Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 3 - FIGHT IN THE FIRST MEETING

Chapter 3 - FIGHT IN THE FIRST MEETING

Nang muling magka-malay si Veronica ay natagpuan niya ang kanyang sarili na nakahiga sa isang malambot at malaking kama na may kulay pulang sapin. Iginala niya ang paningin at tumambad sa kanya ang malawak na kwarto na kulay ginto na parang kasinlaki ng isang buong sukat ng bahay nila.

"Nika.. You're awake?" Tinig ni Rowel ang kanyang narinig.

Hinanap niya ang lalake at nakita niya itong naka-tayo sa may gilid ng kanyang kama. Iba na ang suot na damit ng lalake at parang takot ang naka-bakas sa mukha ng katrabaho.

"Where are we?" Tanong niya dito habang sinusubukan niya ang tumayo.

Napa-kunot ang kanyang noo ng mapansin ang maliit na brasong naka-patong sa may tyan niya. Nang lingunin niya ang kanyang kanang tagiliran, isang batang may mahabang buhok na kulay aqua blue ang nasa kanyang tabi na mahimbing na natutulog.

"May anak na ako?!" Namimilog ang mga matang tanong niya kay Rowel.

"Baliw! Hindi mo anak yan! Yan yung.."

Naputol ang sasabihin sana ni Rowel ng bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok ang isang lalake na naka-suot ng kulay itim na office suit na may silver accessories na naka-connect sa may ibabaw ng bulsa ng damit patungo sa may balikat ng lalake. May suot din ito na kulay white na gloves at reading glass?

"Mabuti at nagka-malay kana." Ang sabi ng lalake ng tumingin sa kanya.

Pero ang mata ni Veronica ay napako sa lalakeng kasunod na pumasok ng nauna. Maaring isang panaginip lang ang nangyayari sa kanya dahil kung hindi, napaka-imposible naman na may isang lalake na hindi lang matangkad, ay sobrang gwapo pa!

"May I know your name?" Tanong ng lalake na naka-salamin.

Hindi siya agad naka-sagot. Bakit parang gusto niyang marinig magsalita ang lalakeng naka-tayo katabi ng ng naka-salamin? Ang itsura ng lalake ay talagang nakaka-bighani, makakapal ang kilay nito na tinernuhan ng kulay green na mata, malalantik at makapal din ang pilik-mata na parang nagpa-eyelash extention!, his lips is color dark red na parang vampire pero for sure hindi siya vampire. Ang ilong na tinalo pa ang nagpa-retoke. Oh siya! Siya na ang pinaka-gwapong anghel na nakita niya!

"My butler is asking you. Are you just going to stare at me without answering his question?" Kung kasing hot ng masarap at mainit na kape ang itsura ng lalake, masasabi niyang kasing lalim ng dagat at kasing-lamig ng yelo ang boses neto.

Pero bakit parang galit ang tono ng lalake kung magsalita? Kung hindi lang niya gusto ang kulay ng buhok neto ay baka mabalagbag niya ito ng sagot. Buti na lang kulay light brown ang buhok ng lalake na gusto-gusto pa naman niya.

"Ang sabi ng Mama ko, bago ko daw sabihin ang pangalan ko, dapat sabihin muna ng nagtatanong ang pangalan nila." Sagot niya sa lalake na automatic ang paglalim ng kunot ng noo. "What is your name?" Matamis na ngiti ang ibinigay niya sa lalakeng parang susugod sa gyera ang naging ekspresyon ng mukha.

Seryoso?! Galit ba ang lalake sa mga babae or what?! Hindi niya pinansin ang pagsinyas ni Rowel sa may gilid ng kama niya. Pati ang tinukoy na butler ay namutla din pero hindi niya pinansin. Bagkus ay muling bumuka ang bibig niya.

"If you don't want me to know your golden name, then it's fine. Wag ka magalit sir, sayang yung kagwapuhan mo, tsk! Gusto ko pa naman din mag pa-picture sayo." Aniya rito bago sinubukang tanggalin ang braso ng bata sa beywang niya.

"If she doesn't want to tell her name, don't give her food to eat." Madilim ang anyo na wika ng lalake bago tumalikod.

Tama ba ang narinig niya? Food? Marahas siyang napa-sulyap sa lalakeng malapit na sa pintuan.

