A Cup Of Coffee(Complete)

🇵🇭Flirtysperm
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.5k
    Views
Synopsis

Start Of Coffee

****

"Cris?" I turned around when i heard someone called me.

When i see who it was I've just smiled and wave sign that i heard it.

"Long time no see. Ganyan ba pagbroken gumaganda lalo?" Tanong nito ng makalapit ako sa kaniya.

Porket ba gumanda broken agad?

Hindi ba pwedeng choice lang ng tao magglow up, tssk mga tao nga naman. Judgemental.

"Even if I'm not broken maganda pa din ako, duhh!" I kiddingly stated with a little bit true.

Kasi totoo naman. Maganda naman talaga ako.

Lumapit ito sa akin na may mga ngiti sa labi. I miss this man. But i feel like his sad too or I'm just assuming things.

"Hindi ka pa din nagbabago ha. Seriously, kape pa din?" Well anong magagawa ko mahal ko iyong kape eh. Bakit ba?

Coffee is life kasi.

"So what are you doing here?" Pambabaliwala ko sa mga sinasabi niya.

'Cause last time i seen this guy may girlfriend to eh. Mukha naman silang okay dati bago ako umalis ng pinas.

Dahil sa tanong ko kita ko kung paano ito natahimik bigla. U-ohh mukhang may naganap na hindi ko alam ahhh.

"Hey, is there something wrong with my question?" I ask again and this he answered.

"Well, we broke up two months ago." Kibit balikat lang niyang sabi.

What? How is that happen?

Ehh ang strong and healthy nga ng relationship nila then naghiwalay lang? Ano daw 'yon?

Ginagawa na talaga biro ng iba ang relasyon eh. Naku sinasabi ko na talaga walang forever ehh. Like hello? Maghihiwalay din kayo.

"Sabi ko na nga ba. Akala ko pa naman like nesfruta iyong relationship niyo," komento ko sabay simsim ng frappe na hawak-hawak ko.

"Anong connect ng nesfruta do'n?" Nalilito niyang tanong. Matanda na talaga to. Hindi na gets.

"Real na real," sagot ko dito at dahil naka kunot pa din ang noo nito na indikasyong hindi pa din nakuha ang mga sinasabi ko ay inaya ko nalang itong lumabas sa Cafe.

Dahil may malapit na park dito ay naisipan naming doon muna tumambay at maghintay na sumapit ang kadiliman.

Nilibre pa niya ang mga bata na naglalaro doon ng ice cream. Anyways his name is Allen Paniamogan na isang SSG officer din noong mga panahong nag aaral pa kami. At kaya lang naman naging close ko ito dahil madalas ko siyang kausap.

Kumusta na kaya iyon ngayon? Does he have a wife or family now? Simula kasi ng umalis ako patungong Singapore ay wala na din akong balita sa kaniya. At isa pa hindi kami maayos noong huli kaming nag usap.

Sinipat ko ng tingin si Allen na kasalukuyang nakikipaglaro sa mga bata dito sa park. Siguro kung hindi sila naghiwalay ng babaeng iyon ay kasal na sila or worst may anak na.

But we know destiny aren't always in our favor. May mga pagsubok talaga tayong pagdadaanan marating lang ang ating nais makamit. Pero kung susukuan natin ito ay talagang hindi ito mapapasa-atin.

Hindi naman talaga tayo dinidiktahan ng tadhana eh. Bagkus ay ginagawa lang niya tayong malakas upang maging deserving natin ang isang bagay.

Destiny is just our guardian. It keeps us away from the people we aren't capable of having.

"Lalim ng iniisip mo ahh," biglang salita ni Allen na nasa gilid ko na pala.

"Bakit nalunod ka ba?" Tanong ko dito pabalik na ikinatawa niya.

"Grabe ang pilosopo mo na ngayon ha. May nagbago na pala sayo." Saad nito

"Ako lang to,"

"So nagkita na kayo?" Biglaan naman niyang tanong na nakapagpahinto sa akin.

Bakit niya ba natanong iyan? Ni hindi nga ako sigurado kung kakayanin ko pang makita 'yong taong 'yon eh. Although andon pa rin iyong thought na sana ako pa din, sana wala pa siyang iba.

Alam ko naman na kasalanan ko eh. Kaya tama lang din naman na hindi niya ako patawarin.

Maintindihan ko naman.

"Hindi pa... At hindi ako sigurado kung kaya ko na ba siyang makita. B-baka galit pa siya sa akin hanggang ngayon." Sagot ko dito habang nakatingin sa malayo.

"Hindi naman na siguro. Kilala ko 'yon, mahal ka pa no'n at saka hindi ka matitiis no'n." Pampalubag loob niyang sabi

"Paano kung hindi talaga?" Negative kong tanong sa kaniya

"Ide hindi! Problema ba iyon." Sagot naman niya kaya binatukan ko siya at napaaray nalang siya.

"Bwesit ka.' Tanging sabi ko nalang sa kaniya

NAKAUWI na pala ako sa condo na tinutuluyan ko ngayon. Actually dati pa to noong mga panahong nag aaral pa ako. Mga panahong lahat nakukuha ko.

Itong condong ito ay malapit sa school na pinapasukan namin dati. Dito din kami halos nagh-hang out kasama ang mga barkada ko dati na akala ko totoo sila. Iyon pala may nakukuha sila sa akin kaya niya ako kinaibigan.

Wala lang naman sa akin na magbigay peroang sakit lang kasi tinuring ko na silang kaibigan. Pero siguro ganoon talaga may mga bagay na akala mo totoo pero iyon pala nagbabalat kayo lang ang mga ito.

I was thankful i have a one friend that stay true to me.

Habang nakahiga ako sa aking higaan ay sumagi sa isip ko ang mga tanong kanina ni Allen.

Nagpag isip-isip ko kung dapat pa ba akong lumaban kahit wala naman akong pinanghahawakan.

Dapat pa ba akong lumaban o itigil ko na ang kahibangan ito?

Mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Alam kong nasaktan ko siya pero may rason ako kung bakit ko iyon nagawa. Hindi ko din inaasahan na mangyayari sa amin ito pero nagpapasalamat ako kasi dahil sa pangyayaring iyon ay natuto akong magpalaya ng tao at bitawan lahat ng pangarap ko.

Natutunan ko na ang pagmamahal pala ay dapat hindi selfish. That's why love is unconditional because if it's not you can't call it true.

Love can't cage anyone.

Love gave you peace and it makes people grow. Like how it should be.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakatingin sa mga litrato naming dalawa na pilit ko ng ibinabaon sa limot ngunit pilit rin akong binabalikan nito.

Ito iyong mga panahong nangungulit pa ako sa kaniya at pinipilit siya sa mga gusto ko to tapos ako lang din pala ang mang iiwan sa kaniya.

~FlirtySperm