Chereads / DANGEROUS LOVE OF PRIMO / Chapter 3 - Saved

Chapter 3 - Saved

HINDI MAGAWANG MAKAPAG-SALITA ni Romary sa kinauupuan niya habang nasa biyahe siya at hinahatid ng dalawang lalaking kilala ni Fraeya na magdadala sa kaniya sa Black Manta pub ng kaniyang mission.

Romary feels a strange yet dangerous presence toward the two men in her front. May nakikita man siyang ngiti sa mga ito, pero empty ang mga mata ng mga ito. Wala siyang makitang emosyon, malalamig ang bawat titig ng dalawang nasa unahan niya.

Nang sabihin ni Fraeya kagabi na pumayag ang master nito na i-reccomend siya bilang magiging waitress ng pub ng target niya, ay pinag ready siya nito dahil maagang-maaga daw siyang susunduin sa bahay nila. Akala ni Romary ang maaga na sinasabi ni Fraeya ay may sikat na ang araw pero alas-tres palang ng madaling araw ng sunduin siya ng dalawang lalaking kilala si Fraeya.

Hindi maitatanggi na parehas gwapo ang dalawang lalaking maghahatid sa kaniya sa Black Manta pub, pero hindi niya gusto ang mga awra ng mga ito.

"Gusto mo bang dumaretso na tayo sa trabaho natin, Denali? You know, the usual work na pinagagawa ng ating kamahalan." rinig ni Romary na ani ng lalaking nagmamaneho.

"That's not the time to talk about that, Rutherson, so hush your fvcking mouth." sitang singhal ng katabi nito na rinig ni Romary ikinatawa ng lalaking mamaneho ng makita niyang tumingin ito kaniya gamit ang rear mirror.

"Franco was rare to ask for a request to our highness for others sake, are you close with her?"tanong nito sa kaniya na ramdam niya ang malamig na tono sa boses nito.

"Not that close, I can consider us as allies." sagot ni Romary dito.

Ayaw niyang ma intimidate sa mga ito kaya she makes sure that she is in her usual self.

"Is that so? Maliban kay Yass---"

"Can you fvcking drive without talking to her, Rutherson? Stop pestering that stranger, we told to take her in V's pub not to have a shitty talk with her." sitang putol ng katabi ng lalaking na nagmamaneho.

"Fine fine! Ang ikli talaga ng pisi ng pasensya mo Denali."

"Do you know Mr. V?" usisang tanong ni Romary dahil narinig niya kung paano bigkasin ng mga ito ang pangalan ng target niya na parang kilala nila ito.

"Even if we know, we won't tell you." malamig na ani ng katabi ng nagmamaneho na hindi nalang ikina-imik ni Romary.

Ramdam niya hindi lang ang panganib sa dalawa, ramdam niya din ang ka-misteryosohan ng mga ito.

"Fifteen minutes makakarating na tayo sa Black Manta, we don't know why you were going to that dark place but if you are sort of special to Franco, you need to get out in that place alive." ani ng lalaking nagmamaneho na hindi nalang inimikan ni Romary.

Miya-miya pa ay itinigil na ng mga ito ang sinasakyan nilang kotse sa isang madilim na parte. Nang masilip ni Romary ang lugar na pinuntahan nila ay masasabi niyang para silang nasa ghost town dahil sa dilim ng lugar, kakasikat palang ng araw pero parang hindi nadaretso ang sikat ng araw sa lugar na 'yun. Masasabi ni Romary na hindi biro ang bago niyang misyon.

"Let's go." ani ng mga kasama niya na sabay lumabas ng kotse.

Bumaba na din si Romary sa kotse at sinundan ang dalawa niyang kasama na nauunang maglakad sa harapan niya. Hindi naman mapigilan ni Romary na lingunin ang buong paligid ng lugar, kakaiba ang lamig na nararamdaman niya.

