Chereads / Love Over Time / Chapter 3 - Chapter 2:Year 1880

Chapter 3 - Chapter 2:Year 1880

Nalilito na talaga ako, what if nag time travel ako? Oh gosh!

"Uhm manang matanong ko lang po.Ano pong taon ngayon?"

Nagtatakang tumingin si manang Gabriela sa akin saka sumagot.

"Isang libo't walong daan at walong pu ang taon ngayon ija. Hindi mo ba alam iyon?"

Wait... what?! year 1880?!

"po? nagbibiro po ba kayo manang?"

Binigyan naman ako ng manang Gabriela ng nagtatakang tingin. Hindi talaga nagbibiro si manang.

" Oh siya, mukhang nalipasan ka ng gutom kayat ganyan ang iyung pag-iisip. Kumain ka na muna upang malagyan ng laman ang iyong tiyan at ng bumalik sa tama ang iyung pag-iisip." Pagkatapos nya iyung sabihin ay tumalikod na siya at lumabas ng silid.

'What the?' napabuntong hininga na lamang ako.