Chereads / Gemini(bl) / Chapter 8 - VIII

Chapter 8 - VIII

Leo pov

Binuhat ko si Gemini matapos nyang matulala nalang. Kahit lagi syang sinasaktan ni papa. May buhay parin ang mga mata nya. Pero nung mga sandaling yun.

Tila isang patay na Gemini ang nasa bisig ko. Walang ningning ang mga mata nya. Habang naka tingin sa kawalan.

Tapos nalipat ang senaryo sa simbahan. Kasabay ng pag bukas ng pinto. Bumagsa sa harap ko si Gemini nakadilat sya. Nagkalat ang dugo nya sa sahig. Napansin ko sa paako ang isang larawan. Si Lira at si kuya Tonton. Doon ako napatingin sa paligid.

Maraming larawan ang nag kalat. Si Lira naka suot ng pang kasal at at lalaking yakap yakap ang tila bangkay ng si Gemini. Hahawakan ko sana upang malaman kung sino sya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

*Toktok*

.

.

.

.

.

.

*Tokto*

May kumatok sa pinto. Idinilat ko at napilitang bumangon. Marahil isa lamang yong bangungot.

Kahit pa di ako malapit kay Gemini ako ang pinaka unang nasasaktan at nadudurog pag nakikita ko syang umiiyak.

Pag bukas ko ng pinto si Gemini pala ang kumakatok. Di ko na napigilan pa ang sarili ko na yakapin sya. Ayokong mangyari ang nasapanaginip ko. Ayokong mawala sya.

Kasabay ng pag bagsak ng mga luha ko. Nang mga sandaling yun napag tanto ko na mali man mahal ko sya. Mahal na mahal ko si Gem di bilang kapatid. Kundi isang lalake na nag mamahal sa kanyang sinisinta.

"Kuya bakit?"di ko sya sinagot.

Bumitaw ako sa pag kakayakap sa kanya. Saka isinara ang pinto. Napasandal ako sa pinto at impit na humagulgol. Natatakot ako at nag sisisi kung sana di ako duwag. Sana ay nagagawa ko syang ipagtanggol. Kung pwede ko lang sanang ipaglaban ang laman ng puso ko.

.

.

.

"Yung kapatid mong bakla oh." Sabi ni Lukas sabay turo kay Gem kasama nya si Alex.

Kinabahan ako para sa kanya. Ayaw kasi ni kuya Aris na naririto sya. Dahil nakakahiya daw. Bagay na kailanga kong sang-ayunan.

Kahit ang pangarap ko ay makita syang pinapanood akong mag laro. At pupunasan nya ang mga pawis ko at bibigyan ako ng maiinom. Twing practice namin o kaya pag nag lalaro na kami.

"Anong ginagawa mo rito? Di ba ang sabi ko bawal ang salot dito."galit na lumapit si kuya Aris kay Gem.

"Gusto ko lang po sanang mag tryout kuya."ramda ko ang kaba sa tinig nya.

Natawa si kuya Aris sa tugon nya.

"Ikaw magta-tryout."mapang insulto nyang sabi. "Magkakalat ka lang ng kabaklaan dito e."nakuyom ko ang kamao ko.

"Bakit di muna natin subukan kuya? Malay mo di lang pala si Ate Lira ang kaya kong ilampaso."nakangiti nyang sabi.

Agad akong lumapit ng kumuyom ang kamao ni kuya Aris. Hindi ako papayag na saktan nya si Gem.

"Hayaan mo na kuya open naman para sa lahat ang tryout ngayong taon."sabi ko.

"Sige."umay na sabi. "Burahin mo muna yang lipstick mo at mag ipit ka. Leo pahiramin mo na rin ng pamalit yan." Tumango ako.

Isinama ko sya locker room upang makapag palit sya. Pinalabasa ko muna ang mga naroon bago ko pinapasok si Gem. Ayokong may ibang makakita ng hubad nyang katawan.

Pag labas namin ng locker room. Napansin kong tila may mga nagulat at natulala. Babae man o lalake.

"Grabe sobrang gwapo pala nya."dinig kong sabi ng isang babae maaari. Kapatid lamang nya ako at hindi kasintahan.

Unang sinubukan kung anong alam nila sa basic.

"Bakit tulala ka dyan di kaba marunong mag dribble ng bola."sabi ni kuya Aris saakin habang may pang iinsulto sa tinig nya.

