Umaga na at gising narin ako pero hindi ko parin minumulat ang aking mga mata "Hmm." umupo ako sa kama habang nakapikit parin, nagkusot ako ng mata at iminulat ko ang mga ito.
'Where am I?'
kunot noo kong tanong sa sarili, nilibot ko ang aking paningin at nagtataka ako kung nasaan ako, hindi ko naman ito kwarto at hindi rin ako pamilyar sa kwartong ito.
Napatingin ako sa may pinto dahil bumukas ito, may pumasok na isang babae may katandaan narin ito, sa tingin ko ay mga nasa 40 na ang edad nito.
"Oh gising kana pala ija."
"Nasan po ako at sino po kayo?"
"Ija ako nga pala si Gabriela at nandito ka sa bahay ng mga Ferrer"
"Ito ija kumain ka at baka ikaw ay nagugutom." inilapag niya ito sa may lamesa sa gilid ng kama na aking hinihigaan ngayon, napatingin naman ako sa kanyang pagkaing dala ngunit nabalik din ang aking tingin sa kanya.
"Bakit po pala ako nandito?"
"Nakita kita sa may gilid ng kalye nakahilata at natutulog, ika'y aking ginising ngunit hindi ka gumigising, gabi na at ang mga babae ay hindi dapat nananatili sa labas kapag gabi at bawal din iyon kaya pinabuhat kita kay Arturo ang hardinero dito at ika'y aming dinala dito." paliwanag ni manang Gabriela.
Napakunot ang aking noo dahil sa narinig.Hindi naman ako natulog sa gilid ng kalye kagabi ah?sa pagkakaalala ko ay sa kwarto ako natulog.
"Nakakapagtaka din at kakaiba ang iyong kasuutan."
Lalo pang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni manang.Nakapajama lang naman ako kagabi ah? anong kakaiba dun?
Napatingin naman ako sa suot ni manang.Nakasuot si manang ng makalumang damit yung filipiniana.Kaya mas lalong napakunot ang aking noo.
"Manang bakit ganyan po ang suot niyo? bakit po kayo naka suot ng makalumang damit?"
Kumunot ang noo ni manang at tila ba ay nagtataka.
"Ano ang iyong pinagsasabi? may kakaiba ba sa aking kasuotan?"
Lalo pa akong nagtaka dahil sa kanyang sinabi atsaka kanina ko pa napapansin na ang lalim ng ginagamit na mga salita ni manang.
Nalilito na talaga ako.Una, bakit ako nandito sa di pamilyar na kwarto at sa ibang bahay.Pangalawa, bakit sinasabi ni manang na nakita niya lang ako sa gilid ng kalye natutulog?. Pangatlo, ang mga salita na ginagamit ni manang ay malalim and lastly bakit siya naka suot ng makalumang damit?
Ano na bang nangyayari?...