Chereads / Gemini(bl) / Chapter 7 - VII

Chapter 7 - VII

Gemini pov

"Saan mo nalaman ang ganyang bagay?"tanong ng ninong ni Alfred

"Aksidente lang."bagot kuno kong sabi. "Pero. Mabuti pa tawagan nyo nalang ako kung payag kayong ako ang maging leader."sabi ko sabay pakita ng bagong labas na yunit ng cellphone. "Alis na ko tutal alam naman ni Alfred number ko."paalam ko sa kanila

Aksidente.... di ko mapigilang mapangisi.

Aksidente lang yun. Basta dinukutan ko lang yung nandukot saakin.

Dahil dun nag karoon ako nung Keychain na bible.

At isang pastor ang nag kamaling nakipag palitan ng Keychain saakin.

Nag taka at na curious narin ako kung bakit sya nakikipag palit kaya sinakyan ko. At yun nung alisin ko yung maliit na Bible pag bukas ko nung cover imbis pahinang mag kakahiwalay mag kakadikit yun at may butas sa gitna sakto ang isang gramo ng droga.

Bilang mabuting tao nireport ko yun sa mga pulis kaya muntik nakong namatay. Yun ang dahilan kaya tumira ako sa Barcelona.

"Saan ka galing?"bungad saakin ng taong nag aantay sa gate ng talyer.

"Pakimo."sabi ko.

Bubuksan ko sana ang maliit na pinto ng gate kaso bago ko pa mailusot ang susi. Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko.

"Kinakausap kita ng maayos!"galit ngunit mahina nyang sabi.

Ang totoo sinusubukan ko syang iwasan. Sapat nakasi saakin na malaman ang totoo. Isa pa hindi kami pwede. Dahil mag kamag anak parin kami. Natuklasan kong anak pala ako ni Pilo. Nalaman ko yun matapos kong makita at madinig sila ni mama na nag uusap. Ako at si ate Lira ay mga anak nila.

Anak sa pag kakasala. Gusto kong mag tanong. Gusto ko silang sumbatan. Ngunit wala namang mag babago. Hindi parin kami pwede. Kaya nanahimik nalang ako. At nag desisyong umiwas nalang sa kanya.

"Nag sasabi lang ako ng totoo Albert. Wala kang paki alam kahit saang impyerno pa ako pumunta. Kaya bitawan mo na ako at nasasaktan nako."sabi ko habang pilit inaalis ang kamay nya.

Nabigla ako ng isandal nya ko sa gate at hawakan nya ko sa magkabilaang pulsuhan ko. Sinubukan nya akong halikan. Buti nalang naiiwas ko ang muka ko. Tapos ay buong lakas ko syang tinulak kaya napahiga sya sa kalsada at ako ay napada pa sa kanya dahil di nya binitawan  ang dalawa kong pulsuhan. Tapos ay umikot kaya ako na ang nasa ilalim.

"Bitawan mo ko umalis ka dyan!"habang pilit akong napupumiglas.

"Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo rin ako?"sa kaunauanahang pag kakataon nakita ko syang umiyak sa harap ko.

"Wala dahil meron ng may ari ng puso ko."

"Sino sya? Gusto ko malaman kung bakit sya? At hindi ako ang minahal mo?"basag ang tinig nyang tanong.

"Sino ba sa tingin mo? Bakit ba ako sunod ng sunod sa kanya sanakalipas na kalahating taon? Albert may mga bagay na di na dapat pang itanong. Kung kitang kita naman yung sagot."gusto ko ring umiyak pero hindi dapat. Hindi pwede. Baka malaman nyang nag sisinungaling ako.

"Bakit sya? Alam mo namang masamang tao ang ama nya? Droga ang pangunahing negosyo nila. Alam mo naman yun di ba?"

"Wala akong paki alam kahit sya pa mismo ang maging masamang tao. Kaya umalis ka na dyan."habang patuloy akong nag pupumiglas.

