Chapter 82 - CHAPTER 83

" TEAM MAKILING "

....

ANG KELWA 🌀 AT HELIA 💧

PREVIOUSLY...

Nahanap na nina Lalahon, Jenna at Katalina ang Suler. Nang walang kahirap-hirap!

" Bakit nga ba ganun? Di katulad ng mga pagkuha namin sa mga oroskopyo ay napakadaming Surprised Task?" Tanong ni Theo at Tyler kay Magayon.

" Busy ako!" Sagot ni Magayon.

RIGHT NOW....

Nagulat naman sina Ian at Theo dahil nagbalik sila sa Syudad kasama ang Diwatang si Makiling.

" Bakit sa Syudad? " Agad na Tanong ni Ian.

" Oo nga Mahal na diwata... Bakit ? " Dagdag na Tanong ni Theo.

" Di ko alam dito tayo dinala ng mapa.. mabuti pa, Alam nyo namang naka-kalat pa ang mga Alaga ni Sitan sa Paligid. Mag iingat kayo!" Sabi ni Makiling na biglang nag Palit anyo Bilang isang Puting Kalapati. At pumatong ito sa Balikat ni Ian.

" Ang Daya mo naman mahal na diwata.. nag transform ka kaagad ! " Sabi ni Ian.

" Wag kang Ano dyan! Nakay Theo ang Mapa. Mag Simula na kayong maghanap... " Sabi ni Makiling habang naka anyong Kalapati.

" Saan ba kami mag sisimula mahal na diwata? Wala Akong maintindihan sa mga naka sulat. " Sabi ni Theo habang tinititigan ang mga Letra nang mapa.

" Gumamit ka nang mahika! Para mabasa mo! Nakakaloka!" Sagot ni Makiling.

" Patingin nga Kuya?" Sabi ni Ian.

" Uy kung maka Kuya ka! 25 palang ako ikaw nasa.... " Natigilan si Theo na tapusin ang kanyang sasabihin nang Biglang may lumabas na isang Alagad ni Sitan.

" Lagot mukhang mapapalaban ata tayo.." Sabi ni Ian.

" Walang makikipaglaban!" Sabi ni Makiling at Itinaas nya ang kanyang dalawang Pakpak. At sa Laking Gulat nina Ian at Theo ay Dinaanan lang sila nang Nilalang ng Kadiliman.

" Wag kayong mag-iingay.." Sabi ni Makiling.

( Pipilitin kung Di ako mabigo sa misyong ito. Kelangan nyong Ligtas na nakuha ang mga Sandata. ) Sabi ni Makiling sa kanyang Isipan.

" Wow ang galing... May powers pala kayong Ganhan.." Sabi ni Theo.

" Meron.. kaya bilisan nyo na upang mahanap na natin ang mga sandata.." Sabi ni Makiling.

" May taxi? Nagmamadali ?" Sabi ni Ian.

At nagsimula nang basahin ni Theo ang mga nakasulat.

" 23 palang ako Kuya theo." Sabi ni Ian. Habang nag babasa na si Theo.

" Ganun ba.. ako 18.. " sambit ni Theo habang nakatingin pa din sa Mapa.

" 18? Weeeeee? Totoo? " Sabi ni Ian.

" Sshhh!!! Wala ngang mag iingay!" Sabi ni Makiling habang naka nakataas padin ang kanyang mga Pakpak.

" Sawrey! Nemen!" Sagot ni Ian.

" Okay nagegets ko na.. Tinuruan kami ni Jenna nito noon. Isa itong napakatandang uri ng Lenguahe. Di ko lang lubusang mabasa ng buo Pero naiintindihan ko naman. " Sabi ni Theo

" Magaling! " Natutuwanh Sabi ni Makiling.

At nag Simula na silang Naglakad sa Paligid nang Syudad.

Animoy ghost Town na ang Dating magandang Syudad.

Habang iginala ni Theo ang kanyang mata sa Paligid. Agad syang may napansing kakaiba sa....

" Nakikita mo ba yun Ian.." Sabi ni Theo sabay Turo sa isang Building.

" Oo!" Sagot ni Ian.

" Ngayon basahin mo ang nakasulat..." Sabi ni Theo. At agad namang binasa ni Ian ang nasa Tarpaulin.

" Sa Singko Pesos mo, Siguradong Yes Ka All day. Di katulad ng ibang Pad ay madaling masira o Di kaya Magkakaleak kaya most of the women in the world. Has the reason to stop their Enjoyment. Wag mag Aalala..

Dahil may katulong kana Girl. Here CHARMEE!

Akoy Tiwala Sayo?! " Basa ni Ian sa Isang ad.

" Hindi Hindi! Advertisement yan. " Sabi ni Theo sabay Kamot sa Ulo.

" Hindi ba yun? Akala ko kasi... " Sabi ni Ian.

