Chapter 25 - CHAPTER 25

Ang Huling Pagsubok ng mga Diwata..

Previously....

Dahil sa nakitang pagbagbago ng mga diwata sa mga tagalipon at itinakda. Napagisipan nilang bigyan sila ng huling pagsasanay kung saan mag lalakbay sila sa ibat ibang mundo...

Habang sina sitan naman ay ipinatawag si Lula isa sa mga yumaong Tagalipon na kanyang binigyan ng buhay. At inutusang may gayahing wangis na isang malapit sa Buhay ng mga magkapatid...

Don't forget to vote thanks mga mahal...

..

.....

......

..........

............

Sa Mundo ng mga tao...

" Hay sawakas, nasa real world na tayo.. I miss the tall buildings, street lights, and mga sasakyan.. nakakaloka sa Bundok Yayaisa.." Sabi ni Mia, tuwang tuwa ng makarating sa syudad. Ilang sandali pa ay lumakas ang ihip ng hangin sa kanilang kinatatayuan. Ang bawat hampas ng hangin sa kanilang tenga ay nagiging Boses ni Magayon at Lihangin.

" Naway magtagumpay kayo sainyung mission.. maari nyo kaming makausap ni Magayon gamit ang Hangin. At tandaan nyo Kelangang di malaman ng mga tao ang inyung mga kakayahan." Paalala ni Lihangin. At tumango lang sila Tanda ng kanilang pag sang ayon.

" Ngayon guys, saan tayo mag sisimula...? " Tanong ni Alpia.

" Sandali lang Miss Alpia, may matitirhan ba kayo dito sa pinas ? " Tanong ni Theo.

" Meron naman Theo kaso, malayo dito. Taga Bulacan kasi ako. So medyo malayo hahaha. Nasa Manila tayo. " Sagot ni Alpia.

" Mas mabuti pa, doon tayo sa munti naming bahay. " Sabi ni Theo.

" Bakit guro, Hindi ba kaya ng ating kapangyarihan mag teleport dun sainyo. ?" Tanong ni Raven kay Alpia.

" Sa kasamaang palad Raven. Hindi tayo full engkanto.. di katulad ng mga diwata kaya nilang mag laho o mag teleport sa ibat ibang lugar. " Sagot ni Alpia.

" I see.. " - Raven

" Okay Wala namang Problema dun sa bahay namin ate Alpia, Ate Mia at Raven welcome kayo dun sa bahay namin... " sabi ni Tyler.

" Alright... Ang sayo nun. Let's go na!" Sigaw ni mia.

" Ok bro tulungan mo na ako sakanila di kaya ng powers ko ang marami... " Sabi ni Theo.

Agad naghawak kamay ang magkapatid ang samantala sina jake, Katalina, Ian at Jake ay humawak sa balikat ni Theo. Samantala sina Alpia, Mia at Raven naman ay kay Tyler.

...

.....

........

......

..........

Sa Kan-laon....

" Isang Sulat galing sa Kaharian ng Aydendril.. " Sabi ni Alunsina sabay abot nya kay Bulan. At agad naman itong binasa ni Bulan.

" Napakalaki ng suliranin ng Aydendril ngayon." Sabi ni Bulan habang binabasa ang liham.

" Anong Sabi sa Sulat pinuno ?" Tanong ni Alunsina.

" Nasakop na ng mga alagad ni Sitan ang palasyo ni Reyna Olivia. " Sabi ni Bulan.

" Nagkasundo ang mortal na kalaban ng Aydendril at si sitan.. at sa tulong ni Sitan nasakop ang kaharian ng Aydendril. " Salaysay ni Bulan.

"Papano yan pinuno.. di pa tapos ang mga itinakda at tagalipon sa Mundo ng mga tao. " Sabi ni Alunsina.

Ilang sandali pa ay may tatlo na mga pinuno ang dumating sa Kan-laon..

" Wag kayong Mag alala diwatang Bulan.. kami muna ang sasaklolo sa Aydendril. " Sabi ng babae na taga Oceana.

" Sierra ? Lina? Rica...?" Gulat na Sabi ni Bulan.

" Diwatang Bulan kami na ang tutungo ng aydendril. Upang tulungan ang isa sa mga kapanalig namin.. kung inyung ipapahintulot. " Sabi ni Sierra.

" Papano yan Reyna Sierra, ang inyung Kaharian.. " Sabi ni Bulan.

