Chereads / DANGEROUS LOVE OF PRIMO / Chapter 1 - The Protagonist

DANGEROUS LOVE OF PRIMO

🇵🇭Renelyn_Ardiza
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - The Protagonist

Malawak ang ngiting nakatitig si Romary sa isang apartment na kaniyang nakuha upang simulan ang bago niyang buhay mula sa labas ng bahay ampunan. Sanggol palang si Romary ay sa bahay ampunan na siya nagka-isip at lumaki hanggang sa tumuntomg siya sa edad niya ngayon na labing siyam na taong gulang. Clueless si Romary sa pagkatao niya dahil kahit ang mga madre na nagpalaki sa kaniya ay walang masabi sa kaniya dahil nakita lang daw siya ng mga ito sa harapan ng gate ng bahay-ampunan, estranghero ang tingin ni Romary sa kaniyang sarili dahil tanging pangalan niya lang na nakaburda sa lampin ng matagpuan siya ng mga madre ang pagkakakilanlan niya sa kaniyang sarili.

Lumaki si Romary na hindi niya hinanap ang mga magulang niyang para sa kaniya ay inabandona siya, masaya siyang lumaki at nanirahan sa bahay ampunan kung saan ang mag madre doon ang naging mga magulang niya. Mahal na mahal ni Romary ang bahay-ampunan na kinalakihan dahilan upang kahit sinong nagbalak na ampunin siya ay hindi siya pumayag. Kaya ngayong dumating ang oras upang lisanin niya ang bahay ampunan ay nalulungkot siya dahil mahihiwalay na siya sa pamilya niya, pero alam niyang masaya ang mga ito na may buhay na siyang mabubuo mula sa labas ng bahay-ampunan.

Excited si Romary na maka-uwi na sa bahay ampunan upang ibalita sa mga madre na nakakita na siya ng bahay na magiging bagong tirahan niya, malapit-lapit pa sa college university na pinapasuskan niya kung saan malapit na siyang makatapos sa kursong criminology, malapit din ang apartmen na nakuha niya sa part time job na tumanggap sa kaniya bilang waitress ng isang restaurant na source of income niya pambayad renta, at para sa graduation niya ngayong hihiwalay na siya at iiwan ang tahanan na naging mahalaga na sa kaniya.

"Si sister Magdalena ang unang tatalon sa tuwa pag nasabi ko na sa kanila na nakahanap na ako ng bahay na matitirhan ko."ngiting sambit ni Romary na agad ng lumisan sa lugar na magiging bagong tirahan niya para makabalik na sa bahay ampunan.

Alam ni Romary na magiging masaya ang pamilya niya sa bahay ampunan at ang mga bata sa buhay na haharapin niya.

Agad na sumakay si Romary sa nakaparadang jeep, hindi maalis ang ngiti sa mga labi niya dahil sa saya na kaniyang nararamdaman. Kalahating oras ang lumipas sa biyahe niya mula sa jeep nang sumakay na siya sa tricycle na maghahatid sa kaniya sa bahay ampunan.

Kinse minutos ang naging biyahe niya ng makarating na siya sa bahay ampunan na malayo-layo sa bayan, wala din masyadong mga kapitbahay ang bahay-ampunan. Pagkabayad ni Romary sa tricycle driver ay agad na siyang bumaba, nagtataka lamang siya kung bakit pakiramdam niya ay may kakaiba sa bahay-ampunan. Wala siyang ingay na nararirinig mula sa mga bata sa loob, walang mga batang nagtatakbuhan sa harapan ng bahay ampunan at mga madreng natutuwang nakabantay sa mga bata.

Nakakunot ang noo ni Romary habang naglalakad siya papasok sa gate ng bahagya siyang mapangiti sa naisip niya.

"Hindi kaya may pa supresa sila kaya ang tahimik nila ngayon?" ngiting ani ni Romary na binilisan ang kaniyang paglalakad hanggang makarating siya sa pintuan ng bahay ampunan na bahagya siyang natigilan, dahil bahagyang nakaawang ang pintuan.

"Dapat magmukhang gulat na gulat ako if ever may inihanda silang surprise para sa akin."mahinang saad ni Romary sa kaniyang sarili na ikinabukas na niya sa pintuan.

Ang pa surprise na naiisip ni Romary ay agad naglaho ng parang bula nang tumambad sa kaniyang mga mata ang mga nagkalat na walang buhay na katawan ng mga madre at mga bata sa sahig. Puro dugo ang nakikita ni Romary na parang may malamig na tubig ang bumuhos sa kaniyang buong katawan dahil sa kaniyang nadatnan sa mga oras na 'yun.

Agad na naimulat ni Romary ang kaniyang mga mata dahil sa ala-ala ng nakaraan na hindi niya malimutan at never niyang kakalimutan. Ang araw kung saan natagpuan niyang wala ng buhay ang kaniyang tinuring na pamilya sa bahay ampunan, mga madre at bata na naliligo sa sarili nilang mga dugo.

