Halos masira na lahat ng tela at gamit ni Arillio sa kanyang silid. I crossed my legs and arms while sitting on a wooden desk.
Masama akong nakatingin sa kawalan habang hinahayang magwala, magngat-ngat at mag-sira ng gamit ang alaga kong aso.
"Jusko po... Gumi! itigil mo yan..."
"Nako po, lady ang iyong alaga marami na pong napinsala"
Napabuntong hininga nalang ako sa mga pakiusap at pag aalala ng aming mga saguiguilid. I watched the two guards trying to catch my dog but always fail when they attempt to.
I rolled my eyes and shaked my head in dissapointment. Napahilot ako sa aking sintunado, ito na ba ang lakas ng mga tauhan mo nakakatanda kong kapatid? Ni aso na ngalang ang hinahabol, nauutakan pa sila.
No wonder, the royal guards could not catch me either. Maya't-maya ay nadapo ang attensyon ko sa labas ng napakalaking bintana ng silid ng aking Hari na kapatid. Hindi ko narin pinansin ang nasira at nahulog na kurtina nito dahil natulala ako sa makahoy na kagubatan sa labas ng aming kaharian. The Forbidden Forest they say...
Ni minsan hindi pa ako nakatapak sa lugar na yun. Kung saan-saan na ako napapadpad sa tuwing tumatakas ako ng palasyo pero dahil sa mahigpit ang bantay at ipinagbabawal ang pag punta sa kagubatan na yun ay hindi ko pa nakikita ng malapitan ang lugar na iyon.
I was too focused with the view na hindi ko namalayang may humila sa braso ko, "Sandali lang akong nawala, nandelubyo ka na agad sa kaharian. Hindi ba dapat nasa iyong silid ka lamang" Miguel shocked me, parang bigla nalang siyang sumulpot out of no where.
Sh*t, If I can run away from guards, Miguel will always catch me. "Gumi!" tawag niya sa ngalan ng aso ko na agad naman nakuha ang attensyon. My dog barked and immediately run toward us. Gumi was hopping and jumping to us before he sat behavely in front of us.
I faked my laugh, "You won't tell anything right? Wala kang nakita, Miguel . Warriors Secrecy ba, what you see, what you hear--
"No. But I believe your brother wont bother to ask." Tinignan niya ang kabuuan ng kwarto na dali dali namang inaayos ng mga sanguguilid. Sumimangot ako," Bakit? obvious ba?" Inosente ko pang dagdag.
Miguel just look at me sarcastically, I rolled my eyes at binawi ang braso ko pero hinawakan niya agad ako sa pulsuhan. "Puro ka kasi kabulastugan, Amelia." He said before pulling me.
Napanguso ako, " Si Arillio nauna. Sabi niya papanaan ang alaga ko. Inunahan ko lang siya." mayabang ko pang turan at ngumisi lang siya. "Masyado ka kasing pikon, dinadamay mo pa si Gumi. Sa tingin mo ba kaya kong panahin si Gumi? Mas mabuting ikaw nalang panahin ko, Amelia kaysa kay Gumi" napaawang ang bunganga ko sa sinabi niya. Hinayupak siya!
Masayang sumunod si Gumi samin na tumatahol tahol pa kay Miguel , " Alam mo ikaw napaka komportable mo na masyado sakin. Amelia ka ng Amelia pero pag yung mga kapatid ko tinatawag mo naman sila ng may galang" reklamo ko sakanya habang tinatahak namin ang malawak na pasilyo ng palasyo.
Ngumisi siya at saglit akong tinignan, "Hindi ka naman kasi, kagalang-galang" Saad niya at gusto ko na siyang suntukin sa ulo pero bago ko pa gawin yun ay tumahol na si Gumi kaya natigilan den ako. "Tsk! I'm still the Lady of this Kingdom" I said. He looked at me boredly.
"Hindi ba't tinatakbuhan mo nga ang pagiging Lady mo?" He said at hindi ako nakaimik. My heart ache for a moment at tipong parang natusok ang dila ko at hindi nagbalak na magsalita.
T-That's not true at all, "tumatakas lang ako, dahil sa pagka bagot ko rito sa palasyo. Lalong lalo na sa ka epalan mo, Nakaka sawa na kasi. Lagi mo nalang ako natutuntun" paliwanag ko at bigla kaming huminto. Binitawan niya ang pulsuhan ko na dinilaan naman ni Gumi.
Hinarap ako ni Miguel bago siya nagkabit balikat "sawa ka na palang magpahuli sakin then just stop running away. We want you safe so please, my lady" he bowed na bahagyang ikinagulat ko "Stay in the palace. Stop making trouble" seryoso niyang dagdag at tignan ako sa aking mga mata.
