Chereads / Fixing A Broken Heart / Chapter 16 - Chapter 14

Chapter 16 - Chapter 14

Chapter 14 : Lean On

Naging mas miserable ang mga araw ko. Iniiwasan ko halos lahat ng mga tao sa bahay ng hindi sila madamay. Kung hindi ako nakatulala , pinipilit ko ang sarili na magbasa ng libro kahit wala namang pumapasok sa isip ko sa totoo lang. Binaba ko ang librong binabasa  nang pumanhik si Caden sa kwarto.

Madalang ko rin siyang kinausap mula ng mag-away kami ni Erika. Hindi ko rin alam kung sinumbong ba niya talaga ako sa ina niyang kapitan.

"I'm going to Manila. You're coming?." saad ni Caden at tinungo ang walk-in closet upang siguro ay magbihis.

Hinintay ka na muna itong matapos at muling lumabas bago sumagot.

"Anong gagawin mo dun. It's already three?."

"'I'll be having a business meeting with an international client next week. Aatend rin ako ng isang fashion fair bukas."

Hindi agad ako sumagot. I can't made up my mind. Hindi maganda ang naging huling pagkikita namin ni Daniel at nanatiling hindi magaan ang loob ko sa pagkakataong ito. I don't know if I can handle more.

"Sasama ka ba?." muli niyang tanong.

"Hindi ko alam." sumandal ako sa headboard ng kama at yinakap ang dalawa kung tuhod.

"Isasama ko si Zach at Zarah kaya walang maiiwan rito para asikasuhin ka. Si Mang Rene ang magiging abala sa mga gawain sa farm. Wala kang kasama rito kapag hindi ka sumama. Hindi ka rin pwedeng gumala mag-isa. I dont trust my guys around you so I can't put your security under them. If you want , doon ka muna kina daddy."

Umiling ako. Ayoko ko roon. Hindi ako kumportable sa kapatid niya.

"Mas mabuting sumama ka na. You can visit your parents when we there."

He's right. Mula ng maikasal ako sa kaniya at tumira rito wala na ako masyadong alam sa ganap sa bahay namin. Sa kung ano na ang sitwasyon roon. But...

I look up to him. Nasa gilid siya ng kama ko naghihintay ng sagot.

"What if..." I can't barely bring up the topic again.

"What if?."

Nagbutunghininga ako. Kahit kailan hindi ko talaga maiiwasan ang nakaraan ko.

"What if Daniel and I will meet?."

"Is that what your concern of?." taas niyang kilay na tanong na parang isa lamang iyong bagay na hindi iniisip.

Nangalumbaba ulit ako.

"Ano naman kung magkikita kayo? Natatakot ka ba?."

Hindi niya ako maiintindihan.  I was still in the process of healing my self and I did but I'm afraid that maybe when I see him again the wound will open again. Masasaktan na naman ako. Mauulit lang lahat.

"Avery.." matamlay ko itong nilingon.

He gestured me to stand up. Matamlay parin akong sumunod.

We stood face to face. Ang taas niya kaya hanggang leeg lang ako. He held his hand to me. Taka akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ano?." Hindi siya sumagot at kinuha ang kamay ko at ipinatong sa kaniya.

I was staring at our hands. Noong una , hindi ko alam kung para saan iyon. But as moment pass by I felt enlighten. My fears have vanished. No matter what happened , his hand will be always there to help me up. Dahan dahan ko naring naiintindihan ang lalaking pinakasalan ko.

"I'll get dress." paalam ko at tinungo ang closet.

"We'll wait outside." Aniya bago lumabas.

May tatlong itim na kotse ang nakaparada sa labas. Nakasakay na sa pangalawang kotse si Caden. Nasa unang sasakyan naman ata ang magkapatud. Pinagbuksan ako ng pinto ng isang tauhan nito.

"Ba't ang dami mo atang sinama?." tanong ko ng makaupo sa tabi nito. Sa pangatlong kotse naman nakasakay ang tatlong bodyguards nito. May kasama namin kaming isa. Ever since I got here I've never seen him having such tight security like this.  The house was built with tons of security measurements. Nag-hire lang siya ng bodyguard nang minsang may nakapasok sa bahay at muntikan na akong mapahamak pero wala naman akong alam na ganito karami ng hinire niya.

