Chereads / Untold story of us / Chapter 3 - chapter 1

Chapter 3 - chapter 1

Chapter 1

Paano ko nakarating dito? Malamang panigip lang ito siguradong magigising din ako.

"Ina, nandito na ang manggagamot!" Ani Ceilo.

"Papasukin mo"

Tulala parin ako ng pumasok ang lalaking doctor. Mukhang medyo matanda sa akin ito ng kaonti at may mga dalang halaman at kung ano ano pa. Umupo ito sa gilid ng kama at nagsalin siya sa baso ng color green na damo. Nakakadiri ang itsura parang pinakuluan yung damo tas sinalin sa baso.

"Inumin mo muna ito binibini." Nakatutok na sa bibig ko yung baso. Amoy damo yung inumin.

"I don't want to drink it! Amoy damo!" Muntik ko ng matapon yung hawak niya kaya naman napasinghap ang mag ina ganun din ang doctor.

"Senyorita kailangan niyo yang inumin ng gumaling agad kayo kapag nalaman ng iyong ina ang nangyari sayo siguradong mapaparusahan ka ulit." Tumango tango si Ceilo habang nagsasalita yung ina nya.

"But!....." Halos maiyak na ko ng wala na kong nagawa kung hindi inumin yung gamot dahil basta na lang inapat sa bibig ko yung baso. Sobrang pait ng lasa!

"Makakatulong ang gamot na iyan para gumaling ka na binibini. Makakatulog ka nga lang saglit pero pag gising mo siguradong makakaalala ka na." Tinignan ko ng masama ang manggagamot. Ngumiti ito kaya naman nanlaki ang mga mata ko parang nakita ko na siya? Pero saan naman? Unti unting nandilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na kong nawalan ng malay.

"Senyorita! Nasa labas si Kapitan Alejandro!" Bakit na naman ako nandito?!

"Talaga! Halika puntahan natin!"Sasagutin ko na sana si Ceilo ng may magsalita sa likod ko. Wth?! Bakit kamukha ko siya? Para kong nananalamin.

"N-ngunit...." Nagaalinlangan ang mukha niya. But the woman who look exactly like me didn't mind it.

"Kung ayaw mo ako nalang!" Nagtatakbo yung babaeng kamukha ko. Sobrang saya niya ng marinig ang pangalang Alejandro. Sinundan ko yung babae. Napahinto ako ng huminto sya sa harap ng dalawang magjowa. Magkayakap yung dalawa habang yung babaeng kamukha ko unti unting tumutulo yung luha. Nagtatakbo siya pabalik kung nasan si Ceilo this time tumatakbo hindi dahil sa excitement o saya kundi dahil sa sakit at lungkot. I don't know pero nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko ng makita kong umiiyak yung kamukha ko at yung dalawang magkayakap. Sinundan ko ulit siya pabalik sa batis pero sa hindi inaasahang pangyayari may dalawang babaeng pumatid sa kanya kaya naman natalisod at nabagok yung ulo niya sa bato. Unti unting pumatak ang dugo sa kanyang ulo. Yung babaeng pumatid sa kanya ay nagtatakbo sa panic.

"Help!! Help!!" I scream as much as i can pero walang nakakarinig. Mamamatay siya! Kailangan makahingi ako ng tulong!

"Help!...." Habol hininga akong nagising. Iginila ko ang paningin ko sa room ko walang tao. W-wait! B-bakit nandito parin ako? Bakit ganito parin suot ko? Nakarinig ako ng mga nag uusap sa labas kaya naman agad akong bumaba sa kama ko at lumabas para tingnan kung ano nangyayari.

"Sobrang antique ng mga gamit dito." Pabulong na sabi ko habang naglalakad palabas sa room ko. Malawak yung bahay marami ring mga kwarto and may mga painting na nakasabit sa bawat sulok ng bahay. Bumaba ako sa hagdanan nakita kong naghahain sila Ceilo sa mga nakaupo sa chair. Katulad ko nakasuot sila ng pang spanish period para nga akong nasa isang pelikula gantong ganto napapanood ko.

"Gising na siya ina." Lumapit ako sa lamesa nila. Mukhang strict yung babae na kasing edad lang ng mommy ko.

"Cristina, halika at sumabay ka sa aming kumain." Nilingon ko naman yung isang babae na sa tingin ko kasing edad ko lang.

"Umupo ka at may pag uusapan tayo." Striktong sabi nung may katandaang lalaki. Nakaramdam naman ako ng takot kaya naman sumunod na lamang ako.

