Chereads / THE ABYS WHERE I BELONG / Chapter 4 - SHOCKING REALITY

Chapter 4 - SHOCKING REALITY

Kunot noong tinitigan siya ng lalake at ganun din naman siya dito. Habang tumatagal ang kanilang pagti-titigan, napapansin ni Veronica na lalong nadadag-dagan ang galit na namumuo sa mata ng lalake. Gayunpaman, hindi siya bumawi ng tingin hangga't hindi ito nag-sasalitang muli.

"Have you encountered an accident yesterday?" Sa halip na sagutin siya ng lalake, tinanung pa siya.

Napa-isip si Veronica. Yesterday, yeah.. nasapo niya ang dibdib ng maalala ang nangyari kahapon. Automatic na napa-luha siya kaagad ng maalala ang mga kasamahan na nakita niyang napa-sama sa sumabog na eroplano. Naikuyom niya ang palad na naka-hawak sa kumot at nanginginig ang katawan na hinagilap niya ng tingin si Rowel.

"Tayo lang bang dalawa ang talagang naka-ligtas?" Pumipiyok na tanong niya sa katrabaho na agad namang tumango bilang sagot.

"Huh!" Pabagsak na nahiga ulit si Veronica at ipinatong ang kanyang braso sa may noo. "Then, where are we now?" Naka-pikit na tanong niya.

"I told you, you're at my palace." Narinig niyang sagot ng masungit na may-ari ng palasyo.

"Palace.. England?" Mahinang usal niya.

Sa totoo lang, alam niyang hindi sila sa England. Obvious naman na marunong managalog ang mga naka-tira sa palasyo na sinasabi ng lalake. Subalit kahit papano, gusto niyang umasa na buhay pa siya at maari pang bumalik sa mga magulang niya.

"No, you're in Drakaya Kingdom. Located in dragon's triangle." Sagot ulit ng lalake.

Walang tinig na namutawi si Veronica. Subalit nakita ng lahat ng tao sa loob ng kwarto na mahigpit niyang ikinuyom ang palad. Gumalaw din ang kanyang panga na nagpapahiwatig na naka-tiim ang mga bagang niya. Dragon's Triangle, is a place na pangalawa sa Bermuda Triangle na matatagpuan sa Romblon. Walang ano mang sasakyan ang nakakabalik kapag napa-daan sa lugar.

"This place is my territory, but it's just a part of the entire land. It seems that you're a new comer. So sasabihin ko na sa iyo kaagad ang mga patakaran ko sa palasyo..."

"May paraan ba para maka-balik kami sa mundo namin?" Ang masiglang boses ni Veronica ay napalitan ng malamig at walang buhay na tinig.

Nang wala siyang narinig na sagot, lihim siyang napalunok. So, walang paraan para maka-balik sa mundong ibabaw na kinabibilangan niya? Then, paano ang mga magulang niya na umaasa sa kanya?

"If there's a way, wala na sanang Huluwa dito sa Drakaya." Ilang sandali pa bago niya narinig ang sagot ng lalake.

"Are we still alive?" Tanong niya ulit.

"Yes."

"Can you kill me?"

Ang tanong ni Veronica ang nag-patayo ng tuwid sa tatlong lalakeng naroroon. Kung hindi rin lang siya makakabalik sa mga magulang niya, then what's the point of being alive?

"I can't do that. But if you really wanted to die. You can go to the Black Fog mountain." Walang pakialam na sagot ng lalake.

Ang Drakaya ay malaking lupain na sakop ng Terra Crevasse. Lugar na katulad ng mundong ibabaw, may sarili itong araw, buwan at bituin. Ang buwan sa Terra Crevasse ay pito, ang pitong buwan ay sumisimbolo sa tunay na diyos ng mga taga Terra Crevasse, Ang Bakunawa.

Ang Black Fog Mountain ay matatagpuan sa may timog-kanluran ng lugar, dito namamahay ang mga halimaw na kinatatakutan ng mga taong naninirahan sa lugar. Kung paano mauubos ang mga halimaw ay wala paring nakaka-alam. Bagamat nagkaroon ng discovery noon na pwedeng alagaan ang mga nasabing halimaw. Tulad ng ginawa ng dating tiyuhin ng prinsipe na ngayon ay isa ng hari ng Drakaya.

"Alright.." Walang buhay na sagot ni Veronica.

"Nika! You can't go there! Narinig ko sa mga trabahador sa labas na ang Black Fog Mountain ay pugad ng mga halimaw!" Biglang taas ng boses ni Rowel na lumapit pa sa higaan niya.

"I'll prepare a carriage for you two then." Ang hari ang nagsalita.

Narinig ni Veronica ang pag-bukas at pag-sara ng pintuan kaya dahan-dahan niya na ring inalis ang braso sa kanyang noo na tumatakip sa kanyang mga mata. Sinalubong ang kanyang paningin ng mga mata ng dalawang nilalang na naiwan sa loob.

"Kung gusto mong bumalik sa mundo natin, then let's find a way! Bakit kailangan mong pumunta sa lugar ng mga halimaw para mag-pakamatay?!" Gigil na sabi sa kanya ni Rowel.

"Well, going there is not that dangerous. I'm with you master!" Sabi naman ng batang naka-upo na sa tabi niya.