Napansin kong tila may hinahanap ang mga mata nya. Ngunit sino?

Agad drinible ni Gem ang bola at ishinut sa ring. Base sa pwesto nya 3pionts ang ginawa nyang yun. Di ko napigilang mapa ngiti. Sino ngabang mag-aakalang ganito sya kahusay.

"Alis na'ko."sabi nya saka umalis.

"Saan ka pupunta?"tanong ni Kuya Aris.

"Saan paba sa tingin mo? Kailangan natin si Gemini sa team, kuya."

"Hindi! Hindi sasali ang salot na yun sa team ko."

"Ako ang team captain. Ako ang masusunod."sabi ko at saka tumakbo para sundan sila.

Dumiretso sila sa parking. Bago ko pa sila maabutan nakita ko mula sa pwesto ko ang pag hahalikan nila Lira at ng bayaw namin.

Di nako nag isip pa agad akong tumakbo at sinuntok ko ang asawa ni ate Agua. Umpisa  ayoko na sa lalakeng to. Ngayon alam ko na kung bakit.

Nag pambuno kaming dalawa. Wala akong paki kahit madehado ako. Basta ang alam ko gusto ko syang patayin.

Susuntukin sana nya akong muli ng hinawakan ni gem ang kamao nya bago pa tumama sa muka ko.

Agad nya ring pinihit ang braso nito papunta sa likod n. Sabay sinipa sa likod ng tuhod nya. Rason upang mapaluhod sya. Sinipa nya rin ito sa likod  upang sapilitang idinapa ng di binibitawa ang kamay nya upang baliin ang braso nya at isubsob sya sa lupa.

"Wala kang karapatang lokohin ang Ate ko!"galit nyang sabi habang tinatakan at sinisipa ang ulo nito.

Nang mga sandaling yun pakiramdam ko hindi sya ang kapatid ko. Para syang biglang naging ibang tao.

Taong walang kinakatakutan at handang pumatay. Nang dumating si kuya Aris mag katulong namin syang inawat at inilayo sa asawa ni ate Agua.

"Wag nyo kong pigilan papatayin ko yan!"galit nyang sabi.

Tapos ay dumating si Ate Agua kasama si mama. Agad syang sinampal ni ate.

"Ate."Akala ko natauhan na sya. Bigla syang umiiyak at niyakap si Ate. "Pangako papatayin ko kahit sinong mananakit sayo." Tilaba wala sa katinuang sabi nya.

"Mukang nabaliw na ang salot."umay na bulong ni kuya Aris. Gusto ko syang sapukin.

Umiyak din si Ate Agua sa mga bisig nya sabay sabing.

"Wag mong gagawin yun. Kaya kong tiisin lahat wag kalang maging kriminal." Maliman pero satingin ko may mali din kay Ate.

Bumitaw sya sa pag kakayakap kay ate. Agad lumapit sa bayaw namin at sinakal ito. Para syang may binulong at lumapit muli kay ate.

Nakakatakot at nakakapagtaka talaga ang mga kininilos nya. Tila ba nawala na ang taong mahal ko kahit di naman sya umalis.

Hanggang sa hapag kainan walang sino man ang nais kumibo sa amin. Di ako mapalagay. Paanong biglang nag bago ang kapatid ko.

Alam ni papa ang pambubugbog ni Gem sa asawa ni Ate. Pero ibang kwento ang nakarating kay papa. Dahil yun ang ulos ni mama. Wala ni isa sa amin ang nais magsalita.

"Sya nga pala papa. Sasali akong drama club."pambabasag ni Lira sa katahimikan. Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Kahit kelan papansin ang babaeng ito.

"Hindi ako aalis ng drama club."tugon ni Gem. Saka uminom ng tubig at umalis sa hapag.

Satingin ko di panya nakakalimutan yung nangyare last year.

Paniguradong basa na rin nya ang balak ni Lira. Malang gagawa ito ng paraan para saktan ulit ni Papa ang mahal ko.

Balak ko sanang tumayo para sundan sya pero nagulat kami ng hampasin ni papa ang mesa.

"Walang aalis! Ubusin nyo ang laman ng mga plato nyo."utos ni papa.

"Wala kang karapatang utusan ako."sabi ni ate saka tumayo.

Pinas pasan naman nilira ang pag kain.

