Sinundan ko lang sa likod ang babae at busy siya sa paglalakad. Maraming nakatingin sa kanya sa pagpasok ng bar dahil sa sobrang kagandahan niya. May nag-aalok naman sa kanya pero hindi niya tinatanggap.
Gusto ko malaman ang pangalan niya. Gusto ko siyang makilala.
"Megan!" may tumawag sa kanya at nilapitan ito.
Hindi ako makapaniwalang na si Ma'am Jacey ang lumapit sa kanya at hinalikan ito sa pisngi.
Megan? Hmm...
"Scarlet?" may tumawag sa akin at nakita ko si Francis na nandito sa loob ng bar. Hinila niya ako pero pumiglas ako. Kailangan ko sundan siya. Pero nagpumilit si Francis na hilain ako.
"Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin pagkatapos niya akong hilahin. Nandito kami sa isang sulok na malayo sa ingay sa dance floor.
"Nagtatrabaho ako." Tipid kong sagot sa kanya habang sumisilip ako sa mga tao na baka nandon si Megan.
"Sa bar? Nagtatrabaho ka?" gulat niyang tanong sa akin.
Umiling ako, "Hindi ah. Nandito lang ang amo ko hinihintay ko siya dito." Sabi ko sa kanya. Parang hindi siya naniniwala sa akin.
"Alalay ka? Gano'n?" tanong niya at umiling ako.
"Personal Driver." Ngiting sabi ko at natawa siya, "Bakit ano nakakatawa?" tanong ko sa kanya.
"Pati driver napasukan mo." Natatawang sabi niya sa akin.
"Oo naman! Bakit anong masama?" tanong ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.
Umiling siya, "Wala naman. Maganda ka pero driver pinasukan mo." Bulong niya pero rinig ko yon.
Natawa na lang ako, "Anong maganda ka dyan? Rinig ko yon!" pinalo ko ang dibdib niya at hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako. Malapit ang mukha namin sa isa't isa nung hinila niya ako.
"Francis..." bulong ko.
"Napakaganda mo." Sabi niya sa akin at akmang hahalikan niya na ako pero pumiglas ako.
"Yung utang ko sayo mababayaran ko na. Huwag kang mag-alala." Nakaisip ako ng palusot.
"Y-yung utang nga pala," sabi niya sa akin na mukhang nadismaya dahil hindi niya ako hinalikan, "Kalahating milyon kaya mo ba maibigay sa akin ngayong buwan?" tanong niya.
"Susubukan kong ibigay." Sabi ko sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya sa akin, "Bakit ganyan reaksyon mo?" tanong ko.
"Utang lang ba humahadlang sa atin?" seryosong tanong niya sa akin.
Oo utang lang talaga humahadlang sa amin. Kung hindi lang naospital si inay, magiging kami sigurado pero hindi. Hindi ko kaya magkaroon ng relasyon sa kanya kahit napakabait niya sa akin.
Siya naging saklolo ko nung nabangga si inay at sa lahat ng problema ko sa kanya ko binubuhos sa kanya. Siya yung naging sandalan ko pero hindi ko kayang ibigay ang gusto niya na maging kami.
Hindi naman sa hindi ko gusto si Francis. Gwapo siya. Magkapareho naman kami estado ng buhay. Parehas kaming laki sa hirap pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magustuhan.
Tama siya. Ang humahadlang sa amin ang utang. Ayoko maging dahilan sa pag-aaway namin kung magiging kami ni Francis pero hanggang kaibigan lang kaya kong ibigay sa kanya.
"Siguro." Tipid kong sagot sa kanya at kita ko ang lungkot ng kanyang mata.
Wala akong magawa kundi hayaan siya.
"May kasama ka ba?" tumango siya sa akin habang naglalakad kami.
"Doon muna ako sa mga kaibigan ko." Pamamaalam niya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Tinulak ko na siya papalayo at umalis na siya.
Naglakad-lakad ako sa loob ng bar. Hindi na bago sa akin na maraming naglalandian dito.
Umupo muna ako sa upuan ng counter bar. May lumapit sa akin para tanungin kung ano ang order ko.
Hirap maging loner dito sa pwesto.
"Tubig lang sa akin." Sabi ko at kumuha siya ng glass at may hawak siyang pitcher na laman ay tubig. Binuhos niya ito sa wine glass.
"Eto na po, Ma'am." Ngumit siya sa akin at nginitian ko rin ito. Kinuha ko na ang tubig para uminom.
Biglang may umupo sa akin na hingal na hingal.
"Look." Hinawakan niya magkabilang braso ko, "Magpanggap ka lang na nag-uusap tayo. Para hindi na ko guluhin niya." Natawa ako sa sinabi niya at nagulat ako.
"Megan?" bulong ko.
