sa kanila. Pero paano niyo gagawin iyon kung mananatli kayong nakalugmok sa putik ng pagdadalamhati?" umugong ang boses ni Elysia sa bayan ng Targus. Nabalot naman ng katahimikan ang mga tao, dahil dito, minabuti nang ipaayos ni Elysia ang paglalagakan ng mga taong nasawi.

Matapos ang pag-aayos sa mga labi ng mga namat*y sa isang malaking tolda na pinagtulungan nilang gawin, ay doon sila nagtipon-tipon. Habang nagluluksa ang mga tao, ang grupo naman ni Elysia ay nagbabantay.

"May posibilidad pa rin na bumalik sila. Ngayong natuto na silang umatake sa mga tao,hindi na natin sila mapipugilan kung hindi natin sila pupuksain." Wika ni Elysia. Habang tumatakbo ang oras ay tila kinakapusan din siya ng hangin dahil sa kaba. Animo'y kasabay siya ng oras na tumatakbo. Hindi niya alam kung makakaya nilang labanan ang mga chiroptera, dahil sa totoo lang, hindi pa siya nakakakita ng naturang nilalang. Narinig lamang niya ito sa mga kuwento ni Vladimir noon.

"Nararamdaman ko ang takot mo, prinsesa. Huwag kang mag-alala, kakatanin natin sila." Bulong ni Lira na noo'y nagkukubli sa kuwentas niya.

"Lira, nag-aalala ako para sa mga buhay ng mga narito. Wala silang kalaban-laban. Paano kung habang naglalaban tayo, inaatake naman sila ng mga halimaw na iyon?" Tanong ng dalaga at bumuntong-hininga.

"Kailangan nilang protektahan ang mga sarili nila, sila ang nagdesisyong manatili." Sagot ni Lira. Bahagyang tumango si Elysia gayunpaman ay hindi pa rin niya magawang mapanatag. Lakip ng kalungkutan para sa mga yumao ang kabang nararamdaman niya para sa mga buhay naman ng naiwan.

Sumapit ang dapit hapon at naramdaman ni Elysia ang pag-iba ng ihip ng hangin, tila ba may kasama itong kilabot na nanunuot sa kaniyang buong sistema. Napakabilis dumilim ng kalangitan at ang ihip ng hangin ay tila may dalang bagyo na hindi niya mawari.

"Papalapit na sila, maghanda kayo, palibutan niyo ang tolda at huwag hayaang mapasok ng mga kalaban." Hawak ang pana, nagsimula na siyang magbaba ng kaniyang mga utos.

Agad na tumalima ang kaniyang mga kawal at pinalibutan ang told, bawat sulok ay may siga kung saan maaari nilang magamit na pantaboy sa mga kalaban.

Kahinaan ng mga chiroptera ang apoy kaya iyon ang gagamitin nilang pangunahing panlaban dito.

Sa dahan-dahang paglubog ng araw ay siya rin pagrinig nila sa mga nakakakilabot na tunog na nanggagaling sa kung saan. Napatingala naman si Elysia at napansin niya ang kakaibang pagdilim ng pangit mula sa kanilang kanan.

Pinakatitigan niya ito at napagtanto niyang papalapit ito sa kanila.

"Narito na sila,maghanda kayo!" sigaw ni Elysia at mabilis na inihanda ang kaniyang pana at palaso. Mabilis siyang pumuwesto at itinuon ang dulo ng kaniyang palaso sa mga Chiropera na mpaparating. Nang matantiya niya ang layo ng kalaban ay mabilis niyang pinakawalan ang kaniyang palaso. Isang chirptera ang nasapol niya sa ulo at nahulog sa lupa, dahilan upang magkagulo ang mga tao sa loob ng tolda.

Nagsigawan ang mga ito at akamng tatakbo palabas ngunit maagap silang napigilan ng mga kawal.

"Kung gusto niyong mabuhay, manatali kayo sa loob. Hindi magiging responsibilidad ng prinsesa ng mga buhay niyo sa oras na lumabas kayo sa lugar na ito. Ang mga matatapang diyan, kumuha kayo ng sandata at ipagtanggol niyo ang mga sarili niyo kapag may nakapasok na halimaw rito." Galit na sigaw ng isang kawal. Natigilan ang mga ito sa pagtakbo at napatingin sa nagkakagulo sa labas. Napakaraming chiroptera ang umaatake sa kanila. Ang iba ay nasa ere pa, ngunit ,may iilan na nasa lapag na at inaatake na ang mga nakakalat na mga kawal.

Hindi naman mabilang ni Elysia kung ilang Chiroptera na ang napabagsak niya, sa kabila mg kaguluhan ay pilit niyang pinapakalma ang kaniyang sarili. Hindi siya maaaring magkamali dahil marami ang mapapaslang kapag nagkataon. Bawat tira ay asentado, bawat desisyon ay kailangang tama. Hindi lamang ang buhay niya ang mahalaga, maging ang buhay ng mga kawal at mga taong naroroon.

Samo't saring ingay ang naririnig niya, maging ang nakakangilong atungal ng mga chiroptera at tila sumpa sa pandinig niya.

"Huwag kayong titigil, laban lang mga kasama!" Umaatakeng sigaw ni Elysia. Gamit ang espada, tinagpas niya ang ulo ng chiropterang nahuli niya. Tumilamsik ang sariwang dugo nito at nagmantsa iyon sa kaniyang damit at balat.

Nabuhayan naman ng loob ang mga kawal at mga Yuri nang makita nilang matapang na nakikipaglaban ang kanilang prinsesa. Tila lalong tumaas ang tingin ng mga ito sa kaniya at kulang na lang ay sambahin nila amg kabuuan ng dalaga, kung wala lamang sila sa digmaa. Nagpatuloy ang labanan natulala na lamang ang mga tao sa tolda habang manghang-mangha sa panonood sa labanang nagaganap sa labas.

"Pinagtatanggol tayo ng prinsesa, samantalang kanina lamang ay nakapagbitaw tayo ng masasakit na salita." Umiiyak na bulalas ng isang ginang. Isa ito sa namat*yan ng kaanak at nambatikos kay Elysia. Napaluhod ito sa lupa at dinaluhan lamang ng iba.

"Ako man ay nawalan ng tiwala. Pero kita mo naman, hindi ito pinansin ng prinsesa dahil mahal niya tayo." Wika naman ng isa pa.

Sa huli ay nagtagumpay na maprotektahan ang bayan ng Targus nang gabing iyon. Ang mga katawan ng mga chiropterang napaslang nila ay inilagay nila sa isang hukay at sabay-sabay na sinunog. Pinalibutan ito ng mga kawal at maging ng mga tao sa tolda.

Tumingala si Elysia at itinaas ang hawak na espada sa langit.

"Nawa'y mapanatag at matahimik na ang mga kaluluwa mg nasawi. Hindi dito nagtatapos, dahil hangga't may natitirang buhay sa lahi ng mga chiroptera, ay hindi ako titigil na tugisin sila." Emosyonal na wika ni Elysia habang nakatingin sa natutupok na katawan ng mga chiroptera.

Related Books

Popular novel hashtag