Chereads / Infinito: Salinlahi / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

Tahimik na binagtas ni Esmeralda ang daan pabalik sa bahay nina Kaled. Nakatuon ang paningin niya sa daan ngunit ang pakiramdam niya ay nakatuon sa kaniyang paligid at aa mga nilalang na nagmamasid. Nagkunwari siyang walang nararamdaman at inilabas ang ibinigay na itim na tela ni Don Hernan.

"Ano naman kaya ito? Ang sabi ni Don Hernan, ilagay ko raw ito sa inumin sa bahay mamaya, mabisa raw itong pampaayos ng pakiramdam. Ang bait naman pala ng Don pero bakit parang ayaw sa kaniya nina Kaled at Tiya Sonia?" May kalakasang wika niya, saktong maririnig naman ng mga nilalang na palihim siyang sinusundan. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pag-atras ng mga nilalang sa paligid niya. 

Nawala ang mga presensiyang nagbabantay sa kaniya, marahil dahil binanggit niya ang tungkol sa binigay ng Don. Dali-dali na siyang bumalik sa bahay nina Kaled. Pagdating ay sinalubong naman siya ni Ismael. Tinipon nila ang mag-anak sa loob ng silid ng kanilang ina at doon mahinahon at detalyadong ipinaliwanag ni Esmeralda ang lahat ng nalaman niya mula sa Don. 

Napuno ng katahimikan ang buong silid, halos pare-parehong hindi makapaniwala ang mag-anak. Maging si Sonia ay walang kaalam-alam, dahil hnd naman nabanggit sa kaniya ng asawa ang tungkol sa tunay nitong pamilya. Ang alam lang niya, ay tumakas siya dahil sa isang bagay na ayaw niyang gawin at ayaw niyang magpatali sa isang bagay na hindi bukal sa kaniyang puso.

"Kung ganoon, si Don Hernan, lolo namin?" si Rimo ang unang bumasag sa katahimikan. Tila ang tanong na iyon ang naging dahilan upang makahinga ang mga tao doon sa silid.

"Ibig sabihin ang sulat na iyon ay isang babala? Pinapaalis niya kami dito, hindi dahil ayaw niya sa amin, kun'di dahil sa mga aswang na balak kaming saktan?" Sunod na nagtanong ay si Kaled, bakasa sa mukha nito ang pagkalito.

"Oo tama ka Kaled, ginawa iyon ng Don para sana mailayo kayo rito, malaking banta sa mga aswang ang Papa niyo, dahil naging manunugis na ito bago pa man umalis sa poder ni Don Hernan. KUng sakaling nabasa ng papa mo ang sulat, magtataka siya at siguradong mag-iimbestiga, malalaman niya ang nangyari sa pamilya ng Tatay niya, pero hindi niya binasa, nagkaroon ng oras ang mga aswang para lapatan ng sakit ang Papa niyo hanggang sa bawian siya ng buhay." Paliwanag naman ni Esmeralda.

"Sa ngayon, umakto kayong normal, magkunwari kayong wala pa ring alam, kung ano ang trato niyo sa Don, ganoon ang ipakita niyo lalo na kapag nasa labas ng mga pamamahay niyo. Gagawa ako ng paraan na mapuntahan ang kuta nila, at hanapin doon ang anak at apo ng Don."Dugtong pa ni Esmeralda. Tumango naman si Ismael, walang pagdududa itong sumang-ayon sa plano ng dalaga.

"Huwag muna kayong magpapaabot ng hapon sa labas, kung may kinakilangan kayong gawin, mas maigi kong sa umaga at kung kailan tirik ang araw niyo gagawin. Kung maari, magbaon kayo ng luya o bawang sa inyong bulsa kung lalabas kayo, habang hindi pa ako nakakagawa ng pangontra sa palipad-hangin ng mga masasamang nilalang." Abiso naman ni Ismael sa magkakapatid.