"Ha? Ano sabi mo? Wala ako marinig," Bigla kasi nilakasan ng dj yung music kaya buti na lang hindi niya narinig yung sinabi ko. Baka akalain kilala ko siya.
"Sabi ko maganda ka pero bingi ka rin noh?" malakas na sabi ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.
Nagulat siya sa akin at tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo, "Hindi ka man lang prepared pumunta dito," Gusto pa atang pintasin yung damit ko.
Nakasuot lang ako na loose t-shirt na white at ripped jeans. Syempre with shoes na rin. Hindi ko rin naman alam na bar pupuntahan namin ni Ma'am Jacey.
"Malay ko ba dito ako mapadpad," Sabi ko sa kanya at kita kong lumapit ang mukha niya sa akin na akmang may ibubulong siya.
"Alam mo ba may nagmomol sa likod mo?" hindi ko narinig masyado ang sinabi niya. Pero ang narinig ko lang ay momol.
Magmomol kami? Ha? Okay lang ba siya?
"Ano? Magmomol tayo?" nilakasan ko yung pagkasabi ko sa kanya at tawang-tawa siya sa akin.
"Bakit mo ko tinatawanan?" natawa na rin ako sa kanya kasi hindi pa rin siya pumipigil kakatawa.
"Unang pagkikita natin. Aayain mo ko na magmomol." She looks so pretty when she laughed. Grabe ang ganda niya talaga.
"Ikaw kaya nagsabi." Sagot ko sa kanya at nagulat siya. Tinuro niya ang sarili niya.
"Ako ang nagsabi? Sinabi ko lang naman na may nagmomol sa likod mo." Natatawang sabi niya sa akin.
"Sorry. Ang lakas kasi ng music ni dj. Hindi ko marinig." Tinatawanan pa rin ako.
"Ano pangalan mo?" sabi niya pagkatapos niya pagtawanan ako.
"Scarlet."
"Hindi mo ba tatanungin pangalan ko?" Tatanungin ko ba siya. Eh alam ko naman na.
"Alam ko naman na." nahihiyang sabi ko sa kanya, "Megan, diba?" pagkukumpirma ko sa kanya.
"You know my name." sabi niya at lumapit siya sa akin.
"Stalker ka ata, e." Napaghinala pa akong stalker sa itsura kong 'to. Mukha ba?
"Hindi kaya. Sadyang nasundan lang kit-" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin.
"Stalker ka nga." Kulit naman nitong si Megan. Hindi nga ako stalker, eh.
"Hindi nga. Sadyang nakita lang kita kasama ni Ma'am Jacey." nagulat siya na kilala ko si Ma'am Jacey. Hindi ko na ein sinabi na sinundan ko siya baka akalain na stalker niya ako.
"Jacey as in Justine Clair Erevalo? The lesbian girl na in love sa akin." proud na proud niyang sabi.
"Buong pangalan niya ba yan?" tanong ko sa kanya at tumango siya.
"Yup. She's the one who's in love with me. Pero nakakairita siya kanina ha? May nilalandi lang ako lalaki, ininom ba naman yung drinks namin para umalis ako." iritang pagk-kwento niya sa akin.
"Kaya ka napadpad dito sa akin." Nag-ok sign siya sabay nagorder.
"Isang Dry Martini." sabi niya sa lalaki at sinerve na ni kuya ang order niya.
"I just drink a strongest drink here in Queenie's bar. Do you want?" umiling ako. Ayoko nga magpalasing, magdadrive pa ako.
"Water lang ako." sabi ko sa kanya.
"Boring. You should try Americano for beginners like you. Libre ko." mag-oorder na siya.
Pero may humawak sa braso niya, "Stop, Meg. She's my driver." pagsusuway niya kay Megan. Napataas ito ng kamay na hindi na siya mag-oorder
"Okay. I'll stop. Bakit nandito ka na naman?" inis niyang sabi kay Ma'am Jacey at inamoy ang drinks na iniinom ni Megan.
"Kuys, anong drinks 'to?" tinanong niya kay Kuya na nagorder ng Dry Martini ba 'yon.
"Dry Martini, Ma'am." nakita kong kumunot-noo siya at ininom niya ng isang tungga lang yung Dry Martini.
"Omygosh! That's Dry Martini! You'll be dead later, Jacey. Ang kulit mo talaga." sabay palo niya sa dibdib ni Ma'am Jacey.
"Stop punching me. Nahihilo na ako." sabi ni Ma'am Jacey na pagewang-gewang ito.
"Ininom mo ba naman yung pinaka hard drinks nila dito. Mahihilo ka talaga." pangsesermon sa kanya ni Megan.
"Iuwi na natin si Jacey." sabi sa akin ni Megan at tinulungan ko si Megan buhatin si Ma'am Jacey.
