Chereads / Fixing A Broken Heart / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 8 : New Home To Start

Ilang oras na ang lumipas mula na muli akong maka-akyat sa kwarto matapos maghapunan. Kahit medyo nakakahiyang iiwan ko na lang ang pinagkainan ko roon ay mas pinili kung umakyat na agad pagkatapos. Marahil naiintindihan naman nila iyon dahil kailangan ko ng pahinga.

Though I excuse myself for a rest the truth is I just want to be with myself alone. Bagama't mukhang mabait ang mga ito hindi parin ako masyadong komportable kaharap at kausap ang mga ito kaya't mas pinili ko na lang munang mag-isa rito sa kwarto. Balak ko na sanang magpahinga pero nawala na ang pagod at antok ko kanina dahil sa sandali pahinga ko pagdating.

My eyes were wide open staring at the empty ceiling. Even it display the great difference of my former home. Kahit sa kisame lang ay ramdam ko na ang malaking kaibahan , ang malaking pagbabago na hindi lang naman sa tinitirhan ko nakakaapekto kung hindi sa mismong buhay ko narin. A new home for a new start.

Ilang sandali ang lumipas. Bahagya akong napasulyap sa pintuan nang bumukas ito. Nang makita kong si Caden ito ay tumagilid ako , nakatalikod sa kama nito. Kahit na hindi kami magkatabi sa iisang kama , issue parin sa akin ang kasama ang isang lalaki sa iisang kwarto. Lalo pa at hindi ko parin siya gaanong kilala. Despite the fact that he was my husband now still it was just because of an arrange marriage. No affection have been involve for us to be both intimate to each other. Hindi naman ibig sabihin na pumayag akong maikasal sa kaniya ay ganoon na rin sa ibang bagay na ginagawa ng totoong mag-asawa. We're legally marriage but still it's not real as others. We're certainly faking it. The way it should it be.

"Still awake?." tanong nito sa likuran ko.

"I'm not used to sleep in a different room with a a guy I barely know." mahina kung saad. I pulled my comforter and cover my face with it.

"Do you felt uncomfortable?."

"I'm fine. I'll get used to it." I closed my eyes and trying hard to fall asleep but it was no use.

Natahimik ang paligid. Natulog narin siguro ito. Kinuha ko ang comforter na nakatabon sa mukha ko. Ang dalawang  lamp na lang sa bawat gilid ng kama namin ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Nang lumingon ako sa kaniya , nakatalikod na itong nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung paano ako masasanay sa bawat gabi kung ganito o sa bawat araw na siya ang makikita ko at hindi ang nakasanayan ko.

Lumipas ang mga oras at lumalalim ang gabi pero nanatili paring bukas ang mga mata ko. I felt utterly tired but I can't pull myself to sleep.

"Hindi ka parin ba nakakatulog?." hindi ko inaakalang gising pa ito kaya nakakagulat ang biglaan niyang pagsasalita. Nanatili rin itong nakalikod sa akin.

"Makakatulog rin ako." pangungumbinsi ko sa kaniya nang tigilan na niya ako sa kakatanong dahil mas lalo lang nadadagdagan ang pagkailang ko sa sitwasyon naming dalawa.

Napatingin ako sa kaniya nang bumangon ito. Bumaba ito sa kama at kinuha ang unan at kumot.

"Saan ka pupunta?." taka kung tanong ng magtungo ito sa pintuan. His hand stop from pulling the door knob. Bahagya niya akong nilingon.

"I'll sleep downstairs." he said before walking out of the door.

I was left wordless. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Pero hindi ko na kinuwestiyon ang ginawa niya. Kung tutuusin ako rin naman ang makikinabang sa ginawa niya.

I pulled my sheet to cover me up and finally decided to sleep if ever I can when I just sent someone downstairs to sleep. Saan kaya siya matutulog kung wala namang ibang kwarto rito? Maybe its not my concern anymore.

THE rays of the sun was striking its hotness when I woke up. I didn't find any signs of Caden's presence in the room. Sandali pa akong nakahiga bago nagdesisyong bumangon at maligo. Inabot ulit ako ng ilang oras sa paliligo , hindi parin nasasanay ang katawan sa bagong paligid.