"People here are alive in the evening, kung mananatili ka dito kailangan mong masanay." rinig ni Romary na ani ng isa dalawa niyang kasama.

"Mananatili?"

"Yeah, once na pumasok ka sa Black Manta hindi ka makakalabas sa lugar na 'to maliban nalang kung magawa mong makatakas dito, o hayaan ka ni V."

Once na mapatay ko na ang target ko, that Mr. V, kaya kong makatakas sa lugar na 'to. ani ni Romary sa kaniyang sarili.

"Then i'll try the first one pag tapos na ako sa gagawin ko sa lugar na 'to." sagot ni Romary.

"So braved, hindi ka ba natatak---Fvck! Muntik na akong matalapid, Denali! Sinadya mong talapirin ako di'ba?!" singhal nito matapos talapirin ng masungit na kasama nito.

"You're noisy, if you don't want to get in trouble here, you should zip your fvcking mouth. I don't want to get soaking dirty here." ani nito na ikinaungos lang ng kasama nito.

Ang patayin ang isang malaking druglord ang sunod na trabaho ni Romary, nahihirapan ang CIA na mahuli ito dahil sa yaman at mga malalaking taong kapit nito, kaya silang mga taga CDO ang sasalo ng trabaho.

"I'll deal with you pag labas natin sa lugar na 'to."

Napapailing nalang si Romary sa mga kasama niya, may panganib na awra ang mga ito pero parang mga bata kung magtalo. Hindi alam ni Romary kung nagkakamali lang siya sa tingin niya sa dalawang kasama niya.

Sa paglalakad nila ay napatingin si Romary sa makalumang pintuan ng isang pub, walang maaninag si Romary mula sa loob dahil madilim.

"Hanggang dito nalang kami, we are told to bring you here but were also told not to set foot in this pub. Good luck to you."

Hinabol ng tingin ni Romary ang dalawang naglakad na pabalik kung nasaan ang kotse ng mga ito.

"Masyado silang masunurin sa kamahalan na sinasabi nila." kumento ni Romary na ibinalik na ang tingin sa pub.

Hindi na nagdalawang isip si Romary na ihakbang ang mga paa papasok sa loob, medyo may kadiliman kaya hindi masyadong maaninag ni Romary ang pinaka itsura ng pub pero nakakasiguro siya na maluwag at malawak ang kabuuan nito.

Tuloy-tuloy lang si Romary sa paglalakad niya ng may humawak sa kanang binti niya, akmang sisipain niya ng manlaki ang mga mata niya ng higitin siya nito dahilan upang deretso siyang bumagsak sa sahig.

"Damn!" mura niya ng may kumuha sa dalawang kamay niya at ipinid iyon sa sahig na ikinalaki ng mga mata niya.

"A-ano ba?! Get off me!"pagpipiglas ni Romary ng pagtaasan siya ng balikat ng maramdaman niyang may mainit na hininga sa may leeg niya at amoy na amoy niya ang alak mula dito.

Madilim kaya hindi niya makita kung sino 'to, gusto niya itong sipain palayo, pero ang bigat ng katawan nito ay nasa kaniya kaya nahihirapan siyang gumalaw.

"Naliligaw ka yata, hindi ka dapat pumapasok dito ng ganitong oras. Bakit hindi mo nalang ako pasayahin ngayon." rinig niyang ani ng kung sinong lalaking nasa ibabaw niya ng manlaki ang mga mata ni Romary ng maramdaman niyang dinilaan nito ang kaniyang leeg.

"Lumayo ka sa akin, ano ba?! Huwag mong subukan ang plano mo dahil papa---shit!" pilit na gustong kumawala ni Romary sa ginagawa sa kaniya ng lalaking nasa ibaba niya lalo pa at pababa ng pababa papunta sa dibdib niya ang ginagawa nitong kabastusan sa kaniya.

