Hmm 5pm na ahhh napahaba yata chika namin ni Lavy. Si Viel pala kanina pa hindi nagpapakita ah, si Khouji naman natutulog sa kabilang sofa tas magkatabi kami ni Lavy.
Kami lang ni Lavy ang may alam na interesado siya kay Rish, siguro baka pagtripan ng mga barkada niya kaya ayaw niya kumalat HAHAHA.
"Ryle! Shein! We're he, we'll have a dinner with Perezia fam! Shein, Tita Angie is here" sigaw ng isang bababe.
Hala shuta ka meron na ata yung mga magulang nila Shein, and Perezia fam!!??? Family ni Viel??? Hala family ng crush ko!! Anyways why would I care kung parents niya yan, as if naman need ko sila kilalanin.
"Lei tara na, nakalimutan ko pala sabihin, we will have dinner ngayong gabi, gusto kong i invite ka dito ka na mag dinner kaso baka kung ininvite kita bago ka puunta ng bahay hindi ka na pupunta" malambing na paanyaya ni Lavy.
"Don't worry tayo lang and the Perezia fam, Fam nila kuya Viel, mukang close naman po kayo, binati mo pa nga siya kanina" nakangiting sabe ni Lavy.
Hindi ho kami close.
Infairness saktong meron na sila may nakahanda nang pagkaen sa mahaba nilang mesa.
Ako lang mahirap dito, baka matulad ako nung mga nasa drama na makakawawa dahil mahirap lang sila, but no if someone dares to belittle me my family I won't let it slide, I'll bite back, hmm!
Kahit masaket ginawa ni papa, still hindi ko sila ikakahiya, ipapagmalaki ko pa ah dahil, pinalaki nila ako ng maayos kahit papano.
Katabi ko ngayon si Lavy at ewan bat tumabi si Viel nasa pinakagilid kame.
Yun pala si Kezscher, parang young version ni Viel Haha. And kapatid ba nila yung cute na bata, parang si Lavy ren mukhang manika, pero mas mature looking si Lavy ganash.
"Shein iha, don't you wanna introduce your friend to us?" tanong ng mama ni Mavy. "Ah! Mom, Dad, Tito Loid and Tita Angie, Kescher and Zia, this is Leia po a friend and my partner in our project po" pagpapakilala saken ni Lavy. "Uhm hello po, Leia Solemn Arzwela po" nahihiyang bati ko.
"Oh so nag-aaral ka den in Irvan and accounting ren, hmm that's good, what's your family name?" tanong nito saken.
"Arzwela po" kalmado kong sagot.
"I don't think I'm familiar with your family... Which company?" nagtataka nitong tanong. "Sorry ma'am pero maykaya lang kami, hindi po kami mayaman, laki po kasi ako sa farm" sagot ko.
"Hmm ok, ano work nila?" tanong nito. "My father is a businesss manager in Caze Corporation and my stepmom po is running a flower shop." deretso kong sagot.
"Ohh so your father works in our company" saad ng mama ni Lavy. Yung Perezia fam naman tahimik lang, as if kung ano ang business ng Cazeiro sila lang.
"So nakapasok ka sa Irvan through teacher's letter of recommendation... I bet you have a top tier intelligence, i'm amazed, mangilanngilan lang kase ang nakakapasok in Irvan by a teacher's reco."
"And also, Iha ,baka iniisip mo na minamaliit ka namin, Iha, we don't mind your status, the important thing for us is your influence to Shein, if you're intelligent, kind and respectful, that's enough rason for us para ikeep ka ni Shein as friend" Wews akala ko mamaliitin na ako at family ko huhh.
"So always remember Iha, it's not about your status, it's about your influence, you are smart, respectful rin and kind, I know you are because of the way you are talking, you're so polite and respectful, we like people who uses their potential in a good way, not someone who waste it and rely on their false money"
"For example hmm ok, kung inintroduce ka ni Lavy and you are from a rich family, your family owns a big corporation, you have a big mansion or whatsoever but you don't have any manners, pabaya ka sa grades mo, umaasa ka lang sa pera ng magulang mo then we will cut you off immediately, you know it's rare for us to find a good friend for Shein like you"
"Uhm I remember you saying laki ako sa farm? then I bet you have a lot of experience , please share it sometimes with Shein, come here often ok?" paanyaya nito. Luhh speed si mader, sigi po. "Ok po" sagot ko.
