Chereads / re;live - THE PROLOGUE / Chapter 7 - Mother's Cry

Chapter 7 - Mother's Cry

Huli na ng dumating ang mga bumbero at ambulansya. Pero pag dating nila ay wala na ang driver ng truck. Pagkapatay nila sa apoy ay tanging titanium bracelet at earrings nalang ng lalaki ang nakita. Masyadong malakas at mainit ang naging apoy at kahit bakas ng dugo ay hindi nahanap. 

Malakas din ang hangin kaya ang mga abo ay nagsisiliparan palayo sa lugar. Dahil na rin ito sa mga nasunog at natunaw na mga bakal at goma. Kaya ipinagpalagay nalang na naging abo na ang katawan ng lalaki. 

Nakita din nila sa malayo ang kanyang phone na naka on pa. Kita nila ang kanyang social media na may 1.3M followers at kita din nila ang name niya ngunit wala silang kasiguraduhan sa tunay nyang pangalan. Dahil ang social media na ito ay para lamang sa mga VTubers at hindi required na mag lagay ng legit information dito. 

Police Men: "chief.. tignan mo, diba eto yung sumikat na video kani-kanina lang? Grabe umabot agad ng 20 millions views itong video na ito" sabi ng isang pulis.

Police Chief: "tawagan mo ang mga kamag-anak nya gamit ang contacts na nandiyan. Tanggalin mo na din ang password at wag mo nang pakielaman pa" sagot ng police chief.

Tinawagan ng mga kooperatiba ang contacts na nasa phone niya, at agad namang nagsi datingan ang ilan sa kanyang mga kapamilya. 

Dumating sila na nagsisi-iyakan at ang kanyang ina ang may pinakamalakas na iyak habang sumisigaw nang "anak ko". 

Nabalitaan din ito ng tatay ng naaksidente na nasa abroad dahil tinawagan sya ng tita ng lalaki. Humagulgol sa iyak ang ama habang sumisigaw ng "anaaaaaak" sa video call. 

Makikita na kahit magkahiwalay ang kanyang ama at ina, at hindi buo ang kanyang pamilya... nagpapakita parin sila ng matinding pagmamahal sa kanilang anak.

Inabot ng ilang oras ang pag hagulgol ng kanyang ina hanggang sa nahimatay na ito. Pag gising ng kanyang ina sa loob ng ambulansya, umiyak ulit ito ngutin hindi na gaano kalakas habang may sinasabi.

Nurse: "Ma'am? ma'am! Nahimatay po kayo sa high blood, kamusta po ang pakiramdam nyo? Nandito po tayo sa loob ng ambulansya" sabi ng nurse. At tinawag nya ang mga kapamilya nito pati na rin ang mga pulis. 

Dumating naman agad sila at bumangon at umupo ang ina ng naaksidente at sinabi ng nurse na "ma'am dahan-dahan lang po sa pag bangon".

Police Men: "Ma'am, pasenya na po pero, eto nalang po ang natira sa kanya, hindi na rin po marecover ang kanyang mga abo dahil sa lakas ng hangin... Nakikiramay po kami" sabi ng pulis habang inaabot ang mga titanium earrings at bracelet na nasa plastic. 

Muling umiyak ang ina. Ibinigay din nila ang phone ng naaksidente at sinabing "ito po ang kanyang cellphone ma'am, tinanggal na din po namin ang password ng phone para madali nyong ma-access, maiwan ko po muna kayo, kung may kailangan pa po kayo, tawagin nyo lang po kami".

Mother: "*cries* anak ko... *sniff* ANAK KOOO...ho...hooo... *cries*" sabi ng ina habang umiiyak.

Auntie: "*sniff* ta-tama na yan at *sniff* baka mahimatay ka nanaman sa-sa high blood *sniff*, malulungkot sya kung... kung may mangyayari sayong masama" sabi ng tita ng naaksidente habang hinihimas nito ang likod ng ina ng naaksidente.

Niyakap nya ang phone at ang plastic na may lamang titanium earrings at bracelet ng kanyang anak habang umiiyak. 

Mother: "iwan nyo na muna ako... pakiusap" sabi ng ina habang umiiyak.

Auntie: "osige.. pero alalahanin mo sarili mo ha" sagot ng tita ng naaksidente at sinabihan nya ang nurse na umalis din muna. Isinara muna nila ang pintuan ng ambulance pagkatapos bumaba.