Chereads / re;live - THE PROLOGUE / Chapter 2 - OPPAI INC.

Chapter 2 - OPPAI INC.

Ophir's Pi Programs Artificial Intelligence Incorporated... in short, OPPAI Inc. 

Maraming company ang sumikat dahil sa pag gawa ng gadgets at dahil na rin sa kanilang mga AI. Sa lahat ng mga kompanyang ito, ang pinaka nasa tuktok ay ang OPPAI Inc.

Kadalasang ginagamit ang mga AI upang mapabilis ang trabaho ng karamihan. Kahit saan ka pumunta meron kang makikitang AI, at kahit ang kanilang smartphones ay may AI narin. Merong iba't ibang klase ng AI. Ito ay ang Narrow AI, General AI, at Super AI. Sa ngayon ay puro narrow ai at general ai ang kalimitang ginagamit ng ilan at hindi pa nag eexist ang super ai... pero yan ang alam ng karamihan.

"Magandang-magandang-magandang-magandang-magandang umaga sa inyong lahat mga kabayan! Ako nga pala si d-d-d-DJ.. Macho!" sabi ng dj sa radio. 

May roong nagising sa lakas ng tunog ng radio galing sa ibaba. Bumangon sya at umupo at tumingin sa kanyang alarm clock sa kanan. Muka syang kinulang ng isang taon sa pagtulog habang nakatingin sa alarm clock na ang oras ay 4:32am at sinabing "a-was kwatwo?" (alas kwatro o 4am) "ang.. aga pa ah.. *yawn* hay nako."

Inabot nya ang alarm at pinatay ang alarm mode para hindi na tumunog mamaya. Kinuha nya ang smartphone sa tabi ng kanyang unan, humiga ulit, at nanood ng random videos sa NikNok. 

Makalipas ang mahigit isang oras sa panonood ng videos sa niknok, meron syang nakitang nakakatakot na video pag scroll nya. Isa pala itong jumpscare video ngunit huli na nang nalaman nya. 

Napanood nya na ang mga namatay na tao ay nagiging multo at nagpaparamdam sa mga kamag-anak. Nagulat sya nang lumabas sa screen ang white lady kaya naibato nya ang phone paitaas at literal itong nag airplaine mode ng isang sigundo. At.. tumama ito sa muka nya pag bagsak. Inangat nya ang phone at napatingin sa oras, nakita nyang 5:45am na at kelangan nya nang kumilos.

Umupo sya at biglang may nakita sa salamin na katabi ng alarm clock... nagulat at natakot sya ng may nakita syang mahabang buhok... ngunit na realize nya na sya pala yon. Inabot nya ang panali na nasa higaan at basta basta nalang itinali ang buhok.

Tumayo sya para lumabas at nagsimulang pumuntang pintuan....at....binuksan nya ang...teka.........pagkalipas ng SAMPUNG sigundo, sawakas ay nakarating na rin sya sa likod ng pintuan kahit pa ANTAGAL ng kanyang paglalakad. Binuksan nya ito at lumabas na sa kanyang 10x12 FEET NA KATAMTAMANG SIZE NG KWARTO.

"Sa panahon ngayon, marami nang gadgets ang nauuso din kagaya nalamang ng mga AR Glasses, VR Headsets, Full Dive VR Headsets, at marami pang iba. Petabytes na rin ang kalimitang storage capacity ng mga ito kagaya ng Smartphones, Desktop Computers, Laptops, at Servers" sabi ng newscaster at naririnig nya parin ang lakas ng radio.

Pumasok sya sa maliit na banyo sa kanyang kaliwa at binilisang umihi, magmumog, maghilamos, at magpunas ng kanyang muka at agad siyang lumabas ng banyo para bumaba. 

Habang pababa sya sa hagdan, nakita nyang nakabukas ang pintuan ng madilim na kwarto malapit sa hagdan... kwarto ng kanyang lola. Nang makababa sya, nakaramdam sya ng lamig at nanlaki ang kanyang mga mata. 

Dahan dahan syang lumapit sa madilim na kwarto kahit na kinakatakutan nyang pumasok dito. Dahan dahan din syang sumilip at bigla nyang nakita ang maliit na pulang ilaw sa gitna ng dilim.