"Security.." simpleng niyang saad.

"Doon na lang tayo maghapunan pagkarating." dagdag niya.

"May bahay ka ba roon?."

" I have a condo but we'll stay in a hotel." tinanguan ko ito at bumaling sa labas.

Binaba ko ang bintana ng kotse at inaliw ang sarili sa mga tanawin na nadadaanan namin. Bilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakalabas ako sa mansyon at nakagala sa labas.

Natanaw ko sa gilid ng daan ang isang magkasintahan. They're laughing and holding each hand. Bigla kung naalala si Daniel. We used to be like that. My heart tightens every moment I remember our memories. Memories time can't be brought back. The damage has been done and I hate how damaged I am until now. Isang saglit nakakalimutan ko ito pero pagkatapos ng ilang saglit , naalala ko na naman. The same cycle again and again and I don't know when or how can I get used to it.

I sigh and decided to close the window. Its not helping. Nilingon ko si Caden , abala ito sa iPad. Tumagilid ako at dinungaw ang ginagawa niya. He's looking into some illustration of female fashion dresses. I never knew he was into fashion industry too. Magaganda ang illustration kaya nalilibang narin ako sa panonood. We're busy overseeing the illustration nang makadaan kami ng lubak. Nauntog tuloy ako sa panga ni Caden.

"Sorry sir , ma'am." paghingi ng pasensya ng driver namin. Malamig lamang iyong tinanguan ni Caden.

"You look into it." aniya at ibinigay sa akin ang iPad.

I was busy again with it when I notice Caden. He's exemplary quite today. Kaninang umaga ko pa napapansin na parang problemado ito.

"May problema ba?." lumingon ito sa akin at umiling but I may not know him well enough but I know he's lying.

"Come on. Whats the problem?."

"It's nothing." Muli niyang pagtanggi but the more he denies it the more it become obvious to me.

"Alam kung meron sabihin mo na. I don't want you handling my hearts concern while you don't share what's yours. Gusto ko lang ding makatulong."

pangungulit ko.

"I'm just feeling not fine." tiningnan ko ito.

Mapapansin ang pagiging matamlay niya.

"May lagnat ka ba?." hindi naman ito mainit.

"I'm fine. I'll just take a rest." sabi nito at sumandal sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata. He's been busy with the farm kaya't hindi na siya nagkakaroon ng maayos na pahinga.

Hindi naging maayos ang pagtulog nito dahil lubak lubak ang daan. Sa bawat pagtalbog ng sasakyan , nagigising siya. I pulled him close to me and lean his head against my shoulder. Umayos ito ng posisyon at iyinakap sa akin ang isang kamay. I can feel his breath against the skin of my neck. It give me goosebumps lalo pa at hindi naman kami palaging ganito ka intimate.

Sa dami nang nagawa niya para sa akin , its time for me to at least return the favor to him.

Nakadaan ulit kami ng lubak kaya napagalaw ito. Coincidentally his lips touch against my neck. Mas lalong nadagdagan ang goosebumps ko. Pakiramdam ko ay lahat ng balahibo ko ay nakatayo.

Kahit pa man medyo naiilang ako sa sitwasyon namin ngayon , hinayaan ko na lang ito at bumalik sa pagtingin sa mga damit. Later on , he's already sleeping soundly. Tumatagal nawawala naman sa akin ang ilang. Napapansin ko ring mabilis na akong nagiging kumportable sa kaniya.

Itinabi ko na muna ng iPad at sumasakit ang mata ko sa kakatingin sa screen. Lumubog na ang araw. The sky has turned to orange. Its majestic.

Caden groaned. Napatingin ako rito. Nanatili siyang nakapikit pero bahagyang nakakunot ang noo. Humigpit ang yakap nito sa akin.

"Caden?." bahagya siyang napamulat.

Puyat ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa akin. Nagbutunghininga ito pagkaraan ng ilang sandali at umayos ng upo. Malayo ang tanaw nito. He look more problematic.

