Chapter 100 - CHAPTER 101

The continuation.....

ANG NAKARAAN..

Iginapos ni Mia si Margarita gamit ang kanyang kidlat na lubid. habang sina Ian at Charlie naman ay ginawang yelo ang mga paa ni Margarita. Ngunit, di nila alam na mas malakas na pala si Margarita ngayon. At pinag sasaksak sila nang isang mahiwagang punyal.

" Sabi ko sayo.. wag kang tatatakas..." Sabi ni Mia, habang iginapos nya si Margarita sa kanyang Lubid na kidlat. at sina Charlie at Ian naman ay , ginawang yelo ang kanyang Paa.

" Hindi kana makakatakas pa Donya??" Sabi ni Ian.

" yun ang Akala nyo..." Ngiting sabi Margarita. Nang hinila nya ang kidlat na tali ni Mia, at itinali nya ito kay Mia, Ian at Charlie gamit ang kanyang bilis sa pagalaw.

" kahit ginawa nyong yelo ang aking Paa. May kamay naman ako.. Mga bobo. bwaahhahaha.! " Sabi ni Margarita.

" Pakawalan mo kami Mia.." Sabi ni Ian.

"Sandali..." Sabi ni Mia. Ngunit Di pa na tatanggal ni Mia ang kanyang Lubid na kidlat ay agad silang inatake ni Margarita.

At isa-isa silang pinag sasaksak, nang itim na punyal..

" Ngayon kanino ang huling halakhak Dear?" Sabi ni Margarita.

ANG KARUGTUNG...

" Hiiinnnnddddiiiiiiii!!!!" Sigaw ni Katalina habang nakikita nyang bumagsak sina Ian, Charlie at Mia sa lupa. At nakita nya nangmalinaw ang babala nang kanyang pangitain.

" S-sila pala ang ang tinutukoy nang aking pangitain.. Hindi ito maari, kelangan may gawin ako.." Sabi ni Katalina at nagmamadali syang nagtungo sa tatlo. Habang si Jenna naman ay nagbalik na sya katinuan.

"A-anong nangyari?" Sabi ni Jenna.

" Salamat at nagbalik kana saiyong katinuan.." Sabi ni Jake.

" Ano ba ang nangyari, bakit ang sakit nang Ulo ko?" Sabi ni Jenna.

" Kinontrol ka ni Margarita.." Sabi ni theo.

" M-margarita? " Gulong sabi ni Jenna, nang maalala nya ang mahiwagang kanta na kanyang narinig nung papasok na sila sa kuta ni sitan.

"Tama, kaya pala pamilyar saakin ang kanta na yun. kay Margarita pala yun.." Sabi ni Jenna nang lingunin nila sina, Katalina, Ian, Charlie at Mia. Ay nakita nyang nakabulagta sa lupa si Katalina habang sina Ian, charlie at mia ay duguan.

Akmang sasaksakin na sana ni Margarita si katalina nang biglang.

" Si katalina..." Sabi ni Jake. at agad syang gumawa nang napakalakas na lindol. Dahil sa Lindol ay natumba si Margarita at di na nya naisakatuparan ang kanyang masamang balak kay Katalina.

" Salamat Jake.. Puntahan muna si Katalina..Magmadali ka theo." Sabi ni Jenna.

" P-pano ka nabuhay sa labanan ninyo ni Diwatang magayon?" Tanong ni Jenna.

" Mabuti naman at naalala mo pa ako dear..?" Sabi ni Margarita sabay dila sa kanyang punyal na may dugo.

" Halimaw ka talagang babae ka.. pano ka naging diwata kung kasiraan at kaguluhan lang ang dala mo.." Sabi ni Theo habang ginigising nya si Katalina.

" Di nyo ba alam? di lahat nang mga diwata ay mababait. may masasama din katulad ko.. " Sabi ni Margarita.

" Alam ko.." Sabi ni Jenna at nagpalit anyo ang kanyang libro at naging isang sandata.

" infairness.. nag improve kana ngayon Jenna. Sa pagkakaalam ko nilukuban ka din nang isa sa mga oroskopyo." Sabi ni Margarita.

" At ang oroskopyo na yun ay matagal ko nang hawak kaya may bahid na ito nang itim na mahika." Sabi ni Margarita.

" At nilinisan ko na ang lahat nang mga oroskopyo di mo ba naalala?" Sabi ni tyler. habang nakakaramdam sya nang pagkahilo. At bigla itong natumba.

" Taiiii!!!" Sigaw ni Jake, mabuti na lamang at nasalo nila si Tyler. dahil nang mawalan na nang malay si Tyler ay nasa likuran lang nya ang dalawang lalaking nagmamahal sa kanya.

Sumuko man si Raven kay tyler, ngunit di parin nya maitatago na humahanga pa din sya kay tyler. Ilang sandali pa ay lumabas ulit ang isang kulay puting liwanag na galing sa katawan ni Tyler.

" Nilinisan na namin ni tyler ang mga oroskopyo at ngayon oras na para bawiin ko saiyo ang lakas ko upang makabalik nako sa aking tahanan." Sabi nang babae.