"May panauhin tayo mamaya kaya naman ika'y mag ayos at maghanda ng iyong kasuotan." Walang emosyong sabi nung babae na sa tingin ko nanay ko? Nanay nung babaeng kamukha ko?Ahh basta. Naguguluhan na ko sa mga nangayayari.

"P-panauhin?" Nauutal na tanong ko.

"Si Alejandro ang ating panauhin mamaya mag ayos ka at mamimili siya ng mapapangasawa." Nakangiting anya nung babae na may suot na pearl sa kanyang leeg. Siya yung babaeng kayakap nung Alejandro ewan ko ba biglang naginit ulo ko ng marinig ko siyang magsalita.

"Mamimili siya sa inyong tatlong magkapatid kahit sino ang mapili niya ay ikakabusilak ng aking puso ngunit kung ikaw ang mapipili mas magiging masaya ko." Tumingin sa akin yung babae nawala na yung striktong expression niya bakas din ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Nakita kong nagbago ang expression nung kapatid ko DAW.

"B-bakit naman po?" Kinakabahang tanong ko. She smiled pero may lungkot sa mga mata niya.

"Balang araw malalaman mo rin." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Tama na muna iyan at lumalamig ang pagkain." Sobrang awkward habang kumakain. Ang tatahimik nila hindi ako sanay. Pagkayaring kumain ay nagpaalam akong sasama kay Ceilo na mamalengke. Noong una ayaw pa nila kong payagan pero wala rin silang nagawa. Umikot kami sa buong sitio bago nagpunta sa palengke gusto ko lang sulitin ang pag time travel ko dito dahil sigurado naman akong anytime babalik din ako.

"Ipupusta ko ang maliit na lupain namin sa bukid siguradong yung panganay yung mapipili ng kapitan!" Napahinto kami sa paglalakad ng marinig namin ang ingay ng mga nagkukumpulang kalalakihan at kababaihan sa tapat ng dinaraanan namin.

"Ako din!"

"Malulugi yung manggagamot dyan Ernesto!" Nagtawanan yung mga kalalakihan.

"Ako yung pusta ko sa pangalawa! Balibalita na tinuturuan siya nito sa kanyang pag aaral kaya siguradong si Caridad ang mapipili!"

"Yung panganay yan! Si Carolina! matagal ng may pagtingin sa isa't isa yung dalawa simula pagkabata pa lamang!" Sagot naman nung isang matandang babae.

"Tama!" Pagsang ayon nung Ernesto.

"Sa bunso ako pupusta!" Nagsilingunan yung mga tao dun sa doctor na naggamot sa akin.

"Bakit narito siya?" Pabulong na anya ni Ceilo.

"Sa bunso? Imposibleng siya yung piliin! Malakas at matalino ang gusto ng kapitan hindi lampa!" Nagtawanan naman yung mga tao sa paligid. Napasinghap naman si Cielo kaya naman pinipilit niya kong umalis na dun pero hindi ako nagpatangay.

"Basta sa kanya ang pusta ko! Kapag ako ang nanalo sa pustahan ibibigay niyo sakin lahat ng pusta niyo!" Nagtawanan ng malakas yung mga tao parang mga baliw.

"Osige ibibigay ko ang maliit na lupain ko sa bukid! Kapag kami naman ang nanalo maglalakad ka sa buong sitio ng nakahubad?!" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. What? They are all idiot!

"O-osige! Basta kapag nanalo ako ikaw naman ang maghuhubad!"

"Senyorita, sa tingin ko siya yung nabagok hindi ikaw." Napailing nalang kami.

Pagkayari naming mamalengke ay agad din kaming bumalik sa loob. May mga naglilinis na sa buong bahay. Pagpasok ko sa room ko ay may nakaready ng damit na susuotin ko. Ang sabi ni Ceilo madaming pupunta sa bahay mamaya para makichismis sa ganap. Sikat daw ang pamilya namin sa buong sitio ganun din daw ang family ni Alejandro kaya naman sobrang big news ng kasalang magaganap. Ang sabi niya rin kababata namin si Alejandro kaya napagkasunduan ng pamilya na ipakasal sa isa sa aming tatlo si Alejandro.

"Binibini, kami ang naatasan na mag ayos sa iyo." Nagulat ako ng may magsalita sa tapat ng pinto ko hindi ko pala naisara. Tumango na lamang ako.

Pagkayari kong magpalit ay agad nila akong inayusan. Hindi ko alam kung ano mangyayari pero siguradong masasaktan ang totoong Cristina sa mangyayari mamaya. I saw in her eyes the love na hindi kayang tapatan ng kahit na sino pa man. Yung pagmamahal na genuine. Yung pagmamahal na para kay Alejandro lang.