Hayss, inulan pa talaga ako ng sermon, di naman nila ako sinabihan na uuwi sila. Buti nalang umuwi na sila, kundi mabibingi pa ako.
"Hoy Zachna, siguro may minessage si Tita sayo hindi mo lang sinabe saken" saad ko kay Zachna.
"Hay nako Lei, ako pa talaga isisisi mo sa paglakwatsa mo" sumbat nito.
Nakakainis talaga tong babaneg to, sarap sabunotan.
Pumunta nako sa kwarto ko, nang makatulog naren.
Messenger
Bauricats😾
Lei:
So Meng diba D5 sabi mo?
Bat D5 eh apat lang sila
Tas ang weird pa pangalan nung isa
Yung kaaway ni Rish
Si ano
Kojic ba yun
Tama ba pagkakarinig ko
Hey I don't believe in love
But I can do crushes rin naman just for a little thrill of my life so don't be sad you two
Rish:
Khouji Ryle kase yun
Shunga talaga to HAHAHA
Maitim ba yang tainga mo at nagpaparinig ng kojic
Yahh we know since hs, we know who are your crushes
Meng:
Hays
Do I need to tell you girls yang bwesit na D5, just search it
Famous naman sila eh
I don't wanna explain who are they na
Rish:
Noted po ma'am
Lei:
Kayyy
Btw Meng, parang bagay mo po yung ano
Naka black polo kanina HHAHAHA
Yung mature looking guy
Meng:
Oh no fucking definitely not!
Mamatay nalang ako kaysa makatuluyan ulit yan
That's my fucking ex
That fucking bastard a fucking cheater
Rish:
Hey bi calm down ok calm down
Lei:
Si ex pala yun eh, ekis na!!!
Si cheater pala yun eh!!!
Tara ipunta naten sa dump site, laking basura sa lipunan eh
Wala, talagang true love doesn't exist
Tignan niyo pinanggagagawa niyang
Love love na sinasabi niyo, akala ko ba hapiness binibigay
Meng:
Sorry na po.. There's up and downs naman kase po ih :( also..
Actually ako pa po yung nadump :(
Cheater siya but diko malet go
Hinayaan ko lang hanggang siya mismo nahantong sa hiwalayan,
Siya nang iwan,
Kaya
I still have feelings for him but my anger is winning.
authornim: Just a short message by Meng
Don't give it all in your first love, it will drain you, value yourself and set limits!!
_________________________________________
Hmm search ko nga yung D5, medyo mahaba pa naman lalakarin ko papuntang uni.
Ok google get ready!
Hmm D5...
Shet lakihin ata mga toh, ok let's see the description, at bat pala D5, hmm. D5 the 5 Divisees or what we call The Heirs....wowers ang bongga. Ok let's see further.
Hmm Eazscher Viel Perezia ,ganda ng name ah... si koyang tangkad!!???... Uhh heir of.... ArchiAble? What's ArchiAble?... erm international architecture, design and planning firm..
International?? Shet gaano ba kayaman tong taong to!???? Taena ang yaman pero no!! Aanhin ko yaman niya hayss, nagkacrush nga ako, sa mayaman pa nga! Na diko abot! Baka paa niya lang ako eh. Anyways crush lang naman eh.
Ok first palang yan.
Ryzen Kyle Demetrio.. Hmm si ex pala to eh, ekis na siya but let see what you have.. heir for the position of CEO in DemetR hospi.. Wait DemetR? Lah pinakaknown and trusted hospital yun ahh..
Wag maaantig sa kayamanan nila! Panget naman ugale nila.
Jhaze Schev Roschervon... Tae nakakabulol naman bigkasin name nitong Mr. 4 eyes. Uh heir of RosherV airlines and hotel..
Ok last one 5 lang sila diba hmm, Kescher Ezele Perezia, oh! Kapatid ni Mr. Eascher anuba pati pangalan magkarhyme! Ano naman to, heir ng... ArchiAble national.. Ah yung isa international ito national..