Hindi ko parin nakikita si Caden ng bumaba ako. Napakatahimik rin ng bahay at tila walang tao. Dumeretso ako sa kusina at baka naroon ang mga tao pero maging roon ay wala ring katao-tao.

Halos mapasigaw ako sa gulat ng makitang alas diyes na pala ng umaga. Malapit ng magtanghali. Mukhang abala na ang lahat sa ginagawa nila while I was still dozing off. Hindi ko rin alam kung anong oras na akong nakatulog kagabi.

Kaya rin pala kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.

"Gising ka na pala." I turned around to see Zach. Maya dala itong basket na punong puno ng iba't ibang prutas na mukhang kakapitas lang. They look fresh at mas lalo lang akong natakam. Hindi ko tuloy maiwasang muling kumalam ang sikmura.

Nahihiya akong umiwas ng tingin.

"Gutom ka na?." tanong niya matapos mailapag sa mesa ang dala.

Hindi ako sumagot dahil parin sa hiya at ilang dahil hindi ko parin nasasanay ang sarili ko sa mga bagong mukha na ito.

"You don't have to be shy though. Hunger is not something to be ashamed of." He said in an Australian accent. I wonder what's he's decent. Mukhang may lahi rin kasi siyang Australian kung hindi ako nagkakamali. 

"Umupo ka na lang. Ipaghahanda kita." pinaghila niya ako ng upuan.

"Salamat." saad ko at sinundan ito ng tingin na naghahanda ng makakain. Ilang minuto lang ay nasa harap ko na ang mga pagkain.

"Kumain ka na."

"S-salamat.." naiilang akong nag-angat ng tingin rito. He just give me a heads up. Dinala niya sa sink ang mga prutas at hinugasan bago ilipat sa bowl.

"Do you want fruits?." Alanganin akong tumango hindi alam ang tamang sagot.

"What do you want?." tanong nito at naupo sa kabilang side ng table sa mismong kaharap ko.

"Kahit na ano."

Kumuha ito ng kutsilyo at pinagbalat ako ng apple. He also peeled some orange.

Halos hindi ako makakain ng maayos dahil sa kaniya. I was feeling the same awkwardness I felt towards Caden. I was naturally friendly before but its look like that attitude of mine has also faded into thin air like that of my relationship with Daniel.

Daniel.

I'm wondering what he's up to right now. Hindi rin ba siya nakatulog ng maayos gaya ko? Is he was also bother of the change? Iniisip kaya niya ako?

"Avery?."

"Ha?." napa-angat ko ng tingin kay Zach. Medyo nakataas ang kilay nito.

"May sinabi ka ba?."

Umiling ito at nagpatuloy sa pagbabalat. "Naiintindihan kung naninibago ka parin rito. Masasanay ka rin." He said and give me an assuring smile.

I hope so. I'm really trying hard to fix things and find my own healing. Nang sa ganoon ay maging handa na ako at ang puso ko sa muling kabanata ng buhay ko.

"Gusto mo na ba ng juice?." Nakatayo na ito nang magsalita at handa ng kumuha ng maiinom ko.

"Ako na. Kaya ko na." ani ko at tumayo para magtungo sa fridge. Naiintindihan kong pinagsisilbihan nila si Caden pero hindi naman kailangang maging ako rin.

Hinarangan naman niya ako.

"Caden told us to personally assist your needs and what you want. I'll get your drink."

Hindi niya hinintay ang sagot ko at siya na ang kumuha. Bumalik na lang ako sa pagkaka-upo at kumain ng binalatan nitong prutas.

"Where's  Caden by the way?."

Hindi ko parin kasi siya nakikita mula ng magising ako.

"Nasa farm. Harvesting ngayon sa farm kaya maaga siya roon. Hindi ka na niya hinintay na magising. Kung gusto mo ay dadalhin kita roon pagkatapos mong kumain."