"Maraming salamat po talaga sa inyo, kung hindi dahils a inyo, hindi namin malalaman ang lahat ng ito at habang-buhay na kaming magagalit sa pamilya na Don." wika ni Sylvia at umiling naman si Ismael.

"Huwag ka munang magpasalamat hija, hindi pa kayo ligtas, wala pa kaming ginagawa. Sa ngayon, sumunod na muna kayo, kung kinakailangan niyo talagang lumabas ng hapon o gabi, magpasama kayo kay Mateo at Esmeralda. Ang bahay naman ay ligtas, dahil nandito pa kami ni Nanay Merly." tugon naman ni Ismael.

Nagsitanguan naman ang magkakapatid, matapos ang pag-uusap na iyon bumalik na sila sa normal nilang mga buhay. Nagwawalis si Esmeralda sa bakuran, habang si Mateo naman ay nagsisibak ng kahoy.

"Mat, pagtapos natin rito, punta tayo doon sa talipapa,"

"Talipapa? May talipapa ba rito?" maang na tanong ni Mateo sa dalaga.

"Oo, doon sa bandang dulo, may nakita akong maliit na talipapa roon nang dumalaw ako sa mansyon. May bibilhin lang ako, mabilis lang naman tayo." Tugon naman ni Esmeralda habang inililigpit ang hawak na walis tingting at dustpan.

"O, siya sige, patapos na rin naman ako rito." sambit naman ni Mateo at nagmadali na sa pagsisibak ng kahoy. Matapos ay kumuha lang ng basket si Esmeralda at naglakad na sila patungo sa talipapa na sinasabi ng dalaga. Pagdating nila sa talipapa, nakita agad nila ang umpukan ng mga tao sa kabilang dako , nasa masukal na parte iyon at puro talahib lang ang nakikita. Malakas rin ang bulung-bulungan ng mga tao sa palibot kung kaya't mabilis nila itong nilapitan upang makiusyuso na rin.

Pareho pa silang napatakip ng ilong nang makita ang isang bangkay ng babae na halatang buntis, wakwak ang tiyan nito, wala na ang mga lamang-loob at maging ang bata sa sinapupunan nito ay wala na rin. Nagkatinginan pa si Esmeralda at Mateo dahil sa nakita.

"Kilala niyo ba ang babaeng iyan? Parang hindi naman iyan taga-rito," ani ng isang ginang.

"Oo, baka taga kabilang baryo, o kaya doon sa bayan," saad naman ng isa.

"Grabe, nakakatakot naman iyan, tatlong buntis na iyan na nakita dito sa lugar natin, ano bang akala nila sa bayan natin ,tapunan ng mga bangkay?" Nababahalang wika naman ng isa pang nakikiusyuso.

"Dili na nahabag, ano bagang may gawa niyan, dili kaya aswang?" Tanong pa ng isang ginang.

Umugong ang bulong-bulungan sa paligid dahil sa tanong na iyon.

"Kung pagbabatayan ang sinapit ng kaawa-awang biktima, hindi magagawa iyan ng mabangis na hayop, simot ang lamang-loob, pati ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa tiyan ng babae kinuha, aswang nga ang may gawa niyan."

"Diyos ko, saan naman galing ang mga aswang na iyan, marami pa namang buntis ngayon dito sa atin."

Hindi na nagtagal pa roon sina Esmeralda, dahil dumating na rin ang mga kawani ng baranggay at inasikaso ang bangkay. Namili na lamang sila sa talipapa at matapos ay mabilis na silang bumalik sa bahay.