*****
"Ok Project time! This project will done by partner, so I'll send the project in the gc choose what you'll gonna do, kayo na bahala sa pagpili" announcement ni Ms. Averano. "And ah! To be submitted after 1 week! Sa late na magpapasa 0!" pahirit pa ni ma'am.
Ms. Averano is a fresh grad pero gustong-gusto ko ko siyang teacher, ewan ang gaan sa feeling and kahit new teacher siya sobrang galing niya magturo and a little bit strict hehe and sobrang bait niya kung kausap ko parang barkada ko lang, hmm sana madami pa siyang maturuan.
"Lavy tayo na yung magpartner, ikaw lang ka close ko" paanyaya ko kay Lavy. "Ok sige po" saad nito.
"Uhm add me in facebook para mapag-usapan natin yung about project, uhm Lei Arzwela, add me nalang ha, mauna na ako" paalam ko sakanya. "Sige po"
*****
Shet ganda ng ulam ngayon. Butterchicken tas may chop suey tas may delight ako! Di mawawala yun.
"How's college naman?" tanong ni Meng. "Ok naman i thought it would be hard for me since ang dami nagsasabi na mahirap daw" sagot ko.
"Tangina anong hindi mahirap, pagtutupi kaya ng panyo napakacomplicated na, magulo na nga buhay ko mas magulo pa tinuturo nila" paiyak na sabi ni Rish.
"Shuta ka teh hotel management ka accounting ako" natatawa kong sabe.
"Kahit na! Mahirap ren kaya yang accounting, sus believe na ako sayo sis you're really smart and beautiful, hmm ano tayo nalang I'm still single and available" pabirong sabi ni Rish.
"Andito pa ako Lei, now choose, the hot me or Rish" shet ang seductive mo po Meng tama na! .
"Ai ai! Tama na tama na, kain nako! mapapanis pagkain ko" inis kong sabe.
"HAHAHAHA" sige tawa kayo. "Uy may tinga ka Rish, Meng may kulangot ka" napatigil sila.
"Ahhhh" sigaw ng mga girls sa canteen.
"Ang lalandi pota" inis na sabi ni Rish.
"Beh yung D5"
"Ampopogi talaga nila"
"Diba dapat nasa 5th building sila bat sila pumunta dito"
"Baka naghahanap ng magiging girlfriend, tabi ako na"
"Shet ang gwapo ni Eazscher"
"Basta saken si Jhaze"
"Shet ang hot ni Ryzen!"
"Bat wala si Kezscher?"
"Huy wag ka sen high palang yun"
Rinig na rinig namin bulongan ng mga babae sa tabi namin. Pota kami lang ata yung mga babae na walang pake.
"Ahh Khouji anakan moko!" sigaw ng isang babae, shet HAHAHA ako nahihiya kay ate, antapang mo.
"Mga beh papalapit sila, saten ba!?? " bulong ko kina Rish at Meng. "Beh kalma, act cool" saad ni Rish.
Kalma daw pero siya yung gigil na gigil nung nakita si Kojic ay mali Khouji nalang may respeto naman ako.
Hala shuta kami talaga sadya nila.
"Hi there... Uh Ghaile Reish right" sabi ni Khouji sabay kindat kay Rish. "Aba the audacity to say my name bat andito ka ha Mr. kojic!" sumbat ni Rish.
Tae akala ko ako lang may tawag na kojic HAHAHA.
"Una na ako Lei, paalam mo ako kay Rish" bulong ni Meng saken, mukang galit pang umalis.
"Bro alis na ako i have errands to run" rinig kong bulong ni Ryzen or should i say Si Mr. Ex na Cheater. Pansin ko ren na tahimik na umalis si Mr. 4 eyes, di ata mahilig sa babae.
"Hi" bati saken ni Eazscher. Shet si koyang tangkad, ano po yun crush? Syempre act cool tayo, baka pag nahalata, reject agad, mawawalan pako ng thrill sa college life.
