Chereads / If We Fall In Love / Chapter 5 - Fall 4 - Celebration (Zyrus Arellano)

Chapter 5 - Fall 4 - Celebration (Zyrus Arellano)

Fall 4 – Celebration

APRIL IMPERIAL

Nagsimula ng pumasok ang pasko sa street namin kaya bakasyon ulit.

Ang bilis ng pagtapak ko ng grade 9.

Si Zyrus Arellano ay grade 10 na pati si Kuya Harden.

Si Drei naman ay nag-grade 7 na.

Ang kapatid ni Zyrus na si Alexandra Magtibay ay lumipat na sa kanilang sariling bahay, sabi-sabi ng mga chismosa naming kapitbahay.

Nagkaroon kami ng mga handa para sa pasko.

Nagulat ako ng may kumanta ng Christmas song sa labas. Tinignan ko sa bintana.

Sisigaw sana ang ng tawad kaso crush ko ang nangangaroling, sila Zyrus at kanyang mga kaklase.

"Harden Imperial! Namamasko kami!"

Sabi ng isang kaklase ni Kuya Harden kasi pamilyar minsan kasi silang pumupunta sa bahay, si Lander.

"Namamasko po!"

Sigaw naman ni Zyrus, na ikinatawa ako.

Ang kulit kasi nila. Pinapalo pa ang gate namin.

"Bakit ka ngangaroling dito, Zyrus? Gipit ba kayo?"

Lumabas si Kuya Harden.

Nagtawanan ang tropa niya.

Naglabas si Kuya ng wallet.

Kinuha niya yung fifty pesos pero binalik din niya sa wallet at binigyan sila ng piso.

Tawa ako ng tawa sa ginawa ni Kuya Harden, lumabas na rin ako at tumawa.

"Grabe sa gipit. Baka kayo talaga ang totoong gipit."

Sabi ni Zyrus, tinanggap ang piso at itinaas.

"Makikikain na lang kami sa inyo, Harden."

Sabi naman ni Arjo, kaibigan din nila.

"Grabe ka, hindi kami nangangaroling. Inimbita mo kami dito."

Sabi ni Zyrus, natatawa.

Pinapasok din siya ni Kuya Harden sa loob.

Si Drei pa nga ang nagbukas ng gate.

Kumain sila sa'min.

Inimbitahan pala niya ang mga ito. Nareveal na.

"Akala ko namamasko talaga kayo."

Sabi ko sa kanila.

"Merry Christmas!"

Banggit ni Zyrus.

"Hi, April! Merry Christmas."

Sabi naman ni Lander.

"Dami niyo atang handa."

Komento ni Arjo.

"Akyat muna tayo sa taas."

Aya ni Kuya Harden.

"Kuya, sama ako."

Sabi ni Drei.

"Nako, matatalo na naman si Drei sa laro natin."

Sabi ni Arjo. Ginulo ang buhok ni Drei.

"Hindi natin isasali yan, botfrag."

Tumawa si Lander.

"Ikaw, April. Sama ka sa'min?"

Tanong ni Zyrus.

"Ayoko puro kayo lalaki."

Sabi ko na lang kahit natutuwa kay Zyrus.

Ganon-ganon na lang natapos ang Christmas namin.

Hindi katulad ni Kuya Harden.

Hindi ko mainvite friends ko kasi strict ang mga parents.

Kaya ayun, nung nabored ako ay umakyat ako sa sala ng second floor.

Nakita ko silang naglabas ng Playstation 5.

Kumuha ako ng Nintendo switch sa may lamesa at naglaro.

"Tara, laro na lang tayo ng jenga."

Sabi ni Zyrus.

"Sali ako, Kuya Zyrus."

Sabi ni Drei.

"In ako, tara."

Binitawan ko yung Nintendo Switch tapos binigay kay Lander.

Kumuha ako ng isa.

Hanggang sa pangatlo ko ng turn ay natawa si Drei at Zyrus kasi nalaglag yung buong jenga.

"Awts, ang daya! Cards na lang."

Sabi ko kay Zyrus.

Dumaan ang new year.

Lumabas ang mga tao sa labas para magpapaputok.

Kinakabahan ako kay Zyrus nung nagpaputok siya. Nagdadasal ako.

"Lord, sana po. Hindi siya maputukan."

Paulit-ulit kong banggit.

Tumawa ang ate ni Zyrus sa tabi ko, Ate Alexandra.

"Hindi yan, kinakabahan ka naman. Lalaki yan si Zyrus."

Zyrus Arellano: Happy New Year!

Nagchat siya sa'kin. Kahit magkakasama kami ng mga kapitbahay namin.

"Tara, talon na tayo!"

Pumatak ang alas-dose.

Nagtalunan kami nila ate Alexandra at Drei.

"Mga maliit, talon na!"

Sabi ni Kuya Harden, mayabang kasi matangkad na.

Nagpaputok si Kuya Harden at Zyrus ng sintron ni Hudas.

Nagurungan ang mga tao.

Syempre ako todo video.

Para may maipost sa Instagram.

Zyrus Arellano: Hi, girly! Matagal ko na dapat itong sinabi sa'yo, na gusto kita. Iingatan kita. Aalagaan kita. Pagsisilbihan. Aasawahin. Luluhuran. Papakasalan. Date me please!

Nagulat ako sa nabasa ko.

Nagtatalon ako sa nakita ko sa phone ko.

Chinat niya ko sa Facebook.

Ayun naman pala ay send to 4 more people ang nasa dulo. Isa pala itong joke.

"Talon tayo!"

Sabi ni Zyrus tapos kinuha ang dalawang kamay ko.

Lusis. May nakalagay na Z heart A sa sahig.

Hindi alam kung sino ang naglagay doon sa sahig.

Z? As in Zyrus? A as in April?

Alam ba nilang crush ko si Zyrus? Oh no!

Natapos ang taon na tayo ng hindi ko pa rin mawari ang feelings ko para sa kanya.

He's supposedly just my friend, neighbor and schoolmate.

April Imperial: Happy New Year din! Yung prank mo luma na. Hahaha! Sorry ka na lang, di kita crush.

Naglagay ako ng nakadilang emoji.

**