Chereads / Fixing A Broken Heart / Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 7 - Chapter 5

Chapter 5 : A Big Difference

Puno ng ilangan ang pagkain ko. Sa halip kasi na umalis si Daniel nanatili na lang ito sa loob at buong pagkain ko ay tinitingnan niya. Dati ganoon naman kami at hindi ako nakaramdam ng anumang ilang pero iba na ngayon.

"Stop staring at me." bahagya naman siyang tumawa at nag-iwas ng tingin.

Maya maya pa ay tumunog ang phone nito. Kinuha niya iyon at saglit na tinitigan bago muling bumaling sa akin.

"What?." taas kilay kung tanong.

Hinarap niya sa akin ang phone kung saan nakadisplay ang pangalan ng tumatawag sa kaniya.

Natigilan ako sa pagkain ng makita ang pangalan ni Cassey.

"She's been trying to contact and talk to me lately."

"Hindi ko naman tinatanong." ani ko at bumalik sa pagkain. Nasulyapan ko namang natigilan ito.

"I told you. I need time and space pero hindi ibig sabihin noon na ayos na tayo. Na ayos na ang lahat. Na may tayo na ulit. Na tatanggapin ko na ang proposal mo. Hindi parin kita pinapatawad at hindi ko nasisiguro kung kailan o kung mapapatawad ba talaga kita."

"Okay." simple niyang saad.

Hindi ko parin makuha kung paano nauwi sa ganito ang lahat.

"Aalis na ako." ani ko rito matapos makakain at maayos ang sarili ko.

"Ihahatid na kita."

"No need. Kukunin ko na lang ang kotse ko."

"Pasensya ka na kagabi."

Nagkibit balikat na lang ako at lumabas. Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit na ihatid ako. I felt a different shade of joy when I step out of the building. Parang kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa loob ko. I can feel a bit of happiness like a sign that everything will be alright.

A smile plastered in my lips.

"Finally find a reason to smile as sweet as that?."

Mabilis na naglaho ang ngiti ko nang bumukas ang bintana ng kotse na nasa tapat ko na hindi ko namamalayan na naroon. Tumambad sa akin ang mukha ni Caden. He look at me head to foot and smirk.

"Something happened right?."

"Something? What do you mean?." Taas kilay kung tanong rito.

Sumandal ito sa kaniyang upuan.

"Magkasama kayo buong gabi. He loves you and you love him. Naka-inom ka."

He smirk again. "You can't trust your senses when your under the system of alcohol. Iyon naman ang dahilan kung bakit may nangyari sa boyfriend at kapatid mo diba?."

Saglit naman akong natigilan at mabilis na pinaramdaman ang katawan. I don't feel something not normal at sigurado naman akong walang nangyari. I know Daniel. Do I?

"Walang nangyari sa amin." sagot ko matapos ang ilang minutong pag-aaral sa sarili ko.

"And how on earth do you know I was with him the whole night?." taka kung tanong.

Mukhang alam niya kasi ang lahat ng nangyari.

"Why should I not? Baka nakakalimutan mong ikakasal ka na sakin. Wag mong sabihin gagaya karin sa kapatid mo?."

Sa pagkakataon lang din iyong nag-sink in sa utak ko ang lahat. Ikakasal na pala ako sa kaniya.

Matapang ko siyang hinarap.

"I would like to cancel the wedding." ilang minuto ang nagdaan pero wala itong naging reaksyon. Nakatitig lang ito sa akin.

"Wala ka bang reaksyon?. I said I'll  back out in our wedding." pag-uulit ko.

"Give one important reason why should I let you back out on this wedding."

"I'm gonna fix my relationship with Daniel."

"Too risky."

"I'm not afraid to take another chance. I'm matured enough to handle this things like a matured one and not by escaping it."

"You think you're already mature and so you think its better to fix this relationship than marry me?."

Tumango ako. Mas tanga ata ako sa point na magpakasal sa lalaking hindi ko naman mahal kaysa sa subukang muling maayos ang nasirang relasyon namin ni Daniel. Kahit papaano the years we spent together is worth the risk.

"You really think so?." tumango ulit ako.

"Why don't you think for a second thought?." aniya at inilahad sa akin ang isang litrato.

"Ano to?."

Nalukot ang litrato na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko roon. Naroon sa larawan si Cassey at Daniel na naghahalikan pero hindi sa hotel kung hindi sa opisina ni Daniel. Alam na alam ko ang hitsura ng opisina nito.

"Hindi ba niya sinabi sayo yan?."

"Where did you get this?."

"I have my ways."

"This is not true."