Pero duhh crush lang yan di naman masaket, di naman siya kawalan, I have tons of crushes kaya mapa fiction,anime or real life yan.
"Hello" mahina kong bati. Tumabi siya saken, Rish help me! diko kakayanin yung kilig! Ay tae may ka flirt talk pala ang babaita! Syempre kaya ko magkaroon ng crush at makilig, pero yung love and commitment? Never!
"Luh bat tumabi ka" ayan di na napigil bunganga.
"Why? Do you hate me? Lalayo ako ng konte for you" inosenteng sabi nito.
Shet yung boses ni crush, ang smooth, hindi masyadong deep sakto lang, basta yung ATTRACTIVE!!
"No need nakaupo ka na eh" inis kong sabe.
"Want some? " may inabot siyang candy. "No, hindi ako mahilig sa sweets" totoo naman ayoko sa mashadong matatamis.
Kinuha niya kamay ko at nilagay yung candy sa palad ko, "It's citrus flavor don't worry, just take it, uhm what's your name? Ms?" tanong nito.
Citrus pala nabulag ako and wait bat ampogi nitong crush ko!!!
"Uhm Lei, Leia Solemn Arzwela" full name pa talaga, pahalata si anteh. "That's a beautiful name, I'm Eascher Viel Perezia, call me any name you want" saad nito.
"I'll call you Viel nalang, it's much easier kase" saad ko at at tumango lang ito.
"Do you have any nickname? " tanong nito. "Lei yung usual nickname ko" sagot ko
"Hmm" sumbat nito akmang malalim ang iniisip.
"Can I call you Lem instead?" saad nito.
Hmm Lemn, ganda naman.
"Ah yeah, it's okay naman and thank you.. first time ko makareceive ng nickname, skl Lei is a nickname I gave to myself " kalmado kong sabe.
"Oh same Le-" may sasabihin na sana si Viel pero nagring na yung bell. Hinila ko agad si Rish bago pa maabot yung high blood limit niya.
"Viel.. we have classes na po, bye bye! " paalam ko kay Viel at umalis na kami ni Rish.
*****
Messenger
Bauricats😾
Lei:
Mga ate may crush na siguro ako?
Rish:
Ikaw? Nagkacrush?
Tara icelebrate na naten!!!
Tara kain sa labas!!!
HAHAHAHA
charr sorry may lakad pala ako
Interesting..
Halos hate mo nga boys
So how come!!!
Akala ko ba you don't believe in love
Lei:
Shunga, nagkakacrush den ako ha
para may thrill den buhay ko
but hanggang crush lang po
Hindi po ako hahantong sa love and commitment keme
Never!!
Meng:
Hmm are you sure with that
Baka nga yan na yung hinihiling namin na magpapatibok ng puso mo
Lei:
As if I'll let him!
HAHAHA, as if naman may nag eexist pang lalake na gentlemen
I bet hundred years ago extinct na sila!!!
Rish:
You sure😏, meron kaya!!
yung magiging asawa ko😘
Meng:
Basta ha please Lei
If he tries to open your heart, let him be
Let him prove it
Get out of your comfort zone for once, hmm?
Lei:
Wala tuyo na heart ko,puti na siya
Rish:
Gaga edi patay ka na sana
May point nga si Meng, what if maganda talaga ang magmahal, what does it really feel, all I know is it brings you pain and heartache.
If ever man na gusto niyang patumbahin ang pader ng puso ko and kalasin yung padlock, I'll let him. I don't believe in love pero deep inside I'm also curious and I want to feel the hapiness that they're saying.
Also about love and commitment.... I'll think about that.
I kinda feel jealous. Because why can't I accept love, all just because of that past....
I'm waiting... Waiting for the person who'll make me feel loved, cherished and valued. I want someone who can show me that love is real, that true love still exists...
Euphoria...
Is that what they call the feeling of being inlove?
I want to experience it.....
