Chereads / this is how you fall in love (GL) [FILIPINO] / Chapter 5 - Chapter 5 - Left and Right

Chapter 5 - Chapter 5 - Left and Right

After the kiss incident, hindi kami nagpapansinan ni Jacey. One time nga, hinatid ko siya sa office niya na sobrang busy siya sa work niya. Buti na lang may pinagkakaabalahan siya. Mas nakakatulong magmove-on. Kahit wala kaming pansinan.

Pero ang tanong gusto niya ba magmove-on?

Ayoko rin siya kulitin dahil hindi naman siya magyaya pumunta ulit sa bar or kahit anong event man lang. Kaya tahimik lang ako tuwing bumabyahe kami.

Awkward nga eh.

Speaking of event, nagtext si Clint sa akin.

Hi! Can we meet today? Kasama si Chloe. Don't worry.

Chineck ko yung orasan. It's 9am. Masyado pang maaga para sunduin ko si Jacey.

Nagreply din ako.

Sure. Saan ba?

Bigla may tumawag sa phone ko. Unknown number kaya sinagot ko ito.

"Sino to?" tanong ko.

"It's Jacey," Bakit alam niya... Ah!! Oo! Nilagay ko pala sa emergency contact niya yung number ko.

Buti na lang may silbi pagkalagay ko.

"Come here at my office," utos niya sa akin kaya agad akong pumasok sa building ng CLOUDD Entertainment.

Ang laki ng espansyo ng building dito. May ID gate din pero dumaan ako sa visitor gate. Naghintay din ako ng sandali dahil tinawag pa nila sa office ni Jacey na pwede ako papasukin as visitor. Pinayagan din ako pagkatapos.

Nahiya naman ako sa suot ko sa ibang empleyado dito.. Nakasuot lang ako ng Tshirt na loose white saka jeans with rubber shoes habang naghihintay sa masasakyan na elevator. Sabi daw ng receptionist, 27th floor daw floor ng office ni Jacey kaya pinindot ko ito sa elevator.

Sa susunod aayusin ko yung porma ko kapag dumating na yung first sweldo ko.

Nakasakay na ako sa elevator pero pinauna ko muna yung mga sasakay bago ako. Vistor nga kasi ako.

May naguusap na chismosa at chismoso sa elevator kaya hindi ko rin ma-unmute ang mga bibig nila at hindi ko sinasadyang makinig sa kanila.

Pinag-uusapan nila ang isang trainee na napagalitan ni Jacey last Tuesday. Kawawa naman yung trainee kasomakalat daw perfomance kaya nagalit sa kanya si Jacey.

Dinagdag pa nila na masungit daw ang CEO na si Justine Clair Erevalo in short Jacey.

Tapos gusto pa nila malaman yung name ng trainee. Napailing na lang ako. Buti na lang nasa harapan ako.

Klinaro ko ang boses ko para tumigil sila magchismisan. Kailangan pa talaga malaman yung pangalan ng napahiya. Ganon na ba sila gahaman sa chismis.

Hindi naman ganung tao si Jacey. Kung makikilala nila si Jacey may pagkamabait naman kahit papaano kaso paglasing lang. Hahaha. Kidding aside, malay natin may pagkasweet si Jacey. Charing lang!

Nauna na lumabas ang mga tao nagchichismisan at natira na lang kami ng babae na nakahoody na mukhang trainee ito.

Pagkarating ko sa 27th floor, bumukas ang elevator at sobrang tahimik ng hallway papuntang office ni Jacey.

Nakita ako ng secretary kaya tumayo siya para bumati.

"Good morning po. Ma'am?"

"I'm Scarlet," I smiled at her while she was busy in her computer. I think she's finding my appointment schedule or what.

"Oh! Ma'am Scarlet, you can enter at her office. Thank you," sabi niya at sinundan ko yung secretary niya. Nakita ko sa glass mirror na busy ito sa kausap niya.

Siya yung babaeng nakahoody kanina sa elevator.

