Tawang-tawa si Faye habang nag-aabang kami ng masasakyan tungo sa UV University, sikat din itong paaralan na ito, specially made for outstanding students. Kailangan ko kaseng makausap ang kaibigan naming si Hugo dahil doon nag-aaral, this is a serious matter na dapat malaman niya. I also need his help.
"Slay Florae..." Tawa pa niya habang tinaas ang kamay at pumara ng taxi, inirapan ko nalang siya at sumunod na pumasok sa loob. "Galing mo ha, ikaw na! Laplap pala tong katapat ni Stephen eh." Wika pa nito at pumalakpak, sinulyapan naman kami ni manong driver through the front mirror, baliw na ata ito.
Pagkatapos ng eksena kanina, wala na kong ganang pasukin ang next class ko at total tapos na rin ang klase ng kaibigan ko, niyaya ko nalang siya na kausapin si Hugo. Matagal na kasi nung huli na kaming nagkita, marami akong iku kuwento sa kanya at siguradong mabibigla ito.
"Girl take note, hindi laplap okay? AKO ang katapat niya. Konti nalang, at bago pa dumating ang deadline na sinasabi ng lalakeng yon, I will have him wrap around my slender fingers!" I smirk at that thought, desperada na kung desperada, malandi na kung malandi but look how love can turn me...Crazy isn't?
"Thank you po manong," napabuntong hininga ako habang nilibot ang paningin ko sa hindi gaanong pamilyar na campus, ang lawak nito, tatamarin ka talagang maglakad kung dito ka mag-aaral. Balak namin sanang tawagin si Hugo ngunit nalaglag ang cellphone niya sa dagat last week nung namasyal kami, wala kaming contact man lang sakanya. Walang choice kundi maglakad kaming dalawa papunta sa pinakadulo na building, doon kase ang classroom at kadalasang pinapasok nito.
"Hindi naman tayo multo ah, bat ganyan sila makatingin?" Ewan ko ba pero nakakatakot ang mga students dito, parang gusto nila kaming kainin. Ibang-iba ang mga titig, may nag-iikot ng mata, may tataasan ka ng kilay, meron naman yung feeling maganda na tititigan ka simula ulo hanggang paa.
"Inggit lang mga yan, pano eh utak lang ang sa kanila tayo eh ganda!" Truth to be told, mga students dito very competitive kaya itsura nila parang zombie, yung walang tulog na may eyebags pa under eyes at very grey na labi. Naka eye glasses pa at kahit san ka lumingon lahat nakahawak ng libro. Guys enjoy your lives kahit sandali lang naman okay?
"Meryenda muna tayo don kapagod maglakad," aya ko sakaniya at mabilis naman siyang tumango, may canteen kasi sa harap ng building nila kaya nagpahinga muna kami. "May mga guwapo parin pala dito," I heard Faye saying it to me while chewing her burger. Yeah mga Engineer students ang mabili dito sa UV University, they known as the Construct Wrecker Students, ang gagaling nila at mga talagang skilled ang mga ito.
Full package pa nga eh, matalino na nga, guwapo pa, katawan pang busog sa muscles ang mga ito. Kaya kapag naging jowa mo ang isa sa CWS Engineering Students, aba magiging hot topic ka sa buong campus, aabot pa nga ito sa AHA University kung saan kami nag-aaral.
But still, my Stephen is the the best among the rest, duh walang makakatalo sa lalake ko kahit CWS student payan!
"Lorae?" Bigla akong napatingin sa likod nang marinig ko ang boses na iyon, ma awtoridad din ito pero kaya lang may under sound na pambabaeng tinig.. Gay thing!
"Hugo oh my gosh, akala ko aakyatin pa namin yang napakatass na building niyo para lang makita ka!" Kagaya ko masayang yumakap si Faye kay Hugo, Im glad din dahil nandito siya, I don't wanna deal with that high building anyway!
"Mga bakla gusto ko sana kayong paakyatin para makita naman kayong magdusa sa hindi pagbisita sakin ng halos one week!" Tampong saad niya. Yeah we know that Hugo, masyadong naging busy lang talaga ako sa lovelife ko.
"Eh bakit ka baba?" Si Faye ang nagtanong habang niyaya niyang umupo si Hugo. "Sa sobrang kagandahang taglay niyo kase mga former students kong CWS gustong bumababa makausap lang kayo!" Hampas niya sa braso ni Faye, habang natigilan naman ng kaibigan kong babae ang nginunguya at bumaling ang atensiyon niya sa lalake.
"Ta....Talaga? Uy sino ha? Pakilala mo naman ako!" Tumawa naman ako sa reaksyon niya, mukha naman kaseng mauubosan siya ng lalake sa mundo.
" Yun nga, kaya bumaba nalang ako kaysa maunahan pa ako diba? Ano kayo sinusuwerte, mamimingwit ng CWS students dito samantalang ako wala pang love life!" Reklamo na naman niya, ayaw talagang bigyan ng lovelife si Faye.
"Hugo naman eh!" Tumawa nalang ako at napa iling-iling.
"Ikaw Lorae kumusta kayo ni kuya?" Itong baklang toh curious sa lovelife ko samantalang ayaw niya ibigay sakin ang number ni Stephen.
"Ayun, pinarusahan ko ang labi niya," napasinghap siya at mukhang na excite.
"Gago, nag sex na ba kayo ng kapatid ko?" Humagalpak naman sa tawa si Faye sa tabi ko, hindi makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bunganga ni Hugo.
"Grabe ka naman, nililigawan ko palang! Ayaw ko namang mag jump agad sa honeymoon thing noh!" Sagot ko. Doon naman siyang napaubo sa sinabi ko, hinagod ko ang likod niya at inabutan siya ng tissue.
"Bigla ka ata future brother-in-law" I mock him sabay ngisi. "Seryoso? Ikaw na babae ang manliligaw sa kuya ko? Hindi ba baliktad yon?" Gosh suportahan mo nalang ako puwede?
"Walang baliktad pagdating sa pag-ibig Hugo, kaya kung ako sayo ibigay mo na sa akin ang phone number niya, para mayaya kona siyang manood ng sine at mag date!" Proud ko pang sabi, may tama na ata ako, parang nalalasing ako sa tuwing pinag-uusapan namin siya.
"Gusto kitang tulungan promise, hindi lang talaga gustong nagbibigay ng number si kuya Stephen, mismo ngang fb friend request ko ayaw i accept. Hhssss! Ewan koba kung kapatid ko pa yung mokong na yun!" Sinabunutan ko ang buhok ko, pano na yan naiinis talaga ako.
"Pero bigay ko na lang number ko, kung gusto mong makibalita, malay mo mamaya ikakasal na siya," what the fuc.... Hindi na nga nakakatulong nagbigay pa ng isang biggest WHAT IF sa buhay ko!