"Liyab, natunton mo ba kung saan nila tinatago ang bihag?" Tanong ni Esmeralda nang pumasok sa loob ng silid niya ang uwak na si Liyab. Sa hindi inaasahan, biglang nagkatawang tao sa kauna-unahang pagkakataon si Liyab sa harap niya.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Esmeralda. Ito ang unang pagkakataong nakita niyang nagpalit ng anyo si Liyab. Matangkad ito, may maputing balat na tila kumikislap, may matuulis itong tainga na maihahalitulad mo sa nga dahon. Itim na itim ang buhok nito at may buntot ito sa likod. Maamo rin ang pagmumukha nito, ang kasuotan naman ni Liyab ay tila hinabing mga dahon at balat ng isang puno. Kakatuwa ngunit matalinhaga, nababalot ng hiwaga ang buong pagkatao ng bagong anyo ni Liyab na pinakita sa kaniya.

"Liyab, ikaw ba iyan? 'Yan ba ang tunay mong anyo?" Tanong ni Esmeralda. Ngumit naman at bahagyang tumango ang binata.

"Oo Esme, sa wakas ay nagawa ko ring palitawin sa mortal na mundo ang tunay kong anyo, marahil dahil nalalapit na ang pagsapit ng ika-dalawampu't isang kaarawan mo." Sagot ni Liyab sa malumanay nitong tinig. Tila ba tinatangay iyon ng hangin at napakalamig nito sa kaniyang pandinig.

Napakurap-kurap pa si Esmeralda habang pinagmamasdang mabuti ang anyo ng binata.

"Ano ka ba talaga, isa kang engkanto, tama ba?" Muling tanong ni Esmeralda.

"Tama, isa akong Mahomanay, engkantong nangangalaga sa mga hayop sa kagubatan. At tungkol naman doon sa unang kataungan mo, natagpuan ko ang kuta nila subalit wala akong nakikitang bihag, bagama't may nararamdaman akong presensya ng tao doon. Marahil ay nababalot ng sabulag ang pinaglalagyan nila ng bihag."

"Gano'n ba, wala ka na bang magagawa para maalis ang sabulag na ito?"

"Susubukan ko ang makakaya ko. Alam mo namang kahit makapangyarihan ang uri ko, limitado ito dito sa mundo niyo. Pero huwag kang mag-alala dahil gagawin ko lahat para makita sila. Sa ngayon, magmatyag na lang muna kayo at huwag kang susugod sa lugar na iyon." Paalala ni Liyab. Napangiti naman si Esmeralda at tumango. Nang maglaho na si Liyab at muling naging uwak palalabas sa kaniyang bintana ay isinara na niya iyon.

Naglakad na siya patungo sa sala kung nasaan ang kaniyang ama.

"Amang, nakita na ni Liyab ang kuta ng mga aswang. Tama ang unang hula natin. Pero hindi niya matagpuan kung saan mismo nakatago ang dalawang bihag. Nararamdaman lang niya ang presensya ng mga ito pero hindi niya matunton." Anunsyo ni Esmeralda.

Sa pagkakataong iyon, nahulog sa malalim na pag-iisip si Ismael.

"Malakas na sabulag o di kaya'y orasyon na gawa ng mangkukulam o mambabarang. Kung malakas ang ang sabulag siguradong hindi basta-basta ang makakalaban niyo rito Esmeralda. Mas maigi kung hintayin muna natin na matunton ni Liyab ang pakay natin bago tayo kumilos." Wika ni Ismael.

"Iyan din ho ang bilin ni Liyab, amang. Sa katanuyana, nasilayan ko na rin ang tunay niyang anyo. Isa siyang mahomanay, 'yon ang sabi niya."

"Mahomanay? Aba, isang mahomanay ang gabay mo? Malalakas na uri ng mga engkanto ang mahomanay, tagapangalaga sila ng mga hayop sa kagubatan, madalas ay inililigtas nila mula sa masasamang mangangaso ang mga hayop sa gubat. At ang tanging paraan lamang para malayan kang makapangaso sa kanilang teritoryo ay ang pag-aalay. Ngunit, nabibilang din ang mga mahomanay sa pinakamababait na uri ng engkanto. Hindi ako makapaniwalang ang uwak na iyon na simula't sapol kasama mo na ay isa pa lang mahomanay. " Umiiling-iling na wika ni Ismael habang napapaisip.