Malakas kutob ko siya yung pinagchichismisan kasi sa pagkaalala ko nung umalis ako ng elevator bigla niya akong nabunggo sa braso dahil nagmamadali siya umalis.

"I told you again, huwag mong baguhin yung pyesa. Kung ano binigay ko i-perform mo. Sobrang kalat talaga ng performance mo. Ayusin mo!" strikto pala nito si Jacey sa mga trainee.

"You're here." bati sa akin ni Jacey. Nag-iba yung mukha niya noong nakita niya ako. Beastmode talaga siya pero bumait nung dumating na ako.

"Let's talk later, Winry," sabi niya sa trainee at umalis ito. Bumati naman sa akin ang trainee pagkaalis niya.

"So... bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko sabay upo sa inupuan ng trainee kanina.

"Did you get an invited about Megan's birthday?" tanong sa akin at nakibit balikat ako.

"Wala naman ako natanggap." sabi ko at mukhang tiningnan ko siya na sinusuri ko kung wala siyang natanggap dahil ayaw talaga makita siya sa kaaarawan ni Megan.

" She didn't give an invitation to my friends. Now she cut ties with them."

Eh sa ayaw ka na nga makita, Jacey.

"It's a sign na wala na tayo connection with her." sabi ko sa kanya at napakuyom ang kamay niya.

"Maybe I can pay money with someone who have invitation. In return, I can attend at her birthday." she smiled devilishly at me.

Huwag mong sabihin....

"Now, you will help me."

Umiling agad ako.

"Hindi kita tutulungan."

Nagwalk-out ako habang sumisigaw siya na 'That's my order.'

Bahala siya sa buhay niya busy ako sa buhay ko at hindi ko siya itotolerate sa mga bagay na hindi nakakatulong sa kanya. Puro na lang si Megan iniisip nito. Puro si Megan...

Hanggang kailan ba siya magpapakatanga?

Tiningnan ko yung message ko

1 message

Binasa ko yung text...

From: +639*********

Sa Teresita Coffee Shop kami naghihintay ni Chloe.

Dali-dali ako bumaba sa elevator. Hindi ko na rin pinansin yung secretary na papalapit sa akin kanina dahil sa inis.

Nakakainis kasi puro na lang si Megan.

Nakarating na ako sa Teresita Coffee Shop at ang cozy naman ng shop na to. May nagwelcome sa akin na waiter pero sabi ko may kasama ako na nauna dito kaya hinanap ko kung nasan si Chloe at Clint.

Ayun! Nakita ko na sila na nagwawagayway ng kamay at tinuturo nila doon sa pwesto. Umupo ako at nahihiya kasi first time ko lang makipagkita sa mga kaibigan ni Jacey.

"Bakit niyo ako pinapapunta?" curious lang ako.

"We are giving you a special offer for you." sabi ko sa kanila.

"Hey, let's say how was her day first." natawa ako kay Clint.

"Okay lang noh? Mukhang kailangan niya na atang sabihin sa akin." sabi ko sa kanya at nakabusangot si Chloe ngayon.

"Okay then, let's grab a coffee first then chika muna tayo kung anong ganap mo ngayon." sabi ni Chloe at pinagtatawanan siya ni Clint.

Pero nakakapagtaka lang kung anong special offer ang sabi ni Chloe. Mukhang excited man siya.

Nag-order sila sa waiter ng coffee at ako naman isang Mocha Frappe lang ako dahil hindi naman ako nagcocoffee. Simula nang iniwan ako ng ex ko. Speaking of coffee, nagtanong ako kay Chloe kung gusto ni Jacey ng coffee pero nadulas ako na nainis ako kaya na-spill ko sa kanya ang ganap kanina.

Kinwento ko lang naman kung paano ako nainis kanina.

Siya naman kasi nang-iinis. Bakit ba ako naiinis? Wala naman ako dapat kainis sa posisyon ko.

Chloe asked me kung nagseselos ako pero sabi ko Straight ako. Bakit ako magseselos? Sa tingin ba niya gaano ako kabilis mahulog sa kanya? Hindi 'no!

