Chereads / THE BOY NEXT DOOR THE SERIES / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

"love? I mean what is love? For me love is chemical reaction of two people having a same feelings until they improve and turn into Relationship. Pero di ko kailanman naranasan na mainlove, lalo na sa relationship"

"SANDERRRRRRRRRRRR"

Napahinto ako sa pagsusulat ko ng JOURNAL ko nang biglang sumigaw ang ate ko.

Bigla siyang pumasok sa kwarto ko at nakataas ang kaliwang kilay niya para bang kukunin na niya yung kaluluwa ko sa tindi ng galit niya. Ipinakita niya yung kulay itim niyang damit na nag iba yung kulay sa harap nito dahil nakalimutan kong nalagyan ko pala ng Bleach yung damit niya.

"What have you've done, Sander. Bat nilagyan mo ng bleach yung favorite kung damit, alam mo ba kung magkano to huh" medyo pasinghal niyang sabi kaya naman sinirado ko muna yung journal notebook ko.

"Sorry, pero na aksidente kulang yang nalagyan at tsaka papalitan ko nalang yan marami naman sa mall yan tsk"

Natahimik siya sandali bago siya nag salita.

"D..dapat lang favorite ko kaya to, at tsaka bumaba ka na daw kakain na sabi ni daddy" Sabi niya kaya naman tumango nalang ako sa kanya at padabog siyang umalis sa kwarto ko.

Nakakatakot talaga yung ugali niya kung tutuusin ang sarap sikilin, binigyan pa ako ng kapatid ng ganyan haiistt...

Nagbihis muna ako bago ako bumaba sa kwarto ko. Nang pumunta ako sa kusina ay nandon na silang lahat ako nalang yung kulang.

Umupo na ako at tsaka tumabi kay mommy ayaw ko kasing tumabi sa terror kung kapatid.

" Oh ito kumain kana, pinagluto kita nito alam kong gusto mong makatikim muli nito" sambit ni mommy kaya naman masaya nalang ako tumango sa kanya habang yung isa palaging bumibilog yung mata. Haistt ang sarap talagang tusukin ng tinidor nakakagigil.

"Kayong dalawa tigilan niyo na yan, na sa harap kayo ng pagkain" biglang sabi ni daddy kaya naman huminto siya sa pag iirita niya at sumeryoso siyang kumain at ganun din ako.

Iba kasi magalit si daddy kung ano man ang sasabihin niya ay gagawin niya talaga. Si daddy ang mas terror sa pamilya namin.

Tahimik kaming kumain hanggang matapos namin ito.

Its been 9:59am at kailangan kong mag paalam dahil may school projects kaming gagawin sa mga kagrupo ko.

Nang lumabas na ako nang bahay ay bigla akong napa lingon sa kanan kung saan ay kakatapos lang naigawa ang isang disenteng bahay at pede na itong tirhan nang may ari kung gugustuhin man nilang tumira.

I don't even kung sino ang may ari basta bigla nalang silang nagpagawa dyan sa gilid ng bahay namin.

Di na ako nag aksaya ng oras at sumakay na ako sa kakabili ni daddy na XRM na motorsiklo at kailangan ko daw itong ingatan dahil di na ako bibilhan muli ng ganito kaya naman sumang ayon ako sa kanyang rules.

Mabilis akong umalis sa bahay at pumunta kay Larance Delgardo na classmate ko at nandoon siguro yung dalawang kaibigan niyang si Jason Apiado at Ethan Merlino.

Nang dumating na ako sa kanila ay kakasabi ko lang dahil sa lakas ng tawanan nila mula sa loob kaya naman kumatok muna ako at binuksan naman nila ako ng pinto.

"Oii brad, ngayon na ba natin gagawin ang project natin sa science?"

Nagtanong pa ang g*go kaya naman sumeryoso ako sa kanya.

"Malamang bukas na deadline natin alangan naman bukas pa natin gawin"

Akala ko magtatampo siya sa mga sinasabi ko sa halip ay tumawa lang ito, haisttt tumawa nalang din ako para mukha lang ako nagbibiro sa mga sinsabi ko.

"Oo, pagkatapos nito rank mode kasi ito baka ma AFK ako sa ML"

Tumango nalang ako sa kanya at hinintay matapos ang laro niya.

Habang naglalaro pa sila ay biglang nag vibrate yung Cellphone ko kaya naman tiningnan ko ito kung sino ang nag massage sa akin.

Nang makita kung sino ay si ate lang pala kaya naman binasa ko nalang.

[ Hoi umuwi ka daw nang maaga sabi ni daddy may ipapagawa daw siya sayo kaya wag kang magpapagabi, goodluck HA HA HA HA HA]

haist kakainis ano na naman ipapagawa sa akin ni daddy

"Hoy Sander tapos na ako magsimula na tayo baka magbago pa ang isip ko maghihintay ka na naman ng ilang oras diyan hahaha"

Tinawanan niya pa ako bago siya nagsimulang magsulat at ang mga kaibigan naman niya ay nasa gilid pinapatuloy nila ang paglalaro ng ML.

Ilang oras ang lumipas at natapos na din namin yung project namin kaya naman nagpaalam na ako sa kanya at tumango naman siya at nagtuloy naman sa laro niya kaya naman mabilis akong sumakay sa motor ko at umalis na.

Nasa isang kilometro ang layo ng bahay namin ni Larance kaya medyo malayo layo din at tinatamad naman akong lumakad sa kanila ay nag motor nalang ako.

Nang makarating na ako sa gate nang bahay namin ay papasok na sana ako nang may nakatayo na isang lalaki na naka itim na sweatshirt na may kalo tsaka naka pantalon at may headset yung tenga niya kaya kung sisigawan ko siya ay di niya naman ako maririnig. Ang ipagtataka ko lang ay nakatingin siya sa bahay na bagong gawa pa lang na tila minamasdan niya ito.

Di ko nalang siya pinansin at tuluyan na akong pumasok sa bahay upang tanungin kung ano ang ipapagawa sa akin ni daddy.

Nang mag takipsilim na ay lumabas muna ako sa bahay upang bumili nang Softdrinks nang may ilaw na sa kabilang bahay.

Siguro lumipat na yung may ari nang bahay, ang ganda kasi nang bahay nila mala sosyal. Pero sino naman kaya sila, walang may alam kung sino ang may ari nang bahay na to. Sana naman makilala ko sila at makapasok sa kanila kahit sa gate lang hehehe.

Bigla akong bumalik sa reyalidad ko na inuutusan pala akong bumili ng soft drink kaya naman mabilis akong pumunta ng tindahan at baka mapagalitan pa ako ni daddy mas terror naman yun kapag sa utos.

______________

THE BOY NEXT DOOR THE SERIES