Chereads / Untold story of us / Chapter 2 - prologue

Chapter 2 - prologue

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero lately nananaginip ako ng mga bagay na mula sa past. Parang nasa spanish period dahil sa mga kasuotan pero wala na kong masyadong mapaginipan bukod dito. Hindi ko alam kung bakit pero simula ng magpunta ko sa isang museum kung saan may painting na kamukhang kamukha ko. Ang sabi ng iba walang nakalagay na kahit anong impormasyon sa babae sa painting. The painter of it is still unknown. Ang sabi natagpuan daw ang painting na ito sa isang baul dahil sa ganda ng babae sa painting at sa luma nito ay inilagay nila ito sa museum. Ewan ko ba simula ng marinig ko yun napapadalas akong managinip.

"Girl!! sobrang kamukha mo talaga yung babae sa painting feeling ko talaga true yung reincarnation" Napabaling ako ng tingin kay Henna na kasalukuyang nakatingin sa picture nung painting.

"You believe in reincarnation? That's bullshit." I said while I'm scrolling through my social media account.

"Kung di reincarnation ito feeling ko kamag anak mo? Ninuno? Ay hindi baka doppleganger? But that's more ridiculous mga 1890's pa yata ito" I stop scrolling through my social media and look at him with a ridiculous face.

"Stop mo na nga yan! nagkataon lang yan." She just rolled her eyes in me. In my opinion hindi talaga ko naniniwala sa mga ganyan lalong lalo na sa reincarnation sa mga books lang nangyayari ang ganoon. Maniniwala pa ko kung same features ang mukha but the reincarnation? It's a big NO!

"Anyway, how are you ba? Sabi ni tita di ka na daw natutulog kasi nananaginip ka? Nagpacheck ka na ba?" Nag aalalang tanong nito. Napabuntong hininga nalang ako ng maalalang wala pa kong tulog kung ano ano kasi napapaginipan ko kadalasan puro dugo napapaginipan kung di naman ito puro kasuotan tungkol sa spanish period.

"Actually hindi pa ko nakakapagpatingin. Maybe tomorrow? Sa ngayon gusto ko muna magrelax baka dahil lang sa pagod sa work kaya kung ano ano nalang napapaginipan ko." Napatango naman ito kahit bakas ang pag aalala.

"Baka nga sa too much work lang yan pero magpatingin ka parin huh? Di ka naman halos nananaginip need mo na talagang makapagrelax at makipagblind date." Biglang nagbago ang expression niya from being worried to smirk real quick.

"Ohh goshh Henna stop it! Aren't you tired in setting me up? Because me?! Im tired!" Napatayo ako sa upuan ko ng marinig ang word na blind date i dont know ba kay Henna ang hilig hilig akong iset up sa mga blind date na ganyan.

"Come on Dahlia! I promise this one is good!" She grabbed my hand. Nagmamakaawa na naman yung face niya as always.

"No! Bahala ka na nga diyan mas gugustuhin ko nalang matulog dito sa house kaysa makipagmeet up diyan." Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pumunta na sa kwarto ko kahit na naririnig ko parin ang pagkukumbinse niya sa akin.

"Sundalo tohh kaya ka nitong ipaglaban!! Captain, pogi, 6'1 ang height, mayaman, matalino, Valedictorian nung college at higit sa lahat masarap...." Binuksan ko ang pinto ng marinig ang huling sinabi niya kaya naputol ang pagsasalita niya.

"What?!!!!" I screamed kaya naman napahawak siya sa dibdib niya na parang aatakihin sa puso.

"Masarap siya.... Masarap siyang magluto kasi graduate din siya ng culinary! So green minded Dahlia!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Shut the fuck up! Kahit na masarap siya.... I mean masarap magluto tulad ng sinabi mo it's still a no for me." Tinakpan niya ang tenga niya para di ako marinig. My gosh kaibigan ko ba talaga ito?

"So nosy Dahlia... It's just a blind date promise last na ito. Pumunta ka na please! Nakapagset na kasi ng date para sa meet up niyo." Nagpuppy look pa siya hindi naman bagay.

"Why ka ba kasing nagseset ng date ng di nagsasabi agad?!"

"Sobrang gwapo kasi di dapat tinatanggihan ang grasya."

"Grasya my ass...ipromise mong last na ito ok?!"

"Promise! So payag ka na?" Nakangiting anya niya.

"As if may magagawa pa ko. When ba yung meet up?"

"Tomorrow!"

"But magpapatingin ako bukas baka pwedeng sa isang bukas nalang?"

"May duty pa daw kasi after ng meet up niyo ehh baka pwedeng after mong magpacheck up nalang?"

