"Amelia... Amelia..." Umiiling-iling na turan ng isang matipunong lalaki. Naka pamewang ito habang naka-angat ang ulong nakatingin sa'akin "Oh, our Brave Rebel" he named me.
Siningkitan ko siya ng mata saka unti-unting itinutok sakanya ang hawak kong pana. Napapitlag siya. He great damn know that I could shoot him with my arrow without thinking twice.
Napa hakbang narin palikod ang mga kasama niyang kawal sa pangambang madamay sila sa kalokohan ko.
I silently giggled. I love the fact that they know how dangerous I am. "Tss," nangunot ang noo ni Miguel.
"Heneral, baka puruhan tayo ni Lady Amelia," Alalang turan ng isang kawal. I rolled my eyes. "It wouldn't hurt you naman kung pati kabilang mata mo galusan ko, Miguel diba?" Mas lalo ko siyang nainis dahil sa sinabi ko.
His right eye has a scar, gusto ko lang pantayan. Sa left din para pareho nang pikit ang mata niya at tumigil na siya sa kakahanap sakin. "Hindi rin naman masakit na bumaba mula sa puno, diba Amelia? You're giving me a hard time. Get down and stop arrowing the villagers' chickens" I clenched my teeth.
"I was just practicing!" turan ko at hindi makapaniwalang napabuga lang siya ng hininga. Napakamot naman ng ulo ang ilan niyang mga kasama.
I rolled my eyes at them, "Wag ka nang mag alala, ipapapalit ko lahat yun sa aking ama," dagdag ko pa pero diko man lang siya napa-amo sa pagku-kumbinsi ko. "Tss, palibhasa....-
Nakaka-irita talaga itong one eye na ito. Bumubulong-bulong pa siya na nakaiwas ulo. Damn him! I know he was cursing me or something. Nainis na ako. Lalo na sa part na makita ko siya ngayon at istorbohin ako.
I was about to shoot him by my arrow when someone shoot my arrow first. Aaminin kong nagulat ako doon, dahilan ng pagkawalan ko ng balanse at madulas sa kinadadantayan kong puno kaya ako biglang nahulog.
Mabilis lahat ang pangyayari at sa pagmulat ko ng aking mga mata mata, nasa bisig na ako ni Miguel. My eyes widened. NO! I'VE BEEN CAUGHT!
Mabilis na sana akong bababa at tatakbo nang may malakas na pumitik sa aking noo "OUCH!" inda ko sabay sapo sa'aking noo.
"Nag iisa ka nang babae, nag iisa ka pang sakit ng ulo" Mariin na panenermon ng isang lalaki. "Miguel, deretsyo siya sa kanyang silid. Darating ang ama ngayong gabi. Siguraduhin niyong madadatnan namin siya ngayong gabi sa palasyo" Maawtoridad na utos nito.
Mabilis kong sinamaan ng tingin ang aking nakatatandang kapatid. "Masusunod po, Haring Arillio" Miguel answered with a bow.
"Hindi ako mag kukulong hanggang gabi sa boring niyong palasyo! Ikamamatay kong umuwi!" tutol ko habang nasa bisig pa ni Miguel.
Halos ilayo pa ni Miguel ang ulo niya nang sumigaw ako pero hindi ko yun pinansin. Muli akong pinitik sa noo ng aking kapatid at talaga namang mangiyakngiyak akong napasapo muli dito.
Bakit naman hindi masakit? Ang kanyang gintong baluti ang tumama sa aking noo. "Wag nang matigas ang iyong ulo. Apat na araw kang pinaghahanap ng mga tauhan ko, tas matutuntun kalang pala nilang pumapana-pana ng kahit ano sa kagustuhan mo?" Namumuo ang luha kong sinalubong ang mata ng aking kapatid.
Sa una ay may bahid ng galit at pagkadismaya ang kanyang mga mata. Ngunit napalitan iyun ng awa at pangamba bago iyun napawi ng pagkapanatag.
My face soften, iniisip nanaman ba niya ang dahilan ng pag ka rebelde kong bata? Tss, masyado naman silang emosyonal sa part na yun! I just want to have fun, yun lang yun, walang halong sad story.
Kumunot ang noo kong nakipagtagisan ng tingin sa kanya, sasabat na sana uli ako bilang pagpapakita ng katapangan ngunit naunahan niya na agad ako. "Subukan mo lang tumakas, ipapa-pana ko kay Miguel ang alaga mong aso"
Namilog ang aking mga mata sa narinig ko. Bigla naman akong binuhat na parang sako ni MIguel, "Aray!" inda ko, hindi ko nagawang makipagtalo sa sinabi ng kapatid ko. Argh! Miguel's armor is hurting me either! "Ibaba moko, Miguel!" utos ko na tila hindi rumihistro sa tenga ni Miguel.
"Mauna na po kami, Hari" paalam ni Miguel bago magsimulang maglakad. I screamed, hindi pako naka rebat! "No! subukan niyo talaga saktan alaga ko, ako magngangat-ngat ng mga gamit niyo!"
Napailing-iling muli si Miguel "Wild brat" bulong nito pero rinig na rinig ko. Tumigil ako sandali at malakas na bumuga ng hangin bago ko sabunutan ang buhok ni Miguel. I spout every curse word to him and he didn't care. Inaalis niya lang ang kamay ko sa buhok niya.
Ibinaba niya ako at pinagtulungan ng mga kawal na maitali saka ako isinakay ni Miguel sa kanyang kabayo.
I sat quiet and difeated, hindi na ako umimik pero kitang kita sa mukha ko ang pagkainis. Miguel smirked at me before tapping my head. "Now... Now.. My Lady, we're going home" masama ko lang siyang tinignan at nginitian niya lang ako.
"Sa susunod na uuwi ako, sisiguraduhin kong hindi na ikaw ang magbabalik sakin sa palasyo" I smiled at him too and take note, in a sarcastic way.