"So let us introduce ourselves, I'm Tita Lina, and your Tito Roy" pakilala ni Tita Angie. "You can call us Tita Angie and Tito Loid," nakangiting pagpapakilala nito. Ang gaan nila makipag usap, yung parang bang bubbly sa feeling.
"She is Elizia just call her Zia, our youngest" pagpapakilala ni Tita Angie. "Hi po ate Leia" hangkyut talaga nito.
"Boys, introduce yourselves" saad ni Tita Angie. "Hello ate Leia, I'm Kezscher po" pagpapakilala ni Kezscher. Aba magalang, siguro mababait na magulang sila Tita Angie. "Eazcher?"
"No need ma, we know each other po" saad ni Viel.
Nagtinginan naman si Tita Angie at Tito Loid at pansin ko may pinagbubulungan sila at tuawa pa sila ng palihim, nu kaya yon.
*****
Nasa living room kami nina Lavy, Kezscher, Khouji, Zia at Viel. Si Lavy at Kezscher at magkatabi at nag-uusap sa katabing sofa. Mukang close sila.
Si Khouji naman ay nagbabake parin, after kase nung unang attempt niya, which is yung pinatry niya saken, yung sumunod na binake, sunog, HAHAHAHA.
Kami naman ni Viel at Zia ay magkatabi. Sa kanan ko ay si Viel at sa kaliwa naman ay si Zia.
Si Zia nanonood ng kdrama sa ipad niya, buti pa siya kaya niya ienjoy kdrama, romance pa ata genre, samantalang ako inis agad sa episode !. Ayun puro thriller pinapanood ko.
Hmm, Queen of Tears? maganda ba yan, parang sad ending ah, sa title palang.
"Lem, You're friends with Shein?" tanong ni Viel.
Huh Shein? Yung shopping app? Ahh Lavender Shein pala pangalan niya shutabels.
"Yes, nagkakilala kami recently lang, and magkapartner kase kami sa project and gusto dito gawin so pumunta ako dito" sagot ko.
"Ahh that's good then" bumalik ang tingin niya sa kanyang phone, bat to ngumingisi, baliw!
"Ate Leia, are you good in Math po?" tanong ni Zia. Hala hangcute niya talaga tae!!
"Yez! It's actually my favorite subject since grade 1, Wait in what grade are you?" tanong ko naman. Baka magpalaturo to ah.
"I'm in grade 8 po ate" sagot naman nito. Kaya pa, tanda ko pa lessons for grade 8.
"Would you mind teaching me lessons sometimes?" inosenteng tanong nito.
"I'm weak po when it comes to math eh"
"Oh sure!! Pupunta ako sainyo if I have free time" sagot ko.
"Thank you po ate Lei" saad naman nito at bumalik sa kanyang pinapanood.
8:00 na, hm uwi na ako. Tumayo na ako at nagpaalam kay kina Zia at kina Lavy, pumunta na ako kina Tita na nagkwekwentuhan.
"Aalis na po ako, maraming salamat po" nakangiti kong pagpaalam. Lumabas na ako ng kanilang bahay.
Ah shet! Nagcommute pala akong pumunta!!! Gabi na wala akong masasakyan nito. Wala pang dumadaan na taxi dito, palibhasa may sari-sariling sasakyan mga mayayaman dito.
"Lem" nabigla ako sa nagsalita sa likod ko.
"I'll drive you home" saad nito. Ahhh! Ang attractive talaga potek.
"Luh ano ba tayo?" tanong ko.
"I'll drive you home lang, no questions na"
Pahatid na ako, wala rin naman akong masasakyan tsaka gabi na ohhh so skeri na lakarin ko yung sobrang dilim na road.
"Hey crush mo ba ako?" pabiro kong tanong.
"Yes, why?" sagot nito.
"Luh to, di naman mabiro" saad ko. Sus as if naman sineryoso niya yun.
"Siguro may balak kang masama kaya nagisipan mong ihatid ako" sinamaan ko siya ng tingin.
"What do you think?" ngumisi ito at lumingon saken.
"Sa daan ang tingin" strikto kong sabe.
Ang galing ng sasakyan niya, inenter niya lang adress ko, may route agad na magpapakita.
*****
"Thank you, Ingat ka pauwi" paalam ko kay Viel.
Pumasok na ako ng building at dumiretso sa apartment.
"Sino yung naghatid sayo" Sinalubong ako ng tanong ni Zachna. "Pake mo ba" sagot ko.
"Sumbong kita kina mommy, lumalandi ka na, lumipat lang tayo eh" saad nito.
"Edi lumandi ka ren! Asim mo magshower ka nga" natigil siya sa inis kong sumbat.