No matter how many time he'll lie I know he's not fine. Ayaw niya lang talagang pati ako madamay sa problema niya kasi alam niyang may sarili rin akong problema pero kahit papaano naman may karapatan akong malaman iyon. After all I am his wife. Saka nag-aalala rin naman ako.

"If you don't have a plan on telling me about what's been bothering you. Wag mong ipamukha sa akin na may problema ka tapos hindi mo sasabihin. Pinag-aalala mo ako." napalingon siya sa akin.

Bumutunghininga ulit ito. Even his sigh started to frustrate me now. Not that because it was irritating but I'm just frustrated dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang problema niya.

"Nag-aalala ka sakin?." kunot noo niyang tanong.

Hindi agad ako sumagot. Bakit? Hindi ba pwedeng mag-alala ako sa kaniya?

Caden chuckled making me gaze back at him.

"What?." I ask raising and eyebrow at him. Naiiling ito.

"Baka ma-fall ka sakin.." His words is a warning.

"Nag-aalala lang naman ako. Fall agad? Utak mo may saltik." inirapan ko ito pero tumawa lang din siya.

"Do you think it's funny? Seryoso ako." Hinampas ko ito nang hindi parin siya tumigil. Pati ang driver at bodyguard na kasama namin simpleng nakitawa.

"What's the hell is funny with that?." asar kung tanong sa mga ito.

"Tingnan mo tong tauhan mo , mana sayo."

Irita kong inirapan ang mga ito. I can't imagine this people. Yung mga kaibigan ko at kakilala sa Manila hindi ganito. They're literally living a very logic and serious life however this guys , they're different. They just think life as easy as pie kaya hindi kami nagkakasundo.

"Are you mad?." hindi ko ito pinansin at sa labas nakatingin.

"Hey.." mahina niyang hinila ang damit ko para lingunin siya pero hindi ako nagpadala. Highblood ang aabutin ko sa kaniya.

Halos mapaigtad ako sa gulat ng ipatong nito ang panga niya sa balikat ko. "Nagtatampo ka?."

I rolled an eye and glared at him. I pushed his head away. Pansin ko namang mas natawa ang mga kasama namin. Naiinis na ako ah. Ihulog ko ang mga ito sa sasakyan makikita nila.

"Ang cute mo magtampo.." aniya at pinisil ang pisngi ko. Mabilis ko naman itong hinampas.

"Hindi ako nagtatampo.." giit ko at lumayo sa kaniya. Umusog naman ito at lumapit sa akin.

"Aminin mo na kasi.." tukso na naman niya.

Hindi ko tuloy alam kung problemado ba talaga siya o ano.

"Bakit naman ako magtatampo? Katampo-tampo ka ba?." matapang kung sinalubong ang mga titig nito. Napatango-tango pero hindi parin kumbinsado sa sinabi ko.

"Hindi nga ako nagtatampo!." giit ko dahil nanunukso na naman ang mga ngisi nito.

"Nakakainis ka!." hinampas ko ito ng paulit-ulit. Ang sakit pa sa kamay dahil ang tigas ng braso nito.

Sinalag niya ang mga hampas ko at hinawakan ang dalawa kung kamay gamit lamang ang isang kamay nito. His other hand snake around my waist as he pulled me closer to his body.

"Fine. Just stop it , you're hurting yourself." medyo masakit nga sa kamay.

Binitawan niya ang kamay ko at minasahe. Hindi ko talaga alam ang ugali niya. Nang-iinis tapos bigla na namang caring. I can't tell him either way. Si Daniel kasi palagi naman siyang caring sa akin , never niya akong inasar. Siya iyong tipo ng tao na seryoso. Lahat ng gusto ko pinagbibigyan niya. Hindi niya ako inaaway. What I want , he'll give it. Palaging ako ang nauuna sa relasyon namin and maybe that was the reason why we end up like this. Cause in love it shouldn't be one sided. It should be the two of us. He spoiled me much. Si Caden kasi kapag alam niyang mali ako hindi niya talaga ako pinabibigyan. Mas madalas kaming hindi nagkakasundo sa mga bagay bagay. And why I am even comparing Daniel to Caden?

