Chereads / Lorae / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

"So you mean, you two are together since highschool?" Mariin lang akong nakikinig sa usapan ng dalawa, it turns out the guy name is Nhil and he is new in our University. Magkaibigan pala sila ni Stephen, I wonder kung bakit hundi na influence ng ugali ni Nhil ng lalakeng yon.

Napakabaliktad kase ng dalawa, mabait at palangiti itong si Nhil, while the other is nothing but a heartbreaker person, but advantage lang niya mahal ko.

"Yeah, childhood best friends I must say. Wala naman talagang pinagbago yung lokong yun, sungit padin." Sagot naman niya habang hinihinaan ang boses kung makakaya.

Well nagtatago lang naman kase kami sa library or ako pala yung nagtatago. Nag viral na naman kasi ako sa buong campus, sa panliligaw ko at sa pang ba busted sakin. Nasa sulok kami kaya walang nakakakita o nakakarinig samin ngayon.

"And Lorae, lakas naman ng loob mong manligaw, at kay Stephen pa talaga huh? Tignan mo nga naman na reverse na ang mundo!" Sige tumawa ka pa at marinig tayo ng librarian.

"Patay na patay yan sa best friend mo. Para ngang siya yung lalake sa kanilang dalawa, hard to get naman kasing itong Stephen eh!" Dinagdagan pa hayyyss, bumaba ang tingin ko sa relo at naalalang may klase pala ako, tumayo na ako at nagpaalam. Ayaw ko naman silang madamay sa eskandalong to, kaya kahit gusto nilang makisabay paglabas pinilit ko nalang mapag-isa.

And as expected may mga chismosa na naman sa paligid.

"Lumabas na sa lungga!"

"Di ba siya nahihiya sa sarili niya?"

"Ako ngang sing-ganda ni Medusa di pinansin, tsk!"

Mga ingiterang mga toh! Di niyo lang kase magawa yung ginawa ko dahil waka kayong lakas ng loob mag-confess! Takot kasi kayo sa denial, bat di kasi kayo mag try? Huh?

Humarap ako sa tatlo at ngumiti ng matamis, yan mabigla kayo sa kagandahan ko! Inis na din ako, kanina pa nila akong pinag-uusapan! Nakakarinig ako at nakakaramdam, hindi po ako manhid!

"Aim high and hit the mark po ang ginagawa ko, at kung hindi niyo naman maintindihan, search niyo sa google, bitches!"

Tinalikuran ko sila at lumiko, sakto namang nakarating na ako sa classroom at pumasok, may nagbububulungan na naman. Minutes later nag start na ang klase at mabilis akong boring.

To Hugo:

Busted ako sa magaling mong kuya kanina

Kahit alam kong on going ang klase nila nag text pa din ako, wala kasing magawa eh!

From Hugo:

Concentrate Lorae, your having a class

To Hugo:

Kailan ka pa nanging concern sa academic thing ko? At saka wag mo ngang ibahin ang usapan!

Halos tumalon naman ang puso ko nang may malakas na puwersa na tumunog at sumampal sa arm chair ko. Tumingin ako pai taas at kita kong galit ang Professor namin, ay lagot!

"If your not interested Ms. Hermosa, you better get out!" This is Mrs. Fernandez, muntik ko nang nakalimutan, she's a strict one.

Kung ang ibang Professor namin ay walang paki kung nakikinig ka man o hindi, ibahin niyo to, ayaw nang disturbance sa klase.

"Get out!" I dont have the right to talk back, kasalanan ko and I admit naman. I gathered all my things and stood up, pinagtitinginan nanaman ako ng mga ka klase ko.

Lumabas na ako at sinenyasan ang isang kaibigan sa loob upang mag take notes nalang at maki update nalang ako sa lessons.

Ritch ang pangalan niya, mabait siya at kapag nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa nagsesenyas nalang kami.

Humugot ako ng hininga at lumalim ang inisip. Na busted, napag-usapan at napalabas pa! What a day Lorae, wala bang suwerte ngayon ha!

From Hugo:

Serves you right

Teka nakikita ba ako nang baklang to? Luminga-linga ako sa paligid, wala namang Hugo. Maya-maya pa ay may tumawag sa pangalan ko,

"Lorae," kumakaway pa si Nhil nang nakita ko, pagod ako kaya tatalikuran ko na sana siya nang makita kung sino ang nasa likuran niya, Stephen. Kumabog naman ang puso ko, nasa ilalim sila ng puno, nakahawak si Nhil ng libro mukhang nagbabasa habang nakahawak naman ang isa ng... Gitara?

Mabilis kong tinawid ang distansiya namin, this is an opportunity wag sayangin sigaw ng isipan ko. "Hello Stephen," masayang bati ko pero walang imik ito, di din ako pinansin.