"Kung ayaw mong maniwala. Ask him yourself. Sabi mo mature ka na para ayusin ang relasyon niyo. Go for it. Goodluck." saad nito at binuhay ang makina ng kotse nito.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa litrato. Muling nanuot ang galit sa kalooban ko. Pinunit ko ang larawan at inapakan.

"Wait!." napatigil naman ito sa akmang pag-drive.

"Sasabay na ako."

"You sure?." I just rolled  my eyes at him. Umikot ako sa kabila at naupo sa shotgun seat.

"Nasira na ang araw mo niyan?."

"You should learn. If a man can't be trusted once , you can't trust him at all. Remember it only takes one man to build what the worlds have built. Same with relationship."

"Alam ko kaya manahimik ka na."

"Muntikan ka na namang makuha sa mga salita niya. You're not mature enough."

"Oo na! Pwede bang mag-drive ka na lang at gusto ko ng umalis sa lugar na to!." sigaw ko dahil sa irita.

"Kung hindi ka titigil sa pagsasalita at pagku-kwestiyon sa mga desisyon ko , mapagbubutungan kita ng galit." paalala ko rito dahil kunti na lang ang kulang para mapuno ako at magsabog ng galit at hinanakit sa mundo.

He just smirk.

"And stop smirking at me , hindi ka nakakatuwa."

Ngumisi ulit ito kaya mabilis kung kinuha ang bag ko at hinampas sa kaniya.

"Fvck!."

"Araaaaaay!."

He cursed. I exclaimed.

Salubong ang kilay namin ng bigla itong tumigil dahilan para mauntog ako sa bintana.

"Are you crazy?! Kung gusto mong magpakamatay , wag mo akong dinadamay!." singhal nito sa akin.

"If you don't want me bugging you. Stop talking shits to me!."

"Its not shits. Its truth! At dapat sanayin mo ang sarili mo sa ganoong bagay cause that's how life works. Sa ayaw at sa gusto mo!."

"Fine. Pero masakit. I'm not like you who know a lot how life works. I'm not like you who are already used at how everything is. Magkaiba tayo ng panindigan at pinananiwalaan and maybe our world works different from each other. I'm not used in pain and all this lies and betrayal. Kasi ako , I grow up loved and taken care of to the best people I know. I never experience nor expected I would someday end up this way. Kaya kung pwede dahan dahan naman sa mga sinasabi mo. Hindi ako nasasaktan sa nalaman ko kung hindi sa sinasabi mo dahil pinapaalala mo sa akin na ang tanga ko. Na ang bobo ko para maniwala sa kaniya."

"You have to get used to it dahil kung hindi , hindi ka makakapag-move on gaya ng gusto mo. Hindi mo siya mapapatawad. You'll never decide the next right thing to do. Kung hahayaan mo ang sarili mo na basta basta na lang magpapadala sa salita niya at sa tingin mo kung anong tama at sa nararamdaman mo. Walang mangyayari. Magkakamali ka rin sa huli. Masasaktan ka ulit and trust me a wound of heartbreak doesn't get less painful as the more you experience it but those wound of true love will be more painful the second time around. The wounds are much deeper. The pain will not kill you inside but make you alive. And being alive in this kind of reality is harsh than death and time will come you'll just wishing death will come and take you. You may not trust what I say but believe in such words. You will never be able to handle things if you're not ready."

Laglag panga akong nakatingin sa kaniya. Paano niya nalaman ang mga bagay bagay na iyon? Sa bawat salita niya ay parang naranasan niya na lahat ng iyon at natuto na siya pero saan? Brytte said he doesn't have any girlfriend ever since kaya imposibleng nakaranas na siya ng naranasan ko ngayon.

"Are you listening?." napukaw ako sa pag-iisip.

"H-how on earth do you know that views? At paano ko malalaman na tamang sundin ko ang mga sinasabi mo kung hindi ka pa nakakaranas ng heartbreak.  You've never been into my situation and even if you do it would be in different circumstances. How could you tell what to do? Who really are you?."

The longer I am with him the more I felt a lot of vague mystery surrounding around him. He keeps becoming mysterious.

"Naranasan mo narin ba ang naranasan ko?." kuryuso kung tanong.

Bahagyang nabawasan ang irita sa loob ko dahil kanina dahil truth to be told masyado talaga appealing ang mga salita niya na akala mo kung makapagsalita ay isang pilosopo na mas maalam pa kay Aphrodite na diyosa ng pag-ibig.

"No." he answered.

"Then how on earth could I at least believe in your words? Were even just a mere stranger to start of."

Bumalik ang atensyon niya sa daan at muling nag-drive. It takes him a minute before answering.