Apat na taon na ang lumipas pero para kay Romary ay sariwa parin ang masakit na ala-ala na 'yun sa buhay niya, agad na bumangon si Romary sa pagkakahiga niya sa isang gym mat at tinigil ang glute bridge exercise na ginagawa niya. Pagkatayo ni Romary ay akmang kukunin niya ang tumbler na dala niya upang uminom ng matigilan siya ng may humarang sa harapan niya na apat na lalaking nadatnan niya na sa gym na pinuntahan niya nang dumating siya dito.

"May kailangan kayo boys?"tanong ni Romary sa mga ito habang bahagya siyang hinihingal sa kakatapos lang na exercise na ginawa niya.

"Kanina ka pa namin nakikita miss, dumating kang mag-isa dito sa gym at hindi masayang mag exercise ng mag-isa. You can join us and we help you with your exercise, I can guide you."ngiting ani ng isa sa apat na lalaking may hikaw sa tenga nito.

"Are you a gym instructor here?"ngiting tanong ni Romary dito.

"Nope, but I'm regularly exercising here. Not an instructor but I can help and guide you here, I know lots of equipment here, and then we can have a coffee after. I'm Jose---"

"—hindi ka naman pala instructor, you just know a lots of equipment here but I'm sure hindi lahat ginagamit mo." Putol na saad ni Romary sa lalaki kasabay ng pagkawala ngiti niya habang nakatingin sa apat na lalaki.

"Base sa pangangatawan niyo, mukhang hindi niyo nga kayang buhatin ang 500 lbs of barbell. Don't disturb my peace here, masama sa akin ang ma-bwisit boys."pahayag ni Romary na itinaas ang kanang kamay nito at nag gesture na tumabi ang mga lalaking nasa harapan niya.

"Get out of my way."

"Miss, nag-o-offer na ako sayo, ang lakas mo pang insultuhin kami. Lingunin mo ang buong gym, kami at ikaw lang ang naririto. Hindi usual na tumataas ang may-ari ng gym na 'to, kaya kung hindi ka magiging mabait at makikisama sa amin, wala akong magagawa kundi ipilit ang sarili namin sayo. Sexy at maganda ka, we're businessmen kaya hindi ka lugi sa aming apat."pahayag ng lalaking nakahikaw ang tenga na dinako ang kanang kamay nito at ipinatong sa kaliwang balikat ni Romary.

"We can pa---"

Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin nito ng bahagya itong mapadaing at mapa-igik nang hawakan ni Romary ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya, at pilipitin.

"F-Fvck! Bitawan mo a-ak---"

"I'm not a whore that your money can buy, expensive ako and not cheap. At kakasabi ko lang, huwag niyong hintayin na mabwisit ako yet hindi ka nakinig."putol na ani ni Romary sa lalaking nakangiwi habang nakahawak sa balikat nito dahil sa pamimilipit na ginagawa ni Romary sa kaniya.

"Bakit nakatunganga lang kayo diyan?! Binabalian na ako dito!"sigaw ng lalaki sa tatlo niyang kasama na malakas na ikinasipa ni Romary sa sikmura ng lalaking hawak niya ang braso, na pabagsak na sumalamak sa sahig na ikinagulat ng tatlong kasama nito.

Umuubo-ubo ito dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Romary sa sikmura nito nang tapikin ni Romary ang balikat ng dalawang lalaki na napalingon sa kaniya, nginitian niya ang mga ito bago sabay na sinuntok ang mga mukha nito gamit ang dalawa niyang kamao na ilang paatras na napahakbang palayo sa kaniya. Agad namang siniko ni Romary ang ikatlo sa dibdib nito at agad hinawakan ang braso at binalibag sa Smith Machine.

Nang makita niyang nakabawi ang dalawang lalaking sinuntok niya sa mukha na sabay sumugod sa kaniya, ay agad iniwasan ni Romary ang isa sa mga ito at umikot sa likuran ng isa sa dalawa at malakas na hinampas ang weakest point ng leeg, ang carotid sinus nito na ikinawalan ng malay ng lalaki na deretsong bumagsak sa sahig. Agad naman na nilingon ni Romary ang isa pang lalaking napaatras ng magtagpo ang mga mata nila. Kita niya na nag-aalinangan itong sumugod sa kaniya na bahagya niyang ikinabuntong hininga.

"Bibigyan kita ng option, tatakbo ka o gusto mong humandusay din sa sahig ng gy---"

Hindi natuloy ni Romary ang sasabihin niya ng mabilis na nagtatakbo palayo sa kaniya ang lalaki na nagkakandadapa pa makaalis lang sa gym.

"Hindi pa ako tapos magbigay ng pagpipilian tumakbo na agad siya, boring."kumentong saad ni Romary ng mga brasongg yumakap sa kaniya mula sa likuran dahilan upang maipit sa mga braso nito ang mga braso niya upang hindi siya makagalaw ng ayos.