Mariin akong pumikit upang alisin ito sa isip ko. It's hurting my head.

Isinandal ni Caden ang ulo ko sa dibdib niya. We had the same situation a minute ago when he was sleeping , baliktad na nga lang ngayon. But its quite helpful. Gumaan ang pakiramdam ko.

Nakakapagtaka ngang ang bilis na gumaan ng loob ko sa kaniya.

He was still massaging my hand while the other was in my hair. Nakakagaan sa loob. Bigla tuloy akong inantok.

"Can I sleep?." nag-angat ako ng tingin rito.

"Sleep." magaan niyang sagot at muling ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa dibdib niya.

"Pakihinaan iyong aircon." narinig kung utos niya bago umakap sa akin ang mga braso nito. Giving me not just warmth but as well as comfort. I started to thank God for giving me the opportunity to meet this man.

I don't know how many hours I've been asleep. Nasa Manila na kami ng magising ako. Madilim na sa paligid. Ganoon parin ang posisyon ko nang matulog ako kanina. Caden was busy again with his iPad. Dahil nakahilig ako sa dibdib niya kitang kita ko ang pinagkaka-abalahan nito. He's browsing through his IG. Shockingly he already had 1.3m followers.

"Anong IG mo?." bigla niyang tanong. Alam na pala niyang gising ako.

I inputted my IG account on the search bar. He followed my account and like most of my recent activities. Matagal narin akong  hindi nakaka-open ng mga social media accounts ko.

"You should replace your bio."

"Bakit? May mali ba?."

"You should change your surname now. You're already Scarlette Avery Young-Escariaga."

Sinulyapan ko ang mukha nito. Hindi siya mukhang nagbibiro.

"Kailangan ba talaga?." I'm not sure about displaying to the public that I am now his wife.

"What's your password? I'll open your account , ako na ang magpapalit."

"Seryoso ka talaga?."

Hindi niya ako sinagot at naghihintay sa password ko. Kaso naalala ko birthday pala ni Daniel ang password ko.

"Your password Avery." paalala niya ulit.

Inagaw ko sa kaniya ang iPad at pinalitan muna ang password ko.

"What's your birthdate?."

"Why?." He asked confused.

"Gagawin kung password." bahagya siyang natawa at hinaplos ang buhok ko.

"September 16." ningitian ko siya at saka ininput ito.

Matapos itong ma-open ay ibinigay ko sa kaniya. I watch him as he edited my bio. Nilagyan na nga niya ng Escariaga ang surname.

Matapos nito ay tiningnan naman niya ang mga photos ko. Dahil hindi ko nabibisita ito mula ng magkahiwalay kami ni Daniel , hindi ko parin nade-delate ang mga larawan naming dalawa which mostly composed my accounts.

Maraming pictures namin ni Daniel na sobrang sweet. Syempre dati na iyon. Nagkatinginan kami ni Caden ng tumambad sa kaniya ang isang picture namin ni Daniel na halos magkahalikan na kami.

"Ide-delate ko." ani ko at kinuha ang iPad. Hinintay lang niya akong matapos. I also unfollowed Daniel's account.

"You don't have to do that." aniya nang maibalik ko ito sa kaniya. I just shrug. It's what mostly what couples do after a break up.

"Someone sent you a message." aniya at ipinakita sa akin ang natanggap na mensahe mula sa kakilala ko at batch mate sa college.

Nagkahiwalay na kayo ni Daniel?

The message says. Hindi ko na ito sinagot. Ayoko ko pang muling pag-usapan ang bagay na iyon. Saka na kapag kaya ko na. Kapag tanggap ko na. Kapag hindi na masakit.

Muli akong napapikit nang haplusin ni Caden ang buhok ko. He always know what I want and what makes my mood fine. Pansin ko ring madalas niyang iniiwasan ang bagay tungkol sa amin ni Daniel. I'm thankful for that.

"Nandito na po tayo." biglang anunsyo noong driver.