"Tapos na po ako papa. Mag papraktis pa ako para sa pag sali ko sa drama club."nakangiti at masaya nyang sabi saka umalis.

Nag madali narin akong kumain. Di pa ako nakakatayo

"Papa! Papatayin ako ni Gemini tulong! Papa!"naghihisterikal na sigaw ni Lira mula sa taas. Nag mamadali kaming umakyat lahat.

Pag dating doon nakita namin si ate na may hawak na cutter.

Sa harap naming lahat nag wala bigla si Gem. Ibinato nya ang lahat ng pwede nyang maibato. Pati ang huling painting nya na alam kong pinaka mahalaga sa kanya nagawa nnyang sirain.

Kitang kita ko ang sakit at galit na nararamdaman nya. Bigla nyang pinulot ang piraso ng base.

"Sa oras na payagan nyo sya. Mag papatiwakal ako. Di ako papayag nakawan nyo ako ulit ng pangarap."lumuluha nyang  sabi.

Nakita ko ang pag lambot ng mata ni kuya Aris. Bigla ring kinuha ni Lira cutter kay ate Agua.

"Sige papa subukan nyong sundin ang salot. Na yan ako ang mawawala."pag babanta habang nakatutok ang cutter sa leeg nya

Nag alala ako kay Lira ganon din sila kuya Aris, ate Agua, mama at papa. Siguro dahil  inakala naming siryoso sya. At mas kaya nyang gawin ang banta nya.

Bigla nyang nabitawan yung cutter agad lumapit sina papa at mama sa kanya. Halos manigas kami ni ate agua ng makita naming mumaagos sa leeg mula ni Gem ang napakaraming dugo.

Naka dilat lang sya. Agad hinubad  ni kuya Aris. Ang damit. Nya at itinupiyun upang ilagay sa leeg.

"Ano pang ginagawa nyo tumawag kayo ng ambulansya!"sigaw nya. Doon ako tila bumalik sa ulirat.

"Hayaan nyo syang mamatay. Ginusto nya yan."

"Pa! Anak mo rin si Gem!" Halos maiyak na sabi ni kuya Aris.

"Anak? Wala akong anak na salot! Dapat lang na mamatay yan ng bawasan ang salot sa mundo!" Diko na pigilang masuntok si papa.

"Mula pag kabata pinaniwala  mo kaming salot ang mga tulad ni Gem. Pero sa na kikita ko ikaw yun pa! Ikaw ang salot sa buhay ng kapatid ko!"umiiyak kong sabi.

Galit ako kay papa dahil sa trato nya sa taong mahal ko. Pero nagagalit. Din ako sasarili ko. Bukod sa di ko maipagtanggol si Gem noon. Nagawa kong sakta ang sarili kong ama ngayon.

Dinala namin nila kuya Aris at ate Agua si Gem sa ospital. Di pamannasisimulan ang operation ni Gem. Kinaladkad na kami paalis sa ospital ng mga tao ni Pastor Agusto. Pina uuwi naraw kami ni papa.

"Hayaan nyo ng mamatay yan."sabi ni Pastor Agusto.

Buti nalang dumating ang ama ni Alex. Binayaran nya ng buo ang magiging operation ni Gem. Ayaw parin sanang pumayag ng doctor dahil malaki ang utang na loob nito sa pastor. Pero ng malaman nyang si tito Garry pala ang may ari ng ospital at kung di ito nag banta na mawawalan ng lesensya ang doctor. Di talaga nila ooperahan ang kapatid.

Si pastor kasi at ang religion nya ang sinusunod ng higit sa kalahati ng mga tao sa buong bayan. Paano'y napaka buting tao nito at napakadaling lapitan lalo na kung emergency. At walang pambayad ang tao. Kahit pa iba ang religion ng hihingi ng tulong walang sino man ang nag dadalawang salita. Halos lahat ng tinutulungan ng pastor nayun ay umaanib sakanila. Yung iba umaalis ng bayan.

Ang sabi ay tumatakas kasi ay walang maipangbabayad sa pastor. Nasinesegudahan naman ng iba na sana ay nakiusap sa pastor. Pano ay di naman daw nito pinatutubuan ang utang. Kung magkano lang ang hiniram mo yun lang di naman ang babayaran mo.

Pero nung mga sandaling yun. Nangmalagay sa panganib ang taong mahal ko. Hindi ako naniniwalang ganong klase nga ang pastor hipokrito rin sya tulad ng iba.