Jusq ano kaseng lande, hinatid lang naman ako.
"Sungit mo! Sumbong kita kay dad!" sumbat nito at tumakbo sa kwarto niya.
"Oh edi isumbong mo! Feeling anak!" inis kong sigaw.
Dumiretso na ako ng kwarto at baka ano pa magawa ko.
*****
Bang!
Hala! Napalakas yata pagtulak ko. Nakakahiya!!!!
"G- g-g-g- Good morning Ma'am Arellano!!! Sorry I'm late poo!!" agad kong bati at tumakbo ako sa aking upuan.
Nalate kase ako ng gising, hindi tumunog alarm ko kaya, late ako sa class, yung bruhang yun den kase di ako ginising.
"Leia you'll get minus points ha, we have rules here naman diba, next time don't be late hmm?" Oo nga pala! ngayon lang ako nalate kaya nalimutan ko yang penalty na yan!!
Shuta!!! Makapunta nga ng library, haggard ko na!!! Yayy tulog tulog!!
*****
Hala lamig!
Nagising ako nang may biglang akong nakaramdam ng malamig sa pisngi ko.
Dinilat ko ang aking mata. Napatumba ako dahil pag dilat ko ang lapit ni Viel.
"Shunga! katakot ka naman!!!" sumbat ko sakanya. Inabot niya saken ang isang bottle ng delight, kinuha ko naman ito, syempre favorite eh.
"Stalker ka ba ha! Ba't alam mo favorite drink ko" sigaw ko sakanya.
"Hmm I didn't know that delight is your favorite drink, nakita ko lang noong tumabi ako sayo sa cafeteria" kalmado nitong sagot.
Napaurong angas ko dun ah.
"Anyways, why are you sleeping in the library?" tanong nito.
"Wala dito lang tahimik eh, and sobrang sakit ulo ko and haggard ko na!! Pano ba naman kase sinalubong ako ng sermon sa umaga, muntikan pako masagasaan sa daan papunta dito sa school, tas nalate pa ako, ayan may penalty points na ako" tuloy-tuloy kong reklamo sakanya.
Hala napasobra ata ako. Anyways 12:30 palang naman, may oras pako mag sleep sleep.
Nagring yung phone ni Viel. Lumabas muna siya habang kaysap yung tumawag.
Hayop nilalamig pako, bat kase nakatapat pa saken yung aircon, anyways tulog nalang ulit ako, tamad ako bumangon at lumipat ng pwesto.
*****
Nagising nalang ako nung magring alarm ko, syempre naka set para di ako late sa next class ko.
Hala kaninong uniform toh ang gara naman, alam na alam na nilalamig ako. ay wait may surname badge sa uniform namin eh, teka.
Hmm, Perezia? Uh.... Ah! si Viel? Ay oo nga pala pumunta siya kanina dito, labahan ko nalang muna bago ko bigay.
Hmm ano tong naka paper bag.. Hmm may nakasulat sa tissue...
Ganda naman ng handwriting niya.
Aba, mukang ang swerte ko ah,
nakabingwit ng maasahang friend tas concern pa. Anyways punta nako sa klase, baka ma penalty points pa ulit ako.
Buti nalang naisipan ni Viel na bumili ng headache relief patch, baka siguro kung wala yun nahimatay nako sa lecture.
Hmm wala si Rish ngayon may lakad, and si Meng naman maaga umuwi dahil may aasikasuhin sa bahay nila. ano uuwi nalang agad ako!! gusto ko mag gala!!! Ahh si Lavy ayain ko kaya!!
Messenger
Lavy
Lei:
Lavy!
Tara punta tayo arcade, samahan mo ko
Ayaw ko pa kasi umuwi
Lavy:
Sorry Lei gusto kitang samahan, I also wanna try arcade
But may lakad kasi kami ni mama
I'm sorry Lei
Lei:
No, it's ok, don't be sorry
Sige mag isa nalang ako, kaya ko naman.
_____________________________________________
To the Arcade!!!
Maya-maya lang ay biglang bumuhos ang ulan nang napakalakas.
Shutang-
OO NA! SIGE NA! Eto na uuwi na, shotek pati ba naman kalikasan tatanggihan ako na gumala.
Hays wala pa akong payong, sa kabilang kalsada pa kasi yung bus stop!
__________________________________________
Beep! May tumigil na kotse sa harap.
Si Viel? lumabas siya at binuksan niya ang kanyang payong. Lumapit siya saken at kinuha ang bag ko.
"I'll drive you home."