Binitiwan ako ni Albert at umupo sa tabi ko. Niyakap nya ang mga binti nya saka isinubsob ang muka sa tuhod nya.

Tumayo ako at binuksan ang gate mabilis akong pumasok sa loob at isinara iyon.

Dinakinaya pa ng mga tuhod ko. Napa upo ako dun at sumandal sa gate. Saka tahimik na umiyak.

Lumabas si pilo ng bahay. Lumapit sya saakin. Nang may pag aalala sa muka.

Umupo sya sa harap ko. Bago pasya mag salita ay kinuwelyohan ko sya.

"Kasalanan mo ang lahat. Dahil sayo di ko pwedeng mahalin ang taong mahal ko."bulong ko sa kanya habang ako'y tumatangis.

Niyakap lang ako ni Pilo na para bang alam nya na kung anong nangyayari.

"Pumasok na muna tayo sa loob baka marinig ka pa nya."bulong saakin ni Pilo.

Tapos ay binuhat nya ko. Papasok ng bahay. Iniupo nya ako sa sofa at lumuhod sa harap ko.

"Alam ko kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon."

"Alam mo? Paano mo malalaman ang nararamdaman ko? Kung wala ka naman sa sitwasyon ko."habang tuloy parin sa pag agos ng mga luha ko.

"Alam ko na narinig mo kami ng mama mo ng gabing yun."tumitig sya sa mga mata ko. "Minsan din akong napunta sa sitwasyon mo. Tulad mo pinigilan ko. Pinigilan ko ang sarili ko na mahalin sya. Akala ko pag nakipag relasyon ako sa iba makakalimutan kong mahal ko sya. Mapababae man o kahit sa kapwa ko lalaki. Ginawa ko lahat. Mawala lang sya sa puso at isip ko. Pero nung araw na sinabi ni Larry mag papakasal na sya. Para akong pinatay. Gumuho ang mundo ko non. Di ako nakapag isap ng tama. Kasama ang dati kong boyfriend halinhinan naming ginahasa ang babaeng papa kasalan nya. Nang walang nakaka alam."hindi ako makapaniwalang ganito pala sya kasama. "Pinakasalan parin ng papa mo si Laora kahit nag bunga ang nangyaring yun."nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin posibleng anak rin nya si ate Agua. "Doon ko nalamang sobra syang mahal ng papa mo. Kaya umalis ako bansa. Sa ibang bansa ko nakilala si Danica. Sa tagal ng relasyon namin. Binalak na naming mag pakasal. Kaya nung matapos ang kontrata nya pinauwi ko sya ng pinas at napapadala ng pera para sa pag aayos dapat ng kasal namin."minahal kaya nya si mama? Tingin ko hindi. "Kaso pag uwi ko para sa dapat ay araw ng kasal namin. Buntis na ang mama mo at kasal narin sila ng papa mo. Doon nya ipinag tapat na ginagahasa ng paulit ulit ng papa at pinag banta nakung di makakakuha ng pera sa akin para sa mga bisyo nya ay ako mismo ang papatayin."gusto ko sanang itanong kung wala kamanlang ba syang ginawa. Pero mas pinili kong hayaan lang syang magkwento. "Doon ko nalamang nagawa nyang mapaamin yung ex ko. Sa ginawa namin matapos makapanganak ng asawa nya. Nalaman kasi nyang ipinaDNA nito ang bata. Kahit dalawa kaming gumahasa sa kay Laora. Si Garry pari ang naka buntis sakanya."parang sasabog ang utak ko. Kayaba galit si papa kay tito Garry? Kaya ba malapi saamin ni ate si tito Garry? Pero baka nag kataoon lang na kapangalan nya lang ito. Isa pa mag pinsan sila. "Kaya anak kahit masakit. Kahit mahirap. Wag nawag kang gagawa ng maling desisyon. Kung  gusto mong umalis. Kahit saang bansa. Dadalahin kita. Wag kalang gumamit ng ibang tao para pag takpan yang nararamdaman mo. Hayaan mong ang panahon ang kumilos para sa pag hilom dyan. Wag mong ulitin ang pag kakamali ko."sabi nya. "Di ko na maibabalik pa ang nakaraan pero ikaw mababago mo pa ang bukas mo."