" Hindi.. yung Malaking Karatola. Dyan ako nag tatrabaho. sa Sky Fm. Namimiss ko na mga kaibigan ko. Saan na kaya sila ngayon?" Sabi ni Theo.

" Theo Wala nang Oras.. Sabi ni Dalikmata nakuha na nila ang mga Sandata tayo nalang ang Wala pa. " Sabi ni Makiling.

" Kung ganun. Ian, Tayo na samahan moko! Sinasabi ng Mapa nandito lang ang Dalawang Sandata." Sabi ni Theo at agad namang tumango si Ian.

Nang makapasok sila sa Loob ng Building..agad tumambad sa kanila ang mga nakakalat na papel upuang naka tumba animoy dinaanan ang loob ng Building ng isang napakalakas na Bagyo.

" Ano ang Itsura ng Helia at Kelwa mahal na diwata!" Tanong ni Theo kay Makiling.

" Gamitin mo ang Bracelet na ibinigay sainyo ni Haliya. " Utos ni Makiling.

" Papano ko ba gagamitin ito?" Tanong ni Ian.

" Simple lang ibulong mo sa Pulseras ang Tanong at ipapakita ng Liwanag ang Kasagutan. " Sagot ni Makiling.

At sabay Sabay nilang Itinanong sa mga pulseras nilang Dala kung nasaan ang mga sandata.

" Nais kung mahanap ang Sandata ng Helia.." Bulong ni Theo.

" Ituro mo saamin ang Sandata ng Kelwa. Hawak namin ang Pamilya mo ituro muna!" Sabi ni Ian. Agad namang nagliwanag ang mga Pulseras na soot nilang dalawa at Ang Liwanag ay iisa lang ang Dereksyon na itinuturo.

" Tandaan nyo may Kakayahan ang bawat Sandata na mag Palit anyo ayun sa kanilang Elementong taglay." Paalala ni Makiling.

Nagulat naman si Theo Dahil ang Liwanag nang Pulseras ay naka Turo sa Aquarium. Habang ang liwanag naman ng kay Ian ay nasa StandFan.

" Stand Fan? Seryuso ?" Pagaalangan ni Ian.

" Aquarium? Tapos basag pa!" Dagdag na sabi ni Theo.

" Ako na nga!" Sabi ni Makiling at nag balik na sya sa kanyang Dating anyo.

" Sandata ng Liwanag, Kelwa at Helia.. Ipakita saakin ang inyong tunay na Anyo." Sabi ni Makiling at sa isang Iglap ang Stand Fan at Aquarium na basag ay naging mga Espada. Agad namang Dinampot ni Makiling at Ibinigay sa Dalawa.

" Tayo na.. ang tatagal nyong Kumilos..." Sabi ni Makiling at Agad silang naglaho sa Lugar.

Samantala sa Kanlaon...

" Kapatid.. Nakuha na ng mga Sugo ang mga Sandata nang Liwanag. " Balita ni Haliya.

" Magaling... Ngayon Ikaw naman Magayon.. alam mo na ang Gagawin mo." Sabi ni Bulan.

" Gagawin ko ang lahat nang makakaya ko pinuno.." sabi ni Magayon.

" Malaki ang Tiwala ko sayo Magayon.. dahil sa Simula palang Ikaw na ang Naging Gabay ng mga Tagalipon. Pinahihintulutan kitang Saktan ang mga Tagalipon. " Sabi ni Bulan.

" Po? Pero... " Gulat na Sabi ni Magayon.

" Magayon kelangan mong gawin ang nakatadhana. At mabuti naman nandito kana Ofelia." Sabi ni Bulan. Habang si Ofelia naman ay naka Grand Entrance.

" Nandito na po ako Pinuno..." Sabi ni Ofelia.

" Magaling... Kayo ni Magayon ang Magbibigay ng Huling pagsubok sa mga Sugo ng Liwanag." Sabi ni Bulan.

" Opo naidetalye na po ni Diwatang Haliya kanina saakin. At walang Alam sina Reyna Alpia tungkol dito..." Sabi ni Ofelia.

" Magaling! Tingnan natin kung handa naba sila sa Huling pagsubok. Galing sa mga Guro nila!" Sabi ni Bulan sabay Dekwatro sa Upuan nya.

" Pinuno.. narito na din si Kathleya. " Sabi ni Alunsina kasama ang babaeng nakabalot sa Tela ang Mukha.

" Alunsina... Sinanay mo na si Kathleya ng husto..." Tanong ni Bulan.

" Handa nako diwatang Bulan..." Sabi ni Kathleya.

" Ang Laki muna Kathleya..." Sabi ni Magayon at sabay Yakap.

" Natutuwa ako Guro dahil nakita kita Ulit..." Sabi ni Kathleya.

TO BE CONTINUE...