"Gago kang babae ka! Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo sa akin!"galit na sigaw ng lalaking nauna niyang pabagsakin kanina.

Imbis na masaktan si Romary sa mahigpit na yakap ng lalaki mula sa likuran niya ay napabuntong hininga nalang siya.

"Ang sabi mo kanina sa akin, lagi kang napunta dito to exercise. You build muscles, no doubt about that kaya lang is that al force you can do? How disappointing."saad na wika ni Romary na hindi na niya pinagsalita ang lalaking nakayakap sa kaniya, nang malakas niyang sipain ang binti nito patalikod ng tatlong ulit dahilan upang paluhod na ikinabagsak ng binting sinipa ni Romary.

Bumaba sa hita ni Romary ang pagkakayakap ng lalaki sa kaniya kaya agad na nakawala ang dalawang braso niya, agad siyang humarap dito at agad niyang ipinatong sa kanang balikat nito ang kaliwang tuhod niya nang mapatingala ito sa kaniya.

"Men love this kind of position, but as for you, mukhang hindi 'yun ang mangyayari sayo."ngising ani I Romary na agad ikinawalan ng ngisi nito at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha nito hanggang sa dumugo ang ilong nito.

Sa huling suntok ni Romary agad siyang lumayo dito at binigyan ng paikot na sipa at walang malay na nitong ikinabagsak sa sahig. Binalingan ni Romary ng tingin ang kanang kamao niya na may bahid ng dugo ng lalaki na bahagya niyang ikinaluhod upang ipunas ang kamao niyang may dugo sa likurang damit ng lalaki. Nilingon ni Romary ng tingin ang dumadaing na lalaki na binalibag niya sa Smith Machine na ikinalakad niya papalapit dito.

"Excuse me."agaw pansin na tawag ni Romary na gulat na ikinalingon nito sa kaniya.

"Can you help your friends to get out of this gym? Pretty please..."ngiting request ni Romary na mabilis na pagtangong tumayo ang lalaking kausap niya at agad nilapitan ang dalawang kaibigan na walang malay.

Nahihirapan man ang lalaki sa pagbitbit sa dalawa nitong kaibigan ay nagawa nitong makalabas sa gym na ikinawalan na ng ngiti ni Romary na nakapaskil sa labi niya.

"Tss! Istorbo."wika ni Romary na pinuntahan na ang pinaglalagyan ng tumbler niya upang uminom.

Nang makainom na si Romary ay inunat niya ang dalawang braso niya upang bumuhat naman ng 500 lb na barbell, nang mapalingon siya sa isang lalaking naka pang gym na nakatayosa harapan niya.

"Need not to know." ani nito bago ito umalis sa harapan niya at deretsong nagpunta sa isang bench ng gym at inilapag doon ang isang itim na paper bag bago ito umalis.

"Kakabakasyon ko lang kahapon, bagong trabaho na naman."normal na kumento ni Romary.

Iniwan ni Romary ang barbell na dapat ay bubuhatin niya at pinuntahan ang bench kung nasaan ang itim na paper bag na alam niyang para sa kaniya. Nang makalapit siya doon ay simpleng umupo si Romary bago kinuha ang paper bag, at tiningnan ang laman.

Isang flaxen yellow na papel ang laman ng envelop, pagbukas ni Romary sa papel ay isang shift ciphers ang bumungad sa mga mata niya.

"Seriously? Ano bang trip ni Roman at may pa ganito pa siya?" naiiling na ani ni Romary sa trip ng superior niya.

"GXPF BLLBH: GDBSS."pagbasa ni Romary sa cipher na nasa papel na agad niyang na decode kung anong ibig sabihin.

"What's new..."kumentong saad ni Romary na binitawan niya ang papel na dahan-dahang bumabagsak, at sa paglapat nito sa sahig ay bigla itong umapoy hanggang sa maging abo ang papel.

Kakaibang papel ang natanggap ni Romary kung saan sa oras na bumagsak ang ganitong klaseng papel sa sementong sahig ay agad-agad itong nag-aapoy.

Sunod naman na kinuha ni Romary sa loob ng paper bag ang isang hard drive na alam niyang nakalagay doon ang next niyang trabaho.

Romary is a police detective secret agent of an organization na hawak ng CIA, all of her works are undercover. The organization and CIA makes sure na sa lahat ng trabaho niya ay walang magiging problema. She's good in long distance shooting, ito ang madalas niyang gawin para tapusin ang trabaho niya. She also know archery, and martial arts.

"Sa bahay na kita titingnan, i need to finish my exercise.."kumento ni Romary na ikinabalik niya sa hard drive na hawak niya sa itim na paper bag at dinala na ito kung nasaan ang tumbler niya at inilagay sa tabi nito ang paper bag, bago nilapitan na ang Lat Pulldown Machine upang ipagpatuloy ang naudlot niyang pag-e-exercise.