"Una sa lahat , you can't even trust your boyfriends words. What makes us different? At least I am not lying. At take note it's better to take advice from the people you don't know. They know better. At isa pa I'm not like your boy—

"Correction! Ex-boyfriend." He just rolled his eyes at me.

He is such a self-conceited , arrogant , lofty mysterious guy. Magkaiba nga sila ni Daniel. That guy was a perfect ideal man. Mapagmahal , maalaga , maalahanin , lahat na ata ng magagandang katangian nasa sa kaniya kaso  may naligaw na pang-uring manloloko at sinunggaling. He's a perfect example of no perfect ideal man rather. Shame on me for believing he is. Ang tanga ko talaga!

Muli naman akong napatingin sa kaniya ng pasulyap-sulyap ito sa akin.

"Ano na naman?." medyo mahinahon kung tanong. Pagod na akong ma-stress.

"Nothing." aniya at bumalik na sa daan ang tingin.

"Why don't you tell me why you know those words? Talaga bang wala kang girlfriend ever since?."

"Do you know what hurts more , than being betrayed by the people you love?." saglit akong napaisip.

May isasakit pa ba sa pagloloko ng pinakakamahal mo?

"I don't know. What?."

Baling kung muli sa kaniya.

Bahagya siyang natahimik bago nagtapon ng isang makahulugan sulyap sa akin.

"Rejection."

"Rejection?."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. What does he mean by rejection? Is it when your love ones reject you and it hurt more than being betrayed?

Tatanungin ko sana ito sa ibig niyang sabihin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil pakiramdam ko may kung ano itong tinatago na hindi ko na siguro dapat munang alamin.

Dumaan kami sa bar ng pinuntahan ko kagabi para kunin ang kotse ko pero wala na ito. Nagpahatid na lang ako ni Caden sa bahay dahil baka hinatid na ni Troy. Iyong bartender sa bar. Madalas kasi siya ang sinusuyo ni Daniel noon para ihatid ang sasakyan ko sa bahay kapag gusto niya na lang akong isabay sa kaniya. Magpagkakatiwalaan naman siya kaya binigyan ko na ng susi. Maliban sa kaklase namin ito dati ay matalik na ring kaibigan namin. He came from a prestige family like us kaso nang ma-arrange marriage para sa negosyo nila ay naglayas. Ayaw na ayaw kasi niya ng ganoon. I don't know why. Bagay sila ni Cassey. But Cassey doesn't deserve a kind man like Troy. No one even deserve such a woman like her.

I should shut my mind up. I'm going to far.

"Were here."

Hinintay kung makapag-parking si Caden bago bumaba. Gaya ng hula ko ay naihatid na nga ni Troy ang kotse ko dahil nasa harap na iyon ng bahay at kakababa lang din niya.

"Scarlette!." lumapit ako at nagpasalamat rito.

"Walang anuman. Nakita ko kasing kinuha ka ni Daniel. You seem to not like the idea with him but I don't bother minding your personal matter."

"Thanks." Muli kung pagpapasalamat rito.

"Anong nangyari? Nagka-ayos na ba kayo?."

"Sana." nanghihinayang kong saad.

"Sana?."

"I can't trust him anymore."

"But you're sure you love him still?."

"I don't know. Nakalimutan na ata ng puso ko ang kahulugan ng salitang pagmamahal."

"Don't be like that. You guys are a beautiful couple. Sayang ang pinagsamahan niyo. Ang mga alalala."

"Nakalamutan ko na yun."

"That fast?." hindi niya makapaniwalang tanong.

"Remember. Ang nakalimutan ng isip , ipapa-alala ng puso." aniya at itinuro ang dibdib

"Pero yung puso ko ata ang nakalimot."

Natigilan ito. "Oh?."

" Well , logically and scientifically saying. It is our mind that enable us to think , reminisce and remember the memories we had with someone." dagdag pa niya.

I just nod in agreement.

"But on the other hand if we just stick to reality. Kapag ang puso ang nakalimot.....the end."

"I don't know why all of this happen? Wala naman akong ginawang masama."

"Have the thought of Cassey falling for Daniel cross your mind?." kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"What do you mean?."

He shrug and then said. "I just thought maybe he likes Daniel too? Kasi kagabi naroon rin siya ng makita ko kayo ni Daniel and by the look in her eye. She seem pretty jealous of the two of you. Dahil kaya may naramdaman rin siya para sa lalaking mahal mo?."

"I don't know but what Daniel told me is she was mad at me for having the opportunity to love the man I love while she was already tied to marry someone she didn't even know."

