Chapter 101 - CHAPTER 102

Ang Nawawalang Prinsesa nang Aydendril

ANG NAKARAAN...

Tinulungan ng Gabay ng Pisces sina, Katalina, Ian, Charlie at Mia. Gamit ang kanyang kapangyarihan naghilom ang mga sugat nila. Habang si Margarita naman ay Lubos ang kanyang ligaya nang binigyan sya ni Sitan nang Itim na enerhiya. Ngunit sa kasamaang palad.Sinaksak sya ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sa likud gamit ang isang mahiwagang punyal.

" Hindi kita papayagan dyan.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sabay saksak sa likuran nya nang isang kulay gintong punyal.

" Pa-pano ka nakapasok dito?" sabi ni Margarita habang nakaramdam nang panghihina.

" nakalimutan mo na puro akong diwata kaya may kakayahan akong makalabas pasok dito. " Sagot nya at mas ibinaon pa nya ang kanyang punyal sa likud ni Margarita.

" hindi moko Mapapatay, dahil nasa batas nang mga diwata na kung papatay ang isang diwata sa kapwa nya diwata ay mawawalan ka nang kapangyarihan." Sabi ni Margarita habang lumalabas na ang dugo sakanyang bibig.

"Alam ko kaya sila na ang tatapus sayo.."Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. At kitang kita nila ang ginawa ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan kay Margarita.

" Ngayon nyo na gamitin ang inyong mga kapangyarihan.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan.

" Ngayon na! " Sabi ni Jenna. At sabay sabay nilang ginamit ang kanilang mga kapangyarihan. Dahil sa mga enerhiya na taglay nila ay tuluyan nang namatay si Margarita.

ANG KARUGTUNG..

Nagkaroon na din nang malay sina Katalina, Ian, Mia at Charlie dahil sa tulong ng isang Gabay.

"Mabuti naman at nagkamalay na kayo..." Sabi ni Tyler.

" Teka ano bang nangyari? buhay padin ako?" Gulat na sabi ni Ian, sabay kapa sa kanyang tagiliran kung saan sya sinaksak ni Margarita.

" Oo, at Dahil yan sa gabay ni Tyler. ngayon kelangan na nating tapusin si Sitan" Sabi ni Jenna.

" teka insan.. mabuti naman at nagbalik kana saiyong dating malay.." Sabi ni Katalina.

" Ang sakit ng Ulo ko..!" Reklamo ni Mia. at inakay naman sya ni Raven upang makabangon.

" Mia, kaya mo pa ba?" Sabi ni Raven.

" Ano kaba raven.. Oo, naman teka di pa ba nagbabalik si Reyna Alpia?" Sabi ni Mia.

" Hindi pa.. marahil may importanteng nangyari sa Aydendril.." Sagot ni Raven.

"Oo, nga pala nasaan si Alpia?" Tanong ni Katalina. At pinaliwanag naman ito ni Raven at Jenna..

Samantala sa isang bayan napadpad si Alpia kasama si Susmihta.

" Mahal na reyna mukhang nandito na tayo!" Sabi ni Susmihta.

" Positibo dahil nag liliwanag ang vinya ni Olivia." Sabi ni Alpia.

"ngunit saan naman hahanapin ang anak ni reyna olivia ?" Tanong ni Susmihta nang biglang sumulpot si Jessel sa kanilang kinalalagyan.

" harujusko bakit nandito nanaman ako? pabalikbalik nako sa punong yan.." Reklamo ni Jessel sabay turo sa puno nang mangga.

" Jessel mabuti naman at magaling kana?" Sabi ni Alpia. Habang nakatalikud si Jessel sakanila.

" Kayo pala.. anong ginagawa nyo dito? Palpak din ba ang pag t-teleport nyo?" Tanong ni Jessel.

"Hindi nandito kami upang hanapin ang tagapag mana ni Reyna Olivia..'' Sagot ni Susmihta.

" Taga pag mana anong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Jessel.

" Nasawi si Olivia kanina.. at ang tanging huling hiling na hinigi nya saakin ay hanapin ang kanyang nawawalang Anak." Sabi ni Alpia. Habang nagpapaliwanag si Alpia ay biglang mas nagliwanag pa ang vinya ni olivia.