Alam kong gusto ko siya pero hindi naman kadali mag-out ako nito sa kanila lalo na sa pamilya ko.

Hindi ko alam kung tatanggapin nila ako ng buo sa kalagayan ko.

Noong nameet ko si Jacey, alam kong masungit siya sa akin dahil nga driver niya lang ako pero noong nakausap ko siya nung lasing siya. Okay pala siya kausap kaso puro si Megan bukambibig niya. Para kaming close na close sa isa't isa noong nasa convenience store kami. Kaya nagmake move ako na gawin ang first step to my crush na ibigay ang contact number sa phone niya for emergency purposes or ano mang klaseng emergency purposes man yan... sasagot ako.

Pero in reality, she's still in love with Megan. Kanina talaga sa office niya, gagawa at gagawa siya ng paraan para makausap si Megan to win her back.

Sabi nga ni Megan, masasaktan lang siya.

Ngunit kaya ko naman maging sandalan kung hindi na niya kaya yung sakit na nararamdaman niya.

Pero sa inis ko kanina, hindi ko magawa manatili dahil alam kong masasaktan siya. Ayoko lang makita siya magpakatanga sa isang babaeng hindi naman kaya panindigan pagmamahal niya.

Anong special offer?" nakakapagtaka lang.

"Bigay mo na." sabi ni Chloe kay Clint.

May nakita akong sobre at nilabas ang laman nito at nakita ko yung pangalan ni Megan.

Megan's 25th birthday Party at Emerald Princess Hotel

"Meron kayong invitation? Gusto ni Megan magkaroon niyan. Gusto pa nga niya tulungan ko siya pero humindi ako dahil naiinis ako sa kanya." hindi ako makapaniwala sa nakita ko.Eto yung patay na patay si Jacey na makuha ito. Meron pala silang dalawa. Sabi niya hindi sila invited.

"Jacey called us at nakwento ni Chloe accidentally na may birthday party si Megan. She asked us na kung invited kami pero nagsinungaling naman kami. We think that if she doesn't get an invitation, she'll move on quickly but we have plans for her." sabi ni Clint sa akin at panay tango ni Chloe na sumasang-ayon ito sa sinasabi niya.

"Plans?" Itong kaibigan ni Jacey, napakatrue friend ito. Sila pa gagawa para makamove-on si Jacey.

"You have 1 invitation for Jacey pero you have to convince her na huwag na lang. And nandon ka sa Siargo to wait for her. She will think kung kanino siya pupunta." may kinuha si Chloe sa bag niya at may flight ako papuntang Siargao.

I mean medyo naguguluhan ako bakit nila ako papupuntahin sa Siargo?

Bakit ako ang pupuntahan ni Jacey if hindi siya pumunta sa birthday party ni Megan?

"Bakit ako?" tanong ko sa kanila at nagkatinginan silang dalawa.

"You are the right person we know." napailing ako.

"Hindi. hindi ako hinahanap niyo. Nandyan naman mga may gusto kay Jacey. Give them a chance." sabi ko sa kanila at napainom ako ng Mocha Frappe ng matagal habang namromroblema si Chloe.

I don't have the guts to tell them na gusto ko rin si Jacey pero hindi sa ganitong paraan ang kailangan ko mangyari sa amin.

Simple lang gusto ko. Gusto ko lang gustuhin siya ng palihim.

Wala man ako balak pero baka may iba dyan na may lakas ng loob na may gusto kay Jacey.

Kaya ko naman magmove-on kung meron na talaga may gusto sa kanya. Happy crush lang naman ito.

"Okay Fine. You will help us to find the right person in this plan." seryoso sabi niya.

Bakit ganito ka-seryoso si Chloe pagdating kay Jacey para magwork itong plano niya?

Buti na lang nagcr si Chloe kaya naiwan kaming dalawa ni Clint.

Medyo naging awkward ang atmophere ngayon habang umiinom kami ng inumin namin. At pasilip ako tumingin sa kanya at nahilo niya ako nakatingin kaya natawa na lang ako.Nagtawanan kaming dalawa.