Sandali pa kaming nagtitigan pero bigla ko lang siyang dinilatan. "Bleh! Never. Sa susunod na hahanapin moko, hinding hindi mo na ako mahahanap! " asar kong sigaw sakanya bago siya talikuran ngunit sa pag harap ko palamang sa aking likod ay bumangga ako sa dibdib ng kung sino.
"Still stubborn. I see" Napakagat ako ng labi at dahan dahang nagyuko ng ulo. gosh...
"Prinsepe Amir, Maligayang pagbabalik po" Bati ni Miguel sa isa ko pang nakakatangdang kapatid. "Long time no see, Miguel. Thank you for your service. I'm sure the lady caused you too much trouble" Tumawa silang pareho, "Sobra po" dagdag ni pa ni Miguel.
Tinapunan ko si Miguel ng nagbabantang tingin pero agad kong naramdman ang mabigat ang kamay ni Amir sa balikat ko. I faked a smile, again.
"Sige na, Miguel. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Parating na ang iba, kakailanganin ka na nila roon" Agad naman na nag bow si Miguel at nagpaalam. Tumingin pa muna siya sakin at mapang asar na ngumisi bago tuluyang umalis.
Pabulong ko lang siyang minura, "One eye..." dagdag ko pang bulong pero narinig pa yun ni Amir, Aist... talaga naman Amelia!
"Baka gusto mo ring mag karoon ng iisang mata, Amelia" I raised my head and I saw him smiling, halos pikit na ang singkit nitong mga mata sa likod ng kanyang salamin. Pero sa kabila ng matamis na ngiting ito ay may kadiliman naman ang awra niya, geezz this weirdo!
Tumikhim ako sa nerbyos, "I'm doing a study anyway, ikagagalak kong pag aralan ang esmeraldang mga mata ng aking napakagandang kapatid. I'm also currently practicing a surgey where I can implant it to another person. I guess you know what I mean Amelia?" Napalunok ako sa pinagsasabi ng doctor na ito.
"Nagbibiro lang naman ako, eh!" Feeling ko mamumutla ako dahil minsan niya narin akong pag experementuhan.
He laughed coldly tapping my shoulder, nag taasan lang ang mga balahibo ko, "Then behave." huling sabi niya bago niya ako igawad papunta sa isang silid.
Napasimangot lang ako dahil ito na ang ikinayayamot kong silid ng palasyo, kung saan ako aayusan.
"Lady Amelia, Prinsipe Amir.." Sabay-sabay na bati ng mga tao, kinausap pa sila ni Amir bago nila ako hilain sa paliguan. Yes, as how it is in the old ways. I am served by the servant from head to toe, sa pag ligo, sa pag damit, sa pag ayos ng buhok at pagkokolorete ng ng aking mukha.
"Is this necessary that I wear make up? It's just us" Turan ko na nakatingin kay Amir mula rito sa salamin saking harapan. He was walking back and fort reading a book while my dog is soundly sleeping on the sofa.
Huminto si Amir at tumingin sakin. He look at the maid and gestured what I want and I simply smiled. HE..HE..HE... at the end of the day hindi parin naman sila maka 'hindi' sakin.
Naka ayos narin si Amir, We are wearing a red royal theme aristocratic dress gayundin sigurado sa mga makakaharap namin sa hapag.
Binuhat ko ang laylayan ng aking damit, may bigat din ito kaya naman may umalalay sa'akin agad. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at ginising ang aking alagang aso. "Gumi... Halikana" Alok ko at magsimulang mag lakad ngunit nakakalimang hakbang palamang ako ay huminto ako dahil hindi bumangon si Gumi at mas lalong hindi siya tumahol.
Mabilis akong tumingin sa aking alagang aso. napansin ko naman ang pag ayos ni Amir sakanyang salamin habang naka tingin parin sa libro. Medyo kumabog ang puso ko sa kaba.
"Gumi..." mabagal at mapanuyo kong tawag uli sa aso ko habang nanatili ang tingin ko sa aking kapatid.
Tumikhim si Amir at inayos ang coat niya habang nag babasa parin sa makapal niyang libro, "I think he must be awake by now" namilog ang aking mga mata sa binitawan niyang salita.
No way... "What have you done now, Amir?!" galit kong bulalas at nag madaling nilapitan ang alaga ko. "May sinubukan lang ako. Maniwala ka saakin. natutulog lang siya, magigising den ang alaga mo" Gusto ko atang mag wala sa sinasabi niya.
"Maniwala?! Amir! pati ba naman aso ko pag didiskitahan mo, ano ba namang klasing doctor ka!" bulyaw ko bago muling gisingin ang aso ko. Niyuyogyog ko na ito ngunit hindi parin ito nag kakamalay.
"What's happening here?" grabe isa pa ito.