Nakahinto narin ang sasakyan. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Caden at sinulyapan ang paligid.  Binuksan ng bodyguard nito ang pinto. Naunang bumaba si Caden kasunod ako. Nakababa narin sina Zarah. Nauna itong pumasok sa loob.

My steps were halted when I realize where we are. It was the same place where everything started to collapsed.  Of all places why here?

Blue Empire

"May problema po ba ma'am?." tanong ng isa sa dalawang bodyguard na nasa huli ko ng mapansing natigil ako. Bumalik rin si Caden nang makitang hindi na ako nakasunod sa kaniya.

"May problema?."

Nanatili ang titig ko sa pangalan ng hotel. This have been the witness of their betrayal to me and as I stare at it's name everything went coming back to my mind. The scene , everything and it hurt again. I closed my eyes hard just to avoid my tears to drop. Bakit ba kasi ang hirap mag move on? Bakit ang hirap makalimot?

"Avery.." Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Caden but I lose the courage to even care. I felt so down again as if I just been betrayed , like everything just happened yesterday.

"Is there something wrong?." He held my shoulders and lifted my chin up  to face him.

I shake my head in response but my eyes said otherwise as tears slowly rush down. Damn it! Mabilis ko iyong pinunasan not wanting anyone to see.

"I'm sorry. I dont know." napatingin ako kay Caden.

"Lilipat na lang tayo ng hotel.." He was about to call Zach when I held his arm.

"Wag na. Kaya ko." I manage to say even deep inside I want to run away from this place. But what good can running be? Madadapa lang ako , masasaktan na naman.

Naglakad ako papasok pero mabilis din akong hinila ni Caden.

"Are you sure?." I nod.

"Really?." I nod again.

He sigh , doubting my answer.

"Let's go." Siya na ang nauna. I followed him closely. Nadatnan pa namin sina Zach sa front desk na inaayos ang rooms namin.

No matter how much I tried not to mind what had happen here that completely change my life , I couldn't avoid it. I remember it again. Ganito na lang ba palagi? I closed my hand into a hard fist. The scene was frustrating me. I wanted to burst my anger but I cannot be that miserable here.

A hand touches my hand making me look up to my side to see Caden gazing at me with questions in the eyes.

"I'm fine." I lied cause hell know I'm not.

Tinanggal niya sa pagkakakuyom ang kamay ko and intertwine it with his. Again , I felt at ease. I stare at our hands. How could he possibly make me feel at ease with just holding my hands?

Sa sulok ng aking mata namataan ko si Kath.  She was staring at me intently lalo na sa katabi ko. Hindi ko alam kung sino ang may alam sa kasal namin ni Caden but it might be as controversial as what happened to me and Daniel. But I dont have time understanding the opinion of others.

Mabilis na naayos ang room namin lalo pa at kilala ng mga ito si Caden but sadly we have only one king sized bed in a room dahil na-avail na ng mga ibang guest ang may dalawang kama. Medyo sanay na akong kasama si Caden sa iisang kwarto but not on the same bed.

Caden was furious of it. Nakipagsagutan pa siya sa manager habang ako nakatulalang nakatitig sa kama. In my mind its like the very same bed they Daniel and Cassey used.  The picture of them both clouded my mind. I don't know what to feel. Disgust or pain.

"Rooms are fully booked. We can't avail any again. Ayos lang ba sayo to?." Caden asked suddenly making me back from my reverie.

Wala naman akong magawa kung hindi ang tumango.

"Do you want to eat outside or in their restaurant or here?."

"Ikaw ang bahala." pagkasabi ay tinungo ko ang veranda upang magpahangin.

Sa huli dito na kami sa kwarto kumain. I was silent the whole dinner. I dont feel like talking.

"It's not too late yet. Do you want to go out?." Anyaya niya nang matapos kaming kumain

Honestly , I want to be out of this place for now kaya naman hindi na ako tumanggi. Akala ko naman ay sasama siya sa akin pero si Zarah ang pinasama niya sa akin kasama ang dalawang bodyguard dahil may mahalaga siyang aayusin.