Tinanguan ko ito. Mas mabuti iyong aliwin ko ang sarili ko sa mga bagay bagay rito kaysa sa magmukmok. Gaya ng sabi niya pagkatapos kung kumain , dinala niya ako sa farm. Sobrang lawak ng lupain nila. I can't barely imagine. Mukhang isa na itong isang barangay sa laki.  Gumamit pa kami ng pick up truck papunta roon.

May nadadaanan akong mga magsasaka na abala sa mga halaman at pananim. Sa di kalayuan ay may natanaw rin akong bubong. May iba pa bang bahay rito maliban sa mansyon ni Caden.

"Kaninong bahay iyan?." turo ko kay Zach.

"Wala ng ibang bahay rito maliban sa mansyon. Ang mga estruktura na iyan ay sa para sa mga livestocks. May mga cottages rin na nakakalat sa iba't ibang bahagi ng farm para mapagpahingahan ng mga mangagawa. May iba paring structures na nakatayo rito. You can have a tour anytime." sagot nito.

"Anong hayop ang mayroon kayo rito?."

I was a little bit excited to know they were raising livestock too.

"We have a poultry. Pigs , cows , goats and horses. You can try horseback riding too. May polo field rin sa dulo nitong farm. Hindi ka mabuburyo rito."

Mas lalo lamang iyong dumagdag sa excitement ko. I was never fun of adventures but farm and everything in relation to it has been making me curious ever since. I even dream before to have my own farm. Hindi malayo sa farm na ito ngayon.

"Nandito na tayo." anunsyo niya pagkatapos itigil ang sasakyan sa harap ng isang dalawang palapag na gusali na bahay. It was less modern designed.

"We're sorting the fruits here. Pagkalabas ko sa sasakyan ay nakasalubong ko ang mga lalaking nagbubuhat ng kahon kahon ng mga prutas at sinasakay sa mga truck na nakaparada.

"Caden is trying to adapt to organic farming kaya ang iilan sa mga ani rito ay pina-process para gawing organic fertilizers and products."

Pansin ko rin ang mga naglalakihang banga na nasa paligid.

"What are those?." turo ko sa mga ito.

"That are juices of fruits which undergo fermentation."

Pumasok kami sa isang pintuan roon. Tumambad sa akin ang iilang mga tao. May white board sa harap at podium kung saan kasalukuyang nakatayo si Caden at nagsasalita.

Tumigil ito sa pagsasalita nang makita kami ni Zach sa may pinto. Tumikhim ito at tinapos ang pagsasalita bago lumapit sa amin.

"Gising ka na pala." tipid ko siyang tinanguan at nilibot ang paningin sa loob. Nagsigtayuan na ang mga naroon at naghahandang umalis.

"Do you want to meet them?." hindi masyado nakuha ang ibig niyang sabihin kaya kumunot lang ang noo ko.

"Come.." he placed his hand at my back and guided me in front. Napatigil ang mga naroon at napatingin sa akin.

"I don't think—

"Everyone. This is my wife. Avery." hindi niya ako pinatapos at agad na pinakilala sa kanila. Ngumiti sa akin ang mga ito at bumati.

"Ang ganda pala ng asawa niyo Sir. Mabuti at nagawi rito." saad ng isang matandang lalaki mula sa mga kaharap namin.

Ilang akong ngumiti. I don't think I'll get used to be called his wife.

"Hmm. You're right. She's beautiful." Napatingin ako sa kaniya.

Is that an example of a beautiful conversation?

Nang mapansin ang titig ko ay ngumiti ito at bahagyang hinaplos ang likuran ko. Tumagal ang titig ko sa kaniya. Kung hindi lang nagsalita si Zach ay hindi ako makakabalik sa tamang pag-iisip.

"I'll assist them outside." paalam ni Zach at sumabay sa paglabas sa mga nandito kanina. He was all smile while talking to them.  He is friendly.

"Do you have a good sleep?." muling nabalik ang atensyon ko kay Caden. He was leaning now on a table a few meter away from me.

"Medyo." I won't lie. I'm still adapting to change.

"You'll get used to it."

Sana nga.

He went on checking some reports. Mukhang nagsisilbi na rin itong opisina niya. It's not that usual grand office like what I used to. May mesa at upuan lang siya sa sulok.