Pagkarating namin sa labas, sumuka na agad si Ma'am.
"Gosh! Jace!" kanina ko pa pinapalo ang likod ni Madam para ilabas lahat ang suka niya.
Pagkatapos, binuhat namin si Ma'am Jacey sa driver seat at sumakay din si Megan. Nagstart na ako magdrive.
Papunta na kami sa mansion.
"Do you love me, Meg?" lasing na sabi ni Ma'am Jacey kay Meg. Kita ko si rear-view mirror na tinatakpan niya ang bibig nito para hindi ko marinig.
"Pagpasensyahan mo na 'tong si Jacey. Makulit talaga. Sinusundan pa rin ako lalo na pagdating sa bar." sabi niya sa akin at napakamot na lang ito sa ulo dahil nagpupumilit sa pagsandal sa balikat niya.
"Gusto ka niya kasi." sabi ko sa kanya at narinig kong bumuntong-hininga siya.
"Hindi ko naman inutusan na gustuhin niya ako." inis na sabi niya.
"Alam mo naman kapag nahulog na, wala nang pakawala magmahal." ngiting sabi ko at niliko ko ang manubela.
"Ayokong gustuhin niya ako." Hininto ko sa may stop light at tiningnan ko siya rear-view mirror.
"Bakit ayaw mong gustuhin ka niya?" tanong ko sa kanya.
"She'll get hurt. Iiwanan ko rin siya bandang huli." seryosong sabi niya sa akin.
"Pero gusto mo siya?" umimik siya at hindi niya ako sinagot. "Ba't hindi mo masagot tanong ko." tanong ko ulit sa kanya.
"Wala rin silbi kung gustuhin ko siya. I will get married soon. Pero keep it a secret. Please?" nagulat ako sa sinabi niya.
Magpapakasal siya sa iba? Ang sakit naman. Ikaw ba naman magpapakasal pero hindi mo gusto ikakasal sayo? Masasaktan lalo si Ma'am Jacey kapag nalaman niya. Pero alam kong nasasaktan din si Megan sa sitwasyon nila.
"Kaya bilin ko sayo, Scarlet. Huwag na niya ako susundan." kita ko sa mata niya na naluluha siya pero pinipigilan niya lang.
Tumahimik na kami at nagfocus na ako sa pagmamaneho ko. Malapit na rin kami sa mansion ni Ma'am Jacey. Pagkarating namin, binuhat namin siya papunta sa higaan niya. Nakita rin kami ng butler niya at napailing na rin siya sa kalagayan ni Madam.
"Ms. Meg, dito na lang po kayo matulog. Gabi na rin po." concern na sabi ng butler ni Ma'am Jacey.
"Oo nga, Megan. Dito ka na lang," sabi ko sa kanya at huminga siya ng malalim.
"Sure! Share na tayo sa guest room," hinila niya ako papuntang guest room.
Nilibot ko muna ang loob ng guest room at siya busy sa pagtatanggal ng necklace niya.
"Can you help her to move on, Scarlet?" nagulat ako sa sinabi ni Megan sa akin. Napalingon ako sa kanya.
"Driver lang ako pero hindi ko trabaho ang ganyan." pagtatanggi ko sa kanya. Ako talaga tutulong para makamove-on siya.
"I'll give you what you need." Kailangan ba talaga may kapalit?
"Magpapakasal ka na ba talaga?" tanong ko sa kanya at tumango siya.
"My family needs me to get married with someone I don't know." Pwede naman siya humindi diba?
"Pwede ka naman tumanggi diba?" suggest ko sa kanya pero napasimangot na lang ito.
"Kung pwede lang kaso business related talaga, Scarlet. Kahit gusto ko man wala akong laban." May laban ka pero hindi niya naman kayang ipaglaban. Ayoko ng ganitong sitwasyon. Kung ako sa posisyon niya, ipaglalaban ko yung pagmamahalan namin kasi gano'n naman ang love eh. Hanggang sa dulo, ipaglalaban ka kahit kamatayan yan. Ipaglalaban ka nyan kasi mahal niyo ang isa't isa.
Pero si Megan, mas pinili niyang maging miserable ang buhay niya sa alang-alang ng kapanan ng iba. She's selfless person. Mas inuuna niya kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya. Hirap ng gano'n. Lagi mo inuuna yung gusto nila kaysa sarili mo hanggang wala na natira para sa sarili. She will lost herself. Marerealize niya na kung tinuloy niya yung pagkagusto niya kay Ma'am Jacey, magiging masaya siya. Pagsisisihan niya nga lang sa huli.
"She deserves someone better." rinig ko yung bulong niya, "Let's sleep na." kita ko ang lungkot ni Megan at humiga na rin ako sa tabi niya.
Ako na bahala sa kanya.