" Kasalukuyang binabantayan ni Diwatang Lidagat ang kaharian at amping Kapatid na si Paolo. Kaya handa kaming tutulong sa Aydendril. " Sabi ni Rica.

" Masaya akong marinig yan.. kung gayun binibigyan ko kayo ng pahintulot. " Sabi ni Bulan.

" Maraming salamat.. " Sabi ni Lina at sabay sabay silang yumuko kay Bulan bilang pagtanda ng pagalang sa diwata.

Balik kina Tyler at Theo...

Nakarating silang lahat sa bahay nila Theo at Tyler ngunit nagkaproblema sila sa pag pasok.

" Bunso yung susi ng gate ?" Tanong ni Theo.

" Wala sakin kuya..." Sagot ni Tyler.

" Umalis ka nga dyan Theo... " Sabi ni Jenna at agad niyang ginamit ang kanyang Hair pin.

" Ayan kasi, di kayo nag iingat! Kung saan saan nyo nilalagay ang mga gamit. Nakakaloka kayo. " Sabi ni Jenna habang kinakalikut ang lock ng pinto.

" Bakit dami mong alam sa ganyan Jenna ? Akyat bahay kaba dati..." Sabi ni Ian.

" BUSET ka talaga Kahit Kelan Ian.ikaw pag luluto ngayon ayusin mo.. " sagot ni Jenna ilang sandali pa ay bukas na ang pintuan.

" Welcome Welcome sa munti naming bahay.. tuloy kayo Miss Alpia, Raven bro.., Miss Mia. Welcome... " Sabi ni Theo.

" Ah miss Mia at Alpia may available kaming Two rooms sa itaas. Ung sa Kanan miss Alpia kay Jake at Tyler un. " Sabi ni Theo.

" Oops! Before. Now akin ang kwarto na un.." Sabi ni Tyler.

" Ah bro.. uwi nalang ako sa apartment nan dun pa sa likud ung motor ko text nyo nalang ako bukas kung saan tayu mag sisimula.. " Sabi ni Jake at agad lumabas ng pintuan. Agad syang hinabol ni Ian. Pero di na ito nag papigil. Napagpasyahan din ni Ian na umuwi sa Apartment nila ng dati nyang kasintahan na si Charlie..

" At bakit tumatakas kaba Ian.? Ikaw magluluto ngayon.." Biro ni Jenna.

" Tutulungan na kita sa pag luto sis Jenna.." Sabi ni Alpia.

" Tinawag mokong Sis? Nakakatuwa nama yun. Feel ko tuloy mag kasing puti tayo. Kasing balingkinitan at kasing ganda... " Sabi ni Jenna. At tumawa lang si Alpia.

" Ikaw mia halika samahan na kita sa kwarto.." sabi ni Katalina.

" Hon, aayusin ko lang din ung Kwarto natin." Sabi ni Theo sabay kindat kay Katalina.

" Umayus ka Theodore James Adonis.. Pilyo ka talaga." Sabi ni Katalina.habang si Mia naman ay tumawa nalang.

" Ang sweet nyo naman sa isat isa miss Kat, ilang years naba kayo ni kuya Theo ?" Tanong ni Mia.

" 2 years palang kaming mag live in.. sguro pag matapos na tung kaguluhan na ginawa ni Sitan. Papakasal na kami." Sabi ni Katalina.

" What if miss Kat, di natin matalo si Sitan? So di parin kayo mag papakasal?" Sabi ni Mia.

" Hindi alam kung ngayon mananalo na tayo. " Sagot ni Katalina habang paakyat sila ng Hagdanan.

" Nako Miss Kat, pag kasal na ung topic bet ko yan. Wedding planner ako sa U.S miss kat. What if bukas kasal na ninyu ni Kuya Theo ?" Sabi ni Mia.

" Pe-pero... " - Katalina.

" Wala ng pe-pero pero Miss Kat. Let me call my Contacts. Ako ang bahala sa lahat. " Sabi ni Mia.

" Nako papayag kaya si Theo.. " Sabi ni Katalina.

" Papayag yun.. akong bahala, lets use some magic !" Sagot ni Mia.

Samantala... Sina Raven naman at Tyler ay nagusap tungkol sa pag walkout ni Jake kanina.

" Hayaan muna.. sanay nako !" Sabi ni Tyler.

" Mahal Mo pa ba si Jake ?" Tanong ni Raven.

" Matulog na nga tayo haha. Good bye " Sabi ni Tyler sabay gamit ng kanyang kapangyarihan mag laho..

TO BE CONTINUE...