*****
Yayyy uwian na!!!! Favorite day!!! Makakapagpuyat ako kakanood anime!!mamayang gabe....No classes tomorrow.... Pero may project....
Pero ok ren!! Hindi ko makakasama yung demonyo sa bahay.
"Lavy! Just me nalang later! Bye" saad ko kay Lavy. Ok for now let's uwi muna! Gutom nako!!!
Messenger
Lavender Shein Cazeiro
*Leia changed the nickname of Lavender Shein Cazeiro to Lavy
*Leia Changed her nickname to Lei
Lavy
Lei:
Hello Lavy!
Wala tayo classes tomorrow
And i think it's a good day to start the project
Saan mo gustong gawin?
Lavy:
Um can we do it in dito sa house nalang namin
It's more comfortable po kase for me
And I have snacks and drinks ren for us
I have complete stationary ren po
For the project I have all materials na rin po
Lei:
Ok ok I understand
No need to explain more
Don't worry I'll come tomorrow
Just send me your location nalang ok?
Lavy:
Sige po I'll send po bukas
Ahhh!!! Kala ko rest!! And anime marathon! Ahhh tulog na tulog na para di ako mukang haggard bukas. Bahay? Hala bahay!??
Baka meron yung parents ni Lavy!??? Hala pano toh!!!??? Di ako ready huhu kahiya!! Online pa kaya sha, shettt offline, taena!!!! May kuya ren pala siya huhu!!!!
*****
Messenger
Lavy
Lei:
Mavy nandito na ako sa harap ng bahay niyo
Lavy:
Sige po
Ang lake ng bahay nila!!!, kaya ko toh basta wag gagawa ng katangahan, ang gara talaga labas palang ng bahay bongga na.
Nagtataka tuloy ako kung deserve kong nakapasok through teachers recommendation sa special university of Irvan. Mayayaman siguro lahat ng students tas ako lang hindi, si Meng and Rish are rich ren!! Company owner parents nila eh.
Pabukas na ang pinto. "Hi! Lav-" bigla ako napabusangot noong iba ang bumungad sa aken.
Si Khouji, yung kuyang opposite na opposite ni Lavy!!. "Tuloy" ang cold nito.
Pumasok na ako at sinalubong ako ni Lavy sa living room. "Lei! Thank you for coming, let's go na po" saad nito. "Lavy and miss, I'll bring you some snacks later" sabi naman ni Khouji.
Pumasok na kami sa room ni Lavy, shett!! Ang kyut!! Ang ganda ng room niya and ang aesthetic!! Shet complete talaga gamit niya ang organize pa niya.
"This is my room po hehe, so let's start na? " tanong nito. "Yeah sure!" sagot ko at inumpisahan na namin.
Ilang minuto ang lumipas may kumatok. Pumasok si Khouji, "Here, your snacks" linapag niya ito sa gilid ng table. Tumingin ako sakanya at nagkatitigan pa kami.
"Besh! Ano mga favorites ni Rish!" biglang lumapit si Khouji saken at akmang nagmamakaawa, shet nagulat pa ako may dual personality ba ito, ibang iba siya dito kumpara sa school.
Hala naguguilty tuloy ako, baka mali bintang ko na babaero to. Maybe my view about boys na babaero are wrong. Maybe totoo nga, there are also good guys out there...
"Luh close ba tayo and bakla ka ba? Lavy, bakla ba kuya mo?" Patawa kong sabe kay Lavy. Tumawa lang ito. "Lei ganyan talaga si kuya pag kami lang pero straight po siya" saad nito.
"Tangina mo po, porke girly actingan bakla na, and wala naman ako balak makipag close, tatanong lang ng favs ni Rish eh" sarcastic ng tono ni koya.
"Teka, Rish? Kailan mo pa ginamit yang nickname na yan" nagtataka kong tanong. "Nung kahapon lang nag exchange kami baket inget?" biro nito."Duhh akala mo ba ikaw lang may tawag sakanya ng Rish" asar ko sa kanya.
