End – Final Love
APRIL IMPERIAL
"Ayun ang mga kwento ng aking mga pag-ibig."
Sabi ko sa mga estudyante ko, naging teacher ako ng college of computer science.
"Po? Wala po kayong nakatuluyan sa mga lalaking nabanggit niyo po?"
Sabi ng isang estudyante ko, Marie.
Hindi ako nagsalita.
"Oh sige class early dismissal."
Sabi ko pero hindi sila gumalaw.
"Happy teacher's day po, Maam Imperial."
Sabay sabay nilang sabi.
Inurong nila ang mga upuan.
Kumanta ang mga estudyante ko, may dala-dala pang gitara.
Naalala ko ng nangyari bago ako nakatapos at naging professor. 3rd year college.
Nagsimula ang 3rd year college ko nang mapayapa.
Walang Jake.
Walang kahit sino.
Ako naghahanap ng company para sa Internship.
I got into Arthur Gaming Company.
Nagulat ako ng may tatlo pang nakatayo doon sa dulo ng office.
Mga pamilyar na mukha.
Si Zyrus Arellano, Tristan Cabrera at Jake Urgelles.
Anong ginagawa nila dito? Siguro ay bumagsak sila ng isang taon?
Kaya kabatch na nila ko.
Alam kong si Tristan Cabrera ay kabatch ko.
Anong nangyayari?
After nila akong bigyan ng broken heart.
Ganito na naman for the second time around?
"Ako si Semwell, yung nag-email sa mga nag-apply sa mga internship. Intern ka din ba?"
Sabi ni big boss, Semwell.
"Opo, I'm April Imperial po."
Napatingin sa'kin ang tatlong lalaking nakatayo rin at nauna sa'kin.
Nagkaroon kami ng tig-iisang table na may laptop.
Iniwan na kami ni Semwell pero nagsama-sama kami sa isang space.
Pumunta kasi silang tatlo sa space ko.
"Kumusta ka na, April?"
Sabi ni Zyrus, inaayos yung kurbata niya.
May tubig na dala-dala.
"Kilala mo rin siya?"
Tanong ni Tristan.
"Oo nga, tagal nating hindi nagkita. Namiss kita."
Nagulat naman si Jake at Zyrus sa sinabi ni Tristan.
Hawak niya ang juice na hindi pa nabuksan.
"Ako rin, after 2nd year. Hindi na tayo nagkausap."
Sabi ni Jake, may hawak na softdrinks.
I stared at them.
"Kumusta kayo?"
Naubo ako ng may tunog.
Sabay-sabay nilang inabot ang mga drinks na dala nila.
Si Zyrus ang may dalang tubig sa gilid niya.
Si Tristan ay juice.
Si Jake ay softdrinks.
"Okay ka lang?"
Sabay-sabay nilang sabi.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Mas healthy kung magwater ka."
Sabi ni Zyrus, seryoso.
"Okay ang orange juice for cold and cough. Vitamin C."
Sabi ni Tristan, nakangiti.
"Softdrinks baka matunaw plema mo."
Si Jake, nagsalita.
"Okay lang, I have my coffee."
Iniangat ko ang baso kong may laman na kape.
"Zyrus, I saw your wallpaper, you should back out. You have a girlfriend."
Sabi ni Tristan.
"Funny. I'm not trying to make a move on, April."
Sabi naman ni Zyrus pabalik sa kanya.
"Ako din may girlfriend, April and I are just friends."
Sabi ni Jake, smiling.
"Good."
Ngumiti si Tristan.
Tumingin sa'kin si Tristan.
The Tristan Cabrera.
What's up with him?
Nagkaroon ng party sa office kasi saktong birthday ni big boss.
Kaya naglasing kami.
Punong-puno ang mga tao sa baba kaya umakyat ako.
Nagstay ako sa rooftop ng office.
Kasi puno ang cafeteria namin.
I saw Tristan sa loob ng rooftop. Lasing.
Lumapit ako sa kanya.
Kasi baka mahulog siya, I held his body.
"Okay ka lang?"
"April, be with me this time."
Niyakap niya ko ng mahigpit.
"Hindi ako makahinga."
Sabi ko, natatawa.
"Dati akala ko hindi ko kaya dahil wala kaming pera pero alam ko sa sarili ko na gusto talaga kita, noon pa man. Kahit maghirap pa ko, makasama lang kita. Kahit hirap pa rin ako hanggang ngayon. Gusto kita. Nung nakita kita ulit, sabi ko sa sarili ko. Hindi na kita papakawalan."
Tuloy-tuloy na sabi niya.
Yes, nanahimik ako kasi gusto kong marinig ang nga sasabihin niya sa'kin.
"Sa bawat pahihirap ko, Naalala kita. Sa part timejobs na walang katapusan. Gusto kitang hanapin. Gusto kitang sundan sa Arthur Inernational School pero hindi kaya ng pera namin. Gusto kitang itext pero nabura ko ang number mo. Hindi kita mahagilap. Pero mahal kita. Kaya nung nakita ulit kita, I will hold your hand."
Pinutol niya ang yakap at kinuha ang kamay ko.
Naalala ko ang dailyapril ko sa instagram.
Mga laman na tungkol kay Tristan.
Mga daily entries doon tungkol sa kanya.
Tungkol sa buhay ko nung senior high.
Yung pag-iwan niya sa'kin pero may dahilan pala.
Dahil sa hirap, hindi niya ko pinili.
Pero ngayon, pinipili niya ko.
"Kailangan ko pang magtapos. Kaya hinayaan kita. Nung nalaman kong single ka pa rin ay inabangan kita. Nasaktan ako sa mga tweets niyo ni Jake. Tag post niyo ni Zyrus noon. Hinintay kita. Pinagdasal ko na bumalik ka sa'kin. Ngayon, kaya ko na. Kaya na kitang mahalin."
Niyakap niyang muli ako.
Ngumiti siya kahit lumuluha ang mata.
Hinampas ko ang braso niya.
He initiated a kiss.
With the fireworks on the background.
We stopped to see it.
Oo nga pala, new year iyon.
Birthday ng big boss namin.
We kissed under the moonlight.
We became together.
Happy internship.
We enjoyed the internship!
"So, this time tayo na?"
Tanong niya.
Tumango ako at hinalikan ulit siya.
Kumanta ang mga estudyante ko.
Nagulat ako ng lumabas si Tristan galing backdoor ng classroom
Kumanta rin siya.
He smiled at me.
Lumuhod siya sa'king harapan.
"Will you marry me? I choose you to my wife. To cherish and care for life."
He opened the pokemon ball na may ring.
He's still the same, nerdy but anime fan.
Siguro naman ngayon ay magiging kami sa huli.
Hindi ko inaasahan na bawat piraso ng puso ko ay mabubuo ulit. Bubuuin niya.
Salamat sa Diyos ay nakaraos kaming dalawa.
Natupad ang pangarap kong ikasal.
Nung nakita ko ulit si Tristan ay parang may kung anong bumulong sa'kin.
Nakakamangha.
Nagkita ulit kami.
Parang tinadhana.
Sabi ko, hindi ko na pakawalan ang second time kong makita siya.
With my greatest love.
Hindi pala sa nauna o nahuli ang pag-ibig.
Love is choice.Kung hindi sa kung sino ang pipiliin mo at pipiliin ka sa huli.
Bawat piraso ng puso ko ay nakalaan na sa kanya.
**