"Sorry about Chloe. She kinda serious about this plan. I know you didn't want to involve in this plan but we want to help Jacey na hindi na mangyari ang kinatatakutan namin. She'll end up a loser and maaapektuhan yung CLOUDD, if we didn't help her. Kaya as soon as possible, we are looking for the right person to Jacey to help her to move on." sabi ni Clint at tinago niya na ang invitation.

"Okay lang ano ka ba? Meron naman ibang tao na mas okay kumapara sa akin. Eh, driver nga lang ako ni Jacey. Baka mawalan pa ko ng trabaho niyan. Kailangan ko pa naman ng trabaho at pera." Mukhang naintindihan naman niya yung rason ko.

"I understand if you don't want to." sabi ni Clint.

Biglang dumating si Chloe at ngumiti sa amin.

"Are you sure na ayaw mo talaga?" umiling ako kay Chloe, "Kung mabago man isip mo. You can text Clint. You know what his number." mukhang namromroblema si Chloe. Nakita ko siyang huminga ng malalim.

Umiling ako. Akala ko ang tapang ko na panindigan na gusto ko siya. Akala ko ang dali lang sabihin na 'akong bahala' pero pakiramdam ko natatakot.

Natatakot ako magrisk kasi kung itutuloy ko man maraming magbabago. Lalo na pakikitungo nila sa akin.

Ang hirap mag-out. Hindi mo alam kung tatanggapin ako ng buo o hindi.

Iniwan na ko nina Chloe at Clint dito sa Teresita Coffee Shop. Pinapunta ko si Francis dahil ngayon ako magbabayad ng 100k sa kanya.

Alam kong 500k ang utang ko sa kanya na kailangan kong bayaran next week pero hindi pa rin sapat ang pera na kinikita ko sa trabaho bilang driver ko. Siguro maghahanap pa rin ako ng part time job.

Nandito na siya.

Nakasuot siya na white loose t-shirt and cream short pants saka naka crocs ito habang papalapit sa akin.

Umupo siya sa harapan ko, "Mukhang may kasama ka kanina?" hinawakan niya ang cofee cup at tinuro niya ang dalawa.

"Friends ni Jacey. Nagchikahan lang kami," sabi ko at iniisip kong sasabihin ko tungkol sa problema ko ngayon.

Mukhang naconvince naman siya sa sinabi ko.

"Jacey?" seryosong tanong niya.

Tumango ako, "Yung amo ko." sabi ko at kumaway ako sa waiter para mag-order ulit ng coffee para naman kay Francis.

"Amo mo pero close kayo ng kaibigan niya? Papaano?" curious niyang sabi.

Sabihin ko ba? Tutal magbestfriend naman kami kaya kailangan ko rin ng kakwentuhan ng feelings ko. Siya lang kasi ang malapit na kaibigan ko. Siya yung takbuhan ko kapag may problema ako kaya wala akong magagawa kundi sa kanya ko ikwento lahat.

Sinabi ko na nasama lang ako ni Jacey sa bar at pinakilala lang ako sa mga kaibigan niya.

"Nalasing ka?" kita kong nagsalubong ang kanyang kilay kaya umiling agad ako.

"Hindi ako nalasing. Inalagaan ko lang si Jacey." sabi ko at napasapo siya ng ulo.

"Hindi ka katulong, 'Let. Driver ka lang niya. Bakit ka pa sumama? Alam nang delikado na kapag gabi."

"Nag-aalala lang ako sa kanya." pagdadahilan ko.

"Pero hindi naman pati sa inuman sumasama ka pa. Baka kung ano mangyari sayo at saka may inuuwian kang pamilya, 'Let. Hindi mo iniisip si lola nag-aaalala sayo." nakikita ko sa kanya na sobrang disappointed siya sa akin at napaclosed arms ito.

"Francis, hindi mo kasi maintindihan."

"Anong hindi ko maintindihan?" Kita kong naguguluhan siya sa sinasabi ko.