" Kung ganun, tutulungan ko nalang kayo maghanap. Saan ba tayo mag hahanap? may picture ba kayo o address kasi malaki ang bayan nato. dito ako lumaki.." Sabi ni Jessel.

" Wala akong ganun, pero parang alam ko na kung sino ang anak ni Olivia." Sabi ni Alpia. habang nakatingin kay Jessel.

" Sino mahal na reyna?" Tanong ni Susmihta.

" Ikaw!" Sabi ni Alpia sabay turo kay jessel.

" huh ako papano? Baket ako?" Naguguluhang sabi ni Jessel.

" Dahil sa vinya nang iyong ina... " Sagot ni Alpia sabay abot kay Jessel sa hawak nyang vinya na galing kay Olivia. At nag mahawakan nya ito bigla nalang itong nagkulay nang napakaliwanag, at mula doon lumabas ang Kaluluwa ni Olivia.

" kamusta?" Sabi ni Olivia.

" Teka! Teka! Anak mo daw ako? bakit? papano nangyari yun? Pano mo nasabi?" naguguluhang sabi ni Jessel at ngumiti lang si Olivia.

" Nung unang dating mo palang sa Aydendril kasama sina Theo. May nararamdaman na akong kakaiba sayo. parang ang gaan nang pakiramdam ko. Ngunit binalewala ko lang yun dahil baka nagkakamali lamang ako. " Sabi ni Olivia.

" Oli mawalang galang na no? bakit di mo ipinaliwanag sakin ang lahat?" Tanong ni Alpia. At ipinaliwanag ni Olivia ang lahat.

" Nung bago pa ako nakilala nina Theo at Tyler, noong buhay pa ang aking ina.. minsan na akong namuhay dito sa lupa. Bilang isa sa mga Pagsubok ni ina saakin upang humalili sa kanya. At dumaan ang mga ilang taon dito na ako nag dalaga, may kumupkop saakin na isang mag asawa. At doon ako lumaki sa kanila, Balik nga tayo nung magdalaga na ako. may nakilala akong isang lalaki si Pablo. At di ko na ikukwento kung papano ka namin ginawa. at ikaw ang bunga nang aming pagmamahalan. Hanggang sa bumalik na ako sa aking mundo. Naiwan ka sa pangangalaga ni Pablo. " Salaysay ni Olivia.

" Si Tatay? pero kung ako ang bunga ninyo ni tatay.. Possibleng anak nyo din si Nonoy?" Sabi ni Jessel.

" Hindi, dahil nag asawa muli si Pablo. nung bumisita ako dito sa lupa. nakita kung malaki kana. at may kasamang babae si Pablo. Kahit ganun, Masaya na ako kay para kay Pablo. " Dagdag na salaysay ni Olivia.

" Kung ganun mahal na reyna, si Jessel ang iyong tagapagmana nang inyong trono. " Sabi ni Susmihta.

" Ngunit nais kung ikaw ang maging guro nya.. " Sambit ni Olivia At agad syang naglaho.

" Kung ganon.. di ako tunay na anak ni Mama Flor? " Sabi ni Jessel.

" Hayaan muna, di ko man alam kung papano ka inalagaan nang nanay mo. alam kung pinalaki ka nilang mabuting tao. " Sabi ni Alpia sabay yakap kay jessel.

" Kung ganun.. mahal na reyna alpia. mag balik na tayo sa Aydendril.." Sabi ni Susmihta.

" Guro, magtungo muna tayo kina theo, di ko pwdeng iwan sila sa laban.." Sabi ni Jessel.

" Mauna kana Susmihta.. dahil may laban pa kaming pupuntahan.." Sabi Alpia. At yumuko lang si Susmihta tanda nang kanyang paggalang sa reyna nang mga dalaket.

" Mauuna na ako mahal na Reyna Alpia at Prinsesa Jessel." Sabi ni Susmihta sabay tapon nang kanyang mahiwagang dahon sa lupa at mula doon bumukas ang isang lagusan papuntang Aydendril.

"Nakakapanibago.. Jessel nalang.."Sabi ni Jessel. At gumanti lang nang ngiti si Susmihta.

" kung ganun, prinsesa Humanda kana kumapit kana saakin.. " Sabi ni Alpia.

" handa na.." Sagot ni Jessel.

ABANGAN MGA MAHAL ANG KARUGTUNG.. SALAMAT SA MGA DI NANG-IWAN. LABLAB