May kaalikabukan ang loob. Naglalakad ako habang pinapamilyar ang loob. Muli akong lumabas , tumambad ulit sa akin ang mga malalaking banga. I never been introduced to some jar making kaya bago sa akin ang hitsura nila.

The mouths are all sealed with hard piece of cloth. May mga label ang mga ito which includes the fruit under fermentation and the weeks.

Matapos magpag-aralan ang mga ito ay umakyat ako sa pangalawang palapag. It's an alfresco type. May mga railings lang na nakapalibot sa buong palapag. Mas malamig ang simoy ng hangin nito kumpara sa baba. Mas kita ang paligid nito. There's a set of dining table and a bar counter pero walang mga laman. Napakalinis ng buong floor , walang kagamit gamit maliban sa iilang mga furnitures.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. All I can see is an abundant field full of rich plants and fruits yet to harvest.

Maging ang gusaling ito ay naabot ng mga matatayog na puno. Lumapit ako sa puno ng manga na umaabot na rin ang mga sanga rito sa taas. Abot kamay ang mga prutas. Kumuha ako ng isa. Hinog na hinog na ito at naamoy ko na ang bango. Kahit kakain ko lang ay bigla akong natakam.

Abala pa ako sa paligid habang kumakain. Nakailang pitas pa ako ng mangga.

"Do you like the fruits?."

Gulat akong napalingon kay Caden.

"Uhm.." itinago ko ang mangga na kakapitas ko lang. Ilan na ba ang nakain ko? Hindi naman siguro bawal diba?

He chuckled seeing my reaction. Bumalik na lang ako sa pagkain dahil mukhang nahuli na naman niya ako. What's the point in hiding?

"It's good. Nakailan na ako."

Napatingin siya sa mga balat na nasa mesa. Ilang akong ngumiti.

"It's good here." sabi ko na lang upang ibahin ang usapan. "I might enjoy it here."

Naghila ito ng upuan at naupo sa harap ko. I remain leaning against the rails.

"It will help you. Reconciling with nature."

"Sayo ba to o pamana ng parents mo?."

"I inherit the land but I tilled the soil."

My mouth formed an O. That's way to deep.

"Nagsasaka ka?."

He nod.

"Talaga? Hindi halata."

"I just thought the land was  a waste if we don't use it in a good way."

He has a point. Agricultural industry is the most important today. It is where we get our livelihood , the food etc. It also has been a great factor for the increase of our economy since agriculture have been dominating some places in the country rather than any industry. We're just having trouble in manifesting our land in a way that everyone would benefit and take a profit and some don't have the financial support to improve their agricultural industry.

"Pangarap mo ba to?."

He shrug. "I never dream any of this. Maraming bagay na dumadating sayo kahit hindi naman iyon ang gusto mo."

"Hmm. Like us." sinulyapan ko siya.

"We never want an us yet here we are , together.." mapakla akong ngumiti.

"It's just a matter at the end if we're thankful or regretful for having that things we never wished."

"I'm getting used on having things I don't want. In the end , I learn to like them."

He could say that but on my side. I still don't know whether to be thankful for being married to him. I could be thankful in some ways but I'm still having a doubt on where everything of this would end. Sa pagpapasalamat ba o pagsisisi.

Hindi ko namalayan ang mga oras na lumipas. Tanghali na.

"Hindi pa ba tayo babalik sa mansyon?." tanong ko ng mapansing hindi parin nagyaya si Caden na umuwi. He's busy on his phone when he answer.

"Nagpahanda na ako ng makakain. We're eating in here."

Maya maya pa ay dumating si Mang Rene kasama si Zarah kasunod pa ang iilang mga tauhan rito sa farm. May dala ang mga ito na iba't ibang klaseng pagkain.

Doon kami kumain lahat. Pati na ang mga nagtatrabaho sa farm. Marami ang nagpakilala sa akin at nagbatid ng kasiyahan sa pagiging parte ko ng pamilyang ito. I can sense everyone is grateful having me here.

I'm looking forward to meet everyone and I hope we will be having the best time with each other. Sana magiging maganda ang karanasan ko kasama sila.