Tumabi na ako sa kanya. "I can teach you how to play a guitar you know," pansin ko kasing nahihirapan siya at para talagang wala itong alam sa pagpapatugtog ng gitara.

"You know, I can also teach you to shut up," malamig ang mata niyang asul ng tignan ako, talagang ayaw sakin.

"Nhil, bilhan mo nga ako ng ice cream don sa canteen, yung mango flavor," utos ko sakanya, gusto ko kasing makasama ng solo si Stephen.

"What the, meron ka namang mga paa, uutos pa eh!" Maktol naman nito, pinanlakihan ko nalang siya ng mata, at nang makuha niya kung anong ibig kong sabihin tumango ito at mabilis na tumakbo.

"Ummm.. Stephen a-ayaw mo ba yung-yung rosas na bulaklak?" Walang sagot, concentrate lang sa pag ple play ng gitara kahit weird sounds na ang lumalabas dito.

"Ah kung ayaw mo, sige ano bang gusto mo? Tulips ba o dahlia flower, maganda naman ang mga iyon. Tsaka anong gusto mong ulam, balita ko ayaw mo daw kumakain sa canteen" Expect ko nang walang sagot kaya nagpatuloy nalang ako, malay ko ba kung sasagot mamaya.

"And gifts, ummm..regalo. Anong gusto mo? Bibilhin ko dali sabihin na. Ah e-eto pala kung puwede, ammm.. Gusto mo bang ako na din yung susundo sayo sa condo mo, alam kong may kotse ka pe-pero mahal ang gas ngayon hahaha"

Awkward laugh, anong ginagawa ko my gosh! Mahal ang gas eh mas mayaman pa yang kaharap mo kaysa sayo! Napatampal ako sa mukha at pinikot ang sariling daliri, kainis!

"Sumagot ka naman oh, kanina pa ako salita ng salita dito!" Wala-wala pa ring sagot ang isang to, parang kinakausap ko na din ang sarili ko. Sige na nga!

"Just tell me what you want and let me get it for you!" Ayun sumigaw na nga ako sa harapan niya, and guess what napatigil siya sa ginagawa at humarap sakin. Pero hindi padin nangsalita, nakatitig lang, nakabahan naman ako. Ayaw kong mag meet ang mata namin, guwapo kase siya kaya ako nalang umiwas.

"Yo-you know, I-I can fetch you. Dadaan din naman ako sa condo mo papuntang school. Tapos nag babaon din ako ng lunch minsan kaya why not kung ipagluto din kita. Sabihin mo na din kung ano ang gusto mong klase ng bulaklak kahit sa ibang bayan pa yan kukuha ako. Tas ummm regalo ano bang gusto mo?" Nagtagpo ang mga mata namin, nahihilo na naman ako nang maamoy ang mabango nitong natural scent.

Huli na din nung na realize ko na napakalapit na namin sa isat-isa. Tinignan ko siya ng mabuti, wala itong reaksiyon ngunit kitang-kita ko kung gaano niya ako titigan na para bang ngayon lang nakalapit at nabigyan ng tsansa upang pagmasdan ako.

Ano ba toh, hulog na hulog na ako saluhin mo naman ako oh!

"Al-alam ko din na ayaw mo sa chocolates sinabi sakin ni Hu----hmmmmp..." Hinalikan ako...

Hinalikan ako?! Ramdam ko ang malambot nitong labi sa akin, naging mahina nanaman ako, gustong magpa angkin ang uhaw kong labi. Bumilog ang mga mata ko, pero walang gumalaw samin nagdikit lang ang labi. Dahan-dahan niya itong pinakawalan at para akong mamamatay ng ngumisi ito sabay haplos ng daliri niya sa labi ko. Hindi ako makasalita man lang sa mapang-api nitong mga daliri at mata.

"Teaching you to shut up," Lumapit pa ito sa mukha ko at inilabas ang dila at tinanggal ang daliri niya, dinilaan niya ang labi ko, hinagod niya ito ng napakasarap. Gusto kong ibuka pero pinipigilan ng mga daliri niya.

"Shh," nababaliw na ako legit! Hinipan niya ang labi ko at nagsimulang gumulo ang sisitema ko.

"Bigas Lorae," sambit niya sa pangalan ko, napakaganda iyon, parang nang-aakit.

"Bigyan mo ako ng bigas," bulong nito at lumawak ang ngisi, para niya akong pinapaamo na hindi ko maintindihan. Lumayo siya sakin at nawalan ang init ng katawan ko. Pinulot niya ang mga gamit sabay talikod at lumakad papalayo sa puso kong gulong-gulo.

AUTHOR'S NOTE: To continue reading this short novel please visit my second account Rosybrylle. There were changes that been made, and search for the title TARGET DATE, it's the original title of this novel. I will update this ongoing story under TARGET DATE. Thank you for your appreciation!