"Hey! Mr. Sungit! My name is Veronica, Veronica Manalo. Please send me food, yung may sabaw ha! Tapos side dish na rin. Mukhang yayamanin ka naman eh!" Malapad na ngiti ang muling sumilay sa labi ni Veronica na agad ding nawala ng bigla na lang siyang nakaramdam na para bang sinasakal siya.

"Your Highness! Please calm yourself!" Sigaw ng lalake na butler.

Saka lang niya napansin, naka-unat pala na pala ang braso ng lalake na tinawag na Your Highness ng butler at naka-tutok sa kanya. What the hell?! Is this magic?!

Hindi siya bobo para hindi maunawaan na ang lalake ang dahilan kung bakit nasasakal siya.

"Ugh!" Naka-kunot ang noo niya habang naka-titig sa kulay green na mata ng lalake.

Galit ang nababasa niya sa mga mata neto at pagka-disgusto. But what the fuck?! Bakit ito magagalit sa kanya? Hindi naman niya kagustuhan na mapunta sa lugar na kinahihigaan niya ngayon.

"Nika!!" Tawag ni Rowel sa kanya.

Pero hindi rin ito nakalapit sa kanya dahil siguro sa another magic na pinakawalan ng lalake. Dinig niya ang paulit-ulit na tawag sa kanya ni Rowel pero parang nahihilo nanaman siya ulit.

"You're in my castle, I am the king here. So wala kang karapatan na utusan ako. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil binuhay pa kita at dinala dito sa loob ng palasyo." Mariin na sabi ng lalake na parang lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

Nasa oras na sya kung saan mawawalan na siya ng malay ng isang malakas na pwersa ng tubig ang tumulak sa lalake at malakas itong tumilapon sa may pintuan.

"Ugh! You!" Tumayo ito upang sana ay umatake ulit subalit bigla itong natigilan ng makita ang nilalang na humarang sa harapan ng babae.

Samantala, sunod-sunod na ubo ang ginawa ni Veronica ng sa wakas ay makalaya ang kanyang leeg sa magic ng lalake. Idinilat niya ang isang mata na naluluha pa at sinulyapan ang nasa kanyang harapan. Ang bata na nasa 5 taong gulang na kanina lang ay natutulog ng mahimbing sa kanyang tabi, ay naka-tayo na sa kama at pinoprotektahan siya.

"Who the hell are you, to have guts to hurt my m.. er." Medyo nabulol pa ang bata sa huli netong sinabi.

"Mother?!" Tanong ng lalake na unti-unting tumayo.

Pati si Veronica ay napa-kunot din ang noo. Mother ba ang sinabi ng bata? Hindi siya sure.

"What did you call me?" Tanong niya dito.

Nilingon siya ng bata na ngayon niya lang napansin ang kulay ng mga mata, wait, they have the same eye color?! Nasapo niya ang kanyang ulo ng bigla pang may naalala.

"Master!!!" Napamulgat si Veronica ng sumagi sa isip niya ang eksena sa buhangin.

Bago siya muling nawalan ng malay, there were a dragon, no! It's like electric eel na nag-evolve as dragon ang kanyang nakita. Ang mga mata ng nasabing dragon at ang mga mata ng batang nasa harapan niya ngayon ay parehas! And most of all, ang kulay ng buhok nito ay kasing kulay ng katawan ng dragon.

"Wait, are you that... In the sea shore?!" Gulat ang nababakas sa kanyang mukha.

Tumango ang bata at mabilis na dumamba sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit.

"I miss you!!" Ani pa nito sa kanya.

Natutop ni Veronica ang bibig. So cute!! Wahhhh! Wait.. Hindi pa oras para maging baliw sa harap ng bata. Nilingon niya ang lalakeng naka-tayo na. Sobrang dilim ng anyo nito na para bang gusto na namang manakit.

"Wait.. Don't hurt the child! He's just 5-years old!" Bulalas ni Veronica ng gumalaw ulit ang kamay ng lalake.

"She's your son?! And he has magic? Kailan pa muling nagkaroon ng Huluwa sa Drakaya Kingdom na hindi ko alam?!" Dumagundong ang boses ng lalake sa loob ng kwarto na yun.

"Huluwa? What's that?" Napa-tilt ang ulo ni Veronica habang nagtatanong. "No, more importantly, anong lugar ang binanggit mo na kinalulugaran ko?" Tanong niya dito gamit ang seryosong tono ng pananalita.