Plano kung bisitahin sina mommy sa susunod na araw kaya sa bar ni Troy agad ang punta ko. Marami na ang tao sa loob ng makapasok kami. It's feels nostalgic to be back here. Parang ang daming panahon na na hindi ako nakapunta rito. My mind has been filled with farm things and nonsense misery of memories I should forgot. Hindi ko narin nakausap si Troy mula ng umalis ako. Well , he looks like doing just fine.

"Scarlette!." gulat niyang saad ng makalapit ako sa counter. Sinipat niya ako para makasigurong ako nga itong kaharap niya.

"Naligaw ka ata?." He mocked. Tinaasan ko lang ito ng kilay. I gestured him to pour me my favorite drink.

"What's yours?." baling ko kay Zarah na abala sa paligid. She's an observant person.

"May juice kayo?." tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Juice? Hindi uso ang ganiyan rito Miss." nagbibirong ani ni Troy.

"Kasama mo ba to?." Troy asked pointing at her. Tumango ako at uminom.

"He's working for Caden." napatango ito makaraan ang ilang saglit na pag-aaral kay Zarah.

"Tequila na lang." saad ni Zarah at muling ibinalik ang tuon sa paligid.

We're quitely drinking for a few moment. Hindi ko makausap si Troy dahil busy ito sa ibang narito.

"Hindi ba at ex boyfriend mo iyon?." Dahil sa narinig ay napatigil ako sa pag-iinom at mabilis na napatingin sa itinuturo nito.

From the corner my eyes landed at Daniel. Its been awhile since we parted ways. Wala masyadong nagbago sa hitsura nito.

"And isn't that Cassey?." Lumipat ang tingin ko sa nakaupo sa harap nito. It was Cassey.

Umiinom sila habang masinsinang nag-uusap. Habang wala ako ay nasa kay Cassey na naman siya? Anong silbi sa ipinangako niyang hihintayin niya ako kung nasa iba na siya? He's a total package of a cheater and a liar. Ano bang magagawa ko kung isang pamilya na sila? Magkaanak na sila.

Hindi sinasadyang mapatingin ito sa gawi ko. In an instant , our eyes met. Natigilan ito. Kahit hindi ko narinig alam kung binanggit nito ang pangalan ko dahilan para mapalingon rin sa akin si Cassey. Bahagya rin itong nagulat. I had enough. Masyado na nilang ginugulo ang araw ko. Inubos ko ang inumin ko at tumayo na. Nag-iwan narin ako ng bayad.

"Aalis ka na?." habol sa akin ni Zarah. Mabilis kung tinungo ang labas nang makitang tumayo rin si Daniel.

Iniiwasan kung mag-cross ang landas naming dalawa sa ngayon. Not until I wasn't able to heal completely. Hindi parin pala ako handa na muli silang makaharap.

"Scarlette!." But fate is cruel.

Mabilis niyang naharangan ang dadaanan ko.

"Hey.."

"Move. Dadaan ako." Ayokong ako ang mag-aadjust.

Hindi siya gumalaw. "I said move." mariin kung ulit pero wala parin.

Tinulak ko siya palayo sa akin at tinungo ang sasakyan ngunit mabilis niya akong nahawakan. I immediately snatched my arms from her. He's disgusting me again.

Namataan ko sa likuran niya si Cassey. How dare they! I want to cry but not in front of him . Of them..

"Zarah. Halika ka na!." mabilis akong sumakay matapos mabuksan ng bodyguard ang pinto. Pagkapasok ay doon ako impit na napaiyak. Mabuti na lang at tainted ang kotse at hindi makikita mula sa labas.

"Ayos ka lang?." Hindi ko sinagot si Zarah at inutusan na ang driver na umalis.

Nagtalukbong ako ng comforter pagkabalik sa hotel room namin ay umiyak na naman. All the crying makes me sick. Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. My eyes felt sore , nangangati ang lalamunan ko pero wala akong lakas na bumangon upang uminom ng tubig.

"Umiiyak ka na naman.." Caden pulled the sheet revealing my teary eyes.

"Here." he handed me  a handkerchief.

Bumangon ako at yinakap siya. I need someone , not a handkerchief.