"Philip Kinn Salvacion a.k.a Silent Mood"
Napatayo ako bigla ng tumunog ng malakas yung alarm clock ko sa kwarto kaya naman pinahinto ko na ito pero mas ikakagulat ko ay kung anong oras na.
It's already 6:08am in the morning kaya naman ay pumunta na ako sa banyo upang maligo na dahil baka mahuli pa ako at baka wala kaming ma ipass na project kay MRS. Sojero yung Science teacher namin.
Pero di naman ako kasing tagal maligo kumpara sa kapatid ko ko na halos natutulog na yata sa loob ng banyo.
Nagbihis muna ako ng uniform bago ako bumaba ng hagdan upang kumain ng breakfast kasama sina mommy, daddy at kay ate.
Nang matapos ko nang kainin yung pagkain ko ay nagpaalam na ako sa kanila at akmang sasakay na sa motor ko nang may biglang tumapik sa balikat ko kaya lumingon naman ako at si ate lang pala ko kung sino.
"Sayo nalang daw ako sasabay sayo sabi ni daddy"
Pilit niyang sabi kaya naman ngumisi ako sa kanya na parang may binabalak. Nag iba naman bigla yung reaction niya at pinalo niya ako sa likod kaya napa aray ako ng malakas.
"Ano? pagtritripan mo na naman ako? Sus subukan mo lang baka wala ka nang tenga mamaya sa university"
Sabi niya kaya naman tumahimik naman ako at hinihimas yung parte ng katawan na hinampas niya kani kanila lang.
Nag away muna kami na parang aso't pusa at pagkatapos non ay sumakay na siya sa motor ko at mabilis kong hinurot yun papuntang university.
Nang makarating na kami sa university ay hinatid ko muna siya sa room niya dahil medyo distansya ito sa room ko.
Pinark ko na ang motor ko malapit sa Room ko. At deretso na akong pumasok, tulad nang dati ay maaga talaga si Larance pumasok kaysa sa akin. Habang wala pa si maam ay nag cellphone muna ako habang di pa nag sisimula ang klase.
Nag FB muna ako at ito naman yung pogi points ko sa DP, almost 2k in just a day, Famous ako sa ibat ibang social media.
Habang nag iiscrol ako ay may nag post isa sa mga friends ko habang kinuhaan niya yung lalaki ng picture at tsaka parang ngayon lang dahil 10m ago palang.
[Who's this guy? Ang gwapo niya hope same school din siya nag aaral]
Yun ang caption na nilagay niya sa post niya pero habang minamasdan ko yung pic ay parang pamilyar yung gilid, parang bahay namin.
Mabilis ko naitago yung Cellphone ko dahil dumating bigla si Ma'am.
"Good morning class"
Bati sa amin ni ma'am kaya bumati din kami sa kanya.
"Today is monday and since binigyan ko kayo ng assignment about sa Essay last time ngayon niyo nalang i present dahil busy ako this week at ngayon lang araw ang free time ko"
Sabi ni ma'am sa amin kaya wala namang umayaw sa decision,siguro naigawa naman nila.
"But before that you have a new Classmate from the Life Tech Academy. You can come in"
Pumasok naman yung transferee at parang confident, di man lang kinakabahan. Naka suot siya ng black hood jacket tsaka black jeans at black NIKE shoes. Halos lahat black parang patay, at bigla namang kinikilig ang mga babae sa pagpasok niya. Maputi naman kasi siya parang anemic tsaka walang expression yung mukha.
" Hello, Im Philip Kinn Salvacion nice to meet you all"
Yun lang sinabi niya kaya naman natahimik bigla yung classmate ko kaya biglang sumabat si ma'am.
" Ahh umupo kana lang doon sa may bakante malapit kay Mecardo"
Turo sa akin ni ma'am kaya naman tumingin siya sa akin. Habang papalapit siya sa akin ay ganun parin ang tingin niya ang lamig, pero yung mata niya na sa akin nakatingin. Kaya ako nalang umiwas ng tingin sa kanya para kasi nang aasar.
Umupo na siya sa bandang likuran ko at nag fucos nalang ako kay ma'am.
Matapos ang isang oras ni ma'am ay nagpaalam na ito dahil papasok na siya sa ibang klase. Hinintay pa namin yung susunod na lecture.
Palaging nakatingin ang mga babae sa gawi ko siguro tiningnan nila yung philip na yun kaya naman lumingon ako sa likod ko at nakatingin siya siya sa akin kaya mabilis akong umiwas sa kanya. Akala ko naman natutulog kaya tinitingnan ng mga babae bat naman ang tahimik niya di man lang ako nakarinig kahit anong ingay mula sa kanya.
Di naman ako ganito dati sa mga transferee,pero ito iba yung dating parang may something.
Maya maya ay dumating naman yung susunod lecture namin at ipinagpatuloy ang discussion namin.
Lunch time na kaya pumunta na kami nang canteen para mag tanghalian. Pumwesto na kami ni Larance pati na din yung kaibigan niyang si Jason at Ethan.
"Hoi sander bat parang wala ka sa mood mo, di kaba comportable sa bago nating kaklase?"
Tanong bigla ni Larance kaya naman tumanggi ako sa tanong niya.
"Teka may bago kayong kaklase, ano babae o lalaki?"
Biglang tanong ni Ethan kay larance at sinagot naman ni Larance yung tanong.