"Pilo."marami akong gustong itanong at sabihin pero wala akong lakas ng loob.

"Hmm.."

"Oo mahal ko si Albert. Pero..."diko alam kung dapat ko bang ipaalam sakanya na mula ako sa hinaharap. 

"Pero ano?"

"Nung unang araw na makita ko si Alfred. Nakita ko ang sarili ko na ikinakasal sa kanya."pag sisinungaling ko. "Anong tingin mong ibig sabihin non?"

Tumayo si pilo at nag palakad lakad. Halatang may pinag iisipan.

"Sigurado kang si Alfred ang ikakasal sayo? Hindi si Albert?"

"Oo bakit?"

"Naalala ko na sinabi noon nila Ren at Dan nanakita nila ang sarili nilang ikakasal sa isa't isa. Kaya kahit nabuntis ni Ren ang mama ni Albert. Kahit halos mapapatay sya nila tito at tita. Kahit itinakwil pa sya ng mga magulang nya. Si Dan ang pinili nya. Ang punto ng mga nangyari mahal nila ang isa't isa. Pero ikaw hindi mo mahal si Alfred? Hindi nga ba?"

Napatahimik ako. Marahil ito na ang sagot ng dyos sa mga tanong ko noon. Pipilin ko nalang kung ano ang tama at dapatgawin.

"Uuwi na ako sa bahay."walang imosyon kong sabi.

Napagtanto kong di ko dapat takasan ang lahat. Dapat kong ipag laban ang pamilya ko mula sa lolo ni pilo. Na syang kinilala kong ama.

"Bakit pa? Impyerno lang ang aabutan mo dun."

"Hindi ako duwag na tulad mo Pilo. Ililigtas ko ang pamilya ko sa dimonyong naroon sa bahay."

"Ikaw ang bahala. Pero kaya mo ngaba silang iligtas mula sa kanya?"hinawakan nya ko sa balikat. "Hindi basta kung sino sino lang ang makakalaban mo."

"Alam ko!"kahit di ko naman talaga alam kung paano ko mapapalayas si papa sa buhay namin. "Pero kung di ko susubukan-"pinigilan ko ang sarili ko na magsalita.

Isang bwan nalang ang natitira darating na ang araw ng pag papatiwakal ni ate Agua. Napasabunot ako sa sarili at napaupo.

Sa nakalipas na pitong bwan nakalimutan ko si Alex. Umagos ang mga luha sa mata ko. Natatakot ako sa isiping baka wala na sya.

Niyakap ako ni Pilo.

"Patawad kung duwag ako. Pero anak kung wala lang mataas nataong sinasandalan sila Larry matagal ko na sya inalis sa buhay nyo."sabi nya.

Isang tao lang ang alam kong malapit sa kanya. Ang tiyo ni kuya Tonton.

"Si Pastor Agusto."isang bwan bago ako pumuntang manila.

Naglabasan lahat ng secreto ng pastor nayun. Mula sa panggagahasa sa mga menorde idad,pambubulsa ng mga donation ng mga membro nila maging ang palihim nyang pagbebenta ng droga.

Maraming membro nila ang bulag sa katotohan o nag bubulag bulagan. Di ko alam basta di sila pumayag na kunin ng mga pulis ang pastos nayun. Kaya napilitan ang mga pulis sa gumamit ng dahas.

Marami ang namatay kabilang na si kuya tonton at mga magulang nito. Samantalang yung magaling na pastor nakatakas.

"Alam mo?"

"Matagal ng bulongbulungan na mahilig sa bata ang pastor nayon. Pero iba ang iniisip ng iba. Ang akala nila sabik lang syang mag kaanak. Dahil baog ang asawa nya."yun naman talaga ang bulongbulungan.