Biglang tumaas ang kilay nito na para bang may biglang naisip.

"I remember. She was arrange to marry someone right?."

I nod.

"And is it true that you'll gonna marry him instead?."

I nod again.

"Really?!." gulat niyang saad.

"Hmm."

"Ayos lang sayo?."

"Wala akong pagpipilian."

"Oh! Come on. Arrange marriage are worse than heartbreak. Its hell trust me."

"Alam kung bitter ka sa arrange marriage. Wag mo na muna akong idamay ngayon."

He cross his arm and stared at me unbelievably.

"You know why I hate arrange marriage?."

Umiling ako.

"Its because. It was a Cupids devilish way for two strangers to fall in love. A bridge to say." His voice sounded more of a warning.

"Sarado na ang puso ko sa pagmamahal." saad ko

"Sa ngayon." sabat niya.

"At paano kung ang lalaking yun ang muling magbubukas ng puso mo para muling umasa sa pag-ibig at muling magmahal. And you are a fool again to believe he was different but he was just a stranger bound to  marry you for pure business goals and he doesn't feel anything towards you not even a single obligation to act like your husband at all. And what if he'll open your wounded heart again but rather than stitching it he'll ended up playing with it making the wound deeper and deeper and deeper until it hurts more than  what your first heartbreak is."

Muling kung naalala ang sinabi ni Caden. That a heartbreak will be more painful for the second time around. For instance , he's trying to lure me in his trap?

Kunot noo akong muling tumingin kay Troy. Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko.

"Pero nasisiguro kung walang balak maging doer ng second heartbreak mo ang soon to be husband mo." sabi nito na puno ng kasiguruhan.

"How do you know?." sumulyap ito sa likuran ko  at doon ko lang din naalalang kasama ko pala si Caden.

Lumapit si Troy sa akin at bumulong.

"You're not seeing it."

"Seeing what?." I asked confused of what he mean.

"I know the ways of man Scarlette. You should listen to him." huling sabi nito at iniwan na ako.

Sinundan ko siya ng tingin at nahagip ang pagtapik nito sa balikat ni Caden na nasa labas na ng kaniyang sasakyan. Lumingon pa ito sa akin at kinawayan ako.

Ba't parang nagiging misteryoso narin si Troy?

I'm not seeing it? Seeing what?. Ano pa ba dapat ang nakikita ko? And how could he be sure that Caden wouldn't be like what he said? Really?

Who knows the ways of man? Clearly! I don't know either.

"Who is that?." Caden ask as he draw close.

"A friend."

"Too close to be a friend." Napairap ako.

Ito na naman kasi siya sa feeling niyang alam niya lahat. E sa ganoon talaga kaming magkakaibigan. Ano ba kasi ang magkakaibigan sa kanila? Nag-aaway , nagsasabunutan , naglolokohan?

Hay! Lokohan na naman. Kailan kaya ako makaka-move on sa salitang yan.

"Hey!." nabalik ako sa reyalidad ng pitikin nito ang noo ko.

"Tulala?."

"Pilosopo ka talaga no?." saad ko rito at inirapan siya.

"Is that a sentence of compliment or sarcasm?."

"Do I sound sarcastic?."

"You don't. But you're not the type of person who wants to compliment me."

I sigh in failure. He's too full of himself.

"I'm saying here you goes again with your philosophers mind and words." tumango ito and for the first time since he look happy of my answer.

"Finally! A good conversation."

Good conversation? What does he mean by that?

"Saang banda ang maganda doon?."

"Hindi ko sinabing maganda."

"You said good. Wala namang pinagkaiba."

"There is."

Napa-atras ako ng humakbang ito palapit sakin at saka hinawi ang buhok ko at saka inipit sa tainga ko.

"W-what are you doing?."

"You are beautiful." aniya at tumitig sa mga mata ko.

"What—

"That. Is an example of beautiful conversation." agad na tumaas ang kilay.

Napalunok naman ako ng hinaplos nito ang buhok ko.

At saka inilagay ang kamay nito sa likuran ko at bahagya akong hinapit palapit sa kaniya at marahang hinalikan ang noo ko.

"You are good."

I was staring blankly at him with eyebrows raised , confused and a little bit bothered.

"W-what.." I was gulping hard.

"That. Is an example of a good conversation. " nakatulala lang ako sa nakatingin sa kaniya.

"Papasok na muna ako. I'll talk to your parents." sabi nito at iniwan na ako.

Ilang minuto akong parang tuod na nakatayo roon. Nagbuga ako ng hangin matapos muling maayos ang sarili ko.

"There is indeed a big difference." I smiled slyly.