"Ahh kala ko naman babae"
Nanghihinayang sabi ni Ethan kaya tinawanan naman siya ni Larance.
"Teka, siya ba yun?"
Biglang tanong ni Jason habang tinuturo na bagong papasok sa canteen kaya naman lumingon naman kami kung saan siya nakatingin at tumango naman si Larance.
Luminga linga naman itong tumingin sa loob ng canteen parang sinusuri niya itong maigi, hanggang napatingin siya sa akin kaya pumasok na siya at parang dito siya papunta sa gawi namin habang ang mga paningin niya ay nakatingin parin sa akin ewan ko ba kung sa akin talaga.
"Philip right? Join us"
Pag ayaya ni Larance pero tinitigan niya lang si larance pero tumango naman ito sa huli kaya pinaupo na siya sa bandang gilid ko.
Nag pakilala naman yung kaibigan ni Larance kay philip at sumagot naman ito sa kanila kaso ang lamig ng tono, tas ang hina ng boses parang ang tamlay kausap ang boring.
"Hoi Sander, ikaw na. Ano na naman yang iniisip mo parang importante ahh?"
Sabi ni Larance kaya naman napalingon ako bigla sa kanya at sumeryoso na sa kanila.
"Ahh, Sander... Sander Mecardo"
Sabi ko sa kanya at tumango naman siya at sinabi niya ulit ang buong pangalan niya pero ganun parin yung lamig ng tono niya.
"Since, bago kalang dito sa university, pwede mo kaming maging kaibigan kung gusto mo diba?"
Biglang sabat ni Ethan kaya sumangyon naman kami sa kanya. Nag pasalamat naman siya sa amin.
Naging tahimik ako pagkatapos nung nagpapakilala ako sa kanya. Di ko alam kung bakit pero ngayon lang to nangyari, tila kakaiba basta.
Nang matapos na kaming mag lunch ay bumalik na kami sa kanya kanyang Room dahil oras na sa susunod namin lecturer.
Sa bilis ng oras ay uwian na pumunta na ako sa motor ko at pinaandar ko na ito upang uuwi nang may biglang humawak sa isang taenga ko kaya napa aray ako.
"Ano? Iiwan mo ko dito. Mawawalan ka talaga ng isang taenga"
Bwesit talaga tong kapatid ko, napaka cruel sarap talagang sakalin, kaya tinakwil ko muna siya dahil masakit na yung taenga habang hinihila niya ito.
"Sorry na, akala ko si daddy hahatid sayo"
Pagpapaliwanag ko sa kanya kaya naman sumeryoso naman siya.
"Kaya ka binilhan ng motor ni daddy upang di na siya pumupunta dito sa university dahil ikaw na ang hahatid sa akin. Gets mo?"
Pagtataray niya kaya naman di ko nalang siya pinansin at sumakay na siya sa motor at pinaandar ko na ito.
Alas syite na ng gabi habang nag rereview ako ng mga lesson kanina baka may biglang mag quiz kaya naghanda lang ako. Habang nag rereview ako ay bigla kong naisip si philip. Yung tingin niya kasi kanina kakaiba di tulad sa karamihan kung tumitingin pero sa kanya kasi may meaning.
Nag online ako sa FB at sinearch ko yung full name niya pero walang lumabas kahit isa. Nakapagtataka kung wala siyang FB account kaya pumunta ako sa Instagram at sa Twitter pero wala pa din. Baka may account siya pero ibang pangalan ang dinala niya.
Bumalik ako sa FB at tsaka nag post ako some pictures kanina. Wala pang 1m ay nag heart na pero di ko Friend sa FB baka inistalk niya ako kaya naman tiningnan ko ang background niya at wala siyang post kahit isa parang kagagawa pa lang.
"Hmm, Silent Mood. Anong klaseng pangalan to at tsaka all black yung suot niya tas naka cup"
Sambit ko sa sarili ko. Di ko makita yung mukha niya dahil sa black cup niya.
Nasa gitna ako sa pang iistalk nang biglang pumasok si ate.
"Hoii bumaba ka daw sabi ni mommy may ipabibili daw siya sayo sa tindahan tsaka bilisan mo daw"
Sabi niya kaya naman mabilis kong na ioff yung cp ko baka makita niyang may inistalk ako. Bumaba naman agad ako at dumiritso agad kay mommy upang bumili kung ano man ang pinabibili niya.
Malapit naman dito yung tindahan halos kaharap na nang bahay namin pero nasa bandang kanan ito.
Kakalabas ko palang sa gate ay nakita ko si, teka si philip ba yun? Kaya naman lumapit ako sa kanya ng kaunti.
"Philip? Teka bat ka nandito gabi na ahh?"
Lumingon naman siya sa akin pero di man lang siya nagtaka na nakita niya ako, binigyan niya lang ako na malamig na reaksyon.
Tumingin ako sa bahay at ito yung bagong pinatayong bahay kaya tumingin naman ako sa kanya. Teka wag mong sabihin.
"Dito ako nakatira bakit?"
Sabi niya habang tinuturo niya yung bagong bahay dito malapit sa amin. So siya pala yung bagong kapitbahay namin, di ko inexpect to.
Dear,Diary:
"Sa oras na to di ko alam kung bakit kakaiba ang araw na to. Dumating ka lang sa buhay ko parang ginugulo mo na yata ang isipan ko, sana walang epekto to."
'THE BOY NEXT DOOR THE SERIES'