"Francis, may gusto ako kay Jacey." nagulat siya sinabi ko at natulala siya.

"Hindi ba babae yon?" sabi niya at tumango lang ako para hintayin kung ano reaksyon niya.

"Gusto mo siya kahit babae siya?" naguguluhang tanong niya.

"Oo. Pero huwag mo muna pagsabi sa mga kapatid ko at lalo na kay lola. Hindi pa ko handa." sabi ko sa kanya at huminga siya ng malalim.

"Oo na." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Ito na naman siya para guluhin ang buhok ko.

Inayos ko ang buhok kahit nairita ako dahil ang ayos-ayos ng buhok ko kanina.

"Pero paano mo siya nagustuhan?" tanong niya.

"Gugustuhin ko pa lang siya kahit hindi pa siya nakakamove-on sa ex niya." sabi ko at binato ako ng tissue na nakarolyo ito.

"Ano ba!" inis na sabi ko at marami tuloy nakatingin sa akin.

Sinisi ko siya dahil ang dami nakatingin sa aming dalawa. Pero tinanong ko siya kung bakit niya ako binato ng tissue.

"Tigilan mo yan. Masasaktan ka lang." seryosong sabi ni Francis sa akin at duamting na rin ang order niyang coffee.

"Okay lang. Kaya ko naman i-handle." sabi ko at napailing siya sinabi ko at nagtaka naman ako.

"Anong kaya mo i-handle?! Marami kang problema. Unahin mo muna ang pamilya mo." Makasumbat naman ng problema nakatatak pa aa kokote ko.

Speaking of problema, 100k pa lang dala ko kaya nilabas ko ito.

Binigay ko sa kanya ang sobre at tinanggap niya ito. Tinanong niya kung magkano ito. Sinagot ko naman ng 100k kaya tumango siya. Kulang daw yung pambayad ko pero saka na lang daw. Hindi pa naman mag-iisang buwan paniningil niya sa akin.

Tinanong din niya kung anong oras na at pagkatingin ko sa cellphone ko ang daming missed call sa akin ni Jacey at text.

Binasa ko ito isa-isa.

I thought it's for emergency purposes why didn't you answer my calls

Hey. Where r u?

Bakit ka umalis kanina?

Okay Fine. This is my last text. I need you to fetch me at the bar. Iinom ako.

I need you, Megan...

Megan na naman...

Ang kirot ng puso ko akala ko ako hinahanap niya pero hindi e. Hindi ako hinahanap niya.

"Bakit ka nakabusangot dyan?" pansin ni Francis sa akin.

"Nagdrunk text siya. Akala ko ako kailangan niya." inis na sabi ko.

Hindi ba siya marunong mag-off ng phone? Kailangan pa talagang saktan ako through text.

Pero dahil nag-aalala na naman ako na mag-isa siya umiinom, iniwan ko si Francis sa Coffee Shop. Dumeretso ako sa bar na palagi siya pumupunta. Habang nagmamadali ako kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Baka may kahalikan na siyang iba, baka may ka-sex na siya at kung anu-ano pa. Pero sinabi ko sa sarili ko na walang nangyayari ngayon. Masaya siya umiinom mag-isa. Maraming alak na inorder at lunod na lunod na siya sa alak.

Sana tama ang hinala ko.

Nagtext din si Chloe sa akin nabalitaan din nasa bar kaya sabi ko ako na bahala mag-alaga.

Pagkarating ko sa bar, pumasok ako at hinanap ko siya.

Nakita ko si Megan.

Nakita ko na inalalayan na makatayo si Jacey.

Sino ba naman ako sa buhay niya?

Driver lang niya ako.

Nagtama ang mga mata namin ni Jacey pero nagtago ako at mukhang namukhaan niya ako at nakita kong hinanap din ako ni Megan pero busy siya paggagabay kay Jacey.

Ako dapat sa posisyon niya e.

Ako dapat umaalalay sa kanya.

Ako dapat nag-aalaga.

"Masakit ba?" bigla ako nagulat.

Nahuli ako ni Clint.