Napa-sulyap silang dalawa ni Rowel sa bata at sabay pa nag-tanong.

"What are you, anyway?"

"Me? I'm Drakaya, the God of this world." Seryosong sagot ng bata.

Napa-taas ang kilay ni Veronica at ganun din si Rowel. Dahan-dahan din siyang bumangon at seryosong napa-titig sa bata. Ilang sandali pa ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi at kasunod nun ay ang malamig niyang pag-tawa.

"What the fuck?! Rowel! Paki-sapak nga ako. Sasabog na ang utak ko sa pag-iintindi ng nangyayari sa buhay natin, dumagdag pa itong indong na ito!" Halos masabunutan ni Veronica ang sariling buhok dahil sa frustration na nararamdaman niya.

"Indong? What's that?" Tanong ng bata na napa-tilt pa ang ulo.

"Hah! Seriously?!" Sinulyapan ulit ni Veronica ang bata at sa ka siya na buga ng hangin. "Kung hindi ka lang cute, inulam na kita!! Grrrr!" Bulyaw niya dito na mukhang naintindihan naman ng indong.

Isang butil ng luha ang sumilay sa magaganda nitong mata na nagpa-tigil kay Veronica at Rowel.

"You want to eat me master? But I can get some fish for you! I can even cook them for you. Don't eat me! I still want to serve you..! Waahhh!" At umiiyak na nga ang batang indong na nag-pataranta naman sa kanila ni Rowel.

"Hussshh.. Alright, I won't eat you.. So stop crying! Oh my God!" Bulalas ni Veronica.

Napa-sulyap siya kay Rowel at nakita niya itong napapa-ngiti. She let out a sigh and then pulled the little guy to her embrace. Wala siyang choice kundi ang makipag-sapalaran sa bagong mundong kinabibilangan niya ngayon.

"Then, let's get out of here. Hindi tayo welcome dito." Maya-maya pa ay sabi niya.

Napa-tango naman si Rowel at binuhat ang batang indong pababa sa kama upang makatayo na siya. Nilingon niya ang bata ng maka-tayo na siya sa sahig.

"Let's change your name, dahil kilala ng mga taga dito ang pangalang Drakaya, it's so hussle for us to wonder around kapag yan ang pangalan na gagamitin mo." Kausap niya ang bata na nag-pupunas pa ng luha.

"Y-you can give me a name master.. If you want, I can also turned into an adult para mas maprotektahan kita." Sagot ng bata.

"You can changed your human form? I thought you really a child." Sagot niya habang tinatanggap ang basang tela na inaabot sa kanya ni Rowel. Pang punas niya daw.

"I'm already 15-thousand years master. Do you think I'm still a child?" Tanong ng bata sa kanya habang binabalot ng tubig ang buo nitong katawan.

Oh gosh!! Mababaliw na talaga siya! Hindi na biro o panaginip ang nakikita niya. Maka-totohanan na talaga ito. Ilang sandali pa, tumambad sa harapan nilang dalawa ni Rowel ang isang lalake na may makakapal ng kilay na kasing kulay ng aqua blue nitong buhok na umaabot sa beywang, mga matang parehas sa kulay ng kanyang mga mata, pilik mata na malalantik na kulay aqua blue din. At labing heart shaped na kulay fuchsia pink.

Bumaba ang tingin niya sa may dibdib nga lalake at literal na napalunok si Veronica. Broad shoulders with perfect six abs and....

"Enough looking! Damn it!" Awat ni Rowel sa kanyang naglalakbay na mga mata.

Sheeit! Konting-konti na lang makikita na niya yun eh! Humarang pa itong Rowel na ito.

"You! Get yourself a clothes from there!" Bulyaw ni Rowel sa indong na binata na, hindi na bata.

Mabilis namang sumunod ang inutusan. Dalawang minuto lang at bumalik na ito. Suot ang maroon long sleeve na tinupi na pa hanggang siko at nakabukas ng dalawang butones sa may dibdib.

"Parang gusto ko talaga siyang kainin.." Bulong ni Veronica na sinagot naman ni Rowel ng isang may kalakasang batok sa kanya. "Aray!" Aniya.

Naka-suot na rin ng black slacks ang binatang indong at saka lumapit sa kanya. Napalunok si Veronica ng sunod-sunod, gosh! This is called, heaven after death! Sigaw ng utak niya.

"I'm ready to leave this place, Master." Pati boses ng electric eel ay naging masarap na rin sa pandinig. Malamig at parang paos..

"Ahmmm.. Then... Let's eat together!" Sagot niya.

"Huh?!" Napa-tilt ang ulo ng indong dahil medyo naguluhan sa sinabi niya.

Again, isang batok ang natanggap niya kay Rowel.

"Sorry, I'm really hungry.." Naka-pout na sagot niya.

"Master, please give me another name before we go to Black Fog Mountain." Paalala sa kanya ng gwapong electric eel.

"Then, from now on, your name is.. Leviathan Ravine.."

Napa-singhap si Rowel sa tabi niya kaya napa-lingon siya dito..

"Where did you get that name?" Tanong nito sa kanya.

"Secret.. Let's go.." Tatalikod na sana siya ng biglang pumulupot ang braso ni Ravi sa kanyang beywang kaya napa-lingon siya dito.

"We can just go there by teleportation, Master." Anito saka sila binalot ng tubig kasama si Rowel.