"Atleast siya lang tumawag saken ng kojic" saad nito at napatawa kami ni Lavy. "HAHAHAHA kojic ren tawag ko sayo noon" patawa kong sabe.
"No!! Si Rish lang may rights tawagin akong ganyan" padabog nitong sabe.
"Pabebe ampota umalis ka na nga! Distorbo" paasar kong sabe.
"Huy yung favorites ni Rish" paawa nitong sabe. "Stalk mo siya fb naka post kaya lahat favorites niya HAHAHAHA from foods to universe" sagot ko. "Hindi ko alam fb niya" nakasimangot niyang sabe.
"Ay oo naka shortcut kase name niya, hoy pag ishare ko fb niya wag mo snatchin samin ha, kung ligawan mo dumaan ka muna samin, mag ingat ka sa actions mo, once na iyakan ka niya susugurin kita" strikto kong sabe.
"Opo" sagot nito, aba grabe lang magmura kanina may galang pa palang naiwan.
"Reiri Reajio yan fb niya" sabi ko sabay pakita screnshot ng fb niya. Agad niya kinuha phone niya at pinicturan. Obsessed ampota. "Alis ka na!" agad naman itong umalis.
Nice guy ren pala tong si Khouji, sana nga he really loves Rish para naman magkahope ako konti for love and para makita na namin na masaya siya, she rarely smiles eh, pilit yung smiles niya and tumatawa lang if we have jokes.
"Pasensya ka na po ha sa kuya ko, I know na iba personality niya here and sa school hehe kung isa ka reng victim ng other personality niya I'll apologize nalang po" saad ni Lavy.
"Ay naku-naku don't apologize beh hindi naman ako trip nun, si ano Rish, one of my best friend, siya rin yung tinatanong ni kuya mo" sagot ko.
"Ohh hmm the girl with red hair? Hmm I really liked her, ang ganda niya po kase eh Siya una kong napansin noon sa school gate" saad nito.
"Ohh nakita mo na pala, nice!" kase feel ko maging sistah in law mo sha hihi.
"Btw bakit pala magkaibang-magkaiba kayo ng kuya mo? " tanong ko kay Lavy.
"We're not blood related po kase eh, I'm adopted po pero I'm still thankful na he treated me as her dear sister and hindi kahate, Im happy with that po" nakangiti niyang sabe.
Ohhh that's good to hear, ibang iba sa mga nababasa or napapanood kong teleserye na ayaw na ayaw yung mga step siblings.
"Ohhh anyways tapusin na natin tong project hehe" akala ko hindi namin matatapos ngayon, madali lang pala.
*****
Kakwentuhan ko ngayon si Lavy sa living room, wews 4:30 na pala, antagal naman naming ginawa yung project, sana hindi ako hanapin sa bahay.
"Here snacks niyo, besh tikman mo to luto ko binase ko sa favorite ni Rish please rate mo para alam ko kung pasado na at ibibigay ko sakanya, pleasee" paawang sabe ni Khouji.
Kinuha ko yung cookies na inabot niya and sobrang sarap pero mashadong matamis para saken, talagang bagay kay Rish.
"Yah bagay sakanya mashadong matamis saken, kailan mo balak ibi-" bigla ng nakipahshake hands si Khouji saken.
"Thank you for that wonderful feedback!!! Master!!!" agad kong inalis kamay nito.
"Eww no! Ayoko sa bading" nandidiri kong sabe. "Di wag, di ka naman gold" sumbat nito. "Talaga! Kase diamond ako!" sumbat ko naman at tumawa kami nina Lavy.
Di ko namalayan nasa gilid pala si Viel, huh gawa niya rito, ay sabagay sila yung D5.
Kumaway ako sakanya "Vie-" natigil ako nung di niya ako napansin at umalis. Ay ouch, crush palang ginaganyan na ako sige lang po. Nu meron dun, wala naman akong ginagawang male.
_________________________________________
Hala feel ko may kasalanan ako - Khouji.