" Si-sino sya?" Tanong ni Raven.

" Sya ang kakambal nang oroskopyo nang pisces. "Sagot ni Theo.

" anong pinagsasabi mo..?sino kaba?" Tanong ni Margarita.

" ako ang isa sa gabay nang oroskopyo nang pisces. ninikaw mo ang aking kapanyarihan.. " Sagot ng babaeng nanggaling kay Tyler. at unti-unti nyang hinugop ang enerhiyang taglay ni Margarita.

" Nilapastangan mo ang aking kapangyarihan..." Sabi ng gabay ng pisces.

Habang si Margarita ay unti-unting nawawalan nang lakas at napaluhod na ito sa lupa. nang nakita ito ni Sitan agad nyang inutusan ang mga itim na kaluluwa.

" Mga alagad ko.. dagdagan ang buhay ng diwatang si margarita." Sabi ni sitan at nag siliparan ang mga maiitim na usok at nag tungo ito kay Margarita.

" Ano yun?" tanong ni Jenna habang nakikita nyang isang malaking maitim na usok ang patungo sa kanila. Nabawi na ng gabay ng pisces ang kanyang lakas.

" Maraming salamat dahil nabawi ko na ang aking kapangyarihan.. "Sabi nya. habang si Margarita naman ay sinaniban sya nang itim na usok na pinadala ni sitan sakanya.

"Anong nangyayari? " umaatras na sabi ni Jenna.

" Umatras kayo dali " sabi nang babaeng gabay ng pisces.

" Sumasanib na sakanya ang kasamaan.. hindi ko kayo pwdeng iwan nang ganito ang inyong kalagayan. " Sabi ng babaeng gabay.

" A-anong gagawin natin? di pa nagigising sila. may sugat sina Ian, Charlie at Mia.." Sabi ni Jake.

" Sandali.. ako ang bahala sakanila.." Sabi ng babaeng gabay.

" Anong gagawin mo sakanila?" tanong ni raven.

"Sa ngalan nang labing-dalawang oroskopyo.. Binabas-basan ko kayo na tataglayin nyo pa din ang kanilang diwa. at Gagabayan kayo nang aking liwanag." Sabi ng Gabay nang pisces. at may Limang bolang ng liwanang ang lumulutang sa kanyang kamay at ibinigay nya ito kina, Ian, Charlie,Mia at Katalina.

" Yan ang bola nang pisces. kung saan nag bibigay sainyo nakaragdagang lakas. " Sabi nya agad syang naging isang bola nang liwanag at pumasok muli sa katawan ni Tyler. kasabay nun ay nagkaroon muli nang malay si Tyler. Samantala si Margarita naman ay nakaramdam nang kakaibang lakas sa kanyang katawan.

" hahahahah! Parang mas lumakas pa ako.." Sabi ni Margarita. Nang biglang dumating si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Hindi kita papayagan dyan.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sabay saksak sa likuran nya nang isang kulay gintong punyal.

" Pa-pano ka nakapasok dito?" sabi ni Margarita habang nakaramdam nang panghihina.

" nakalimutan mo na puro akong diwata kaya may kakayahan akong makalabas pasok dito. " Sagot nya at mas ibinaon pa nya ang kanyang punyal sa likud ni Margarita.

" hindi moko Mapapatay, dahil nasa batas nang mga diwata na kung papatay ang isang diwata sa kapwa nya diwata ay mawawalan ka nang kapangyarihan." Sabi ni Margarita habang lumalabas na ang dugo sakanyang bibig.

"Alam ko kaya sila na ang tatapus sayo.."Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. At kitang kita nila ang ginawa ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan kay Margarita.

" Ngayon nyo na gamitin ang inyong mga kapangyarihan.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Ngayon na! " Sabi ni Jenna. At sabay sabay nilang ginamit ang kanilang mga kapangyarihan. Dahil sa mga enerhiya na taglay nila ay tuluyan nang namatay si Margarita.

SA KANLAON..

" Kaya pala di ka pinarusahan ni Bathala noon, Dahil hindi mo napatay si Margarita." Sabi ni Haliya.

" Alam mo Haliya, handa nako sa kaparusahan ni Bathala noon. ngunit nung nag tungo ako sa silid sambahan. nagtaka ako kung bakit di nya ako pinarusahan o kunan nang kapangyarihan..?" Sabi ni Magayon.

"Dahil alam ni bathala na di mo nagawang paslangin si Margarita at dahil ginawa mo rin ang tama.." Sabi ni Bulan habang patungo ito sakanilang kinalalagyan.

" Kamusta na sila..?" tanong ni bulan.

" Nagtatagumpay na sila aking kapatid.. at si Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, nagawa na nya ang kanyang bugna.." Sabi ni Magayon.

"Magaling.. unti unti naring nanunumbalik ang lahat sa kalupaan, bumaba ako kanina. at ang lahat nang tao ay unti-unti nang bumabalik sa dati. Isa itong magandang pangitain."sabi ni Bulan.

TO BE CONTINUE...