Gusto niya itong suntukin, balian ng buto pero masyadong malakas ang pagkakapinid ng lalaki sa kaniya. Hindi inasahan ni Romary na ito agad ang mangyayari sa kaniya sa unang pasok niya sa hindi ligtas na lugar at pub na ito para sa misyon niya.

"N-no...."

Natigil ang lalaki sa ginagawa nito sa kaniya ng biglang magliwanag ang buong pub kung saan napatunghay ang lalaki na nasa ibabaw ni Romary.

"Lumayo ka sa kaniya Baldo, hindi ganiyan ang pagtrato sa isang babae lalo na at bago palang siya dito." boses ng isang lalaking na agad ikinatingala ni Romary ng makita niya di kalayuan sa ulunan niya ang isang lalaking naroroon.

"Huwag mong pakialaman ang umagahan ko, Primo." ani ng lalaking nasa ibabaw ni Romary na ikinalakad ng lalaking masasabi ni Romary na may angking kagwapuhan.

"Aalis ka sa ibabaw niya o makakarating kay Diablo ang ginagawa mo sa bagong waitress ng pub." seryosong saad nito na napaingos na ikinatayo ng lalaki sa ibabaw ni Romary na kahit papaano ay ikinahinga ng maluwag ni Romary.

Akala niya ay basta-bastang mawawala sa kaniya ang kaniyang puri ng wala siyang laban.

"Istorbo." ani ng lalaki na pasuray-suray na naglakad palabas ng pub.

"Pwede ka ng tumayo diyan."ani ng gwapong lalaking tumulong sa kaniya kaya agad na bumangon at tumayo si Romary sa pagkakahiga niya sa sahig.

" Salamat sa pagtulong, akala ko talaga..."

"...ikaw ang bagong waitress ng pub hindi ba? Naabisuhan na kami ni Diablo sa pagdating mo, sa mga susunod na araw huwag kang lalabas ng magiging silid mo pagdating ng umaga. May mga katulad ni Baldo na lalamunin ka ng buo pag pagkalat kalat ka lalo na at bago ka dito." pahayag nito sa kaniya.

Hindi expected ni Romary na ganito kalala at kapanganib ang lugar na pananatilihin niya para sa kaniyang misyon.

"Tatandaan ko 'yan salamat ulit."ani ni Romary na bahagyang ikinangiti ng gwapong lalaki sa kaniya.

"Primo ang pangalan ko, bartender ako sa pub na 'to. Pasalamat ka napadaan ako dito kung hindi nabinyagan ka na ni Baldo, sumunod ka sa akin, dadalhin kita sa opisina ni Diablo."ani nito bahagyang ikinaatras ni Romary ng biglang lumapit ang gwapong mukha ni Primosa mukha niya na sa lapit ay pwede na niyang ikaduling.

"Maganda ka, kaya mag ingat ka dito. Hindi normal na pub ang pinasukan mo." may ngising ani nito na tinapangan ni Romary ang kaniyang mukha.

"Alam ko ang pinasukan ko, pero kailangan ko ng pera kaya kahit mapanganib papasukin ko."sagot ni Romary na bahagyang ikinatawa ni Primo.

"Kakaiba ka, sumunod ka sa akin binibini."

"Rose Nepunan ang pangalan ko at hindi binibini." ani ni Romary habang nakasunod siya kay Primo.

"Rose, welcome sa Black Manta, enjoy ka lang dito." ani ni Primo na nagpamulsa ng hindi na muling nagsalita.

Nakasunod lang si Romary dito at nakatingin siya sa likuran ni Primo, aaminin ni Romary na mas gwapo ito ng matitigan niya ito ng maayos. Meron itong broad shoulder at pang bad boy style ang damitan nito pero bagay naman dito. Bahagyang napailing nalang si Romary at tinigil ang panunuri kay Primo na sa tingin niya ay makakasama niya sa pagtatrabaho sa mapanganib na pub na pinasukan niya para sa kaniyang misyon.