"Ok....text mo nalang sakin kung saan yung meet up. Matutulog muna ko di ko na kaya yung antok ko." I was already yawning kaya naman nagpaalam na kong matutulog. Bahala na kung may mapaginipan na naman ulit ako.

"Sure ka bang magiging ok ka lang? Last time daw na nanaginip ka hindi ka makahinga?" Kapag kasi nananaginip ako pakiramdam ko may sumasakal sakin kaya naman paggigising ako hingal na hingal o kaya naman gigisingin ako ng mommy ko mula sa panaginip ko.

"Andyan naman kayo if ever na maulit yun hindi ko naman ilolock itong room ko kaya if worried kayo pwede kayong pumasok dito."

"Osige.... Importante na may tulog ka. Gigisingin kita pag hindi na normal yung sleep mo ok?" Tumango ako at pumasok na sa room ko para matulog.

Pagkahiga na pagkahiga ko ay unti unting nandidilim ang mga paningin ko. Hanggang sa tuluyan ng lamunin ng dilim ang kapaligiran ko.

Ayan na naman yung mga tao na nakasuot ng pang spanish period .

May mga humihingi ng tulong may mga dugo.

Hindi ako makahinga.

May dugo. Nagkalat sa kapaligiran.

Ayoko dito!

Gusto ko na bumalik!

"Gumising ka! Gising!" Habol hininga akong napabangon ng may yumuyugyog sa dalawang balikat ko.

"Kala ko mamamatay na ko... Henna thank-" Naputol ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko ng may dalawang babae na nakatingin sakin. Bakas ang pag aalala sa mukha nila. Pero wait! Who the heck is this two?!

"Binibini.... akala namin kung ano na nangyari sa inyo. Mabuti na lamang at napadaan sa inyong silid itong si Ceilo." Ginala ko ang paningin ko sa kwarto. Ang luma ng mga gamit pero magaganda naman ito.

"Wait lang! Nasaan ba ako? Saka sino ba kayo? B-bakit nakasuot ka ng ganyan saka bakit ganyan din yung suot ko?! Di ba kayo naiinitan?" Nagkatinginin yung dalawa paiyak na yung itsura nung Ceilo.

"Paumanhin ina, kasalanan ko ito....mukhang malala ang tama ng pagkabagok niya sa batis kanina."

"Sinabi ko naman kasi sa iyo na bantayan mo ng maigi ang senyorita!"

"Wait what?! What do you mean na senyorita? Me?!" Parehas kumunot ang noo ng dalawa sa sinabi ko.

"Paumanhin subalit ano ang iyong tinuturan?" Nagtatakang tanong nung isang babae.

"I said.... Sino yung tinatawag niyong senyorita? Di ba kayo nakakaintindi ng English?"

"Ikaw ang tinuturan ko."

"Binibini kailan pa kayo natuto ng salitang Ingles?" Nagtatakang tanong ni Ceilo.

"Since birth? I mean....simula pa noong pagkabata ko." Mataray na sabi ko.

"Simula pagkabata? Hindi ba't sa asignatura na yan kayo nahihirapan?"

"What?! Di nyo ba alam na best in English ako since elementary!" Nagkatinginan na naman yung dalawang mag ina. Hindi na naman nila gets yung sinabi ko goshhh.

"Ceilo, tawagin mo ang manggagamot mukhang hindi pa talaga magaling ang senyorita mo." Tumango naman ito at lumabas na sa silid.

"Anong nangyari ba sakin nasaan si Henna kayo ba yung bagong katulong?"

"Sino ang iyong tinutukoy senyorita? bagong kaibigan mo ba ito? Mahigit 4 na oras kayong tulog dahil sa pagkakabagok niyo sa batis habang naliligo. Magkasama kayo ni Carolina na magpunta sa batis ang sabi niya ay nadatnan nalang niya kayong nabagok." Ibang tao yata ang tinutukoy nito natulog lang ako nabagok na?

Tama natulog ako! Ibig ba nito sabihin....

"Anong pangalan ko? Nasang lugar ako? Anong taon ito?" Hinawakan ko ang dalawang magkabilang balikat niya. Nanlalaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko.

"Cristina ang iyong pangalan. Nasa taong isáng libó't walóng daán at siyám na pû't limá na tayo ngayon senyorita at dito sa sitio castilio ka isinilang at nag aaral." Napabitiw ako ng hawak sa kanya natulala nalang ako sa narinig ko what the hell?! walong daan what..?

"Pakiulit yung taon?"

"isáng libó't walóng daán at siyám na pû't limá"

Ibig ba nitong sabihin nagtime travel ako?!! Sa taong 1895?!